Yannie Ace RuizMula kanina pagkabalik nina Veron at Ramil mula sa pag-iscuba diving ay napansin kong parang bihira na lamang silang magbangayan na dalawa. Katulad ngayon na tinutulungan ni Ramil si Veron sa pagdadala ng mga gamit nito palabas ng kwarto. Alas quatro na ng hapon at ang lahat ay abala na sa pag-aayos para sa pag-uwi.“Anong nangyari?” tanong at lapit ko kay Veron nang layuan na ito ni Ramil para magdala ng sariling gamit sa sasakyan.“Huh?”“Bakit tinulungan ka ni Ramil maglabas ng mga gamit mo?”“Ah iyon ba? Wala lang naman. Siguro ay gusto lang niya talagang tumulong,” sagot ni Veron sa akin. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla na din niyang iniba ang usapan namin. “Siya nga pala, Yannie. Tingin ko ay mahihirapan tayo mag-commute ngayong pauwi.”“Huh?”“Mamaya lang ay rush hour na. Tapos maaabutan tayo ng heavy traffic mamaya.”“Oo nga. Naisip ko din iyon. Pero wala naman tayong choice kung ‘di ang mag-commute pauwi eh. ‘Di ba?”“Sumabay na kayo sa amin pauwi.” Ma
Veron VelazNagulat at natigilan ako sa paglalakad ng mabilis nang bigla akong hinarap ni Ramil.“B-Bakit?” gulat na tanong ko dito habang mataman itong nakatingin sa akin.“Why are you following me? Akala ko ba ay kasabay mong uuwi ang boyfriend mo?” tanong nito sa akin.“Hindi kita sinusundan ‘no. Hindi ba pwedeng dito lang din talaga ‘yong way ko?” masungit na tugon ko sa kanya. “Saka, joke lang ‘yong sabay kaming uuwi ng boyfriend ko. Masyadong busy ‘yon sa ibang bagay,” dagdag ko pa.“Talaga? O baka naman… wala ka lang talagang boyfriend?” ngayon ay nakangisi na niyang tanong sa akin.Matalim ko siyang tinapunan ng tingin. “Ewan ko sa iyo, dyan ka na nga!” saad ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad palampas sa kanya.Naalala ko lang tuloy na magkaaway kami ng boyfriend ko mula pa no’ng Friday. At hanggang ngayon ay hindi man lang talaga niya ako nagagawang kausapin para kumustahin or what. Kung sa bagay, kilala ko kasi ang lalaki na iyon. Masyadong mataas ang pride niya kaya sa tu
Yannie Ace RuizNagising ako nang tumunog ang alarm sa cellphone ko. Pikit mata ko itong kinapa sa bedside table para patayin iyon. Nang mahawakan ko na ang cellphone ko at mapatay ang alarm doon, ay marahan na akong nagmulat ng aking mga mata. Mabilis na gumuhit mula sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti nang makita ko ang unread chat messages mula kay Josh.Josh Rain: Good morning, Yannie (smiley emoji)Josh Rain: Nag-breakfast na ako. Papasok na ako ng school. Ikaw, huwag mong kalimutang mag-breakfast. Ingat ka (blushing smiley emoji)Sino ba naman ang hindi gaganda ang gising sa umaga kung ganito lagi ang matatanggap mong chat mula sa taong gusto mo? Nakagat ko ang ibabang labi ko habang naroroon ang matamis kong ngiti, saka ako nagtipa ng reply sa kanya.Me: Good morning, Josh! Ingat ka sa biyahe mo (blushing smiley emoji)Tatlong araw na ang nakalipas mula nang maging okay na ulit kami ni Josh. Tatlong araw ang lumipas mula nang araw na sinabi niya sa aking gusto niyang m
Yannie Ace RuizMabilis na lumipas ang oras hanggang sa matapos na ang lahat ng klase namin. Nag-aayos ako ng gamit ko nang bigla namang tumunog ang cellphone ko dahil sa incoming call. Noong una, akala ko si Josh ang tumatawag pero naalala kong nagpaalam nga pala ito kanina na may gagawin lang daw siya at mamaya na lang magcha-chat ulit sa akin.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko at nakita kong si Ate Aika ang tumatawag sa akin. Mabilis ko naman iyong sinagot.“Nandito na ako sa mall, Yannie,” bungad sa akin ni Ate Aika.May usapan kasi kaming dalawa na magkikita kami ngayon para ibigay ang bayad ko sa kanya doon sa mga damit na binili niya para sa amin ni Veron noong weekend sa Cavite. Tinanong ko kasi siya kahapon kung kailan siya pwedeng kitain. At ang sagot naman niya sa akin ay ngayon nga daw dahil may pupuntahan siya dito sa Biñan. Kaya dito sa may mall malapit sa school kami magkikita na dalawa.“Sige po, Ate. Papunta na po ako. Sorry po katatapos lang po kas
