["Yongsann Lim," ani ng bruskong boses."W-Who are you?" may diin kong tanong."Nakapagpaalam ka naman na kay Grantt, hindi ba?" "Huwag mong gagalawin si Grantt...""Oh? It's too late," sabi pa nito sabay halakhak ng tawa at pinatay na ang tawag.]Nandito uli sinda Judie, Lou at Sabrina sa aking condo at kasalukuyan naming pinapakinggan ang nai-record kong call conversation namin ng unknown caller noong gabing naaksidente ni Grantt. Tatlong araw na rin ang nakakalipas. "So, hindi talaga bastang aksidente lang ang nangyari," asik ni Sab sabay buntonghininga. "Marahil ay ito rin ang naging stalker ninyo ni Grantt tuwing nagkakasama kayo. Hindi lang ito basta paparazzi ni Grantt kundi kayong dalawa talaga ang target," dagdag nito. "Wait, I've come to think about it now. Ang huling rinig ko ay sinambit ni Grantt ang pangalan ni Yongsann bago siya nagmamadaling lumabas ng bar," kwento ni Lou sa kay Sabrina. "Para bang may nabasa siyang text dahil nakita ko ring napatitig muna siya sa ka
|•~15 MONTHS LATER~•|Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang iyak ni Baby Graxylla na nasa tabi ko lang naman. Nagtama pa ang paningin namin habang namamasa ang kanyang mga mata. Marahil ay tumatama sa kanyang mga mata ang sikat ng araw kahit na may kurtina pa ang glass window namin. "Sshhh, mommy's here, hmmm? Sorry, tinanghali ng gising ang mommy. Are you hungry?" mahinahon kong sabi at marahan na tinapik-tapik ang kanyang maliliit na braso. Natigil naman kaagad siya sa pag-iyak. Even though I was still sleepy, I quickly got out of bed and prepared her baby formula. Upon returning, I immediately fed her.I smiled as I gazed at her beautiful little face. She was a blend of Grantt and me. She's already 6 months old, but Grantt is still unaware of her existence. According to Doc Chaewon, his condition is improving every day, and he could wake up at any time.My belly wasn't too big when I was pregnant with Baby Xylla. I pretended to be on a 3-month vacation in the province
Sa halip na sagutin ako ay pumihit lang siya patalikod sa gawi ko. Halata namang nahihirapan pa siyang gumalaw pero ginawa niya ang abot sa kanyang makakaya para deadma-hin ako. Sobrang taas pa rin ng pride ng lalaking ito. Hindi ko ma-reach. "Move gently, Grantt. I am not going to eat you alive," asik ko sabay singhap. "Hinintay kitang magising ng ilang buwan tapos…" Muli akong napasinghap. "I'm going home now. Makakahinga na ako nang maluwag at makakatulog nang maayos dahil may malay ka na," dagdag ko pa.Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin o hindi. Gusto kong silipin kong gising ba siya o tulog na dahil wala naman akong sagot na nakuha. Napailing na lang ako at napapalatak. Hindi ko pa rin maiwasang madismaya sa nangyayaring ito. Bago pa man ako makahakbang papalabas ng kwarto ay bumukas naman ang pinto at pumasok si Mommy Gretchen. Ngayon lang uli kami nito nagpang-abot dito."Ang kapal din talaga ng mukha mo 'no? Sa ilang buwan na hindi ka nagpakita rito ay susulpot k
Iniwan ko na muna silang tatlo sa sala at pumasok ng kwarto. Ramdam na ramdam mo pagbagsak ng aking mga balikat. Palagi talagang magkakambal ang good news at bad news, eh 'no? Ang good news ay nagising na si Grantt. Ang bad news naman ay hindi niya maalala ang lahat. Ang good news ay case solve na pero ang bad news naman ay dalawang magkapatid pa ang nawalan ng buhay dahil lang sa pagkawala rin ni Greel. Nakakaalarma na ang sitwasyon na ito. Naabutan ko ang dalawa na tawang-tawa habang nilalaro si Graxylla. Ang bata naman ay mukhang sinusubukan lang na makisama sa dalawa. Kung makakapagsalita lang ang anak ko ay baka minura na ang dalawang ito. "Hi," matamlay kong sabi. Kaagad naman akong sinuyod ng tingin ng dalawa. Tingin pa lang ay alam kong hindi na maganda ang mga salitang lalabas sa bunganga nila. "What happened, gurl? Parang akala mo ay galing kang lamay," usisa ni Judie habang nanghuhusga ang kanyang tingin sa akin."Parang nalugi ka sa sugal, Mareng Yongsann. Milyon ba a
"Ang cute naman po ng baby ninyo, Ma'am," puna ng nurse na nakasalubong namin. Si Sabrina anbmay hawak kay Graxylla. Palalabas na rin kasi kami ng hospital."Ay talaga ba? Salamat, ha?"gatong pa ng loka na mukhang tuwang-tuwa pa na napagkamalan silang mag-ina ng anak ko. Nagkangitian pa sila ng nurse bago tuluyan kaming nilagpasan nito. Sumampa na rin kami sa elevator. Mabuti na lang at wala kaming kasabay."Did you hear that, Mrs.Gomez?" nagmamayabang nitong usisa. "Hindi ako bingi. Kahit magbulungan pa kayo ay maririnig ko ang usapan ninyo." Humagalpak lang siya ng tawa dahilan para mapabungisngis naman si Graxylla. Walang dudang maayos na nga uli ang pakiramdam nito. "Tuwang-tuwa rin ang baby ko Llala ko, oh. Payag siyang maging anak ko..." "Ewan ko sa'yo," nakabusangot ko ng sabi dahilan para tumawa na naman siya. Saktong bumukas ang elevator senyales na nasa ground floor na kami. "Nagseselos ang Mommy Yongsann mo, Llala. Eh, kasalanan ba nating pareho tayong maganda, 'di b
"Oh? Anong mukha 'yan?" bungad na tanong sa akin ni Sabrina. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at basta na lang akong umiyak sa harap ng aking kaibigan. Ramdam ko ang kanyang pagpa-panic. Marahan niya akong hinila papasok sa bahay at ini-lock ang pinto. "Hoy, bakit, ha? Anong nangyari? May ginawa na naman ba ang biyenan mong tigre sa'yo?!" galit nitong sunod-sunod na tanong. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak nito sa magkabilaang balikat ko."A-Ayaw na sa a-akin ni G-Grantt," humihikbi ko pang sabi. "H-Hindi niya man lang kayang pagsabihan ang nanay niya at n-nandon din ang f-first love niya," dire-diretso ngunitl kong sabi. Pakiramdam ko ay para akong batang umiiyak dahil inagawan ng lollipop. "What?! Sige, umiyak ka muna diyan bago mo sabihin sa'kin ang nangyari at hindi kita maintindihan, Yongsann. Hinaan mo rin ang boses mo at baka magising ang anak mo."Impit naman akong napahikbi dahil sa huling paalala nito. Ilang minuto rin siguro ang nakalipas bago ako kumalma
Nang tumunog ang alarm clock ko pasadong 4:00 a.m ay bumangon na ako. Dumiretso muna ako ng shower room at naligo. Tatlong araw na kaming nandidito sa bahay ni Sabrina at sa loob ng araw na iyon naging tahimik naman ang buhay namin. Wala ring senyales na alam na ng buong pamilya Gomez ang tungkol kay Graxylla. Nagka-chat din kami saglit ni Ate Olga at sigurado akong hindi niya pa alam na wala na kami sa Tagaytay. Hindi ko na rin sinabi kasi anong sense nang pagmamadali naming umalis kung sasabihin ko lang din naman, 'di ba? Hahayaan ko na lang siyang madiskubreng wala na kami roon. Wala rin akong balak pa na sabihin kung nasaab ang bago naming lungga ng anak ko. Nang matapos ako ay kaagad ko ring tinuyo ang buhok ko. Nakatitig pa ako sa mag-lola na parehong mahimbing pa rin ang tulog. Malamang sa malamang ay napagod din si Mama sa biglaang biyahe niya papunta rito. Ginawaran ko muna nang magaang halik si Graxylla bago tuluyang bumaba para magluto. "Anong balak mo ngayon?" biglang
~2 MONTHS LATER~"Ma?" sagot ko sa video call ni Mama. Dalawang araw na akong hindi nakakauwi sa Antipolo dahil hectic ang schedule ng mga artist ko. Ngayon lang nakaluwag-luwag."Kanina pa umiiyak itong anak mo, hindi namin mapatahan. Kanina pagising ay panay halik sa picture mo sa cellphone."Kaagad namang namasa ang mga mata ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. May performance mamayang gabi ang isa sa alaga ko."Susubukan kong makasaglit mamayang tanghali diyan, Ma.""Kung pwede lang kaming pumunta diyan sa trabaho mo ay ginawa na namin. Sumaglit ka muna rito kahit isang oras lang, Yongsann," rinig kong sabi ni Papa. "Nami-miss ka ng anak mo. "Naramdaman ko naman ang paninikip ng aking dibdib. Napatingala rin ako para pigilan ang aking luhang magsikawala. "Opo, Pa. Sasaglit ako diyan. Graxylla," tawag ko sa batang umiiyak. Saglit naman itong napahinto at hinahanap kung saan nanggagaling ang boses ko. Iniharap naman ni Papa ang bata sa screen."Ma...ma!" sambit nito at bigla na l
"Ito ang bahay mo?" tanong ni Grantt nang makababa na kami. Dinala ko siya rito sa bahay ni Sabrina sa Antipolo. Ang totoo ay kanina pa ako kinakabahan. Ngayon ko sa kanya ipapagtapat ang tungkol sa kay Graxylla. "Ah, kay Sabrina bahay ito," sagot ko habang kinakalma ang aking sarili."Oh, pwede na tayong bumalik sa bahay natin sa Tagaytay. Nakausap ko na si Mommy and she's fine with that. Gusto ka rin niyang makausap at mag-sorry sa'yo."Ngumiti naman ako at tumango. May natanggap din akong message kahapon mula sa kanyang ina. Hindi ko na lang muna ni-reply-an dahil gusto ko munang malaman nilang lahat ang tungkol sa anak namin."L-Let's get inside," saad ko na lang at hinawakan ang kanyang kamay."Nanlalamig ang kamay mo, ayos ka lang ba? May sakit ka ba, Yong?"Nakagat ko naman ang pang-ilalim na labi ko para hindi niya mahalatang nangangatal din ako. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang kabang mararamdaman ko."I'm f-fine," simpleng sagot ko at binuksan na ang main door. Igin
Kinakabahan na pumasok ako sa venue ng event ni Grantt. Hindi naman ako mag-isa dahil kasama ko sina Wendy, Judie at Venice. Si Grantt ay nasa backstage na, naghahanda para mag-perform. Naka-set up na rin nang maayos ang sikat na banda na kilala sa MoonSun na magiging ka-collab diumano niya ngayon. Nararamdaman ko rin ang titig ng mga taong nandidito, mas lalo lang na dumadagungdong ang aking dibdib.Umakyat na si Grantt sa entablado at nagsimula na rin ang banda na tumugtog."First time I laid my eyes on someone like you..."Gamit ang aking paningin ay agad na hinanap ko ang may-ari ng boses na pumailanlang. Natagpuan ko ang main vocalist ng banda sa kaliwang bahagi ng stage na siyang kumakanta ngayon."Hey, Yongsann Lim!" Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtawag sakin ni Grantt, idagdag pa ang paraan ng pagkakatawag niya sakin. Parang asong siga sa kanto."Aish, this jerk!" naiusal ko rin, nakalimutan kong maraming tao pala sa kinaroroonan namin.Pumailanlang ang tawanan habang a
"OMG, Yongsann Lim! Finally, you're back!" malakas na sabi ni Judie. "Oh my goodness! So, totoo ngang nakabalik ka ng bruha ka! Welcome back to the Philippines, ang bansang mataas pa sa kalawakan ang requirements sa mga job hiring!" segunda ni Lou na ikinatawa ko pa. Hindi pa ang mga ito nakontento at niyakap pa ako nang mahigpit."Aray ko naman, dahan-dahan lang," reklamo ko pa dahil hindi na halos ako makahinga. Agad naman silang kumalas. "Ay, sorry! Masaya lang talaga kaming makita ka."Mas nakakaganda ba talaga ang mangibang bansa? Parang kailangan ko na ring idagdag sa bucket list ko," tudyo pa sa akin ni Lou. "Kugtong 'to! Huwag mo ng pangarapin na manirahan sa ibang bansa. Mahirap.""Really? Sabi mo, eh. So?""So, what?""Balik ka na ba sa career mo?""I don't know. Sa ngayon ay wala pa akong plano. May natanggap akong offer na work from home mula sa company na pinagtrabahuan ko sa Canada.""Ohh, iba talaga ang isang Yongsann. How about you, Grantt and Graxylla?"Hindi nam
"Uhm, dito ka na lang matulog. Doon ako sa kwarto ni Lovi," saad ko kay Grantt. Lumabas din kami kanina para kumain at bumili ng damit niya dahil ayaw niya na talagang pumunta ng hotel kung saan sila naka-check in.Bilang respito na rin sa kay Apple bilang manager niya ay ako na rin ang tumawag sa babae para ipagpaalam siya. Mabuti na lang at mabait din ang bago niyang manager at alam din pala nito ang tungkol sa amin. "Stay here," puno ng pakiusap niyang sabi at hinawakan ang aking kamay para hindi ako makalabas ng kwarto."Grantt...""Please? I missed you so much," parang bata niya pang sabi. Napabuntonghininga na lang din ako at sumusukong naupo sa kama."Fine," tipid kong sabi.Kaagad niya akong hinila pahiga sa kanyang tabi at walang salita na ipinikit ang kanyang mga mata. Niyakap niya rin ako at tila ba komportableng-komportable siya na katabi ako kahit halos dalawang taon din kaming hindi nagkaintindihan. Para bang walang nangyaring samaan ng loob sa isa't-isa. Marahil ay pa
Naghahanda kami ni Lovi para um-attend sa concert ni Grantt. Eksaktong 7:00 p. m ang start pero dapat mga 5:00 p. m ay nasa venue na kami. May dalawang oras pa naman kami bago tuluyang pumanhik ng venue."This is me praying that, this was the very first page. Not where the story line ends. My thoughts will echo your name, until I see you again," rinig kong kanta ng alaga ko mula sa kabilang kwarto. Natawa na lang ako. Mas excited pa ito kaysa sa akin, eh. "Tama na 'yan, baka mamaya ay wala ka ng boses para maki-jamming!" sigaw ko para marinig ako nito. Ang lakas pa naman ng volume ng music player nito. "Ay naku, Ate Yongsann! Bilisan mo na diyan!""Ako pa talaga? I'm done, ikaw na lang hinihintay ko diyan. Huwag ka ng magpaganda pa. Hindi ka papansinin ni Kuya Kenth mamaya dahil may girlfriend na iyon!" Ang alam ko kasi ay mag-on na rin sa wakas si Sab at ang kanyang Grayson. Nasabi sa akin ni Kenth na plano niyang mag-propose kay Sab ngayong taon. Naghahanap lang siya ng tamang ti
~ 12 MONTHS LATER~["You have Broken Heart Syndrome, Ms. Yongsann Lim. You must take excellent care of your heart. This is your final opportunity to survive."]Napabuntonghininga ako. Ang sakit kong iyon ang isa sa dahilan kung bakit napaka-protective ni Sab sa akin at kung bakit pinilit ako ng mga magulang ko na umalis na muna ng Pilipinas. Noong nalaman ko ang tungkol kabuuang kwento ng pagkawala ni Greel sa pamamagitan ng letter at video na ibinigay sa akin ni Sab nang araw na iyon ay nalaman din ng mga magulang ko ang tungkol sa sakit ko. Hindi na rin ako nakabalik ng trabaho ng araw na iyon dahil isinugod na nila ako hospital. Ayaw ko mang iwan si Graxylla sa Pilipinas pero in-advise ng doctor ko na dito magpagamot sa Canada. Pasalamat na lang talaga ako at may private plane si Sab kaya sa tuwing gustong-gusto ako makita ni Xylla ay kaagad silang bumisita rito. Dito rin siya nag-celebrate ng first birthday niya. Maging sila Judie at Lou ay pumunta rin dito. Noong bago pa lang a
