Yannie Ace Ruiz “Kumusta na ang pakiramdam mo? ‘Yong kamay mo? Okay lang ba?” sunod-sunod na tanong ko kay Veron pagkakita ko dito. “Okay lang ako, Yannie. Sabi ko naman sa’yo kaunting sugat at galos lang ito,” tugon sa akin ni Veron na siyang maliit na nagpangiti sa akin. “Mabuti naman at okay ka lang.” “Eh ikaw? Okay ka lang ba?” pagkuwan ay tanong sa akin ni Veron. “Huh? O-Oo naman. Okay lang ako,” tugon ko. Tumikhim si Veron saka siya yumapos sa kaliwang braso ko. “Halika na?” nakangiting yaya niya na siyang nakangiting tinanguan ko naman. At pagkatapos no’n ay umalis na nga kami sa pinagkitaan namin saka kami sumakay patungo sa venue ng pagpa-practisan namin ngayong araw. Habang nakasakay kami ni Veron sa Jeep at masayang nagkukwentuhan ay napansin kong panay ang pagtingin nito sa cellphone niya at pagtitipa doon na para bang may ka-text o ka-chat ito doon. “Si Kevin?” tanong ko pa kay Veron nang mahuli ko itong malapad ang ngiti habang abala sa pagkalikot sa cellphone ni
Yannie Ace Ruiz Pagak na tumawa si Jomar dahil sa mga binitiwang salita ni Josh sa kanya. “Nagpapatawa ka ba? Ikaw? Boyfriend ni Yannie?” “Who else do you think?” seryosong sabi naman ni Josh kay Jomar saka ito bumalin ng tingin sa akin. “Let’s go and let’s talk,” aniya saka niya ako akmang hahawakan sa kamay. Pero mabilis naman akong hinila ni Jomar palayo kay Josh at bahagyang itinago sa likuran nito. “Totoo ba ang sinasabi niya, Yannie?” pagkuwan ay seryosong tanong sa akin ni Jomar habang matalim na nakatingin kay Josh. “H-Huh?” “Totoo bang… boyfriend mo ang lalaking ito?” pag-ulit na tanong sa akin ni Jomar habang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Josh. Marahan naman akong napatingin kay Josh at nasalubong ko ang mga tingin niya sa akin. Gumalaw ang lalamunan niya dahil sa paglunok at tila nakikiusap ng mabuti ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. “Hindi ka makasagot. So, ibig sabihin ay hindi totoo ang sinasabi ng lalaking ito. Hindi mo siya boyfriend at nandit
Yannie Ace Ruiz Kumabog ang dibdib ko nang makita kong nag-online na si Josh at nag-reply ito sa chat ko sa kanya. Josh Rain: I’m home. (smiley emoji) Thank you for today, Yeobo ko. Agad akong pinamulahanan dahil sa itinawag niya sa akin. Me: Pahinga ka na. May practice ka pa bukas sabi mo. “Ate, nasaan ba kasi ang cellphone mo?” maya-maya ay reklamo sa akin ni Yuri. Hawak ko kasi ang cellphone niya ngayon. Hiniram ko ito at dito ako nakibukas ng account ko para mai-chat si Josh. Naiwan ko kasi kanina ‘yong bag at mga gamit ko doon sa bahay nina Chelle kung saan kami nagpa-practice kanina para sa P.E namin. Bigla ba naman kasi akong dinala kung saan ni Josh kaya nawala na sa isip ko ang mga gamit ko. Pero nakita ko naman ang chat sa akin ni Veron na dadalhin na lang daw niya dito ang bag ko. “Ibabalik ko din ito sa iyo mamaya. Sandali lang,” tugon ko kay Yuri saka ko ibinalik ang atensyon ko sa cellphone niya na hawak ko. Josh Rain: Mamaya na. Kausap pa kita. And besides, ikaw
Yannie Ace Ruiz Maaga akong gumising para makapaghanda sa pagpasok sa convenience store. Ilang beses din akong nagka-absent dito dahil sa ilang mga dahilang bagay. At mabuti na lang din talaga ay napakabait ni Mrs. Maricel sa akin para lagi akong unawain at bigyan ng chance. Pagkakita ko sa cellphone ko ay ang message kaagad ni Josh ang unang bumungad sa akin doon. From Josh Rain: Good morning, Yeobo ko. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti sa simpleng good morning message niya sa akin. To Josh Rain: Good morning din. Anong oras ang practice n’yo mamaya? Reply ko dito saka ako lumabas ng kwarto para mag-almusal. Ilang saglit lang nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko dahil sa reply ni Josh sa akin. Patago ko naman iyong tiningnan at binasa. From Josh Rain: After lunch pa po. Magre-reply sana ako sa kanya nang bigla na naman itong mag-text ulit sa akin. From Josh Rain: Sunduin kita mamaya pagkatapos mo sa work mo. “Ate, ka-chat mo ba ulit ang boyfriend mo?”
