Nadatnan ko si Ludrick na nakaupo sa isang tabi, nagpupunas ng pawis. When he noticed my presence, he got up and stood firmly.
Ngumiti ako. I went to his side and got my eyes fixated at the dirty kitchen. Nagkalat ang mga gamit sa mesa.
"Good morning, Ma'am..." he greeted.
Nilingon ko siya saka iminuwestra ang upuan. He glanced at it. Nang mapagtanto ay naupo siya roon at muling nagpunas ng pawis.
"Kamusta naman ang trabaho, Ludrick? Is everything fine?" I asked.
Mapait siyang ngumiti.
"Hindi ko inakalang ganito kahirap ang trabahong 'to. Pero nakakayanan ko namang gampanan," he met my eyes. "Pinag-aaralan ko pa ang ibang pwedeng gawin, Ma'am."
I nodded.
"Baking is not as easy as what people think. Ang daming proseso pero ayos lang."
"Sang-ayon ako..."
Binawi ko ang tingin para balingan ang harapan kung nasaan ang iilang gamit pang-bake.
"I am restricted to go here. Kung pwede lang sana ay kaya naman kitang tulungan dito..." sambit ko.
"Iyon nga ang ipinagtataka ko. Kung ikaw ang piniling ipadala rito para pamahalaan ang Rouseau, bakit hindi ka pinayagang tumulong sa kusina? Hindi ba't iyon naman ang habol ng Tita mo?"
Sandali akong napaisip. His questions got me in thoughts for a moment. Tama siya. Among all of my cousins, I am the one who inherits her passion in baking. Hindi iyon lingid sa kaalaman ng lahat. Kaya naman ay walang umangal nung pinaalam ni Tita na ako ang mamamahala ng Rouseau.
But look at me now, restrained to partake in any of the on-going operations inside Rouseau.
"I'll find possible answers in no time, Ludrick. I am working on that..."I can really say that Priacosta is not my home. Hindi dahil dito nanggaling ang mga magulang ko ay pwedeng ito narin ang tahanan ko. A home should give you peace and assurance. Pero sa nangyayari ay tanging mga katanungan ang natanggap ko. Minsan pa ay binabagabag pa ng mga bagay bagay.
"You should get yourself a boyfriend, Marchioness!" tili ni Calin na ikinailing ko.
"Bakit naman hindi? May dalawang lalaki na umaaligid sa'yo! If I were you, jojowain ko silang dalawa! Morning and night shift!"
Sinundan niya iyon ng mapanlokong tawa. I glanced at Jaeous. Nasa gilid siya ng malaking puno, nagpapaypay ng sarili gamit ang hawak na hard hat.
The construction is still on going. Naipakita na sa akin ni Calin ang approved design ng nirerenovate na foundation. It is actually nice. Malapit na sa ideyang gusto ko.
"I'm still working on things right now, Cal. Hindi ako pwedeng malihis ng daan," mahinang tugon ko.
Bumaling siya sa akin. I resisted his eyes. Tumunog ang phone na nasa loob lang ng aking bulsa. I took it out to check someone's message.
Unknown :
You're in Priacosta. Good to know that, Chio. Let's meet so soon.Napabuntong hininga ako saka inalis ang tingin sa phone. I turned it off and put it back inside my pocket.
"Sino iyon? Bagong boylet?" pang-uusyuso pa ni Calin na nasa akin parin pala ang tingin.
I faced him and wore a small smile. Kung hindi niya lang napigilan ang sarili ay baka kanina pa siya tumili. No, Calin. You're thinking a wrong conclusion.
Aksidenteng tumama ang tingin ko kay Jaeous. His eyes were on me. Halata ang pag-aalinlangan niyang lapitan ako.
"Kanina pa iyan nakatitig dito, Marchioness. Konti nalang ay iisipin kong ako ang tinitingnan niyan," Calin said and chuckled.
Hindi ako kumibo. 'Di kalaunan ay nahanap na ni Jaeous ang lakas ng loob para umabante sa gawi namin. Naramdaman ko ang pag-ayos ng tayo ni Calin, palihim na tumatawa dahil sa hindi malamang rason.
"Hi," Jaeous greeted when he stopped in front of me.
"Ang haba ng hair, Marchioness! Teka, naaapakan ko!" Calin whispered, ngunit naririnig parin ni Jaeous.
Nilingon ko siya at pinandilatan. He showed me his peace sign and started humming a song.
Ibinalik ko ang tingin kay Jaeous.
"Hi..."