"Mabuti naman at umuwi ka na," bungad na saad ni Sabrina. Hindi ko alam na nandito rin pala siya. "Tumawag sa akin sina Tita Chan kanina at iyak nang iyak daw ang anak mo dahil hinahanap ka. Seriously, Yongsann?!" dagdag sermon nito sa akin. Kakarating ko pa nga lang ay sermon na kaagad ang inabot ko sa isang ito. Sarap sambunutan, eh. Alam naman niyang busy ang industriyang kinaroroonan ko. Sumaglit nga lang ako, eh. Kailangan kong makabalik bago mag 4:00 p.m. Ang alam ni Charry ay uuwi ako dahil masama ang aking pakiramdam. "Huwag mong gawing excuse ang busy ka dahil responsibilidad mong dalawin ang anak mo kahit pagod na pagod ka na. Ginusto mo ang lahat ng ito, eh. Kung hindi mo kaya ay mas mabuting ipakilala mo na lang si Graxylla sa ama niya…""Shut up, Sabrina," naiinis kong sabi at hinawi ito. Nakaharang kasi sa pinto na para bang security guard, eh. Ni hindi man lang ako pinapasok muna. Pagalitan daw ba ako sa pinto na para bang siya ang magulang ko.Tsk. "Graxylla, baby!"
~2 MONTHS LATER~"Ma?" sagot ko sa video call ni Mama. Dalawang araw na akong hindi nakakauwi sa Antipolo dahil hectic ang schedule ng mga artist ko. Ngayon lang nakaluwag-luwag."Kanina pa umiiyak itong anak mo, hindi namin mapatahan. Kanina pagising ay panay halik sa picture mo sa cellphone."Kaagad namang namasa ang mga mata ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. May performance mamayang gabi ang isa sa alaga ko."Susubukan kong makasaglit mamayang tanghali diyan, Ma.""Kung pwede lang kaming pumunta diyan sa trabaho mo ay ginawa na namin. Sumaglit ka muna rito kahit isang oras lang, Yongsann," rinig kong sabi ni Papa. "Nami-miss ka ng anak mo. "Naramdaman ko naman ang paninikip ng aking dibdib. Napatingala rin ako para pigilan ang aking luhang magsikawala. "Opo, Pa. Sasaglit ako diyan. Graxylla," tawag ko sa batang umiiyak. Saglit naman itong napahinto at hinahanap kung saan nanggagaling ang boses ko. Iniharap naman ni Papa ang bata sa screen."Ma...ma!" sambit nito at bigla na l
Nang tumunog ang alarm clock ko pasadong 4:00 a.m ay bumangon na ako. Dumiretso muna ako ng shower room at naligo. Tatlong araw na kaming nandidito sa bahay ni Sabrina at sa loob ng araw na iyon naging tahimik naman ang buhay namin. Wala ring senyales na alam na ng buong pamilya Gomez ang tungkol kay Graxylla. Nagka-chat din kami saglit ni Ate Olga at sigurado akong hindi niya pa alam na wala na kami sa Tagaytay. Hindi ko na rin sinabi kasi anong sense nang pagmamadali naming umalis kung sasabihin ko lang din naman, 'di ba? Hahayaan ko na lang siyang madiskubreng wala na kami roon. Wala rin akong balak pa na sabihin kung nasaab ang bago naming lungga ng anak ko. Nang matapos ako ay kaagad ko ring tinuyo ang buhok ko. Nakatitig pa ako sa mag-lola na parehong mahimbing pa rin ang tulog. Malamang sa malamang ay napagod din si Mama sa biglaang biyahe niya papunta rito. Ginawaran ko muna nang magaang halik si Graxylla bago tuluyang bumaba para magluto. "Anong balak mo ngayon?" biglang