Yannie Ace Ruiz Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko habang pinagmamasdan ko si Josh na unti-unting lumalayo at naglalaho sa paningin ko kasama si Ate Aika. Alam kong hindi dapat ako makaramdam ng kahit na ano dahil ako naman ang nag-insist kay Josh na iwanan na ako at ihatid na lamang si Ate Aika. Ako ang pumilit sa kanya na unahin si Ate Aika. Pero bakit gano’n? Bakit hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba dahil doon? Madalas mapagalaw ni Josh ang puso ko. At madalas ko din maramdaman mula sa kanya na gusto niya ako. Pero bakit gano’n? Bakit iba na ‘yong nakikita ko sa kanya pagdating na kay Ate Aika? Bakit parang kung tingnan niya si Ate Aika ay para bang ito ang gusto niya? Bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha ko dahil doon ay mabilis ko na din silang tinalikuran saka ako nag-umpisang maglakad. At habang naglalakad ako palabas ng mall ay nararamdaman ko naman ang pagsunod ni Jomar sa akin kaya mabilis ko itong hinarap. “Bakit mo ginawa iyon?” tanong ko sa kanya. Tin
Josh Rain Montez Malakas ang bawat pagkabog ng dibdib ko habang nakalagay ang cellphone ko sa tapat ng tainga ko at naghihintay sa pagsagot ni Yannie sa akin mula sa kabilang linya. Pakiramdam ko ay sasabak ako sa isang job interview dahil sa kaba na nararamdaman ko kung matatanggap ba ako o hindi. At habang hinihintay ko ang pagsagot ni Yannie sa tawag ko ay walang tigil naman sa paghakbang ang mga paa ko na halos ilang ulit ko nang naikot ang buong condo ko. “Hello? Josh?” sa wakas ay pagsagot ni Yannie sa tawag ko. Agad naman akong napahinto sa paglalakad at mabilis na napaupo sa kama ko. I cleared my throat. “Did I disturb you?” marahang tanong ko sa kanya. “Uhm… hindi. Hindi naman. Wala naman akong ginagawa ngayon,” tugon niya sa akin. “Are you home?” tanong ko pa ulit dito. “Uhm… oo nasa bahay na ako. Hindi lang ako nakapag-text kanina kasi may inutos sa akin si Mama,” tugon niya muli sa akin. “I see…” Narinig ko ang pagtikhim niya mula sa kabilang linya. “Bakit ka nga p
Yannie Ace Ruiz “So, may date kayo ni Josh ngayon?” malapad ang ngiting tanong sa akin ni Jenny. Bahagya naman akong nasamid sa sinabi niyang iyon sa akin. “Huh? A-Anong date? Wala naman siyang sinabi na gano’n.” “Sabi mo susunduin ka niya ngayon dito sa school,” nakangiting singit naman ni Ivory. “O-Oo nga. Kasi ang sabi niya ay may sasabihin lang siya sa akin—” “Ano ka ba, Yannie? Iyon na iyon!” mabilis na putol naman sa akin ni Veron. “Huh?” “Kung may sasabihin siya sa iyo, sana chinat o tinext na lang niya. O kaya sa tawag, ‘di ba? Sa tingin mo ay bakit pa siya bibiyahe papunta dito para sunduin ka at para sabihin lang sa iyo ang sasabihin niya?” ani Veron. “Tama si Veron. Isa lang ang ibig sabihin no’n, Yannie. Magtatapat na siya sa iyo na gusto ka niya!” tila kinikilig na sabi naman ni Jenny. “O ‘di kaya’y tatanungin ka na niya kung… pwede ka ba niyang ligawan!” saad naman ni Ivory sakay sila sabay-sabay na tumili sa kilig. Mabilis naman kaming pinagtinginan ng mga kak
Yannie Ace Ruiz “Yannie? Okay ka lang? Ano? Na-chat mo na ba sila?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Veron at bago pa man ito makasilip sa cellphone ko ay mabilis ko na iyong nai-back. “Uhm… nag-chat na siya,” hirap na sabi ko kay Veron. “Huh? Talaga? Nasaan na daw siya?” tanong ulit ni Veron sa akin. “Uhm… hindi na daw siya makakapunta e.” Sinisikap kong maging buo ang tinig ko at maging normal lamang ito sa pagsasalita. “Huh? Bakit daw? Anong nangyari sa kanya at bakit ngayon lang din niya sinabi na hindi pala siya makakapunta?” dismayadong tanong ni Veron sa akin. “Nagkaroon daw kasi ng… emergency sa kanila kaya ganoon… and since, emergency, ngayon lang siya nagka-time para makapag-phone at makapag-chat sa akin.” Hirap akong napalunok matapos kong sabihin ang mga pagsisinungaling na iyon upang mapagtakpan si Josh sa kaibigan ko. “Ganoon ba? Anong emergency ba daw iyon? Okay naman na daw ba?” tanong ulit ni Veron sa akin. Gusto nang bumagsak ng mga luha ko pero pinigilan ko l