He flashed his sweet smile. Medjo nagulat ako roon. Jaeous is used to have this bored facial expression. Nang basagin ito ng kanyang ngiti ay kinurot na ako ni Calin sa tagiliran.
"I finally got the chance to talk to you, Chio," si Jaeous na hindi parin naglalaho ang ngiti.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.
"Why? Is there anything you want to say?"
He immediately shook his head. Napapahiyang napakamot siya sa kanyang batok.
"Uh...I want to ask kung kailan ka free? A friendly date if you consider that?"
"Friendly date, huh?" muling pag-iingay ni Calin.
Nangapa ako ng mga salita. When I found the right things to say, the view of the man with dark eyes waved at me. He advanced to join our group.
"Chio?" untag pa ng kausap ko.
"OMG! Galit ang isa..." si Calin.
"Lunes...free ako sa Lunes..." naisambit ko.
"No, she has no free time for you..."
Napasinghap si Calin sa tabi ko nang marinig ang boses ni Weino sa medjo naiinis na tono. Jaeous' smile vanished as he turned to face the man behind him.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. They are now exchanging death glares at each other. Sa tinginan nila ay hindi mo susubukang umawat dahil baka ikaw pa ang mapagbuntunan ng halatang galit.
"Exit na muna ako!"
Calin then vanished from my sight. Ngayon ay mas naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Who told you? Your instinct and proud ego, Weino?" bumakas sa boses ni Jaeous ang inis.
"No...Chio told me herself..."I gasped for air when Weino's eyes were darted at me.
"We do have plans, right, Chio?" he asked, teasing me a little.
I did not answer. Ano ba naman ang isasagot? Ni hindi ko nga alam na may plano kami!
"She didn't answer," si Jaeous.
"Yes, we have..." agap ko na ikinangisi ni Weino.
He walked to my side and held my hand. Bumaba ang tingin ni Jaeous sa kamay naming magkahawak.
Tumango siya na halatang hindi parin kumbinsido sa sagot ko.
"Let's talk some other time..."
Tinalikuran niya kami at iniwan nang hindi man lang hinintay ang sagot ko. When he was completely gone, Weino pinched my hand a little, trying to get my attention.
Tamad ko siyang nilingon.
"What plans are you talking about?"
"We will figure that out soon. But now, don't free your schedule for him..."
Nagtaas ako ng kilay.
"You sound like a boyfriend being cheated on, Weino."
He smirked. "Just a boyfriend, Chio. I know you won't cheat."
Nang mag-Miyerkules ay isang tipikal na araw ang bumungad sa akin. Buong araw akong tambay sa Rouseau para tapusin ang ilang dokumento. Hindi na muna ako bumisita sa foundation para iwasan si Jaeous.
It is not that I want to avoid him. It is Weino's order.
Pero kaya ko namang labagin ang sinabi niya kung gusto ko. The thing here is that I have found peace when Weino is not mad or frustrated. Kaya hindi na ako sumubok na makipagkita pa kay Jaeous.
Huwebes nang pumunta ako sa isang conference sa Priacosta. Tanging ang pakikinig at patango tango ang ginawa ko buong oras. Pagkatapos ay bumalik na agad ako ng Rouseau para ipagpatuloy ang trabaho.
Sa sumunod na araw ay dumating na ang pinagawang damit ni Papa para sa akin. Natanggap ko na rin ang biniling stiletto at alahas noong nakaraan.
The whole day was tiring. Sinamahan ako ni Aling Debbie na maligo sa dagat sa likod ng mansyon para kahit papaano ay makapag-relax.
Ngunit nang makarating doon ay nagpaalam siya na babalik muna sa loob para hintayin ang paparating na order ni Papa.
I nodded at her. Umalis siya kasabay ng pagdating ni Weino galing sa hotel. I craned my neck to trail his way to check if there's a way in from the back. Palaisipan parin kasi sa akin kung saan siya dumadaan papasok dahil bantay sarado ang buong mansyon.
He is wearing his v-neck white shirt paired with khaki shorts. Nakapamulsa siyang nakatayo sa harap ko, hinaharangan ang tanawin ng dagat.
"Hi..." I greeted.
He advanced to me. Nilahad niya ang dalawang kamay para tulungan akong tumayo.
"Hi..." he responded.
Siya ang pumalit sa inuupuan ko kanina. Gumapang ang kanyang isang braso paikot sa aking beywang saka ako marahang hinila paupo sa kanyang kandungan.
"You smell so good..."
Inamoy niya ang aking leeg. The tip of his nose touched my skin, making me flinch a little.
"Maliligo ka pa ba?" tanong niya saka ipinulupot ang isa pang braso paikot sa akin.
"Nope..."
"Anong gagawin mo pagkatapos?"
Napaisip ako. I am done with my paper works. Mamasyal? Hindi rin siguro.
"I have nothing in mind. Kung ganun ay baka matulog nalang ako sa kwarto," tugon ko.
He rested his forehead against my back. Pinapakawalan niya ang maliliit na hininga na tumatama sa aking likod.
"How about you? Baka may lakad ka pa," dagdag ko.
"I'll just stay here with you...Uuwi lang ako pag matutulog ka na," mahinang sambit niya.
My brows furrowed at his voice. Tila ba pagod na pagod siya. Hinaplos ko ang kanyang mga kamay. Mas lalo lang akong nagtaka nang mapansin ang magaspang na bahagi ng kanyang palad.
"You worked so much today?" nagtatakang naitanong ko.
Weino did not answer. Nanatili itong nakasandal ang noo sa likod ko. He shifted to his seat a little.
"Weino..."
"Hmm?"
"Are you okay? You seem so tired."
Naramdaman ko ang kanyang pag-ahon. I spat a chance to face him kaya pumihit ako paharap sa kanya.
Ang unang sumalubong sa akin ay ang kanyang mapupungay na mga mata. They are telling me that he is so tired from something.
"Do you want to take some rest?" I asked and caressed his face.
Hinuli niya ang isang kamay ko saka dinala sa kanyang labi. He gently kissed my palm and brought it to his cheek again.
"Are you ready for tomorrow?" iniba niya ang usapan.
"I'll prepare later, Chio," he added, sounded so tired.
Nag-iba ang ekspresyon sa aking mukha. Ang mga mata ay nagtatanong.
"What exactly you do to make you that exhausted?" I asked out of desperation to know something.
Nag-iwas siya ng tingin. His gaze went to my forehead. Dinala niya ang labi roon para madampian ng halik.
"Miscreant..." my voice became stern.
"I can't tell you as of the moment..."
Iyon ang naging hangganan ng kuryusidad ko. Kinagabihan, bago maghapunan, ay kinontak ko ang taong makakatulong sa akin sa ganitong bagay.
Ilang ring pa ay sinagot na niya ito.
"Chio!" bungad niya mula sa kabilang linya.
"Hi!" pinilit kong magtunog masaya.
"Kumusta ka na? Napatawag ka bigla, ah? May trabaho ba ako ngayon?"
I smiled. He really knows me well.
"I'm fine, I guess. Anyway, if you are not busy, can you please take a look on the information you have for Weino Miscreant Zaldego."
I heard him chuckle.
"Oh, this sounds like a genuine concern from you and not just like a simple individual. 'Tsaka ngayon lang ako nakarinig ng pangalan ng lalaki, Chio. Sino itong Weino?"
Biglang nanuyo ang lalamunan ko. I immediately looked for an escape from his curiosity.
"Just do what I have said. I want the details of his whereabouts for this day. Send it to me as soon as possible."
"Sure, Chio! I'll send it to you through email."
I felt relieved with the call I made. Kahit papaano ay nabawasan naman ang pagtataka ko dahil may matatanggap akong sagot sa natatanging tanong ko.
Sa hapag ay naroon si Papa sa kabisera nakaupo, hawak ang kanyang phone at may kung anong kinakalikot.
"Kailan daw po ang dating ng mga Alcoreza, Pa?" tanong ko pagkatapos uminom ng tubig.
"May mga darating ngayon at mayroon ding bukas pa ang lapag ng eroplano. They will stay here for tonight," he uttered without glancing at me.
Tumango ko. Inubos ko na ang kinakain para makaakyat na sana sa kwarto kung hindi lang muling nagsalita si Papa.
"Are you ready for tomorrow's event? Make sure that everything's fine before it starts."
"I can say that I am, Pa. Titingnan ko nalang kung ano ang pwedeng hairstyle para bukas."
Doon lang siya nag angat ng tingin. His brows furrowed while evaluating my words.
"Did I forgot to tell you that I hired someone to do that?"
Umiling ako.
"You told me about it but I refused. Kaya ko na ang bagay na iyon. Besides, I am not comfortable when someone is touching me."
He nodded understandingly. Binawi niya ang tingin sa akin para muling balingan ang phone.
