SOMEONE'S POV...."Nicollai tulongan mo ang kapatid mo!" umiiyak na sabi ng ina ni Niccos sa panganay na anak nito na si Adam Nicollai Evans.Nasa hospital sila ngayon at kasalukuyan na nasa critical na kalagayan si Niccos. Natamaan ng bala ang baga nito at malubha ang kalagayan."Mommy don't worry, ako na ang bahala kay bunso. Nabuhay ko nga si Atara na mas delikado ang operasyon n'ya si Niccos pa kaya. Calm down and leave it your gorgeous daughter in law," pampakalma ni Michelle sa byenan. Wala itong tigil sa pag-iyak simula ng ibalita ni Felimon na natamaan ito ng bala ang anak ay nasa malubhang kalagayan." Ano ba kasi ang mga pinagagawa n'yo Felimon? Bakit hindi mo sinabi sa amin na ganito na pala ang ginagawa ni Allistair sa buhay n'ya?" baling nito sa taohan ni Niccos sabay sita."Pasensya na kayo madam, mahigpit kasi na bilin ni boss na huwag ipaalam sa inyo ang mga pinagagawa n'ya. Sumusunod lang po ako sa utos n'ya sa akin," paliwanag ni Felimon sa ginang."Kailan pa ito na
NICCOS ALLISTAIR... "Michelle how's Allistair?" naiiyak na tanong ng ina nila Niccos at Nicollai ng lumabas mula sa operating room ang manugang na nag-oopera kay Allistair."He's safe mommy," malungkot na sagot ni Michelle sa mga ito sabay lapit sa asawa at agad na yumakap ng mahigpit. Kita sa hitsura ng doctor ang pagod at hirap ng mga pinagdaanan sa operasyon ng kapatid ng asawa."He's safe eh bakit ganyan ang hitsura mo?" usisa pa ng ina ng magkapatid."Baby what's wrong? Bakit gan'yan ang hitsura mo? Are you tired?" malambing na tanong ni Nicollai sa asawa habang yakap-yakap ito at hinahalikan sa buhok. Nag-angat ng mukha si Michelle at marahas na nagpakawala ng hangin."Allistair is safe but he is in coma," anunsyo ni Michelle. Parang bomba ito na sumabog sa pamilya ni Allistair. Nakatulala ang ina at ama ng mga ito at maya-maya pa ay nag-unahan sa paglandas ang mga luha.Nanginginig ang labi ng ina ng magkapatid habang nakamata kay Michelle. Nagpakawala naman ang isa ng maraha
NICCOS ALLISTAIR...2 YRS LATER...."Hmmmmmm!" ungol n'ya ngunit wala s'yang narinig na tunog. Ginalaw n'ya ang kan'yang mga daliri at dahan-dahan na iminulat ang mga mata.Puro puti ang sumalubong sa kan'ya. Gusto n'yang magsalita ngunit may tubo na nakasalpak sa kan'yang bibig at hindi n'ya alam kung para saan."Oh shit! Allistair gising ka na bro?" boses ni Atara ang kan'yang narinig at nagkukumahog ang kapatid na lumapit sa kan'ya."Fvck! Gising ka na nga! God naiiyak ako Allistair, I'm so happy that you're finally back! Wait lang tatawag ako ng doctor," umiiyak na sabi ng kapatid at mabilis na pinindot ang pulang button sa gilid ng kan'yang kama."How are you? Anong nararamdaman mo Niccos? Paniguradong matutuwa sa galak sina mommy at daddy. Ang tagal naming hinintay na magising ka bunso," dagdag pa ng kapatid. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay sa narinig mula dito.Matagal? Gaano na ba s'ya katagal na nakahiga sa kamang ito? Gusto n'ya mang magsalita ngunit hindi n'ya magawa dah
NICCOS ALLISTAIR..."A-Allistair," nauutal na tawag ng tao na nasa bungad ng kan'yang kwarto. Nanginginig ang mga labi nito na nakatingin sa kan'ya at may nagbabadya na mga luha sa mga mata.Hindi n'ya rin inaasahan na makikita n'ya ito ngayon sa kan'yang harapan. Ang totoo n'yan ay hindi na s'ya umaasa na bumalik pa o magpakita sa kan'ya ang babae ngunit nasa harapan n'ya na ito ngayon."K-K," hindi makapaniwalang tawag n'ya sa pangalan nito. Ang tagal na panahon na hindi n'ya ito nakita. Ang tagal na panahon na nangulila s'ya sa dalaga.Ang tagal na panahon na nababaliw s'ya sa kakahanap dito.Tumakbo ito patungo sa kan'yang kama at sinugod s'ya ng mahigpit na yakap habang umiiyak. Itinaas n'ya ang kan'yang mga braso at niyakap pabalik ang kasintahang matagal na nawalay sa kan'ya .Napapikit pa s'ya ng mariin habang dinadama ang init na nagmumula sa katawan nito."I'm sorry love, I'm sorry," hagulhol na paghingi ng tawad nito sa kan'ya. Natigilan s'ya at biglang nanigas ang kan'yan
NICCOS ALLISTAIR...Mahigit dalawang buwan s'yang nagpapahinga at nag therapy bago s'ya pinayagan ng kan'yang doctor na pwede na s'yang magtrabaho.Nakaalalay pa rin at inaalagaan pa rin s'ya ni Kianna. Hindi ito umalis sa kan'yang tabi na ikinatuwa n'ya ng sobra."Baby I'm planning to go back to work na, ok lang ba sayo?" tanong n'ya sa kasintahan. Lumingon ito sa kan'ya mula sa paghahalo ng kung ano sa kalan. Nagluluto kasi ito ng kanilang hapunan at s'ya naman ay nasa kitchen counter nakaupo at nagmamasid sa likod ng kasintahan na nasa harapan ng kalan."Kaya mo na ba?" tanong nito."Yeah! Ok na din naman ako sabi ng doctor ko. Matagal akong nawala sa kompanya at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa mga negosyo ko," sagot n'ya. Pinatay nito ang apoy at lumapit sa kan'ya.Itinaas nito ang braso at ipinulupot sa kan'yang leeg. S'ya naman ay niyapos ang bewang nito."Kung kaya mo na eh sino ba naman ako para pigilan ka? Hmmmm! Basta mag-ingat ka at ang mga gamot mo ay huwag m
NICCOS ALLISTAIR..."A-Allistair," nagising ang dalaga kinabukasan at agad na tinawag s'ya nito. Kanina pa s'ya gising o mas tamang sabihin na hindi s'ya nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip simula pa kagabi.Hindi mawala-wala sa isip n'ya ang tawag ng isang lalaki kay Kianna at ang pagtawag nito sa kan'yang kasintahan na sweetheart.Biglang kumulo ang kan'yang dugo ng marinig ito ngunit pinigilan n'ya ang sarili. Ayaw n'yang makita ni Kianna na nagagalit s'ya. Kaya sa kakaisip sa narinig kagabi ay isang desisyon ang pumasok sa kan'yang isip na gawin ngayong araw."Good morning baby," bati n'ya rito. Nakatunghay s'ya sa mukha nito habang nakatukod ang braso sa gilid ng ulo ni Kianna. Nakayapos ang kan'yang kabilang braso sa bewang ng kagigising lang na kasintahan."Good morning love, anong oras ka umuwi kagabi? Pasensya ka na hindi na kita nahintay, nakatulog yata ako sa mesa sa baba. Binuhat mo ba ako?" paos ang boses na tanong nito sa kan'ya. Itinaas n'ya ang isang kamay at may ngi
KIANNA APHRODITE...Wala ng sasaya pa sa kan'yang nararamdaman ng maikasal sila ni Allistair.Pangarap n'ya lang ito dati ngunit ngayon ay natupad na. Napakasaya n'ya na nakalimutan n'ya na ang iba pang bagay.Nag focus s'ya bilang asawa ni Allistair. Isang ulirang asawa na pinapangarap ng kahit sinong lalaki. Sobrang pag-aalaga ang ginagawa n'ya rito at ganon din ito sa kan'ya.Naging masaya ang kanilang pagsasamang dalawa. Walang araw na hindi pinaparamdam sa kan'ya ni Allistair ang sobrang pagmamahal nito at ganon din s'ya rito. She always make sure na alam nito at nararamdaman nito ang pagmamahal n'ya sa lalaki.Halos sambahin na din s'ya ng binata. Walang nagbago sa pakikitungo nito sa kan'ya mula noon hanggang ngayon. Parang wala s'yang may nagawang kasalanan dito kung tratuhin s'ya ng binata.Hindi na nila nausapan ang nangyari noon. Gusto n'ya mang e open sa lalaki ngunit nauunahan s'ya palagi ng takot na baka magalit ito sa kan'ya at maging dahilan para masira ang maayos nila
KIANNA APHRODITE..."Niccos I'm sorry, please palabasin mo ako na rito, please," walang tigil sa pagmamakaawa sa asawa ang ginawa n'ya ngunit hindi man lang ito nakinig."Sana naisip mo yan bago mo ako iniwan Kianna! Bago mo ako niloko at pinaasa. Bakit K? Ganon lang ba ang halaga ko sayo? Ganon lang ba para pag pustahan n'yo ng mga kaibigan mo? Magkano ba ang napalanunan mo at dodoblehin ko!" sigaw nito sa kan'ya."N-Niccos," nauutal na tawag n'ya rito dahil sa pagkagulat. Hindi n'ya alam kung saan nito nalaman ang tungkol sa pustahan.FLASHBACK..."Hey Kianna Aphrodite may deal kami sayo," ang kan'yang kaibigan na kasama nilang nag-iinuman sa isang bar.Katatapos lang ng kanilang modelling at nagkayayaan silang mga modelo na mag bar. Nasa Italy sila ngayon at sa susunod na araw ay uuwi s'ya ng Pilipinas dahil sa kasal ng kan'yang ate Michelle na kapatid ng kan'yang kuya Marcus.Kapatid na din ang turing n'ya rito katulad ng kuya Marcus n'ya."What deal? Alam mong hindi ako umuuro