Prologue
TAHIMIK na pinagmamasdan ng mag-asawang Yrah at Gresso ang batang alaga ni Agatha sa ampunan. Ang mansyon ng papa Manuel nito ay nai-convert na upang maging bahay-ampunan ng mga batang nari-rescue ng Wildflower at MI6 Pacific. Isa ang anak ni Tori na si Hover sa mga batang dinala sa Home of Wingless Angels.
Two years ago pa nailipat si Hover sa ampunan, pero dahil na rin sa napakaraming komplikasyon sa mga papeles ng bata, hindi muna ito hinayaan ng judge na maipa-ampon sa mag-asawa. Akala nila sa ika-isang taon na kamatayan ng nanay nito, tatanggapin na ang petition nila, kaya lang ay may ibang hindi tumugma.
Hover isn't Gevren's child. Hindi ito nagmatch sa DNA tests. Now they have no idea who Hover's real dad is. Nagbigay ng ultimatum ang higher court na kung wala na talagang lilitaw na kamag-anak, saka lang diringgin ang petition nila.
Unfortunately, Gresso's previous records affected the process. Matagal bago talaga sila binigyan ng permisong lumapit sa bata.
"He still doesn't wanna play. He'd usually just show his artworks if you'll approach him but he wouldn't talk, pero still, progress na hindi na lang siya tulala. May ginagawa na siya ngayon." May bahid ng lungkot na ani ni Agatha sa mag-asawa.
Lumamlam ang mga mata ni Yrah. Humawak siya sa braso ng kanyang asawa at tiningala ito. Gresso seemed to understand her quickly. Tumingin ito kay Agatha bago tumikhim.
"What did the therapist say?"
"Hover had trauma, pero base sa interpretation sa mga artworks ni Hover, mukhang ang trauma ay hindi nagmula sa nangyari sa barko. He has artworks that shows severe violence. Mga taong nakatali, sinasaktan at pinapatay. Looks like Hover witnessed his grandfather's activities before Tori was able to get him out of there."
Parang tinadyakan ang dibdib ni Yrah. Muli siyang napatingin sa blangkong mukha ng batang nagligtas sa anak niyang si Francia.
"No kid deserves such childhood." Nanubig ang kanyang mga mata. Gusto niya itong lapitan upang yakapin ngunit gaya nga ng sinabi ng therapist, hindi pwedeng biglain ang bata. If they want to earn his trust, they have to take things slowly.
"Does he play with the other kids?"
Umiling si Agatha. "He refuse to play, at ang totoo niyan, parang hindi niya alam maglaro. He recognizes guns than toy cars, Gresso."
Napahilamos ng palad si Gresso. "Mukhang malaking adjustment nga ang gagawin. Does that mean it'll take more time before we can take him with us? Excited pa man din ang mga bata lalo na si Francia. She wanted to see her savior again. Hindi lang muna namin sinama dahil baka kapag nakita ni Hover si Francia, magbalik bigla sa isip niya ang nangyari sa barko."
"You're right. Huwag kayong mag-alala. Ginagawa naman namin ang lahat para makarecover siya kaagad. Huwag din kayong magsawa na dumalaw sa kanya. Sooner or later, he will get used to your presence."
Ynah smiled. "Some of our friends, lalo iyong mga malapit sa bahay at naging patient ko, they wanted to visit here with their kids. Magdo-donate daw sila ng mga gamit at toys para sa mga bata. It was Saki and Kon Ducani's idea and Keios, along with his wife Eunice wanted to join. Kon wanted their Khallisa to celebrate her birthday with the orphans."
"That's good news! Matutuwa ang mga bata niyan sigurado." Agatha exclaimed before they all looked at Hover.
Napawi ang kanilang ngiti nang mapansing kumislap ang lungkot sa mga mata nito matapos ibaba ang red crayon. The little boy got up and walked towards the window. Tinanaw nito ang kalangitan habang nakasandal ang mga braso sa frame.
Hinagod ni Gresso ang likod ni Yrah nang mapansing nalungkot ito. Si Agatha ay kinuha ang drawing saka dinala sa kanila.
Agatha sighed and gave them the drawing. "Still the same scenes."
Gresso held the paper. Si Yrah ay napatutop ng bibig at namuo ang luha.
Hover draw the image of a man who shot several people. Mukhang hindi talaga naging maganda ang naging karanasan ng bata habang malayo sa ina.
HOVER stared at the couple sitting in front of him. Hawak ni Miss Agatha ang kanyang mga balikat habang nakatayo ito sa kanyang likod. Madalas niyang nakikitang dumadalaw ang mga ito, ngunit ngayon, mas maraming kasama ang mga ito.
His therapy is making progress already, ngunit ang bibig niya ay tikom pa rin. Tanging tango at iling lamang ang tinutugon niya sa mga tanong habang ang mga mata ay nananatiling malamig kapag tumitingin.
"Hover, they will be your mommy and daddy soon. Can you say hi?"
Tiningala niya si Miss Agatha. Kumunot ang kanyang noo at nang muling tignan ang mag-asawa, hindi pa rin niya binuka ang kanyang mga labi. He didn't even wave at them. He's still confuse. Bakit sinasabing ito na ang magiging mommy at daddy niya?
Hindi na ba siya susunduin ng mommy niya?
Ayaw ba sa kanya ng mommy niya?
He's been a good boy but why isn't his mom coming to pick him up from this strange place?
He is so confuse, and his longing for his mother reached his eyes. Lumamlam ang kanyang mga mata. Napansin kaagad ng mag-asawa. Nagkatinginan ang mga ito at ang babae ay malungkot na bumuntong hininga.
"He's still not ready, hun."
Hover blinked. Kumalas siya sa pagkakahawak ni Miss Agatha sa kanyang mga balikat saka siya bumalik sa mesa kung saan siya nagdo-drawing kanina. Iniwan na lamang siya ng mga ito at pinabayaang magpatuloy sa pagguhit ng mga bagay na tumatakbo sa kanyang murang isip.
It was peaceful again, ngunit mayamaya'y may pumasok na batang babaeng naka-Barbie t-shirt at leggings saka ito lumapit. Napatitig si Hover sa bata na naupo sa kabilang side ng coffee table.
The little girl smiled at him sweetly before she waved her hand. Naka-crown braid ang buhok nito ngunit nakalugay at hanggang baywang ang brown na buhok.
"Hi! What's your name?"
Kumunot ang kanyang noo. Hindi siya nagsalita ngunit umiling siya. Tila nagtaka ang batang babae. "Wala ka bang pangalan?"
Lalo lamang nalito si Hover. Hindi niya naiintindihan ang lenggwahe nito kaya ang kanyang kilay ay lalo lamang nagsalubong.
She pouted as if she's thinking. "You don't know how to talk? Okay." Masigla nitong kinuha ang isang crayon at blangkong bond paper saka nito inilapag sa harap ni Hover.
"Write your name."
Sandaling tinignan ni Hover ang bata. Mukhang desidido nga itong malaman ang pangalan niya. Mabuti na lamang at tinuruan siya ni Miss Agatha kung papaano magsulat ng kanyang pangalan.
He pursed his lips together while the little girl watched him patiently. Kinalso nito ang mga siko sa mesa at nagpangalumbaba. Sinisilip nito ang kanyang sinusulat.
Hover doesn't know why but he feels comfortable with the little girl. Tila wala itong pakialam kung hindi siya nagsalita hindi gaya ng ibang bata na tinutukso siya dahil wala raw siyang dila.
He just doesn't want to speak at all. Natatakot pa rin siya. Naaalala niya pa rin kung papaano siyang tinutukan ng baril ng sarili niyang ama dahil lang ayaw niyang hayaang masaktan nito ang batang babaeng kasama nila.
He was just five when that happened but the memory lived inside his head like a monster he cannot shoo away.
Minsan ay napapaniginipan niya ang kanyang ama. Tumatawa ito habang sinasaktan ang kanyang ina sa harap niya. He'd curse so loud. He'd shout and Hover can't even do anything to protect his mother.
Dumiin ang pagsulat niya nang pumasok na naman sa kanyang alaala ang imahe ng kanyang ama. Masyadong madiin na halos maputol na ang crayon. His dad, he can see him inside his head and he's so scary.
He snapped when the crayon broke. Kumurap siya at mabilis na hinabol ang kanyang hininga. Ang dibdib niya, sumisikip na naman dala ng takot.
Naging malikot ang galaw ng kanyang mga mata. Nagsimula na naman siyang magpanic nang madinig ang tinig ng kanyang tatay sa kanyang isip. Naokupa ng takot ang kanyang sistema at hindi niya na napansin ang pagpasok ng isa pang batang babae.
"A-Are you okay?" The one wearing barbie shirt asked in a worried tone.
Hindi nakakibo si Hover. Nanlalaki ang kanyang mga mata at ang dibdib niya ay marahas ang pagtaas-baba. His hands became shaky and his whole system went in total chaos.
Not until he felt someone's hand gently squeezed his forearm. Napabaling siya sa batang nasa kanan niya. Nakakunot ang noo nito at ang mga labi ay bahagyang nakaawang. Ang mga mata nitong bilugan at mapungay, tila nagtatanong...at nag-aalala para sa kanya.
Para siyang hinugot pabalik sa ligtas na lugar. Unti-unting kumalma ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang mga mata nitong nakatitig lamang sa kanya.
Kilala niya ang mukha nito, ngunit pakiramdam niya ay hindi ito ang bata mula sa nakaraan? They have the same face, but the way her eyes stare back at him, it's so different.
"Hover?"
Napalingon siya sa unang batang babaeng lumapit sa kanya. Hawak na nito ang papel kung saan niya sinulat ang kanyang pangalan.
He simply nodded his head. Ngumiti naman ang bata at inabot ang kamay upang kamayan siya. "Nice to meet you, Hover! I am Harmony." Masigla nitong pakilala.
For the first time, he was able to utter something. Bumuka ang kanyang mga labi at inulit ang pangalan nito.
"H-Harmony."
Lumawak ang ngiti ng batang babae saka ito mabilis na tumango. "Uh-hmm!"
He blinked and gazed back at the shy girl on his right. Tinitigan niya ang maamo nitong mukha saka siya lumunok. "N-Name?"
She pursed her lips for a moment and shyly smiled. The kind of smile that reaches her eyes.
"Germania..."
Kabanata 1MATAMIS ang ngiti ni Harmony nang makita si Hover sakay ng long board nito. His brown hair is hiding under his gray beanie while he's wearing his golden yellow pull over. Nakabulsa ang mga palad ni Hover sa kanyang itim na jeans na pinaresan niya ng kanyang paboritong sneakers.Harmony is sitting between her cousin, Khallisa, and their friend Zak. Nakipag-apir si Hover sa tropang si Zak pagkatapos niyang bumaba ng long board. It's Saturday and they decided to hangout in their usual spot. Sa open field ng village kung saan pwede silang maglaro ng baseball o soccer.Hover removed his airpods and was about to turn the music off nang mapansin niyang tinignan ito ni Harmony. May kalakasan ang tugtog at nang mapansin niyang tila gusto itong pakinggan ni Harmony, umismid siya at tumayo sa tapat nito.Hover pushed the strands of her long brown hair towards the back of her ears so he can properly put his airpods i
Kabanata 2SINIMANGUTAN kaagad ni Francia si Hover nang makita itong nakatayo sa may pinto ng kanilang bahay. Seryoso itong nakatitig sa kanila ni Germania habang bumababa ng kotse ni Eiron.Francia bid her goodbyes to Eiron and Keis while Germania worriedly stared back at Hover. Nang magtama ang kanilang mga mata, napalunok si Germania nang makitang umigting ang panga ni Hover kasabay ng pagsingkit ng mga mata nito.Her heart suddenly pounded hard inside her chest. Iniwas niya ang tingin at sumilip sa loob ng sasakyan upang magpaalam sa dalawa."Bye Eiron. Bye Keis. Next time na lang tayo magmall."Keison smiled at her and stretched his arm out to reach for her hand that's holding her pouch bag. Napababa siya ng tingin sa kanilang kamay nang masuyong piniga ni Keison ang kamay niya."Thanks for today, Germania. I enjoyed it kahit saglit lang." Bumitaw ito at umayos na ng upo sa kot
Kabanata 3MATIPID na ngumiti si Hover habang pinanonood si Harmony na kausapin ng coach nito. Ito kasi ang captain ng women's football team ng kanilang school at sa mga nakalipas na linggo, bugbog na ng trainings ang team dahil sa nalalapit na inter-school competition.Hover knew how important this game is for Harmony. Ito ang last season na makakalaro ito bago sila magkolehiyo kaya naman pagkatapos ng klase niya, nagpapaiwan siya sa school para samahan ito sa practice. Gusto niyang ipakita ang suporta rito kahit sa mga simpleng paraan lamang.Nilabas niya ang kanyang phone at piniling pakinggan ang mga bagong diskubreng kanta ni Germania. Inuna niya ang pinakanagustuhan nitong Fade ni James Arthur.Umismid siya nang madinig ang simula. Sa isip-isip ay ang mahilig talaga sa depressing songs ng kapatid niyang iyon. He never liked songs with such lyrics but if it's Germania who's recommending, surpri
Kabanata 4BANGUNGOT. Dinalaw na naman si Hover ng bangungot na kahit yata ilang taon na ang nakalipas, hindi na siya lulubayan. Napaniginipan na naman niya ang mga nangyari noong maliit pa siya. Kung paano siyang pinaglaro ng mga baril at hinayaang makita mismo ng musmos niyang mga mata ang pagkamatay ng napakaraming tao.He promised himself that someday, he will get over his past, but up until now he's not even halfway from moving on. Seventeen na siya pero ang pagdalaw nila sa psychiatrist ay patuloy pa rin isang beses kada dalawang linggo. Kung ayos naman ay isa lamang sa isang buwan.Pinakawalan niya ang hangin sa kanyang dibdib saka siya lumabas ng kanyang silid. Tahimik na ang buong bahay ngunit nang patungo siya sa kusina para uminom ng tubig, humihikab na lumabas ng kwarto nito si Germania.She paused for a moment and raked her fingers onto her shoulder-length dark hair. Suot nito ang cream silk pj's at ang
Kabanata 5EXCITEMENT thrummed in Germania's heart when she went out of her room wearing her peach jumper shorts she matched with a gray shirt and gray sneakers. Hindi niya maipaliwanag ang saya niya dahil sa wakas ay makakasama niya si Hover na puntahan ang korean cafe at panoorin ang matagal niyang inaabangang pelikula.She's actually surprised when he brought up about the movie last night. Hindi niya naman kasi inakalang tinatandaan nito ang mga bagay na sinasabi niya. Isang beses lang niyang binanggit ang tungkol sa pelikula kaya hindi niya na inasahang maaalala nito. Surprisingly, he did, and it made her heart flatter.Their parents went on a coastal clean up drive in La Paz where the Beckhams' resort is located. Naging kaibigan ng mommy at daddy niya ang mag-asawang Azul at Cath dahil sa mga Ducani at ngayon, bitbit ng mga ito si Cookie para makiisa sa coastal clean up sa barangay.Mabuti at maaga ring umalis
Kabanata 6THE SUPPOSED great day ended up as a disaster. Hindi natuloy magsine si Germania at Hover dahil tumawag ang pinsan ni Harmony. Francia and Brit were in trouble kaya kinailangan nilang pumunta kung nasaan ang mga ito."Bakit ka nakipag-away kay Khallisa?" Hindi mapigilang mainis ni Ania kay France habang sakay sila ng taxi pauwi galing sa lungga ng magpipinsang Ducani.Umirap ito at pinunasan ang luha habang nakatingin sa labas ng sasakyan. "She deserves my wrath.""Bakit nga?" Ulit ni Ania saka binalingan si Brit. "Oh ikaw bakit ka sumali? She's younger than us pero nagpatol kayo nang gano'n?"Brit pouted. "I just helped France, alright? Huwag ako ang sermunan mo."Napailing si Ani habang marahas na pinapakawalan ang hangin sa kanyang dibdib. Badtrip na nga siya sa nangyari sa araw na ito, dumagdag pa itong attitude ngayon ng mga kapatid niya.Sinulyapan
Kabanata 7KAGAT-KAGAT ni Hover ang kanyang ibabang labi habang tutok ang kanyang mga mata sa kanyang libro. Nasa pinakalikod siya ng kanilang magulong classroom dahil wala si Mrs. Felizmenia.The whole class is so loud but it didn't bother him. Pinakikinggan niya ang bagong kantang nirekumenda ni Ania kagabi. The music and the thought of her was enough to keep his mind occupied.Tumikwas na naman pataas ang sulok ng kanyang mga labi nang maalala ang sinabi nito. To be honest, he isn't entirely paying attention to his textbook. Mas inookupa ni Ania ang kanyang isip, partikular ang sinabi nito na gusto rin siya nitong ipagdamot.There was no clear talk as to why they wanted to be selfish, to why they don't want to share each other with somebody else. Hindi rin siya handa na buksan nila ang usaping iyon ngunit kahit papaano, pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng assurance na pwede na siyang makampanteng hindi papasok n
Kabanata 8NAPAMULAT si Ania nang humalimuyak sa kanyang ilong ang amoy ng sariwang bulaklak. Nang makita niya ang tatlong asul na rosas sa kanyang harap, kaagad sinundan ng kanyang mga mata ang braso ng may hawak nito hanggang sa magtama ang tingin nila ni Keison."Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala sa park. What are you doing here?" Tanong nito bago naupo sa kanyang tabi.Tinanggap ni Ania ang mga bulaklak saka nginitian si Keison. "Thanks. Gusto ko lang munang mag-unwind.""Why? Is something wrong? Ilang araw na kitang napapansin. Parang wala ka sa mood lately." His expression soften. "I'm worried about you, Ania."That's the thing about Keison. His features may be sharp and intimidating at a young age but he has the ability to make her comfortable whenever his eyes turn gentle. Tila ba binibigyan siya ng permisong magsabi rito anuman ang nasa isip niya.Ania sighed.
Special Chapter 5: Teaser for Sweetest GoodbyeNAKASIMANGOT na umirap si Brit sa kawalan nang mareceive ang chat ni Tj. Ewan ba niya pero mula nang sabihin nitong hindi ito dadalo sa kanilang birthday party ay nabwisit na siya rito."Tawag ako. Kahapon pa kita hindi natatawagan, Brit."Iyon ang chat ni Tj. Nagtipa siya ng reply na, "huwag na tawagan mo na lang 'yong future misis mo," ngunit hindi rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na pindutin ang send button. She doesn't want to cross the line and show she's jealous. Best friend niya si Tj at dapat, alam niya ang kanyang pwesto sa buhay nito.Hindi ba dapat ay siya pa itong maging pinakasupportive? Tj never had a girlfriend. Nang tanungin niya ito minsan kung bakit hind
Special Chapter 4: Teaser for Sweetest GoodbyeNAKATUTOK ang mga mata ni Tj sa kanyang papel. Nagtatalo na ang mga kagrupo niya dahil sa kanilang ita-topic para sa research paper sa isang subject ngunit heto siya, lumilipad pa rin ang isip. Hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung anong regalo ang ibibigay kay Brit para sa sixteenth birthday nito. May nabili na siya para sa dalawa nitong kapatid pero kay Brit, gusto niyang kakaiba ang maibigay niya.He rested his back on the couch while looking at the list he made. Marami na siyang nailista ngunit hindi talaga siya satisfied. He wanted to give her something special. Something that will remind her of him even when they're far from each other and barely meet in person."Hoy, Jeshua tumulong ka na nga. Baka mag
Special Chapter 3: Teaser for Sweetest GoodbyeJUST like how cliche' stories begin, Britania woke up with the loud noise coming from her alarm. Ngunit hindi tulad ng mga kwentong inis ang bida tuwing bumabangon, iminulat niya ang kanyang mga mata at tinaas ang mga kamay nang may ngiti sa labi.She jumped out of bed and opened the curtains, welcoming the sunrays like her usual routine. Dinama niya ang init ng sinag ng araw at tahimik na nagbilang hanggang sampu sa kanyang isip habang matipid na nakangiti.Pagdating sa sampu ay sinambit niya ang numero. Lumawak ang kurba sa kanyang mga labi dahil kasabay ng kanyang pagkakasabi ay ang pag-alingawngaw ng kanyang cellphone.Mabilis niya itong dinampot at sinagot ang tawag. Na
Special Chapter 2: Teaser for Sweetest GoodbyeEXCITED na binuhat ni TJ ang bangkito ng lolo Anastacio niya patungo sa banyo ng kanilang silid. Pwinesto niya ito sa tapat ng lababo at sinigurong sapat na ang kanyang tangkad para maayos niyang mapagmasdan ang kanyang sarili sa salamin.Last week, nang payagan siyang maglaro sa labas ay may nakilala siyang bata. She was really nice and her smile is radiating her cuteness. Ang sabi ng bata ay madalas itong maglaro sa parke ilang kanto lamang ang layo sa kanilang bahay kaya naman maagang naligo si TJ para mag-abang sa lugar kung saan niya ito unang nakilala.He locked the door and brought out the hair wax he sneaked out from his parents' bathroom. Nakita niya na noong gamitin ito ng kanyang daddy at napakagandang tignan ng ay
Special Chapter 1: The Spin-off"WHAT'S WITH THE STARES?" natatawang tanong ni Germania kay Keison habang ikinakabit nito ang kwintas sa sarili. Napansin pala siya nitong nakatitig sa repleksyon nito sa salamin habang nakasandal siya sa frame ng pinto ng suite. She's slaying in her simple old rose off-shoulder dress. Her mahogany hair was curled perfectly to suite her heart-shape face.She's like an angel with unfading beauty and a big heart...The same angel he couldn't just unlove no matter how hard he tried. No. He never tried at all. Ganoon siguro siya katanga. He's still letting himself get drowned with the love he feels for her, the love that he developed since he was still that teenage boy Keison Ducani who gets tons of love letters everyday. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga umamin, sa lahat ng nagkagusto, wala siyang napa
EPILOGUE"SAME question given to a former beauty queen before, what is the essence of a woman?"Nagkatinginan si Ania at Hover nang marinig ang tanong ng host sa kanilang anak na si Aurora. She's standing with so much confidence in front of a sea of people, wearing her forest green mermaid cut dress, her wavy brown hair hanging down to her chest. Their eighteen-year old beauty queen is so gorgeous.Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Aurora. "Thank you for giving me the best question in this competition."Piniga ni Hover ang kanyang kamay, tila nararamdaman na kinakabahan din siya, ngunit mayamaya'y dumapo sa kanya ang mga mata ni Aurora. Tumamis ang kurba sa mga labi nitong pinapula lalo ng lipstick.
Kabanata 40HINDI mapigilang kabahan ni Ania habang papalapit ang sinasakyan nilang sasakyan sa landing site ng Project Aurora. Ang labas ng center, puno ng mga taong may dalang banners, tila ipinagbubunyi ang matagumpay na rescue mission para sa kanyang asawa. May malaking screen din na inilagay at ilang vans ng iba't-ibang networks ang naroroon para i-cover ang pagdating ng shuttle.Napangiti pa siya nang makitang ang ilang damit ng mga tao, may print ng artwork na katulad ng ginawa ni Keina. She realized how big the impact of what happened is.Project Aurora didn't just bring back a husband and a father. It showed how powerful humanity can be. It united not just a nation but a whole world. A blessing dressed up as a catastrophe. The universe really has its own way of teaching its le
Kabanata 39PINAGMASDAN ni Ania ang kalawakang hitik sa mga bituin habang pinakikinggan niya ang recordings na ipinadala ng International Space Station.The last one was about a month ago. Wala nang naging kasunod at ang bigat sa dibdib ni Ania nang malamang naputol na naman ang koneksyon ng ISS sa satellite ng Mars.Kada oras na dumaraan, hindi nawawala sa isip ni Ania ang kalagayan ng kanyang asawa. Mag-isa ito roon at sa tinig na nito sa recordings, lalo na sa pinakahuli, hindi maalis ni Ania ang pag-aalala.It's already been months since the launch was successfully took place. It marked a history the world will surely remember. Kahit pa ilang buwan na ang lumipas, hindi nawala sa balita ang tungkol sa Project Aurora. S
Kabanata 38HINAGOD ni Gresso ang likod ni Ania nang marating nila ang launch site kung saan nakatayo ang shuttle rocket na gagamitin para sa pagsundo sa kanyang asawa.Her tears can't stop falling because finally, her husband will be rescued. A lot of people worked for the project so the rocket can be finished faster."Daddy, it's done. They did it." Garalgal ang tinig na ani ni Ania sa ama.Gresso smiled while trying his best not to burst into tears. Hinatak siya nito at kinulong sa yakap. "Hindi lang sila, Ania. You did great, cupcake. You held on so tight and daddy is so proud of you. Baka kung iba 'yan, tinanggap na lang basta na wala na si Hover."Ngumiti si Ania at