Ang kanina'y medjo tahimik na hapag ay umingay nang biglang pumasok ang mga bisitang Alcoreza. I was expecting to see unfamiliar faces but I sighed my dismay.
Nakangiting pumasok si Auntie Lurie at naupo sa upuang nakapaharap sa akin. Sa kanan iyon ni Papa. She is in her usual royal blue body fitted dress.
Ako lang ata ang nabibigatan sa suot niyang malaking sumbrero na napapalibutan ng mga plastik na bulaklak. Her mittens hugged her hands up to her arms perfectly. Kuminang ang suot na pearl necklace na malayang nakasabit sa kanyang leeg.
Lumapit ang isa sa mga kasambahay para tulungan siya nang sinubukan niyang tanggalin ang malaking summer hat. Sa tabi niya naupo si Tito Ricardo kasunod ang anak na si Melisa. Iilan pang lalaking Alcoreza ang pumuno sa mga bakanteng upuan sa hapag.
None of them greeted me. Hindi iyon ikinasama ng loob ko dahil hindi naman ako malapit sa kanila. I am only close to Vanesa, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita.
"Where's Vanesa?" binato kong tanong na hindi alam kung para kanino.
"She won't be here, ija. May importanteng gagawin sa San Hartin kaya nagpaiwan," si Tito Ricardo na ang sumagot.
Auntie Lurie never gave me a glance. Na kay Papa ang buong atensyon niya. The two of them are talking over something pero hindi ko gaanong marinig.
As soon as I finished my dinner, I excused myself to at least get some rest.
Wala akong ginawa buong gabi kundi ang tumunganga sa harap ng laptop, hinihintay ang mensaheng isesend sa akin.Inabot pa ako ng ilang oras bago natanggap ang email. I clicked it without any hesitation.According to his sent report, Weino went to a house near the boundary of Priacosta and Puerto Alegre around 8 AM this morning. The next slide was a picture of the house. It looked familiar to me. Parang nahanap ko na ito sa internet dati nung may hinahanap akong tao.My eyes widened in surprise when I realized that it was Jaeous' house. Kaagad kong binasa ang pinakadulong parte ng report.Para akong nanigas sa kinauupuan at napaawang ang labi. The two of them fought!Mabilis kong hinagip ang phone sa aking kama saka nagtipa ng mensahe.Ako :You need to tell me something, Miscreant. Let's meet.Hindi nagtagal ay tumunog ang phone ko. I answered his call, a bit nervous."Aren't you going to sleep, darling?"
"Just go straight and you'll reach the seashore behind the mansion."Inalala ko ang sinabi ni Weino tungkol sa sekretong daan na ginagamit niya sa tuwing pumupunta ng mansyon.Makitid ang daan na napapagitnaan ng mga talahib. Buti nalang at pinahiram niya ako ng long sleeve at sweat pants. Kung hindi ay baka nagkasugat sugat na ako dahil sa mga damo. My skin couldn't take those bushes.Masyadong sensitibo ang balat ko na sa kahit marahang haplos ng talahib ay mag-iiwan na ng kaonting gasgas.I continued walking. Ala singko pa lang ng umaga ay hinatid na niya ako sa mismong labasan. Sa tingin ko ay hindi siya natulog dahil sa inatupag niya buong magdamag. Now I am guilty for nagging him last night.Tuluyan kong napasok ang dalamasigan sa likod ng mansyon. There's no guards roaming around. Nasa may tarangkahan sila halos lahat. Ang kumpol ng mga lalaking Alcoreza ang nakita ko nang mapasok ang bulwagan.I walked myself in
Magtatanghali na nung nakabalik ako ng mansyon. I was right. Nandito na nga halos lahat ng Alcoreza na nakasalamuha ko sa San Hartin. Ang iba mula sa ibang siyudad at nasa hotel pa at nagpapahinga.Nakalatag ang mahabang mesa sa hardin para sa tanghalian. Maraming upuan sa magkabilang side. Ang lahat ng kubyertos na gagamitin ay mukhang pinagawa pa dahil sa pangalang nakasulat sa hawakan.Hindi ko na gaanong pinansin pa ang ginawang paghahanda at dumiretso na sa kusina. Hinanap ko si Aling Debbie. Nadatnan ko siya sa harap ng stove at may hinahalo sa malaking kawa."Aling Debbie," I called her that made her turn to me."O, ikaw pala, Ma'am Chio."Ibinaba niya ang hawak na sandok saka lumapit sa akin."May kailangan ka po ba?""Kung pwede po sana ay magpapahatid nalang ako ng pagkain sa kwarto. Doon nalang ako kakain, medjo masama po kasi ang pakiramdam ko," I lied.Ayoko lang talaga na maupo sa hapag at
