NICCOS ALLISTAIR...Masaya nilang pinagsaluhan ang niluto ng kan'yang ina at ng kasintahan. Tuwang-tuwa si Kianna na nakuha nito ang tamang timpla na gusto ng kan'yang mommy.Masaya din ang kan'yang mga magulang na nakatingin sa kanilang dalawa ni Kianna.Kuntento na s'ya sa ganitong buhay kasama ang mga importanting tao sa kan'yang buhay.Ang sana kakain lang sa bahay ng mga magulang ay nauwi sa sleep h over. Hindi na sila pinayagan ng mga magulang na umuwi na ikinatuwa lalo ni Kianna.Gustong-gusto kasi nito na ka bonding ang mommy n'ya. Naintindihan n'ya naman dahil lumaki ito na walang ina at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na makaranas ng pag-aruga ng isang nanay.Thanks to his mom and for her love to Kianna. Kitang-kita naman na gustong-gusto din ito ng kan'yang mommy kahit pa maloko ito.Lumipas ang mga araw at ang saya na nararamdaman n'ya ng ilang buwan na kasama si Kianna ay mukhang hindi na magtatagal.Madalas ay kasabihan ng mga nakakarami na sa bawat saya at ligaya n
NICCOS ALLISTAIR...Dumating ang mga kapatid n'ya para tumulong sa paghahanap. Pati ang ama ni Kianna ay napapunta rin sa Pilipinas ng mabalitaan nito ang nangyari.Nasa bahay sila ng mga magulang nagtipon-tipon para sa plano na paghahanap sa kasintahan.Dumating din ang mga kaibigan ng kan'yang kuya Nicollai at nag offer na tutulong sa paghahanap. Wala s'yang maayos na tulog at kain dahil sa kakaisip kay Kianna.Nasa library sila ng bahay at kasalukuyang nag checheck ang kuya Red n'ya ng mga cctv sa mga lugar na pwedeng daanan ni Kianna ngunit nanlumo s'ya ng makitang walang kahit na anong bakas na napadpad si Kianna sa mga ganitong lugar."Damn! Paano nagawa na makaalis si Kianna kung walang mga record ng cctv sa possibling daaanan n'ya?" reklamo ni Red habang nakaharap sa laptop nito."Pati ang guard house ng village na tinitirhan mo Allistair ay walang makikitang Kianna na lumabas," dagdag pa nito."Pula e-check mo yong digital record ng mga guest and visitors na pumapasok at l
NICCOS ALLISTAIR...Nagising s'ya na parang binabarina ang ulo dahil sa sobrang sakit."Ahhhhhh!" ungol n'ya sabay sapo ng ulo ngunit natigilan s'ya ng maramdaman na parang may nakakabit sa kan'yang mga braso. Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at nakitang may mga swero na nakakabit sa kan'ya."Shit! Nasaan ako? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong n'ya sa sarili. Inilibot n'ya ang tingin sa buong lugar at napagtanto na nasa hospital s'ya."Damn it!" malutong na umura n'ya. Bumigay ang kan'yang katawan dahil sa sobrang stress, pagod at wala masyadong kain sa kakahanap ky Kianna."You're up? How do you feel?" boses ng isang lalaki ang nagpatigil sa kan'ya. Paglingon n'ya rito ay nakita n'ya ang kaibigan ng kan'yang kapatid na si Ashton na kapapasok lang sa kwarto.Isinarado nito ang pinto at lumapit sa kan'ya sabay check sa mga swero na nakakabit sa kan'yang braso."Sino ang nagdala sa akin dito kuya Ashton?" nagtatakang tanong n'ya rito."Si Felimon, kakalabas n'ya lang, bibi
NICCOS ALLISTAIR...Ang sakit na idinulot sa kan'ya ni Kianna ay naging resulta para bumalik s'ya sa kung ano s'ya dati. Isang halimaw sa kataohan ng isang tao.S'ya iyon! Ang nilalang na wala na yatang kaluluwa dahil sa mga pinagagawang kasamaan. Tinalikuran n'ya na ito ngunit tadhana ang gumawa ng paraan para balikan n'ya ito. At ito s'ya ngayon, nakatayo sa gitna ng kan'yang sariling kaharian. Kaharian na puno ng kasamaan at mga demonyong nilalang.Halos isang buwan s'yang naging miserable. Puro pagwawala na lang ang kan'yang ginawa ng mga panahong iyon. Wala na s'yang matinong ginawa, naging mahina s'ya at nagpadala sa sakit at kabiguan. Ngunit napag isip-isip n'ya na sobrang talo na s'ya kapag nalugmok s'ya ng dahil sa ginawa ni Kianna sa kan'ya.Sobrang sakit, napakasakit ng ginawa ng dalaga sa kan'ya. Hindi n'ya lubos maisip na magagawa ni Kianna ang gagohin s'ya. Ang papaniwalain sa mga kasinungalingan at pagpapanggap nito.Ang paikotin sa mga palad at pinagtatawan sa likod n