Yannie Ace Ruiz “Yannie!” malakas na tawag sa akin ni Veron saka ito masayang lumapit kasama sina Ivory at Jenny. “Nasaan na ang birthday boy natin?” tanong pa ni Veron sa akin. Nagpunta dito sa store sina Veron kasama sina Jenny at Ivory, para sunduin kami ni Jomar at sabay-sabay na magpunta sa bahay nina Jomar. Linggo ngayon at ngayong araw din ang 22nd birthday ni Jomar. Maaga naman kaming pinayagan ni Mrs. Maricel na magsara ng store para umattend sa maliit at simpleng birthday celebration para kay Jomar. “I’m here!” masayang sabi ni Jomar kay Veron pagkalabas nito ng staff room. “Nasaan ang gifts ko?” nakatawang tanong pa nito sa tatlo. “Hindi na uso ang regalo kapag may birthday, Jomar. Basta kami na bahala sa pulutan mamaya,” saad naman ni Ivory na siyang masaya nilang ikinatawa na lahat. Habang abala silang apat sa pagkukwentuhan ay sinulyapan ko naman ang cellphone ko para tingnan kung may reply na ba si Josh sa text ko sa kanya. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko dahil m
Josh Rain Montez Katahimikan ang kasulukuyang bumabalot sa amin ni Yannie habang kapwa kaming nasa loob ng sasakyan. Nakatigil na kami malapit sa kanilang bahay at mula pa kanina sa byahe ay pareho kaming walang imik na dalawa. Kalmado naman na ako pero nakikita ko sa kanya ang kaba na nararamdaman niya. Mabuti na lang at nagawa ko pang pigilan ang sarili ko kanina kahit pa gustong-gusto kong makaisa ng sapak sa lalaki na iyon. Kahit na ayaw ko sa tao na iyon ay alam ko namang kaibigan pa rin siya ni Yannie at nirerespeto ko ang bagay na iyon. Pero kahit na ganoon, hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa tuwing nalalaman ko na magkasama silang dalawa. “I-I’m sorry…” pagkuwan ay mahinang usal ni Yannie sa akin. “Why are you sorry?” marahan na tanong ko sa kanya. “I know you’re mad. After kasi ng pag-uusap natin kanina sa phone, hindi mo na ako nire-replyan sa lahat ng text message at chat ko sa iyo,” tugon niya sa akin. “That’s because I’m driving,” saad ko naman sa kanya. “Huh?”
Veron Velaz“Sigurado ka ba na ayaw mong samahan kita?” tanong ni Yannie sa akin mula sa kabilang linya.“I’m fine, Yannie. Pahiramin mo na lang ako ng notes bukas para sa mga klase na mami-miss ko ngayon.”“Veron naman kasi, bakit hindi mo agad sinabi sa amin ito?” narinig ko namang reklamo ni Jenny sa akin.“Oo nga. Eh ‘di sana ay sinamahan ka namin ngayon diyan sa Parañaque para hanapin ang Jowa mong hindi malaman kung buhay pa ba dahil wala ng paramdam,” dagdag naman ni Ivory.Kahit hindi ko sila nakikita ay alam kong nagkukumpulan sila ngayong tatlo habang kausap ako ni Yannie sa cellphone.“It’s okay, Girls. Ayaw ko namang isali pa kayo sa problema kong ito,” saad ko sa mga ito saka ako sumipsip sa straw ng milk tea na inorder ko dito sa isang coffee shop na kasulukuyang tinatambayan ko ngayon. Mahigit dalawang oras na din akong naririto at naghihintay sa paglabas ni Kevin mula sa pinagtatrabahuhan nitong kompanya. Tatlong linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Tatlong li
Yannie Ace Ruiz “Yannie, sa tingin mo ay okay lang talaga na sumama kami sa inyo ni Veron?” tanong sa akin ni Jenny habang naglalakad kami papunta ng library ng school. Kasama namin sina Veron at Ivory. “Oo naman. Bakit mo naman naitanong?” tugon ko dito. “Wala lang. Hindi pa naman kasi namin nakakasama ang boyfriend mo—” Natigilan kaming lahat sa sinabi na iyon ni Jenny. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko siya habang siya naman ay napatutop sa kanyang bibig. “Oh my gosh. This is really happening. Talagang may boyfriend ka na,” pagkuwan ay pagtuloy na pananalita ni Jenny saka ito parang nanigas sa kilig. “Kahit ako, I can’t really get over sa fact na may boyfriend na si Yannie!” hagikgik na singit naman ni Ivory kay Jenny saka sila sabay na tumawa. “Mission accomplished dahil sa wakas ay hindi na NBSB ang kaibigan natin,” nakatawang sabi naman ni Veron kasabay ng pag-akbay nito sa akin. At wala na nga silang ibang ginawa kung ‘di ang tuksuhin ako nang tuksuhin dahil nalaman na
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma