Josh Rain Montez“Sila Rica pala iyon eh!” masayang sabi ni Patty sa tabi ko. “Oh? Yannie?!” dagdag niya pa saka siya naglakad palapit kina Sissy. Napakurap-kurap si Yannie saka ito mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin. “Happy birthday, Rics!” masaya at malambing na bati ni Patty kay Sissy saka sila nagyakapan na dalawa.“Buti at safe ka namang nadala ni Josh dito,” sabi pa ni Sissy saka ako sinamaan ng tingin.“Syempre naman, maingat naman talaga mag-drive si Josh kapag kasama tayo,” ani Patty saka ito bumalin ng tingin kay Yannie. “Hi, Yannie! Glad to see you here!”“Hello po,” simpleng tugon naman ni Yannie kay Patty.“Pre! Kapangalan niya ‘yong textmate mo dati, ‘yong Yannie!” lapit at bulong naman sa akin ni Byron.“Stupid! Siya nga iyan,” mahinang banat naman ni Ramil kay Byron.“Talaga?”“Tara na sa loob!” yaya ni Sissy sa aming lahat saka niya hinawakan sa kamay si Yannie, at bago niya pa ito hilahin paalis ay binigyan niya ako ng matalim na tingin na para bang sinasabi niton
Yannie Ace Ruiz“H-Huh?” Tuluyan akong natigilan at natulala sa harapan ni Josh habang malapit kami sa isa’t isa at habang hawak niya ang isa kong kamay. Biglang nakaramdam ng panghihina ang magkabilang tuhod ko at hindi ko alam kung normal pa ba ang ginagawang pagtibok ng puso ko ngayon sa loob ng dibdib ko. Nababahala akong baka naririnig niya ngayon ang malakas na pag-iingay nito sa loob ko.Gumalaw ang lalamunan ni Josh habang sinasalubong ng titig ang mga mata ko. At pagkuwan ay saka lamang siya muling nagsalita.“This is your room, so, ako ang dapat na umalis,” mahinang usal niya sa akin saka niya marahan na binitiwan ang kamay ko. Unti-unti siyang lumayo sa akin at pagkuwan ay mabilis na siyang tumalikod at lumabas ng kwarto.Nang makaalis na siya ay saka lamang ako nakahinga ng maayos at ng normal. Para bang saka ko lang napakawalan ng maayos ang paghinga ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito sa loob. Nagulat na lang ako nang pagpasok ko at pagharap ko sa loob ay nak
Yannie Ace Ruiz“Hi, girls,” nakangiting bati sa amin no’ng Ramil. Inirapan siya ni Veron habang ako naman ay maliit na ngumiti lamang dito. Siguro ay naiinis pa rin si Veron sa lalaki dahil sa engkwentro namin sa kanila kanina nang dumating kami dito.Patago kong sinulyapan si Josh sa tabi ni Ramil pero nagulat ako nang makitang nakatingin pala ito sa akin, kaya naman nasalubong ko ang mga tingin niya. Bigla akong naubo dahil doon kaya agad akong tumalikod sa kanila.“Okay ka lang?” mahinang tanong ni Veron sa akin habang himas-himas ang likod ko. Marahang tinanguan ko naman siya.“Let’s take a group picture!” masayang sabi ni Ate Aika sa aming lahat.“Sure! Tara!” pagsang-ayon naman ni Ramil saka nito hinila ‘yong Byron at si Josh palapit ng kaunti sa amin. Si Veron naman ay bahagyang siniksik ako palapit din sa kanila hanggang sa magdikit at magtabi kami ni Josh sa gitna.“Okay, one two three!” ani Ate Aika na siyang nasa unahan namin at may hawak ng camera.Maliit akong ngumiti ka
Yannie Ace Ruiz“Yannie, masakit pa ba ang balikat mo?” lapit at tanong sa akin ni Veron saka ito naupo sa may tabi ko.Maliit ko siyang nginitian saka sinagot, “Hindi naman na. Okay na ako huwag ka ng mag-alala.”Bumuntong hininga si Veron. “Sorry huh. Mukhang dapat ay hindi na kita pinilit na sumama dito,” pagkuwan ay sabi niya pa sa akin.“Huh? Bakit naman?” takang tanong ko sa kanya.“Eh kasi naiinis ako kay Josh. Simula nang dumating tayo dito kanina ay hindi ka man lang niya nagawang lapitan o kausapin. Pinilit ko pa kasi na baka may chance pa kayo. Ayan tuloy…” nagi-guilty na sabi ni Veron sa akin.“Ano ka ba, ayos lang iyon. Saka siguro ay ganoon lang talaga siya kagalit sa akin para hindi na ako kausapin pa,” saad ko na may bahid ng lungkot sa aking tinig. “Pero huwag na natin isipin pa iyon. Mag-enjoy na lang tayo nang mag-enjoy dito,” dagdag ko pa saka ako maliit na ngumiti sa kanya.“Magandang idea ‘yan!” pagsang-ayon naman ni Veron sa akin saka niya ako hinila patayo mula