Pinipilit kong makawala mula sa mahigpit niyang hawak sa aking magkabilang kamay. Nauubos na rin ang lakas na kanina ko pa inaaksaya pero walang nangyayari.I cried my heart out and shouted at the top of my lungs to ask for a help. But my voice bounced back to each corner of the dark room. It keeps coming back and forth until it will no longer be heard."Tama na! Bitiwan mo 'ko!" buong lakas na sigaw ko nang maramdaman ang kanyang labi na tinatahak ang aking leeg pababa sa aking balikat.I was in full disgust with myself. No matter how loud I shout, he has no mercy to let me go. I can't escape!Bumuhos ang mga luhang produkto ng sakit at takot habang patuloy parin siya sa ginagawa. I tried to straddle again but he got my hands and pinned it beside my head."I am addicted to your neck..." he whispered and pushed his body closer to me.Mas lalo akong bumuhos sa pag-iyak."S-stop it! Bitiwan mo 'ko!"Mabilis kong naimulat an
Now that he have opened the topic about that, I feel worried about him. Naiisip ko na ang pagpapanic ng mga kamag-anak ko dahil sa biglang pagkawala ay nangangamba na ako para kay Weino.Auntie Lurie has the power to create malicious issues. Maaari niyang sabihin na sumama na naman ako sa kung sinong lalaki at pinagamit ang katawan dahil sa makamundong pagnanasa.Alcorezas will see me more than a flirt. A bitch, a whore, a slut, name it. Kung sakali mang maisapubliko ang nangyari kagabi, mahihirapan akong labanan ang panghuhusga ng mga tao.Pag nangyari iyon, matatalsikan ng sisi ang pangalan ni Weino. Why? Simply because he is sure to stand as my witness!Iisipin ng iba na pinagtatakpan niya lang ako. Na suportado niya ang paniniwalaan nilang kasinungalingan.ZASETRA and ZACH's reputation will be at stake!Once a picture is stained, it will create a permanent mess. Just like it, once a person's dignity is damaged, her life
"We need to file a case!"Polona shouted and became hysterical. Pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari, mula sa naging usapan namin ni Auntie sa hagdanan hanggang sa ginawa ni Papa, ganito na ang reaksyon niya.She can't calm down. Nakatayo na siya at nagpapaypay ng sarili. There are only the two of us. Binigyan kami ni Weino ng oras para makapag-usap ng pribado."You have the same reaction with Weino," I said.She looked at me with amused eyes."Of course, Chio! Kahit sino naman ay iyon ang maiisip!" giit niya.Umiling ako at tipid na ngumiti."During my stay here I've figured things out, Polona. Tahimik lang ako sa mga nalaman at patuloy na nagmamasid sa mga taong nakapaligid sa'kin..."Nagsalubong ang kanyang kilay. Para bang tinatansya niya ang lahat ng sinabi ko at pilit na binubuo ang isang ideya."Papa has the power to turn the tables. Gobernador siya at may magandang imahe. Kung sasampahan k
Magkahiwalay kami ng sasakyan. Polona and I are in her cousin's car. Hiniram niya kagabi. Si Weino ay nasa kanyang Lincoln MKZ.Sabay na lumabas ang dalawang sasakyan at naghiwalay lang sa intersection. Now that Weino's car was out of sight, a black car following us went visible.Panay ang sulyap ko sa rear view mirror. Kahit papaano ay napanatag naman ako at nasa may kalayuan nga sila."Your boyfriend is all for you, huh," si Polona na nakatanaw rin pala sa salamin."Hmm?"Binawi ko ang tingin para ibaling sa katabi. Malapad na ang ngiti ni Polona. Pakiwari ko'y sayang saya siya sa nangyayari at may kung ano sa isip."He is spoiling you too much!"Ilang sandali pa ay narating namin ang mansyon. The whole place is in silence. Naalala ko na sa pangatlong araw ng reunion ay announcement na ng list of brides.Right, they don't have much care about me. Baka nga ay hindi nila napansin ang pagkawal