NICCOS ALLISTAIR..."Boss may sumabotahe sa transaction natin patungong Berlin," pagbibigay alam ni Felimon ng pumasok sa kan'yang vip room.Walang paalam na itinulak n'ya ang dalawang babae na nagpapaligaya sa kan'ya at hinarap si Felimon na kapapasok lang."Sino?" malamig na tanong n'ya rito."Grupo ni Rodriguez," sagot ng taohan sa kan'ya. Nagtagis ang kan'yang mga bagang sa narinig. Talagang sinasagad s'ya ng lalaking iyon."Abesohan mo ang mga tao natin, lulusubin natin ang mga warehouse ng gagong iyon," utos n'ya kay Felimon. Agad naman itong tumalima at lumabas ng kwarto para sundin ang kan'yang utos."How about us?" tanong ng isang babae na malagkit na nakatingin sa kan'ya. Kagat-kagat pa nito ang labi habang namumungay ang mga mata na nakatingin sa kan'ya. Lumingon s'ya sa kan'yang likuran at may inabot na kung ano.At ng humarap s'ya sa dalawang babae ay may hawak na s'yang baril at walang pasabing binaril ang babaeng nagtanong sa kan'ya.Sapol sa noo ang naturang babae at
SOMEONE'S POV...."Nicollai tulongan mo ang kapatid mo!" umiiyak na sabi ng ina ni Niccos sa panganay na anak nito na si Adam Nicollai Evans.Nasa hospital sila ngayon at kasalukuyan na nasa critical na kalagayan si Niccos. Natamaan ng bala ang baga nito at malubha ang kalagayan."Mommy don't worry, ako na ang bahala kay bunso. Nabuhay ko nga si Atara na mas delikado ang operasyon n'ya si Niccos pa kaya. Calm down and leave it your gorgeous daughter in law," pampakalma ni Michelle sa byenan. Wala itong tigil sa pag-iyak simula ng ibalita ni Felimon na natamaan ito ng bala ang anak ay nasa malubhang kalagayan." Ano ba kasi ang mga pinagagawa n'yo Felimon? Bakit hindi mo sinabi sa amin na ganito na pala ang ginagawa ni Allistair sa buhay n'ya?" baling nito sa taohan ni Niccos sabay sita."Pasensya na kayo madam, mahigpit kasi na bilin ni boss na huwag ipaalam sa inyo ang mga pinagagawa n'ya. Sumusunod lang po ako sa utos n'ya sa akin," paliwanag ni Felimon sa ginang."Kailan pa ito na
NICCOS ALLISTAIR... "Michelle how's Allistair?" naiiyak na tanong ng ina nila Niccos at Nicollai ng lumabas mula sa operating room ang manugang na nag-oopera kay Allistair."He's safe mommy," malungkot na sagot ni Michelle sa mga ito sabay lapit sa asawa at agad na yumakap ng mahigpit. Kita sa hitsura ng doctor ang pagod at hirap ng mga pinagdaanan sa operasyon ng kapatid ng asawa."He's safe eh bakit ganyan ang hitsura mo?" usisa pa ng ina ng magkapatid."Baby what's wrong? Bakit gan'yan ang hitsura mo? Are you tired?" malambing na tanong ni Nicollai sa asawa habang yakap-yakap ito at hinahalikan sa buhok. Nag-angat ng mukha si Michelle at marahas na nagpakawala ng hangin."Allistair is safe but he is in coma," anunsyo ni Michelle. Parang bomba ito na sumabog sa pamilya ni Allistair. Nakatulala ang ina at ama ng mga ito at maya-maya pa ay nag-unahan sa paglandas ang mga luha.Nanginginig ang labi ng ina ng magkapatid habang nakamata kay Michelle. Nagpakawala naman ang isa ng maraha
NICCOS ALLISTAIR...2 YRS LATER...."Hmmmmmm!" ungol n'ya ngunit wala s'yang narinig na tunog. Ginalaw n'ya ang kan'yang mga daliri at dahan-dahan na iminulat ang mga mata.Puro puti ang sumalubong sa kan'ya. Gusto n'yang magsalita ngunit may tubo na nakasalpak sa kan'yang bibig at hindi n'ya alam kung para saan."Oh shit! Allistair gising ka na bro?" boses ni Atara ang kan'yang narinig at nagkukumahog ang kapatid na lumapit sa kan'ya."Fvck! Gising ka na nga! God naiiyak ako Allistair, I'm so happy that you're finally back! Wait lang tatawag ako ng doctor," umiiyak na sabi ng kapatid at mabilis na pinindot ang pulang button sa gilid ng kan'yang kama."How are you? Anong nararamdaman mo Niccos? Paniguradong matutuwa sa galak sina mommy at daddy. Ang tagal naming hinintay na magising ka bunso," dagdag pa ng kapatid. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay sa narinig mula dito.Matagal? Gaano na ba s'ya katagal na nakahiga sa kamang ito? Gusto n'ya mang magsalita ngunit hindi n'ya magawa dah