Veron Velaz Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng drawer ko nang tumunog ito dahil sa incoming call. Ilang araw na akong may hinihintay na tumawag sa akin at nang makita ko ang caller ko ay bahagya akong nadismaya, hindi dahil sa caller na iyon, kung ‘di dahil hindi pa rin talaga ako tinatawagan ng taong hinihintay kong tumawag sa akin. Si Kevin. Ang boyfriend kong hindi ko mahagilap ngayon pagkatapos ng naging pag-aaway namin noong nakaraang linggo. Yes! Last week pa kami nag-away na dalawa at mula noon hanggang ngayon ay wala na itong paramdam sa akin. Sinubukan ko siyang tawagan at i-text pero hindi siya sumasagot at nagre-reply sa akin. Hindi niya din ako pinapansin sa mga chat ko sa kanya sa social media at hindi ko din siya masaktuhan sa bahay nila. Para bang umiiwas talaga siya na makausap at makita ako. Well, nauunawaan ko naman kung saan nanggagaling ang galit at tampo niya sa akin. Siguro nga masyado akong nagiging paranoid nitong mga nakaraang linggo kaya
Yannie Ace Ruiz “Kumusta na ang pakiramdam mo? ‘Yong kamay mo? Okay lang ba?” sunod-sunod na tanong ko kay Veron pagkakita ko dito. “Okay lang ako, Yannie. Sabi ko naman sa’yo kaunting sugat at galos lang ito,” tugon sa akin ni Veron na siyang maliit na nagpangiti sa akin. “Mabuti naman at okay ka lang.” “Eh ikaw? Okay ka lang ba?” pagkuwan ay tanong sa akin ni Veron. “Huh? O-Oo naman. Okay lang ako,” tugon ko. Tumikhim si Veron saka siya yumapos sa kaliwang braso ko. “Halika na?” nakangiting yaya niya na siyang nakangiting tinanguan ko naman. At pagkatapos no’n ay umalis na nga kami sa pinagkitaan namin saka kami sumakay patungo sa venue ng pagpa-practisan namin ngayong araw. Habang nakasakay kami ni Veron sa Jeep at masayang nagkukwentuhan ay napansin kong panay ang pagtingin nito sa cellphone niya at pagtitipa doon na para bang may ka-text o ka-chat ito doon. “Si Kevin?” tanong ko pa kay Veron nang mahuli ko itong malapad ang ngiti habang abala sa pagkalikot sa cellphone ni
Yannie Ace Ruiz Pagak na tumawa si Jomar dahil sa mga binitiwang salita ni Josh sa kanya. “Nagpapatawa ka ba? Ikaw? Boyfriend ni Yannie?” “Who else do you think?” seryosong sabi naman ni Josh kay Jomar saka ito bumalin ng tingin sa akin. “Let’s go and let’s talk,” aniya saka niya ako akmang hahawakan sa kamay. Pero mabilis naman akong hinila ni Jomar palayo kay Josh at bahagyang itinago sa likuran nito. “Totoo ba ang sinasabi niya, Yannie?” pagkuwan ay seryosong tanong sa akin ni Jomar habang matalim na nakatingin kay Josh. “H-Huh?” “Totoo bang… boyfriend mo ang lalaking ito?” pag-ulit na tanong sa akin ni Jomar habang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Josh. Marahan naman akong napatingin kay Josh at nasalubong ko ang mga tingin niya sa akin. Gumalaw ang lalamunan niya dahil sa paglunok at tila nakikiusap ng mabuti ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. “Hindi ka makasagot. So, ibig sabihin ay hindi totoo ang sinasabi ng lalaking ito. Hindi mo siya boyfriend at nandit
Yannie Ace Ruiz Kumabog ang dibdib ko nang makita kong nag-online na si Josh at nag-reply ito sa chat ko sa kanya. Josh Rain: I’m home. (smiley emoji) Thank you for today, Yeobo ko. Agad akong pinamulahanan dahil sa itinawag niya sa akin. Me: Pahinga ka na. May practice ka pa bukas sabi mo. “Ate, nasaan ba kasi ang cellphone mo?” maya-maya ay reklamo sa akin ni Yuri. Hawak ko kasi ang cellphone niya ngayon. Hiniram ko ito at dito ako nakibukas ng account ko para mai-chat si Josh. Naiwan ko kasi kanina ‘yong bag at mga gamit ko doon sa bahay nina Chelle kung saan kami nagpa-practice kanina para sa P.E namin. Bigla ba naman kasi akong dinala kung saan ni Josh kaya nawala na sa isip ko ang mga gamit ko. Pero nakita ko naman ang chat sa akin ni Veron na dadalhin na lang daw niya dito ang bag ko. “Ibabalik ko din ito sa iyo mamaya. Sandali lang,” tugon ko kay Yuri saka ko ibinalik ang atensyon ko sa cellphone niya na hawak ko. Josh Rain: Mamaya na. Kausap pa kita. And besides, ikaw
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma