Saan kaya nagpunta si Ace?
Mabilis ang tibok ng puso ni Emerald habang desperado niyang tinitignan ang buong playground at nanlalaki ang mga mata dahil sa takot. Ang masayahing halakhak ng ibang mga bata ay tila malupit na pangungutya sa kanyang pangamba. Hindi niya akalain na mawawala ang anak habang magkasama sila. Kanina lamang, naglalaro siya sa slide kasama ang kanyang yaya na nagbabantay sa kanya.“Liam, kailangan natin siyang hanapin. Kailangan nating mahanap si Ace!” Nangangatog ang boses niya, nagbabanta na ang mga luha habang hinawakan niya ang braso ng kaibigan. Tumango si Liam at maingat na pinisil ang kanyang balikat.“Hahanapin natin siya, M. Mahahanap natin siya,” sagot ni Liam, kalmado ngunit matatag. Muli niyang tinignan ang paligid, mabilis na iniisip ang mga posibleng senaryo.Ang isip ni Morgan ay puno ng mga hindi magandang posibilidad. Huminga siya ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ang kanyang anak, ang kanyang munting si Ace—saan siya maaaring napunta? Nakaramdam siya ng mati
Nakapuwesto si Creep, nakayuko sa harap ng monitor sa loob ng sleek at high-tech na opisina ng ACEGame, mabilis na pumipindot sa keyboard. Ang opisina ay puno ng kontroladong kaguluhan, mga kumikislap na screen at mabilisang pagkilos. Si Jace ay nagpapalakad-lakad sa tabi niya, parang isang leon na nakakulong. Ang mukha niya ay puno ng galit at pagkabahala, at ang kanyang mga nakasara na kamao at tensiyonadong tindig ay nagpapakita ng unos ng emosyon na bumabagabag sa loob niya. Pumunta siya kay Creep upang kausapin tungkol sa yaya ni Emerald na si Lucy. Ngunit habang nag-uusap sila, tumawag si Emerald tungkol sa pagkawala ng kanilang anak."Ano'ng ibig mong sabihin na nawala sila? Paano basta na lang nawala si Keng kasama si Ace?" galit na tanong ni Jace, ang boses niya ay matalim at puno ng akusasyon. Saglit na tumingin si Creep, ang kanyang mga mata ay puno ng simpatiya at inis."Jace, ginagawa ko na ang lahat ng makakaya ko. May access ako sa lahat ng available na camera feed sa pa
Naupo si Emerald sa gilid ng kama, masakit ang dibdib habang pinapanood si Ace na natutulog. Ang banayad na pagtaas-baba ng kanyang maliit na dibdib ay nagbigay ng saglit na kapayapaan, ngunit ang isip niya ay puno ng kaguluhan at agam agam. Alam niyang kailangan niyang kausapin si Ace para maintindihan ang gusto nito. Halos hindi niya maatim ang ideya, pero kailangan niyang harapin ang posibilidad na baka gustuhin nitong manirahan kasama ang ama nito.Huminga siya nang malalim at hinaplos nang marahan ang buhok ni Ace. "Ace, baby, umaga na. Kailangan kang kausapin ni Mommy."Dahan-dahang nagising si Ace, dumilat ang mga mata at tila naguguluhan habang nakatingin sa kanya. Naupo ito at kinusot ang mga mata. "Mommy? Ano po iyon?"Ngumiti si Emerald, pilit na pinapanatiling kalmado ang boses. "May itatanong ako sa'yo na napakahalaga. Kaya mo bang makipag-usap kay Mommy sandali?"Tumango si Ace at naupo nang maayos na tila nararamdaman ang bigat ng usapan. "Sige po, Mommy."Huminga ng mal
"Hindi ko naman siya pinipilit, Kyle!" sigaw ni Jace."Pero ganun ang nakikita ko, at sigurado akong ganun din ang tingin niya," tugon ng kaibigan niya."Mahal ko siya at ang anak namin. Inamin naman niyang mahal niya rin ako. Bakit hindi niya na lang ako tanggapin para maipakita ko sa kanya kung sino talaga ako? Hindi nakakatulong na magkahiwalay kami ng tinitirahan; lalo lang siyang napapalayo sa akin. At dahil kay Liam, nagkaroon pa siya ng ibang pagpipilian," sabi ni Jace habang marahas na hinagod ang buhok niya. Nasa bar sila ng kaibigan niya, na walang sawang nakikinig sa kanya."Ang ibig palang sabihin nito ay si Emerald ang dahilan ng pagyaya mo sa akin?" tanong ni Kyle, habang nakataas ang kilay."At ano pa sa tingin mo?""Paano naman 'yung tumulong ako sa legal team natin para hulihin 'yung kompanyang nang-eextort sa ACEGame?" nanlaki ang mga mata ni Jace. Kamakailan kasi, puro si Emerald ang iniisip niya, at nakalimutan na niya ang iba pa. Napabuntong-hininga siya nang maala
Umalis si Liam mula sa mansyon ni Emerald matapos ang kanilang pag-uusap. Bagaman masaya siya para sa babaeng minamahal, nakaramdam din siya ng kirot nang makita niyang hinalikan ni young Morgan si Jace. At doon ay natanggap na niyang wala na siyang chance na magustuhan pa ng babae, ngunit umaasa siyang magagampanan ni young Higginson ang responsibilidad na alagaan si Emerald.Pumasok siya sa isang bar na puno ng buhay, ang sentro ng nightlife, kung saan napaka energetic ng lahat at masaya ang paligid. Isa itong lumang gusali na yari sa bricks, simple at hindi pansinin mula sa labas, ngunit sa loob ay ibang-iba ang mundo.Karamihan sa mga tao ay bihis na bihis. Ang mga babae ay nakasuot ng mga magagarang damit o mga chic na tops at skirts, may suot na mga malalaking alahas at matataas na takong. Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng iba’t ibang estilo—mula sa casual button-downs hanggang sa mga trendy t-shirts na pinapareha sa jeans o chinos, ang iba ay naka-sneakers at ang iba’y may suo
“Emerald,” sabi ni Mr. Landers habang nakatingin kay young Morgan, ang mga mata niya ay puno ng luha. “Para akong nakatingin sa picture nang aking ina noong kabataan niya,” dagdag pa niya. Nasa hotel sila kung saan tumuloy si Mr. Landers pagdating niya sa L.A. Gusto sana niyang pumunta agad sa bahay ni Emerald, pero sinabi ni Cedrick na hintayin muna siya dahil may mga personal na bagay pa itong inaasikaso.“Mr. Landers, ako—”“Dad, tawagin mo akong Dad.” Pagwawasto ni Mr. Landers, dahilan upang mapaluha si Emerald. “At siya ba ang apo ko?” tanong niya habang nakatingin kay Ace, na ngumiti pabalik sa kanya.“Yes, D-Dad,” sagot ni Emerald.“May isa pa akong lolo?” excited na tanong ng bata.“Yes, kid, and that's me,” masayang tugon ni Mr. Landers. Hindi masukat ang kaligayahang bakas sa kanyang mukha habang nakatingin sa kanyang anak at apo. Hindi niya inasahang sa paghahanap niya sa babaeng minamahal, ay matatagpuan niya ang isa pang bahagi ng sarili niya. “Can you come closer? I want
“Ano na ang gagawin mo sa sitwasyon natin, Emerson?” galit na tanong ni Merly sa asawa niya. Nasa hapag-kainan sila, nag-aagahan sa inuupahang apartment. Dahil hindi ginagawa ni Mr. Morgan ang dapat para mabawi ang kanilang kumpanya, labis ang galit na nararamdaman ng asawa. Iniisip niyang sinadya ng lalaki na wala siyang gawin at hayaang silang mag-ina ni Emerose ang magbanat ng buto para sa gastusin nila.“Anong problema? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na magtipid ka dahil may kinakaharap tayong krisis sa pera? Bakit parang sa akin mo lahat isinisisi?” galit na sagot ni Emerson, nakatitig nang masama sa asawa niya.“Pero Dad, alam mo naman kung paano ang mga kaibigan…” sabat ni Emerose, pero binigyan siya ng masamang tingin ng kanyang ama.“Kung ikaw lang sana ay kalahati ng kalingkingan ni Emerald, sana mayaman na ang napangasawa mo. Hindi mo ba nakikita? Kahit gaano kagalit si Jace sa kanya noon, siya pa rin ang pinili niyang pakasalan,” sabi ni Emerson sa anak.“Dahil gusto niyang pa
Mature ContentSamantala, galit na galit si Emerose sa sinabi ng kanyang ama, kaya't pumunta siya sa apartment ng kanyang boyfriend. Kailangan niya ng taong magsasabi sa kanya kung gaano siya kaimportante at magpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang pagkatao. Mahal niya ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ina, na palagi niyang inaakalang nasa kanyang tabi at nagturo sa kanya kung paano niya patuloy na makukuha ang atensyon ng kanyang ama. Ngunit sa nangyari kanina, pakiramdam ni Emerose, ang panganay ng mga Morgan, na wala siyang silbi sa kanyang ama sa lahat ng oras, kahit na ginawa na niya ang lahat para matulungan siya at ang kanilang negosyo.“Ano’ng nangyari?” tanong ng kanyang nobyo na si Hubert. Niyakap siya ni Emerose, umiiyak, habang marahang tinatapik ni Hubert ang kanyang likod. “Shh... tahan na, babe,”“Hindi ko maintindihan si Dad,” sabi ni Emerose habang umiiyak.“Sabihin mo sa akin ang lahat,” pag-uudyok ni Hubert sa kanya, kaya sinabi ni Emerose ang buong nangya