At naman kayang plano ang mabubuo nila?
“Dad, sasama ka ba sa rollercoaster?” tanong ni Ace. Tumingin si Jace kay Emerald, na natawa naman. Ganito talaga ang bata; alam niyang hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakakasakay. Nasa amusement park sila, isang request ni Ace para sa family bonding.“Ahm, kasi–”“Wag mong sabihing takot kang sumakay, Dad.” Hindi napigilan ni Emerald ang matawa, kaya napatingin sa kanya ang mag-ama nang nagtataka.“Pasensya na,” sabi niya habang kumakaway sa kanila.“Pinagtatawanan mo ba ako?” tanong ni Jace, kunot ang noo.“Yes, Daddy. Sigurado akong natatawa si Mommy kasi parang takot ka sa rollercoaster,” sabi ni Ace, na lalo pang nang-asar at kinindatan ni Emerald.“Hindi ako takot!” tugon ni Jace. Kahit hindi siya mahilig sa rides, hindi naman siya natatakot. Nag-aalala lang siya para sa anak.“Kaya mo ba?” tanong ni Jace, halatang nag-aalala. Tumango si Ace nang masigla, iniisip na sasamahan siya ng ama. “Sige, tara na.”“Yehey!!” Tumalon sa tuwa si Ace bago tumingin kay Emerald na nag-thu
Pumunta sina Emerald at Jace sa hotel kung saan nananatili sina Mr. Landers at Mr. Ferguson. Kinausap nila ang mga ito tungkol sa nangyari sa amusement park habang naglalaro naman si Ace kasama ang kanyang yaya sa isang kwarto at hinihintay sila."Kailangan nating bigyan ng karagdagang proteksyon ang bata; hindi natin siya puwedeng iwan sa yaya lang kahit na may nagbabantay sa kanila mula sa malayo," sabi ni Mr. Landers na kita ang pag-aalala sa mukha para sa kanyang apo.“Napag-isipan ko na rin ito at humingi ako ng tulong sa investigator ko para maghanap ng maaasahan at mapagkakatiwalaang tao na magiging bodyguard ni Ace,” sagot ni Jace.“Ibigay mo sa apo ko ang pinakamagandang proteksyon na kaya natin, anak. Pakitaan mo ang kung sino mang may balak na kalabanin tayo. Ipaalam mo sa kanila kung sino ang kinakalaban nila,” dagdag ni Mr. Ferguson habang nakatingin kay Jace. Hindi siya ang tipo na ipinagyayabang ang yaman, pero mula nang umalis at nagtago ang kanyang anak, hindi siya nag
“Sigurado ka bang ito ang normal na ginagawa nila?” tanong ni Hubert sa lalaking inupahan niyang bantayan si Emerald at ang pamilya nila.“Umalis kami pagkahatid nila sa bahay mula sa hotel,” sagot ng lalaki.“Ano ang ginawa nila doon?”“Hindi ko alam, pero may dumating pang isa pang lalaki pagkatapos.”“Sino ang lalaking iyon?”“Hindi ko pa siya natititigan nang mabuti. Nakita ko lang siya kanina. Tungkol naman sa nananatili sa hotel na iyon, sabi ng mga staff, isa raw siyang business tycoon mula sa ibang bansa.”“Kaya pala, mukhang may negosyo pa silang ginagawa. Talagang mayaman ang mag-asawa,” sabi ni Hubert.“Ganoon na nga. Alam mo namang kilalang negosyante si Mr. Higginson. Mahirap siyang kalabanin.”“Natatakot ka na ba ngayon?” galit na tanong ni Hubert.“Siyempre hindi! Pero gusto ko lang ipaalala na dapat mabayaran mo kami ng maayos; hindi biro ang kalabanin si Mr. Higginson.”“Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol doon. Sinabi ni Emerose na mayaman ang kapatid niyang bast
Nararamdaman ni Emerald ang matinding sakit ng ulo habang dahan-dahan siyang nagkamalay, pinupuno ng malamig at mamasa-masang hangin ang kanyang mga baga. Iminulat niya ang kanyang mga mata, sinasanay ang sarili sa malamlam na ilaw ng nag-iisang bombilya na mahina at pabaling-baling sa itaas.Napansin niyang nasa isang marumi, madilim na silid siya na walang bintana, at ang mga dingding ay tila may mga bakas ng mantsa. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapagtanto niyang nakatali siya sa isang lumang upuan, ang kanyang mga pulso at bukung-bukong ay mahigpit na nakagapos ng magaspang at masakit na lubid.Nagpumiglas siya upang kumawala, ngunit lalong bumaon ang lubid sa kanyang balatat lalo nawalan ng saysay ang kanyang mga pagsisikap na makakawala. Bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala ng pagdukot sa kanya—ang biglaang paghatak ng makalabas siya ng Uber saharap mismo ng opisina ng grocery, ang magaspang na mga kamay na humihila sa kanya papasok ng van, at ang nakakabinging kadil
“Maghanda ka ng hapunan. Dadating ang mga magulang at kuya ko para ipakilala ka sa kanila,” sabi ni Jace, na hindi mapaniwalaan ni Emerald na naging dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata. Nakaayos na ang mga gamit niya, at hinihintay na lang sana niya na umalis ang asawa papunta sa trabaho bago siya umalis sa mansyon nila para tuluyan na niyang iwan ito. Sobra na siyang nasasaktan dahil sa ginagawa sa kanya nito kaya naman nagdesisyon na siyang lumayo.Sa kabila nito, nakaramdam ng saya si Emerald, inakala niyang nagbago na ang isip ni Jace at handa na siyang tanggapin bilang asawa niya. Kaya naman, snimulan niyang magplano ng menu na ihahanda para sa hapunan. Gusto niyang mapabilib ang pamilya ni Jace para tanggapin din siya ng mga ito. Sa loob ng isang taon, inisip niyang hindi na niya makikilala ang pamilya ng asawa niya, at patuloy niyang tinatanong sa sarili kung alam ba ng mga ito ang tungkol sa kanya. Ang tungkol sa pagpapakasal nila.Sa sobrang tuwa, nilinis ni Emerald an
"Pakihanda si Emerald para sa kasal sa susunod na linggo," sabi ni Jace Higginson na ikinagulat ng pamilya Morgan. Hindi nila inaasahan na pipiliin niya ang nakababatang anak na babae kaysa sa edukada at napakasopistikadang panganay.Sa suot niyang maluwang na damit, tiningnan ni Emerald ang pinaka-guwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi rin siya makapaniwala na ang lalaking pumasok sa kanilang mansyon kanina ay siya ang pipiliin."Sigurado ka ba, Mr. Higginson?" tanong ni Emerson Morgan, ama ni Emerald, na halatang nagulat."Mas bagay sa'yo ang panganay naming anak. Siya ay edukada, maganda, at napaka-kaakit-akit. Sigurado akong magugustuhan mo siyang ipakilala sa mga kasosyo mo sa negosyo," dagdag pa ni Merly Morgan.Hindi maintindihan ni Emerald kung bakit ganito ang sinasabi ng kanyang mga magulang. Parang ipinahihiwatig nila na wala siyang halaga at hindi karapat-dapat na mapangasawa ng isang tulad ni Jace Higginson. Wala siyang magawa kundi yumuko sa hiya haban
"Sir, nakahanap na po ako ng nurse na mag-aalaga kay Sir Jack," sabi ni Nolan, ang assistant ni Jace, pagkapasok niya sa opisina kinabukasan."Siguraduhin mong maaalagaan niya nang mabuti ang kapatid ko.""Naipaliwanag ko na rin sa kanya ang lahat ng kailangan niyang gawin. Nai-inform na rin ang mga katulong tungkol sa supplements niya," dagdag pa ng kanyang assistant. Hindi na mabilang ni Jace kung ilang beses na siyang kumuha ng nurse para sa kapatid dahil palaging nagreresign ang mga ito kahit gaano kalaki ang sahod nila. Ito'y dahil sinasaktan sila ng kanyang kapatid at sinasabihan ng masasakit na salita dahil ayaw nitong matulungan. Determinado itong tapusin ang sariling buhay na lalo pang ikinagalit ni Jace. Ayaw ng kapatid niyang gumaling kahit na malaki pa ang tsansa nito, lalo na't kumpleto sila sa resources para sa gamot at anumang operasyong kakailanganin.Umupo si Jace sa kanyang upuan at nagsimulang magtrabaho. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi, iniisip ang asawa ni
Sa loob ng mansyon, naguguluhan si Emerald dahil sa pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa. Kahit pa nararamdaman na niyang may kakaiba, hindi niya ito binigyang pansin. Nasa kusina siya at naglilinis nang maalala niya kung paano siya kinausap ni Jace kanina.“Papasok ka sa trabaho?” tanong niya, ngunit binigyan lang siya ng matalim na tingin ni Jace habang nag-aayos ito ng polo at naghahanda para pumasok.“Akala mo ba, dahil kasal na tayo ay titigil na ako sa pagnenegosyo?” matalim na sabi ni Jace. Hindi ito maintindihan ni Emerald, kaya nagtanong siya ulit.“Kakasal pa lang natin, hindi ba dapat ay mag-leave ka muna sa trabaho para magkaroon tayo ng pagkakataon para magkasama at magkakilala?” inosenteng tanong ni Emerald, at napansin ni Jace na parang nahihiya ito. Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam, ngunit ang kanyang asawa ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang damdamin. Damdaming alam niyang sisira ng kanyang plano kung hindi niya iyon paglalabanan."Gusto mo bang magtalik na ta