Share

Chapter 75

last update Huling Na-update: 2025-01-13 20:41:41

Nanatili ang grupo ni Jace sa kanilang pwesto habang hinihintay sina Detective Ronnie at Cedrick. Gustong masaksihan ni young Higginson ang mga pangyayari dahil sabik siyang ipaalam agad ang magandang balita sa kanyang asawa. Sa kabila ng kanyang pag-aalala, pinanatili niyang kalmado ang sarili, tulad ng paalala ni Liam na kasama niya sa sasakyan.

Samantala, sa loob ng Red House, nakaupo sina Detective Ronnie at Cedrick sa mahabang sofa na nakaharap sa isang malaking entablado. Alam nila kung anong uri ng establisyemento ang Red House at kung ano ang nagaganap dito.

Lumapit ang isang waitress at inalok sila ng inumin na agad nilang tinanggap. Dahil sa kalikasan ng kanilang trabaho, sanay na sila sa pag-inom at hindi madaling malasing. Nagpatuloy sila sa kanilang pagbabantay as they drink moderately. Hindi rin naman maganda na magakatama sila lalo na kung magkaroon ng hindi inaasahan na engkwentro.

Nagtaka ang dalawa kung bakit walang babaeng sumasayaw sa entablado kahit may mga taong
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Prologue

    “Maghanda ka ng hapunan. Dadating ang mga magulang at kuya ko para ipakilala ka sa kanila,” sabi ni Jace, na hindi mapaniwalaan ni Emerald na naging dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata. Nakaayos na ang mga gamit niya, at hinihintay na lang sana niya na umalis ang asawa papunta sa trabaho bago siya umalis sa mansyon nila para tuluyan na niyang iwan ito. Sobra na siyang nasasaktan dahil sa ginagawa sa kanya nito kaya naman nagdesisyon na siyang lumayo.Sa kabila nito, nakaramdam ng saya si Emerald, inakala niyang nagbago na ang isip ni Jace at handa na siyang tanggapin bilang asawa niya. Kaya naman, snimulan niyang magplano ng menu na ihahanda para sa hapunan. Gusto niyang mapabilib ang pamilya ni Jace para tanggapin din siya ng mga ito. Sa loob ng isang taon, inisip niyang hindi na niya makikilala ang pamilya ng asawa niya, at patuloy niyang tinatanong sa sarili kung alam ba ng mga ito ang tungkol sa kanya. Ang tungkol sa pagpapakasal nila.Sa sobrang tuwa, nilinis ni Emerald an

    Huling Na-update : 2024-08-21
  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 1

    "Pakihanda si Emerald para sa kasal sa susunod na linggo," sabi ni Jace Higginson na ikinagulat ng pamilya Morgan. Hindi nila inaasahan na pipiliin niya ang nakababatang anak na babae kaysa sa edukada at napakasopistikadang panganay.Sa suot niyang maluwang na damit, tiningnan ni Emerald ang pinaka-guwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi rin siya makapaniwala na ang lalaking pumasok sa kanilang mansyon kanina ay siya ang pipiliin."Sigurado ka ba, Mr. Higginson?" tanong ni Emerson Morgan, ama ni Emerald, na halatang nagulat."Mas bagay sa'yo ang panganay naming anak. Siya ay edukada, maganda, at napaka-kaakit-akit. Sigurado akong magugustuhan mo siyang ipakilala sa mga kasosyo mo sa negosyo," dagdag pa ni Merly Morgan.Hindi maintindihan ni Emerald kung bakit ganito ang sinasabi ng kanyang mga magulang. Parang ipinahihiwatig nila na wala siyang halaga at hindi karapat-dapat na mapangasawa ng isang tulad ni Jace Higginson. Wala siyang magawa kundi yumuko sa hiya haban

    Huling Na-update : 2024-08-22
  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 2

    "Sir, nakahanap na po ako ng nurse na mag-aalaga kay Sir Jack," sabi ni Nolan, ang assistant ni Jace, pagkapasok niya sa opisina kinabukasan."Siguraduhin mong maaalagaan niya nang mabuti ang kapatid ko.""Naipaliwanag ko na rin sa kanya ang lahat ng kailangan niyang gawin. Nai-inform na rin ang mga katulong tungkol sa supplements niya," dagdag pa ng kanyang assistant. Hindi na mabilang ni Jace kung ilang beses na siyang kumuha ng nurse para sa kapatid dahil palaging nagreresign ang mga ito kahit gaano kalaki ang sahod nila. Ito'y dahil sinasaktan sila ng kanyang kapatid at sinasabihan ng masasakit na salita dahil ayaw nitong matulungan. Determinado itong tapusin ang sariling buhay na lalo pang ikinagalit ni Jace. Ayaw ng kapatid niyang gumaling kahit na malaki pa ang tsansa nito, lalo na't kumpleto sila sa resources para sa gamot at anumang operasyong kakailanganin.Umupo si Jace sa kanyang upuan at nagsimulang magtrabaho. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi, iniisip ang asawa ni

    Huling Na-update : 2024-08-22
  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 3

    Sa loob ng mansyon, naguguluhan si Emerald dahil sa pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa. Kahit pa nararamdaman na niyang may kakaiba, hindi niya ito binigyang pansin. Nasa kusina siya at naglilinis nang maalala niya kung paano siya kinausap ni Jace kanina.“Papasok ka sa trabaho?” tanong niya, ngunit binigyan lang siya ng matalim na tingin ni Jace habang nag-aayos ito ng polo at naghahanda para pumasok.“Akala mo ba, dahil kasal na tayo ay titigil na ako sa pagnenegosyo?” matalim na sabi ni Jace. Hindi ito maintindihan ni Emerald, kaya nagtanong siya ulit.“Kakasal pa lang natin, hindi ba dapat ay mag-leave ka muna sa trabaho para magkaroon tayo ng pagkakataon para magkasama at magkakilala?” inosenteng tanong ni Emerald, at napansin ni Jace na parang nahihiya ito. Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam, ngunit ang kanyang asawa ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang damdamin. Damdaming alam niyang sisira ng kanyang plano kung hindi niya iyon paglalabanan."Gusto mo bang magtalik na ta

    Huling Na-update : 2024-08-22
  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 4a

    Habang lumilipas ang mga araw, hindi tumitigil ang pagdurusa ni Emerald. Minsan ay dumadalaw si Emerose sa kanilang mansyon upang saktan siya, pisikal at emosyonal. Hindi alam ng batang Morgan kung bakit ganoon ang ate niya sa kanya na nagsimula noong bata pa siya.Buong buhay niya, inakala niyang masuwerte siya na magkaroon ng isang ate or kapatid na magiging kasama niya. Ngunit habang siya'y tumatanda, napagtanto niya na malayong maging magiliw sa kanya si Emeros dahil siya sa tingin niya ay kakumpetensiya ang tingin nito sa kanya. Na siya ring magdadala sa kanya sa kapahamakan.Bukod sa kanyang kapatid, si Jace ay isa pang dahilan ng kanyang pagdurusa at pighati. Ang lalaking inakala niyang magiging kasama niya sa hirap at ginhawa ay nagpabaya at nanakit sa kanya. Tinutupad ni Emerald ang kanyang tungkulin bilang asawa sa loob ng isang buwan ng kanilang kasal.Nakakaramdam siya ng sobrang hiya at panliliit sas sarili sa tuwing pinipilit ni Jace na isubo ni Emerald ang kanyang pagkal

    Huling Na-update : 2024-08-23
  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 4b

    Akala niya ay hindi totoo ang sinabi ng kanyang kapatid at ina, na may nakalaan ang Diyos para sa kanya. Pero lahat ng iyon ay nawala nang siya ay piliin at sumama kay Jace na manirahan sa iisang bubong. Ngunit dahil sa nangyari ay gusto nang maniwala ni Emerald sa mga ito.Dahil wala na siyang silbi, nagdesisyon si Emerald na umalis. Ngunit bago niya magawa iyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang asawa. "Nasaan ka?" galit na tanong ni Jace."Nasa parking lot," sagot niya, pilit na hindi nalunok ang kanyang laway. Ayaw niyang malaman ng asawa niya na umiiyak siya."Ano bang ginagawa mo diyan? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na dinala kita rito para ipakita kung ano ang ginagawa ko?" tanong ulit ni Jace. "Pumunta ka na dito ngayon din!" sigaw niya. Malalim na huminga si Emerald bago binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. Hindi niya napansin ang kanilang driver na inaabot sa kanya ang facial tissue para punasan ang kanyang mukha.Maraming tao sa event, at alam ni Emerald na lahat sila

    Huling Na-update : 2024-08-23
  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 5

    "Ito na po, sir," sabi ni Nolan bago inabot kay Jace ang isang sobre na naglalaman ng mga litrato na kinunan ng nagdaang gabi sa party na in-attend-an niya kasama ang magkapatid na Morgan."You may leave," sabi ni Jace bago sumandal sa kanyang swivel chair. Ilang minuto na ang lumipas, ngunit nakatingin pa rin siya sa sobre, nag-aalangan kung tbubuksan ba niya iyon.Matapos ang mahabang pag-iisip, iniunat niya ang kanyang mga kamay at inabot ang sobre. Binuksan niya ito, at ang maganda ngunit malungkot na mukha ni Emerald ang bumungad sa kanya. Ito ay noong iniwan niya ito sa entrance ng venue kasama si Emerose. Na-capture ng photographer ang kanyang asawa sa kanyang kaakit akit na itsura kahit na ba sa tingin niya ay biglaan iyon. Maamo at tila nanghahalina na pansamantala niyang nakalimutan ang kanyang galit para dito.Isa-isang tiningnan ni Jace ang mga larawan, at kahit saan siya tumingin, umaangat ang kagandahan ni Emerald. Pinili niya ang damit na iyon, sa pag-aakalang magmumukha

    Huling Na-update : 2024-08-24
  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 6

    Hapon ng Linggo, at si Emerald ay nasa kanyang kwarto, sinusubukang magpahinga. Katatapos lang niyang maglaba habang naglilinis ng bahay, at hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Umalis si Jace noong nakaraang araw at hindi pa bumabalik, kaya't nagdasal siya na sana'y hindi muna bumalik ang asawa hanggang sa makapagpahinga lang siya. Ngunit hindi sinagot ang kanyang dasal dahil makalipas lang ang ilang minuto, biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto, at lumitaw ang galit niyang asawa."Iyan ba ang ginagawa mo kapag wala ako? Nagpapahinga?" galit na tanong ni Jace."Kakatapos ko lang maglaba at maglinis ng bahay," mahinang sagot ni Emerald habang bumangon siya mula sa kama, na hindi nakaligtas sa pansin ni Jace. Kumunot ang kanyang noo habang lumalapit kay Emerald."Huwag mong sabihin sa akin na may sakit ka!" sigaw niya."Hindi, sandali lang akong nagpapahinga dahil balak kong pumunta kay Yaya Lucy mamaya.""At sino namang demonyo iyon?" tanong ni Jace, taas kilay."Siya ang yaya k

    Huling Na-update : 2024-08-24

Pinakabagong kabanata

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 75

    Nanatili ang grupo ni Jace sa kanilang pwesto habang hinihintay sina Detective Ronnie at Cedrick. Gustong masaksihan ni young Higginson ang mga pangyayari dahil sabik siyang ipaalam agad ang magandang balita sa kanyang asawa. Sa kabila ng kanyang pag-aalala, pinanatili niyang kalmado ang sarili, tulad ng paalala ni Liam na kasama niya sa sasakyan.Samantala, sa loob ng Red House, nakaupo sina Detective Ronnie at Cedrick sa mahabang sofa na nakaharap sa isang malaking entablado. Alam nila kung anong uri ng establisyemento ang Red House at kung ano ang nagaganap dito.Lumapit ang isang waitress at inalok sila ng inumin na agad nilang tinanggap. Dahil sa kalikasan ng kanilang trabaho, sanay na sila sa pag-inom at hindi madaling malasing. Nagpatuloy sila sa kanilang pagbabantay as they drink moderately. Hindi rin naman maganda na magakatama sila lalo na kung magkaroon ng hindi inaasahan na engkwentro.Nagtaka ang dalawa kung bakit walang babaeng sumasayaw sa entablado kahit may mga taong

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 74

    Habang nakatayo sina Jace at Liam sa loob ng marangya ngunit nakakatakot na tahimik na mansyon, ramdam nila ang bigat ng tensyon sa paligid. Kasama nila ang kanilang grupo ang mga pribadong imbestigador at mga pulis—na masusing nagse-search sa malawak na mga kwarto at koridor, naghahanap ng anumang palatandaan na maaaring magturo kina Dr. Sanders at Lucy.Mahigpit na hawak ni Jace ang kanyang telepono, naghihintay na sagutin ni Emerald sa kabilang linya. Nang sa wakas ay sumagot ito, ramdam ang pag-aalala sa kanyang boses."Hi, my dear wife.""Yes, bakit? May nangyari ba?" patanong na sagot ni Emerald."Nandito kami ni Liam sa kasunod na city kasama ang mga imbestigador at pulis.""Ano? Bakit? Anong ginagawa niyo diyan?" sunod-sunod na tanong ni Emerald na puno ng pag-aalala. "Ayos lang ba kayo?" dagdag pa niya."Oo, maayos kami. Pero ang totoo, sinubukan naming hanapin ang lokasyon ng device na ginamit ni Dr. Sanders para kontakin ang landlord mo. At tingin namin, nahanap na namin it

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 73

    "Kamusta naman ang iba nilang ari-arian? Talagang wala na bang natira sa kanila matapos kong makuha ang grocery?" tanong ni Emerald. Nasa meeting room siya ng ACEGame building kasama sina Creep at Daryl, pinag-uusapan ang mga naiwang assets ng mga Morgan matapos niyang makuha ang Family Grocers sa kanila."Gumawa ako ng paunang imbestigasyon para malaman kung kaya pa nilang bumangon," sagot ni Daryl."At?" tanong niya nang may halong pagkamausisa."Base sa impormasyong nakuha ko, sa tingin ko’y wala na silang tsansa na makabangon kung walang tutulong sa kanila.""Bakit mo nasabi?""Katulad ng alam mo na, nakatira na sila ngayon sa isang inuupahang apartment, at ayon sa mga kapitbahay nila, madalas nilang marinig sina Mr. and Mrs. Morgan na nag-aaway tungkol sa pang araw-araw na gastusin. Mukhang malala na ang kalagayan nila," sagot ni Daryl.Hindi napigilan ni Emerald na mag-alala. Hindi siya ganoon kasama para hangarin ang pinakamasama sa pamilyang kinalakihan niya, pero ayaw rin niy

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 72

    "Siguraduhin mong mabulok sa kulungan ang babaeng iyon!" galit na sabi ni Jessica sa anak niyang si Jace, na tumango bilang sagot. Dahil weekend, pumunta si Jace at ang kanyang pamilya sa lumang mansyon ng mga Higginson upang dalawin ang kanyang mga magulang, na labis nang namimiss si Ace. "Bakit hindi n'yo hayaan na dito muna manatili ang apo namin? Kami na ang mag-aalaga sa kanya habang inaasikaso n'yo ang kaso," dagdag pa ni Jessica."Mom, hindi puwede iyon. May lolo at great-grandfather din siyang gusto siyang makasama. Isa pa, hindi ko kayang hindi siya makita at makalaro kahit isang araw. Paano pa kaya si Emerald?" sagot ni Jace, alam na alam ang magiging reaksyon ng asawa niya sa suhestyon ng ina."Pasensya ka na, anak, hindi ko naisip iyon. Nakalimutan kong ayaw ko ring malayo sa inyo noon ng kuya mo," sabi ni Jessica, looking apologetic kay Emerald."Okay lang po, Mom. Naiintindihan ko kung gaano n'yo gustong makasama si Ace. Ako ang dapat humingi ng paumanhin dahil hindi ko

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 71

    "Saan ka nanggaling, anak?" tanong ni Merly. Kakagaling lang niya sa kusina at tatawagin sana si Emerson para mag-almusal nang biglang dumating si Emerose."Wala," sagot ng dalaga bago dumiretso sa kanyang kwarto."Hindi ka pa ba kakain muna?" tanong muli ng kanyang ina ngunit hindi siya nilingon ni Emerose kaya napailing na lang ang matanda bago pumunta sa kwarto nila upang tawagin ang kanyang asawa.Nag-aalmusal na ang mag-asawa nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan sila, at itinuro ni Emerson si Merly na tumayo at tingnan kung sino ang kumakatok. Napabuntong-hininga ang ginang habang naglalakad papunta sa pintuan at binuksan iyon."Magandang umaga. Ito ba ang bahay ni Ms. Emerose Morgan?" Nanlaki ang mga mata ni Merly at gusto sana niyang sabihin na hindi, dahil mga pulis ang nagtanong at nagsimula na siyang mangamba."Ano ang kailangan ninyo sa kanya?" tanong niya na pilit itinatago ang kaba, kahit nangingibabaw na ang takot sa kanya."Kailangan namin siyang imbitahan sa presin

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 70

    Nararamdaman ni Emerald ang matinding sakit ng ulo habang dahan-dahan siyang nagkamalay, pinupuno ng malamig at mamasa-masang hangin ang kanyang mga baga. Iminulat niya ang kanyang mga mata, sinasanay ang sarili sa malamlam na ilaw ng nag-iisang bombilya na mahina at pabaling-baling sa itaas.Napansin niyang nasa isang marumi, madilim na silid siya na walang bintana, at ang mga dingding ay tila may mga bakas ng mantsa. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapagtanto niyang nakatali siya sa isang lumang upuan, ang kanyang mga pulso at bukung-bukong ay mahigpit na nakagapos ng magaspang at masakit na lubid.Nagpumiglas siya upang kumawala, ngunit lalong bumaon ang lubid sa kanyang balatat lalo nawalan ng saysay ang kanyang mga pagsisikap na makakawala. Bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala ng pagdukot sa kanya—ang biglaang paghatak ng makalabas siya ng Uber saharap mismo ng opisina ng grocery, ang magaspang na mga kamay na humihila sa kanya papasok ng van, at ang nakakabinging kadil

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 69

    “Sigurado ka bang ito ang normal na ginagawa nila?” tanong ni Hubert sa lalaking inupahan niyang bantayan si Emerald at ang pamilya nila.“Umalis kami pagkahatid nila sa bahay mula sa hotel,” sagot ng lalaki.“Ano ang ginawa nila doon?”“Hindi ko alam, pero may dumating pang isa pang lalaki pagkatapos.”“Sino ang lalaking iyon?”“Hindi ko pa siya natititigan nang mabuti. Nakita ko lang siya kanina. Tungkol naman sa nananatili sa hotel na iyon, sabi ng mga staff, isa raw siyang business tycoon mula sa ibang bansa.”“Kaya pala, mukhang may negosyo pa silang ginagawa. Talagang mayaman ang mag-asawa,” sabi ni Hubert.“Ganoon na nga. Alam mo namang kilalang negosyante si Mr. Higginson. Mahirap siyang kalabanin.”“Natatakot ka na ba ngayon?” galit na tanong ni Hubert.“Siyempre hindi! Pero gusto ko lang ipaalala na dapat mabayaran mo kami ng maayos; hindi biro ang kalabanin si Mr. Higginson.”“Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol doon. Sinabi ni Emerose na mayaman ang kapatid niyang bast

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 68

    Pumunta sina Emerald at Jace sa hotel kung saan nananatili sina Mr. Landers at Mr. Ferguson. Kinausap nila ang mga ito tungkol sa nangyari sa amusement park habang naglalaro naman si Ace kasama ang kanyang yaya sa isang kwarto at hinihintay sila."Kailangan nating bigyan ng karagdagang proteksyon ang bata; hindi natin siya puwedeng iwan sa yaya lang kahit na may nagbabantay sa kanila mula sa malayo," sabi ni Mr. Landers na kita ang pag-aalala sa mukha para sa kanyang apo.“Napag-isipan ko na rin ito at humingi ako ng tulong sa investigator ko para maghanap ng maaasahan at mapagkakatiwalaang tao na magiging bodyguard ni Ace,” sagot ni Jace.“Ibigay mo sa apo ko ang pinakamagandang proteksyon na kaya natin, anak. Pakitaan mo ang kung sino mang may balak na kalabanin tayo. Ipaalam mo sa kanila kung sino ang kinakalaban nila,” dagdag ni Mr. Ferguson habang nakatingin kay Jace. Hindi siya ang tipo na ipinagyayabang ang yaman, pero mula nang umalis at nagtago ang kanyang anak, hindi siya nag

  • Sweet Revenge (Tagalog)   Chapter 67

    “Dad, sasama ka ba sa rollercoaster?” tanong ni Ace. Tumingin si Jace kay Emerald, na natawa naman. Ganito talaga ang bata; alam niyang hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakakasakay. Nasa amusement park sila, isang request ni Ace para sa family bonding.“Ahm, kasi–”“Wag mong sabihing takot kang sumakay, Dad.” Hindi napigilan ni Emerald ang matawa, kaya napatingin sa kanya ang mag-ama nang nagtataka.“Pasensya na,” sabi niya habang kumakaway sa kanila.“Pinagtatawanan mo ba ako?” tanong ni Jace, kunot ang noo.“Yes, Daddy. Sigurado akong natatawa si Mommy kasi parang takot ka sa rollercoaster,” sabi ni Ace, na lalo pang nang-asar at kinindatan ni Emerald.“Hindi ako takot!” tugon ni Jace. Kahit hindi siya mahilig sa rides, hindi naman siya natatakot. Nag-aalala lang siya para sa anak.“Kaya mo ba?” tanong ni Jace, halatang nag-aalala. Tumango si Ace nang masigla, iniisip na sasamahan siya ng ama. “Sige, tara na.”“Yehey!!” Tumalon sa tuwa si Ace bago tumingin kay Emerald na nag-thu

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status