Yannie Ace RuizNakangiting binuksan ni Josh ang pintuan ng kanyang sasakyan sa may passenger’s seat saka niya ako tiningnan na para bang sinasabi niya na sumakay ako doon. Napalunok ako habang nagdadalawang isip na nilingon siya. Nanatiling nakangiti naman siya sa akin kaya sa huli ay kumilos na lamang ako at sumakay sa loob ng sasakyan niya.Maingat niyang isinara ang pintuan sa may passenger’s seat saka siya umikot sa kabila at sumakay sa may tabi ko. Binuhay niya ang makina ng sasakyan niya saka siya nagkabit ng seatbelt niya. Ginaya ko naman siya at hinila ko ang seatbelt sa may tabi ko para magkabit din no’n sa aking sarili. Pero laking gulat ko nang biglang lumapit si Josh sa akin para ikabit sana ang seatbelt sa akin.“Uhm… k-kaya ko na,” nahihiyang awat ko kay Josh. Sandali siyang natigilan saka nag-angat ng tingin sa akin. Kumabog naman ng malakas ang dibdib ko nang masalubong ko ang mga tingin niya. Napakalapit niya sa akin dahilan upang halos pigilan ko ang sarili sa paghi
Yannie Ace RuizNang matapos kami sa pagkain ay umorder na si Ate Aika ng ladies drink para sa kanya. Siya lang ang umorder ng drinks sa amin kahit na pinipilit niya si Josh na samahan siya sa pag-inom.“Hindi ako pwedeng uminom, Patty. Magda-drive pa ako,” tugon ni Josh kay Ate Aika.“Hindi naman tayo maglalasing eh. Konti lang naman,” pilit naman ni Ate Aika.“Kahit na, Patty. Isa pa ay ihahatid ko si Yannie sa kanila,” ani Josh na siyang nagpakislot sa puso ko.“Oo na. Sige na nga,” sa huli ay pagsuko ni Ate Aika saka nito ininom ang drinks niya.“Bakit naman kasi bigla mo naisipan uminom ngayon? Nakakahiya kay Yannie,” pagkuwan ay panenermon ni Josh kay Ate Aika.“Okay lang ako. Okay lang sa akin,” mabilis na sabi ko naman.“Narinig mo? Okay lang kay Yannie,” balin ni Ate Aika kay Josh saka ito nag-tongue out.Napailing na lamang si Josh dahil doon saka ako nito masuyong binalingan ng tingin. “You okay?”“Huh? Uhm… o-oo naman. Okay lang ako,” tugon ko.Bahagyang inilapit ni Josh a
Yannie Ace Ruiz Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko habang pinagmamasdan ko si Josh na unti-unting lumalayo at naglalaho sa paningin ko kasama si Ate Aika. Alam kong hindi dapat ako makaramdam ng kahit na ano dahil ako naman ang nag-insist kay Josh na iwanan na ako at ihatid na lamang si Ate Aika. Ako ang pumilit sa kanya na unahin si Ate Aika. Pero bakit gano’n? Bakit hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba dahil doon? Madalas mapagalaw ni Josh ang puso ko. At madalas ko din maramdaman mula sa kanya na gusto niya ako. Pero bakit gano’n? Bakit iba na ‘yong nakikita ko sa kanya pagdating na kay Ate Aika? Bakit parang kung tingnan niya si Ate Aika ay para bang ito ang gusto niya? Bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha ko dahil doon ay mabilis ko na din silang tinalikuran saka ako nag-umpisang maglakad. At habang naglalakad ako palabas ng mall ay nararamdaman ko naman ang pagsunod ni Jomar sa akin kaya mabilis ko itong hinarap. “Bakit mo ginawa iyon?” tanong ko sa kanya. Tin
Josh Rain Montez Malakas ang bawat pagkabog ng dibdib ko habang nakalagay ang cellphone ko sa tapat ng tainga ko at naghihintay sa pagsagot ni Yannie sa akin mula sa kabilang linya. Pakiramdam ko ay sasabak ako sa isang job interview dahil sa kaba na nararamdaman ko kung matatanggap ba ako o hindi. At habang hinihintay ko ang pagsagot ni Yannie sa tawag ko ay walang tigil naman sa paghakbang ang mga paa ko na halos ilang ulit ko nang naikot ang buong condo ko. “Hello? Josh?” sa wakas ay pagsagot ni Yannie sa tawag ko. Agad naman akong napahinto sa paglalakad at mabilis na napaupo sa kama ko. I cleared my throat. “Did I disturb you?” marahang tanong ko sa kanya. “Uhm… hindi. Hindi naman. Wala naman akong ginagawa ngayon,” tugon niya sa akin. “Are you home?” tanong ko pa ulit dito. “Uhm… oo nasa bahay na ako. Hindi lang ako nakapag-text kanina kasi may inutos sa akin si Mama,” tugon niya muli sa akin. “I see…” Narinig ko ang pagtikhim niya mula sa kabilang linya. “Bakit ka nga p
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma