See you sa next chapter..
“Sigurado ka bang ito ang normal na ginagawa nila?” tanong ni Hubert sa lalaking inupahan niyang bantayan si Emerald at ang pamilya nila.“Umalis kami pagkahatid nila sa bahay mula sa hotel,” sagot ng lalaki.“Ano ang ginawa nila doon?”“Hindi ko alam, pero may dumating pang isa pang lalaki pagkatapos.”“Sino ang lalaking iyon?”“Hindi ko pa siya natititigan nang mabuti. Nakita ko lang siya kanina. Tungkol naman sa nananatili sa hotel na iyon, sabi ng mga staff, isa raw siyang business tycoon mula sa ibang bansa.”“Kaya pala, mukhang may negosyo pa silang ginagawa. Talagang mayaman ang mag-asawa,” sabi ni Hubert.“Ganoon na nga. Alam mo namang kilalang negosyante si Mr. Higginson. Mahirap siyang kalabanin.”“Natatakot ka na ba ngayon?” galit na tanong ni Hubert.“Siyempre hindi! Pero gusto ko lang ipaalala na dapat mabayaran mo kami ng maayos; hindi biro ang kalabanin si Mr. Higginson.”“Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol doon. Sinabi ni Emerose na mayaman ang kapatid niyang bast
Nararamdaman ni Emerald ang matinding sakit ng ulo habang dahan-dahan siyang nagkamalay, pinupuno ng malamig at mamasa-masang hangin ang kanyang mga baga. Iminulat niya ang kanyang mga mata, sinasanay ang sarili sa malamlam na ilaw ng nag-iisang bombilya na mahina at pabaling-baling sa itaas.Napansin niyang nasa isang marumi, madilim na silid siya na walang bintana, at ang mga dingding ay tila may mga bakas ng mantsa. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapagtanto niyang nakatali siya sa isang lumang upuan, ang kanyang mga pulso at bukung-bukong ay mahigpit na nakagapos ng magaspang at masakit na lubid.Nagpumiglas siya upang kumawala, ngunit lalong bumaon ang lubid sa kanyang balatat lalo nawalan ng saysay ang kanyang mga pagsisikap na makakawala. Bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala ng pagdukot sa kanya—ang biglaang paghatak ng makalabas siya ng Uber saharap mismo ng opisina ng grocery, ang magaspang na mga kamay na humihila sa kanya papasok ng van, at ang nakakabinging kadil
“Maghanda ka ng hapunan. Dadating ang mga magulang at kuya ko para ipakilala ka sa kanila,” sabi ni Jace, na hindi mapaniwalaan ni Emerald na naging dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata. Nakaayos na ang mga gamit niya, at hinihintay na lang sana niya na umalis ang asawa papunta sa trabaho bago siya umalis sa mansyon nila para tuluyan na niyang iwan ito. Sobra na siyang nasasaktan dahil sa ginagawa sa kanya nito kaya naman nagdesisyon na siyang lumayo.Sa kabila nito, nakaramdam ng saya si Emerald, inakala niyang nagbago na ang isip ni Jace at handa na siyang tanggapin bilang asawa niya. Kaya naman, snimulan niyang magplano ng menu na ihahanda para sa hapunan. Gusto niyang mapabilib ang pamilya ni Jace para tanggapin din siya ng mga ito. Sa loob ng isang taon, inisip niyang hindi na niya makikilala ang pamilya ng asawa niya, at patuloy niyang tinatanong sa sarili kung alam ba ng mga ito ang tungkol sa kanya. Ang tungkol sa pagpapakasal nila.Sa sobrang tuwa, nilinis ni Emerald an
"Pakihanda si Emerald para sa kasal sa susunod na linggo," sabi ni Jace Higginson na ikinagulat ng pamilya Morgan. Hindi nila inaasahan na pipiliin niya ang nakababatang anak na babae kaysa sa edukada at napakasopistikadang panganay.Sa suot niyang maluwang na damit, tiningnan ni Emerald ang pinaka-guwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi rin siya makapaniwala na ang lalaking pumasok sa kanilang mansyon kanina ay siya ang pipiliin."Sigurado ka ba, Mr. Higginson?" tanong ni Emerson Morgan, ama ni Emerald, na halatang nagulat."Mas bagay sa'yo ang panganay naming anak. Siya ay edukada, maganda, at napaka-kaakit-akit. Sigurado akong magugustuhan mo siyang ipakilala sa mga kasosyo mo sa negosyo," dagdag pa ni Merly Morgan.Hindi maintindihan ni Emerald kung bakit ganito ang sinasabi ng kanyang mga magulang. Parang ipinahihiwatig nila na wala siyang halaga at hindi karapat-dapat na mapangasawa ng isang tulad ni Jace Higginson. Wala siyang magawa kundi yumuko sa hiya haban
"Sir, nakahanap na po ako ng nurse na mag-aalaga kay Sir Jack," sabi ni Nolan, ang assistant ni Jace, pagkapasok niya sa opisina kinabukasan."Siguraduhin mong maaalagaan niya nang mabuti ang kapatid ko.""Naipaliwanag ko na rin sa kanya ang lahat ng kailangan niyang gawin. Nai-inform na rin ang mga katulong tungkol sa supplements niya," dagdag pa ng kanyang assistant. Hindi na mabilang ni Jace kung ilang beses na siyang kumuha ng nurse para sa kapatid dahil palaging nagreresign ang mga ito kahit gaano kalaki ang sahod nila. Ito'y dahil sinasaktan sila ng kanyang kapatid at sinasabihan ng masasakit na salita dahil ayaw nitong matulungan. Determinado itong tapusin ang sariling buhay na lalo pang ikinagalit ni Jace. Ayaw ng kapatid niyang gumaling kahit na malaki pa ang tsansa nito, lalo na't kumpleto sila sa resources para sa gamot at anumang operasyong kakailanganin.Umupo si Jace sa kanyang upuan at nagsimulang magtrabaho. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi, iniisip ang asawa ni
Sa loob ng mansyon, naguguluhan si Emerald dahil sa pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa. Kahit pa nararamdaman na niyang may kakaiba, hindi niya ito binigyang pansin. Nasa kusina siya at naglilinis nang maalala niya kung paano siya kinausap ni Jace kanina.“Papasok ka sa trabaho?” tanong niya, ngunit binigyan lang siya ng matalim na tingin ni Jace habang nag-aayos ito ng polo at naghahanda para pumasok.“Akala mo ba, dahil kasal na tayo ay titigil na ako sa pagnenegosyo?” matalim na sabi ni Jace. Hindi ito maintindihan ni Emerald, kaya nagtanong siya ulit.“Kakasal pa lang natin, hindi ba dapat ay mag-leave ka muna sa trabaho para magkaroon tayo ng pagkakataon para magkasama at magkakilala?” inosenteng tanong ni Emerald, at napansin ni Jace na parang nahihiya ito. Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam, ngunit ang kanyang asawa ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang damdamin. Damdaming alam niyang sisira ng kanyang plano kung hindi niya iyon paglalabanan."Gusto mo bang magtalik na ta
Habang lumilipas ang mga araw, hindi tumitigil ang pagdurusa ni Emerald. Minsan ay dumadalaw si Emerose sa kanilang mansyon upang saktan siya, pisikal at emosyonal. Hindi alam ng batang Morgan kung bakit ganoon ang ate niya sa kanya na nagsimula noong bata pa siya.Buong buhay niya, inakala niyang masuwerte siya na magkaroon ng isang ate or kapatid na magiging kasama niya. Ngunit habang siya'y tumatanda, napagtanto niya na malayong maging magiliw sa kanya si Emeros dahil siya sa tingin niya ay kakumpetensiya ang tingin nito sa kanya. Na siya ring magdadala sa kanya sa kapahamakan.Bukod sa kanyang kapatid, si Jace ay isa pang dahilan ng kanyang pagdurusa at pighati. Ang lalaking inakala niyang magiging kasama niya sa hirap at ginhawa ay nagpabaya at nanakit sa kanya. Tinutupad ni Emerald ang kanyang tungkulin bilang asawa sa loob ng isang buwan ng kanilang kasal.Nakakaramdam siya ng sobrang hiya at panliliit sas sarili sa tuwing pinipilit ni Jace na isubo ni Emerald ang kanyang pagkal
Akala niya ay hindi totoo ang sinabi ng kanyang kapatid at ina, na may nakalaan ang Diyos para sa kanya. Pero lahat ng iyon ay nawala nang siya ay piliin at sumama kay Jace na manirahan sa iisang bubong. Ngunit dahil sa nangyari ay gusto nang maniwala ni Emerald sa mga ito.Dahil wala na siyang silbi, nagdesisyon si Emerald na umalis. Ngunit bago niya magawa iyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang asawa. "Nasaan ka?" galit na tanong ni Jace."Nasa parking lot," sagot niya, pilit na hindi nalunok ang kanyang laway. Ayaw niyang malaman ng asawa niya na umiiyak siya."Ano bang ginagawa mo diyan? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na dinala kita rito para ipakita kung ano ang ginagawa ko?" tanong ulit ni Jace. "Pumunta ka na dito ngayon din!" sigaw niya. Malalim na huminga si Emerald bago binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. Hindi niya napansin ang kanilang driver na inaabot sa kanya ang facial tissue para punasan ang kanyang mukha.Maraming tao sa event, at alam ni Emerald na lahat sila