Yannie Ace RuizMabilis na binuksan ni Veron ang pintuan ng kwartong kinaroroonan namin nang may sunod-sunod na kumatok dito mula sa labas. At bumungad naman doon ang nakangiting si Ate Lory na ipinakilala sa akin ni Ate Rica kanina na isa sa mga kaibigan niya.“Hi, Girls! Magsisimula na ang dinner party para kay Rica. You can go outside na,” nakangiting sabi nito sa amin.“Okay po, Ate. Thank you po,” nakangiting tugon din naman namin ni Veron kay Ate Lory, saka kami nito tuluyang iniwanan.“Tara na,” yaya ko kay Veron pero nagulat ako nang bigla niya akong pinigilan.“Sandali, Yannie.”“Bakit?” nagtatakang tanong ko dito.“Masyado ka naman excited lumabas. Excited kang makita si Josh, ‘no?” panunukso sa akin ni Veron na siyang ikinainit ng magkabilang pisngi ko.“H-Hindi ah. T-Tinatawag na kasi tayo kaya mas mabuting lumabas na tayo—”“Asus! Hindi mo naman ako maloloko eh,” nakangising putol sa akin ni Veron. “Naiintindihan ko na excited ka nang makita ulit si Josh—”“Hindi nga—”“P
Yannie Ace Ruiz Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito sa mga nakita ko kanina. Alam ko namang wala akong karapatan para maramdaman ito, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na balewalain ang pakiramdam na ito. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad kahit na hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa. Para bang may sariling isip ang mga ito na ang tanging gusto lang ay ang makalayo ako mula doon. Na para bang kapag ginawa ko iyon ay maiibsan kahit na papaano ‘yong sakit na nararamdaman ko. Napahinto lamang ako sa paglalakad nang biglang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko naman gustong maiyak pero kusa iyong lumabas mula sa mga mata ko. Marahan kong inangat ang tingin ko at iginala ang paningin ko. Natanaw ko ang dalampasigan at ang maliwanag na buwan kasama ng mga bituin na nakapaligid dito. Hindi ko namalayan na sa beach pala ako dinala ng mga paa ko. Mula sa kinatatayuan ko ay marahan akong napaupo sa pinong buhanginan doon. Tahimik ang
Yannie Ace Ruiz Hindi ko alam kung gaano katagal na ba akong nakatulala lamang sa kawalan dahil sa pagiging abala ng isipan ko sa pag-iisip tungkol sa lahat ng bagay na nangyari kagabi. Paulit-ulit na binabalik ng isipan ko sa akin ang mga nangyari kagabi at ang mga sinabi sa akin ni Josh. “So, leave her alone because this girl is mine.” Alam kong nasabi lamang ni Josh ang mga salitang iyon kagabi para hindi na ako kulitin no’ng dalawang foreigner na lalaki sa may beach. Pero hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit tumatalon pa rin ang puso ko dahil doon. Lalo pa noong… “I don't like seeing you with another guy. I don’t know why. I just… I just hate it.” “I don’t know why… I just… I just don't want you to think that I like someone else.” Para na akong kakapusin sa paghinga dahil sa sobrang pagwawala ng puso ko. Nararamdaman ko din ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil doon. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano. Ayaw kong umasa sa kanya. Pero dahil sa mga sinabi niya sa aki
Yannie Ace RuizMula kanina pagkabalik nina Veron at Ramil mula sa pag-iscuba diving ay napansin kong parang bihira na lamang silang magbangayan na dalawa. Katulad ngayon na tinutulungan ni Ramil si Veron sa pagdadala ng mga gamit nito palabas ng kwarto. Alas quatro na ng hapon at ang lahat ay abala na sa pag-aayos para sa pag-uwi.“Anong nangyari?” tanong at lapit ko kay Veron nang layuan na ito ni Ramil para magdala ng sariling gamit sa sasakyan.“Huh?”“Bakit tinulungan ka ni Ramil maglabas ng mga gamit mo?”“Ah iyon ba? Wala lang naman. Siguro ay gusto lang niya talagang tumulong,” sagot ni Veron sa akin. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla na din niyang iniba ang usapan namin. “Siya nga pala, Yannie. Tingin ko ay mahihirapan tayo mag-commute ngayong pauwi.”“Huh?”“Mamaya lang ay rush hour na. Tapos maaabutan tayo ng heavy traffic mamaya.”“Oo nga. Naisip ko din iyon. Pero wala naman tayong choice kung ‘di ang mag-commute pauwi eh. ‘Di ba?”“Sumabay na kayo sa amin pauwi.” Ma
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma