NANG mawala sa paningin nila ang kaniyang tiya Amelia ay mabilis niyang hinila si Lawson palabas ng bahay. Hindi naman pumalag ang huli at nagpatangay lang ito sa kaniyang paghila. Ang kabang nararamdaman kanina'y hindi pa rin humuhupa. Ano bang naisip ng lalaki at bigla na lamang siyang pinuntahan sa bahay ng tiyahin nya? Hindi ba nito alam na maaari siyang mapagalitan ng kaniyang tiyahin kapag nalaman nito ang totoo? Saglit siyang natigilan dahil sa kaniyang naisip. Ano bang totoo, Clea? Wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ng lalaki! Humugot siya ng malalim na hininga. Kahit na. Hindi pa rin siya sang-ayon sa pagpunta ng lalaki sa bahay ng kaniyang tiyahin! Paano na lang kung bigla ring dumating si Arthur? Baka mag pang-abot pa sila at baka isumbong pa siya sa kaniyang tiyahin tungkol sa nasaksihan ni Arthur noong araw na muntik na siyang makuha ni Alfonso!At paano rin nalaman ni Lawson ang bahay ng kaniyang tiya Amelia? Mabilis niyang hinila patago si Lawson sa isang iti
Kabanata 31 Walang nagawa si Lawson kung ‘di bumalik sa opisina matapos siyang paalisin ni Clementine. Gusto lang naman niya itong bisitahin, akala niya ay magiging maayos sila ngunit mas lalo itong nagalit sa kaniya. Napahilot sa sintido si Lawson nang makita ang babaeng nakaupo mismo sa ibabaw ng kaniyang office table. “Anong ginagawa mo rito, Rashida?” Mariing wika niya. Magka-krus ang magkabilang hita nito't taas kilay na nakatingin sa halos perpektong mga kuko na kasing pula ng dugo. Naka-itim na tube dress lang si Rashida kung kaya'y lantad sa paningin ni Lawson ang mayayaman nitong dibdib, ngunit hindi man lang iyon binigyan ng pansin ni Lawson at deretso lamang ang tingin nito sa mismong mukha ng dalaga. “Nice to see you too,” sarkastikong bati nito. “Kararating ko lang ng Romblon para magbakasyon, nagpaalam rin ako kay Rhum. Akala ko ba pa susunduin mo ako sa pantalan?” reklamo nito. “Sinabi kong susunduin ka sa pantalan pero sa isang araw pa.” He glared at her. “Ano b
Kabanata 32 Clementine's forehead creased. Anong— bakit Clementine Valdemar? Hindi ba't Clementine Lecaroz siya? Baka naman ay nagkakamali lang itong lalaking kausap niya sa kabilang linya? “Hello? Misis Valdemar—”“I'm sorry, but this is not Clementine Valdemar. Baka nagkamali po kayo ng tinawagan. Si Clementine Lecaroz po ito,” mahinanong saad niya sa kabilang linya. Imposible naman kasi kung siya ang tinutukoy nito. At baka kapangalan lang rin niya ang babae. “Pero, Ma'am. Nasa tamang number po ako. Hindi naman po nagkamali ng bigay si Sir,” pagpupulit nito sa kabilang kinya.Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Sir? “Sinong nagpa-deliver?” Hindi maiwasan sa boses ni Clea ang pagtataka. Sinong Sir naman kaya ang tinutukoy nito? Saglit na natahimik si Clea nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng kaniyang kuwarto. “Saglit lang.”“Sige po, Ma'am,” anito.Pinindot ni Clea ang hold button mula sa screen ng kaniyang cellphone, at saglit na iniwan sa ibabaw ng table n
Kabanata 33 DAYS had passed, and Clea couldn't help but get irritated. It's been three days since she last saw him, Lev Lawson. At ito rin ang huling paramdam sa kaniya ng lalaki. Ano na kaya ang nangyari kay Lawson? Bakit hindi na ito nagpaparamdam o nagpapakita sa kaniya? May nangyari kaya sa kaniya? No, that's too impossible! She can still remember the first time she saw him. Bodyguards surrounded him, so he was unlikely to be in danger. He must be safe and breathing right now. At ano rin ba ang pakialam niya? Eh, ano naman kung hindi magparamdam sa kaniya si Lawson? Hindi naman kawalan ang lalaking iyon. At saka, isa pa, alam rin naman niyang pinaglalaruan lang siya nito kaya mas mabuti na rin sigurong hindi na magpakita pa sa kaniya ang lalaki na iyon para tuluyan nang mawala ang kakaibang nararamdaman niya sa tuwing nasa malapitan lang ito. She sighed and rolled her eyes inwardly. Napaayos siya ng upo sa ibabaw ng kaniyang kama nang makarinig ng katok mula sa labas ng pint
Kabanata 34 Humahalaklak na tinalikuran si Clea nina Lucas at Ruby saka pabalibag na isinara ang pinto ang private room. Akmang tatayo na siya nang biglang hinawakan siya ni Mr. Romano sa braso at hinila siya papalapit dito saka itinulak sa sofa. Napakuyom siya nang kamao, galit na galit siya pero wala siyang magawa. Sinamaan niya nang tingin ang matanda saka itinulak ito pero maagap si Mr. Romano, pumulupot ang braso nito sa bewang niya. “Ah!” Nagpumiglas siya, “Bitawan mo ako! Hayop ka!”Marahas nitong hinawaka ang baba niya at mahigpit iyong pinisil kaya napaigik siya, “D-demonyo kayo! Wala akong kasalanan sa inyo!” “Maaaring sa akin ay wala pero ng dahil sa’yo nakulong ang numero unong investor ng aking negosyo, si Alfonso.” Matalim ang mata na tumingin ito sa gawi niya. “Bitawan mo ako sabi e!” Sinampal niya ang matandang nakahawak sa kaniya, si Mr. Romano. Napahawak ito sa sariling pisngi at dinilaan ang pang-ibabang labi na ikinangiwi niya, nakakadiri. Sinampal siya nito
Kabanata 35 “L-lawson…” Hindi binuksan ni Clea ang kanyang mga mata, bagkus ay nag-aalangan niyang tinawag ang pangalan ng lalaki.Sa pag-aakala niya na nanaginip lang siya. Ang huling beses na iniligtas siya nito ay talagang nagpa-antig sa kaniyang damdamin. Gayunpaman, sa susunod na sandali, narinig niyang muli ang pamilyar na boses ng lalaki, "Well, it's me. “You’re not dreaming… it’s me, Clementine.”Ang malalim na boses ng lalaki ay talagang kaakit-akit sa pandinig niya na naging dahilan nang muling pagtulo ng luha niya. Humihikbi siyang napakapit sa braso nito. Madamdaming tumingin si Lawson sa babaeng nasa bisig niya. Pinaglandas niya ang daliri sa pisngi nito at pinalis ang luha. Hindi niya maiwasang ang pagtaas nang sulok ng kanyang labi upang itago ang ngiti. Napata gang loob n iya, ilang minuto na lang siguro ay baka kung anong nangyari na sa babae. Hinalikan niya ang noo nito at bahagyang napapikit. Tila naalala niya nang husto ang amoy nito. Bumilis ang tibok ng kani
Kabanata 36 Isang linggo na ang nakaraan. Kasalukuyan siyang nasa Coastline Resort kasama ang kaniyang pinsan na si Greta, naimbintahan itong mag-abay sa isang kasal. Hindi kasama ang kaniyang tiya Amelia dahil busy ito sa kumpaya. Marahan niyang pinaglalaruan ang mango juice na nasa kaniyang harapan habang pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid. Wala siyang kakilala maliban sa pinsan na si Greta. Pakiramdam niya kasi ay may nagmamasid sa kaniya, nagka-anxiety na yata siya kaya siya ganito ka-paranoid sa tuwing wala siya sa bahay nila. Marahas siyang napabuntonghininga, hindi na siya mabilang kung ilang beses niya itong ginawa. Ayaw man niyang mag-assume ulit, pero nagbabakasakali lamang siyang makita rito ang kaisa-isang lalaking ilang araw ng gumugulo sa kaniyang isipan. “Kanina ka pa lingon nang lingon sa paligid. Mukhang may hinahanap ka yata?" mataray na tanong ni Greta sa kaniya. Mabilis ang naging pag-iling niya. “W-wala akong hinahanap. Tinitingnan ko lang kung may..
Kabanata 37 “Sorry, matagal ko kasi bago nahanap iyong banyo," paghihingi niya ng tawad sa pinsan. Ngumiwi lang si Greta at pinagmasdan siya. “Akala ko natabunan ka ng banyo,” pagmamaldita nito. “Bakit kasi hindi ka nagtatanong.” Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Alangan naman na i-kwento niya sa pinsan na nakilala niya ang congressman at ito pa ang nagturo ng banyo sa kaniya. Mas nakakahiya iyon kaya tumahimik na lang siya. Kinain ng konsensiya ang puso niya nang bumalik sa alaala niya ang pakikitungo sa lalaki. Sana ay hindi na muling magtagpo pa ang landas nilang dalawa. “S-sorry…” muli niyang paghingi ng paumanhin.Umiling lang ito at ibinalik ang tingin sa cellphone na hawak. Hindi niya akalain na may pagka anti-social pala ang pinsan. Sa tuwing may kumakausap dito ay tipid na sagot lang ang ibinibigay. Itinuon ang sariling paningin sa ibang direksyon. Ngunit, mukhang kaagad rin niyang pinagsisihan iyon nang aksidente na namang mapunta sa gawi ni Lawson ang kaniyang paningi