Hayhay... bati na sila??
Umalis si Liam mula sa mansyon ni Emerald matapos ang kanilang pag-uusap. Bagaman masaya siya para sa babaeng minamahal, nakaramdam din siya ng kirot nang makita niyang hinalikan ni young Morgan si Jace. At doon ay natanggap na niyang wala na siyang chance na magustuhan pa ng babae, ngunit umaasa siyang magagampanan ni young Higginson ang responsibilidad na alagaan si Emerald.Pumasok siya sa isang bar na puno ng buhay, ang sentro ng nightlife, kung saan napaka energetic ng lahat at masaya ang paligid. Isa itong lumang gusali na yari sa bricks, simple at hindi pansinin mula sa labas, ngunit sa loob ay ibang-iba ang mundo.Karamihan sa mga tao ay bihis na bihis. Ang mga babae ay nakasuot ng mga magagarang damit o mga chic na tops at skirts, may suot na mga malalaking alahas at matataas na takong. Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng iba’t ibang estilo—mula sa casual button-downs hanggang sa mga trendy t-shirts na pinapareha sa jeans o chinos, ang iba ay naka-sneakers at ang iba’y may suo
“Emerald,” sabi ni Mr. Landers habang nakatingin kay young Morgan, ang mga mata niya ay puno ng luha. “Para akong nakatingin sa picture nang aking ina noong kabataan niya,” dagdag pa niya. Nasa hotel sila kung saan tumuloy si Mr. Landers pagdating niya sa L.A. Gusto sana niyang pumunta agad sa bahay ni Emerald, pero sinabi ni Cedrick na hintayin muna siya dahil may mga personal na bagay pa itong inaasikaso.“Mr. Landers, ako—”“Dad, tawagin mo akong Dad.” Pagwawasto ni Mr. Landers, dahilan upang mapaluha si Emerald. “At siya ba ang apo ko?” tanong niya habang nakatingin kay Ace, na ngumiti pabalik sa kanya.“Yes, D-Dad,” sagot ni Emerald.“May isa pa akong lolo?” excited na tanong ng bata.“Yes, kid, and that's me,” masayang tugon ni Mr. Landers. Hindi masukat ang kaligayahang bakas sa kanyang mukha habang nakatingin sa kanyang anak at apo. Hindi niya inasahang sa paghahanap niya sa babaeng minamahal, ay matatagpuan niya ang isa pang bahagi ng sarili niya. “Can you come closer? I want
“Ano na ang gagawin mo sa sitwasyon natin, Emerson?” galit na tanong ni Merly sa asawa niya. Nasa hapag-kainan sila, nag-aagahan sa inuupahang apartment. Dahil hindi ginagawa ni Mr. Morgan ang dapat para mabawi ang kanilang kumpanya, labis ang galit na nararamdaman ng asawa. Iniisip niyang sinadya ng lalaki na wala siyang gawin at hayaang silang mag-ina ni Emerose ang magbanat ng buto para sa gastusin nila.“Anong problema? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na magtipid ka dahil may kinakaharap tayong krisis sa pera? Bakit parang sa akin mo lahat isinisisi?” galit na sagot ni Emerson, nakatitig nang masama sa asawa niya.“Pero Dad, alam mo naman kung paano ang mga kaibigan…” sabat ni Emerose, pero binigyan siya ng masamang tingin ng kanyang ama.“Kung ikaw lang sana ay kalahati ng kalingkingan ni Emerald, sana mayaman na ang napangasawa mo. Hindi mo ba nakikita? Kahit gaano kagalit si Jace sa kanya noon, siya pa rin ang pinili niyang pakasalan,” sabi ni Emerson sa anak.“Dahil gusto niyang pa
Mature ContentSamantala, galit na galit si Emerose sa sinabi ng kanyang ama, kaya't pumunta siya sa apartment ng kanyang boyfriend. Kailangan niya ng taong magsasabi sa kanya kung gaano siya kaimportante at magpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang pagkatao. Mahal niya ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ina, na palagi niyang inaakalang nasa kanyang tabi at nagturo sa kanya kung paano niya patuloy na makukuha ang atensyon ng kanyang ama. Ngunit sa nangyari kanina, pakiramdam ni Emerose, ang panganay ng mga Morgan, na wala siyang silbi sa kanyang ama sa lahat ng oras, kahit na ginawa na niya ang lahat para matulungan siya at ang kanilang negosyo.“Ano’ng nangyari?” tanong ng kanyang nobyo na si Hubert. Niyakap siya ni Emerose, umiiyak, habang marahang tinatapik ni Hubert ang kanyang likod. “Shh... tahan na, babe,”“Hindi ko maintindihan si Dad,” sabi ni Emerose habang umiiyak.“Sabihin mo sa akin ang lahat,” pag-uudyok ni Hubert sa kanya, kaya sinabi ni Emerose ang buong nangya
“Love, kailan mo ba ako kakausapin?” tanong ni Emerson. Pagkatapos niyang umalis sa kanilang inuupahang apartment, pumunta siya sa susunod na siyudad kung nasaan si Lucy. Karaniwan na itong ginagawa niya. Kahit noong nakatira pa sila sa kanilang lumang mansyon, laging naglalaan siya ng oras para bisitahin ang mahal niya.“Love, please, kausapin mo naman ako. Galit ka pa rin ba sa akin dahil hindi ko pinagtanggol ang anak natin? Maniwala ka, ginagawa ko lang iyon para protektahan siya kay Merly. Gagawin niya ang lahat para saktan siya kapag nalaman niyang mahal ko si Emerald.” Patuloy na kinakausap ni Emerson si Ember pero wala pa rin siyang nakukuhang sagot.Maya-maya, narinig niyang may kumatok sa pinto kaya tumayo siya mula sa kanyang upuan at binuksan iyon. “Ano iyon? Hindi ba at sinabi ko na huwag akong gambalain kapag kasama ko ang asawa ko?”“Pasensya na po, sir, pero tumawag ang Red House, at gusto daw kayong makausap ni Madam.”“Putang ina, ano na naman ang kailangan niya?”“Wa
Mature ContentSi Emerald ay nasa SoftWare Group at tinatapos na ang collaboration game nila ng kumpanya ni Jace. Hindi siya makapaniwala na magiging inspirasyon ang mga nangyari kamakailan upang matapos ang proyekto. Dahil napakahusay ng kanyang team, wala siyang naging problema maliban sa ilang minor changes, kaya nakapag-focus siya sa kanyang gawain.“Dear wife, huwag mo namang masyadong pagurin ang sarili mo.” Napatingin si Emerald, nakangiti nang marinig ang boses ng kanyang asawa at nakita ito na nakasandal sa pintuan ng kanyang opisina, gaya ng dati.“Hindi naman,” sagot niya, hinihintay si Jace na lumapit at halikan siya.“Lampas na ng alas-sais, hindi ba't sobra-sobra na 'yan?”“Overtime pero hindi overworking. At, sa totoo lang, alam ko namang alam mo na, na kapag may pumasok na idea sa isip mo, hindi mo mapipigilan ang sarili mong magtrabaho.”“Yeah, gets kita diyan.” Ngumiti si Jace habang hinahaplos ang makinis na mukha ng asawa. Masaya siyang naging maayos ang lahat para
Isang linggo na ang lumipas mula nang sabihin ni Mr. Landers kay Emerald ang tungkol sa pagdating ng kanyang lolo. Si young Morgan ay nasa pangunahing opisina ng Ace Family Grocer’s matapos siyang ipadala ni Jace doon bago ito pumunta sa kanyang kumpanya. Abala siya sa pakikipag-usap kay Elise tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng grocery.“Hindi ako makapaniwalang ganito kabilis ang paglago natin,” sabi ni Emerald habang tinitingnan si Elise na mukhang masayang-masaya.“Kahit ako ay hindi makapaniwala. Dati, kontento na ako sa ACEGame; tumutulong lang ako sa inyo ni Creep para maibigay ang mga kailangan niyo when it comes to legal matters. Pero ngayong minamanage ko ang grocery store, napagtanto kong gusto ko pala ang ganitong trabaho.”Nakangiti si Emerald nang marinig ang sinabi ng kanyang kaibigan. Alam niyang hindi niya magagawa ang lahat ng ito nang mag-isa kung wala sina Elise at Creep. Bagama’t napakatalino ni niya, alam niya ring kailangan niya ng mga taong gagabay at susuporta
"Kamusta ang lahat?" tanong ni Jace, nakatingin kay Emerald at sa iba pang team na handa nang i-launch ang laro na kanilang dinevelop. Kitang-kita ang kasiyahan at excitement sa kanilang mga mukha dahil natapos nila ang lahat nang mas maaga sa inaasahan, at buong industriya ng esport ay sabik nang masubukan ito.Nang una nilang ilunsad ang teaser, lahat ng manlalaro ay nasabik, inaasahan ang larong puno ng challenge at excitement. Siniguro ni Emerald na mae-enjoy ng mga players ang bawat level bago sila makausad. Ang mga item na kailangan nilang bilhin ay naka-sale sa unang linggo, na siguradong susulitin ng mga gamers. Ang kwento sa likod ng bawat karakter ay isinulat ng kilalang mga manunulat kaya't sulit ang bawat oras ng paghihintay."Yes, sir!" sabay-sabay na sagot ng lahat kasabay ng palakpakan. Si Emerald, na nakatayo sa tabi ng kanyang asawa, ay kinakabahan—isang pakiramdam na palagi niyang nararanasan tuwing naglulunsad sa tuwing magla-launch sila ng bagong game. Kinuha ni Jac