Mabigat at malalim ang naging paghinga. Pinuno ng pawis ang buong mukha. Ang paglandas ng isang butil ng luha sa aking pisngi ang bunga ng pinaghalong kaba at takot.I took a deep breath and exhaled the stress in me. Ilang gabi narin akong ganito. Sa mga nagdaang linggo ay ayos naman ako at bihira lang dalawin ng bangungot na iyon.But this week was more of a nightmare. Halos gabi gabi na akong binabangungot ng trahedyang dinanas ko sa kamay ni Papa. Same exact scene, pain, fear, and the loud beating of my heart.Marahas akong umaahon sa kama sa kalagitnaan ng gabi. Tahimik na dinadama ang pagwawala ng puso dahil sa sobrang kaba. At ngayon ay nakaupo sa kama, tinatanaw ang kalmadong dagat habang hinahayaan ang luha na maglandas sa pisngi.I wanted to go out and reach for Weino's presence. I can't remember how many times I tried to gather my strength and ask him to stay here with me. Pero sa tuwing sinusubukan ko ay pinipigilan ako ng sarili. N
Napatayo ako at nahilot ang sentido. I got my phone from my desk and dialled Chio's number. It rang for a moment before I heard her sleepy voice."Weino..."Tumikhim ako, sinusubukang maigi na maitago ang galit sa boses."Did I wake you up?""Yup...But it's okay."Matagal pa bago ako nakasagot."Sorry for waking you up. I know it's late. Go back to sleep and continue your rest. I'll see you tomorrow.""Can we just talk now? Hindi na ako makakatulog," she said in a low voice.Biglang kumalma ang galit sa loob ko. Sa isang mahinang boses ay tila ba tinangay na ng alon ang lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon.Chio's voice got my knees weak. Muli akong umupo sa swivel chair at isinandal ang ulo sa likod nito."What do you want us to talk, darling?""How's your day?" tanong niya."It was fine. How about you? You went to the foundation?""It was tiring. I s
I will find her, or I'll die trying.The girl came to visit me through my dreams again. I already lost count how many times did this happened but all I could remember is the great feeling she never failed to make me feel.Is it even possible to fall in love with someone you just met in your dreams? In times when your defense is weak, heart is slowly beating, and unconscious soul that won't even remember the scenes tomorrow morning.It is strange to wake up with eyes looking for someone not there. Strange as how my heart beats for someone I haven't met yet. Homesick for a girl that feels like home.To the girl in my dreams, whoever you are, I will always wait for you."Damn, Weino! You are getting crazier every passing day! How can you find that girl in your dream?!" Richard hissed.I turned to him with no emotion marked on my face. Ilang sandaling nanatili ang tingin ko sa kanya bago tinungga ang alak sa isang bagsakan.His eyes
It was almost an airy whisper. Marahan niya akong dinala paupo sa kanyang hita. I tried to get up but he halted me. Umusog siya saka pinagparte ang mga hita. Nahulog ako sa espasyo sa pagitan nito at kaagad na ikinulong ni Weino. His legs were locking me in between them!Nanindig ang balahibo ko nang tumama ang kanyang daliri sa aking leeg nang sikupin niya ang mga hibla ng aking buhok."Are you hungry?" he asked."No...""Does your head hurt?""No..."He went silent for a moment."What do you want to do?""I want to eat," agap ko."I thought you are not hungry?"I frowned. Umayos ka, Chio!"What exactly do you want to do, darling?" naniniguradong tanong ni Weino.Bumuntong hininga ako."I want to sleep again," tugon ko, hindi sigurado.I can imagine him raising his brow at my remark. Kulang nalang ay tampalin ko ang noo dahil sa sobrang kalutangan ko.
Wala na akong oras para mag-reply pa. Nagsimula na akong mataranta kaya paulit ulit kong kinalabit si Calin.He turned to me. Magpapaalam na sana ako nang bigla niya akong abutan ng bote ng alak."Calm down. Para kang naiihi riyan!" he said as a chuckled came to follow his words.Nagkatinginan kami ni Jaeous. Bumakas sa mukha niya ang pagtataka nang makitang hindi na ako mapakali. Nahulog ang tingin niya sa phone ko nang makitang umilaw ito."Hinahanap ka na?" he asked."O-oo..."Tipid siyang tumango. Binalingan niya si Calin at sinubukan itong kausapin. But Calin looks like he is a bit tipsy. Tawa lang siya nang tawa at mukhang hindi naiintindihan ang sinasabi ni Jaeous."Sino?" tanong ni Calin saka ako binalingan."Uuwi na---" natigil ako nang mag-ring ang phone.Sasagutin ko na sana ito nang bigla itong hablutin ni Calin."Galit ka sa kanya, diba? Then enjoy the night! Party!" sigaw
Iniliko ko ang sasakyan sa pinakadulo ng parking lot. Handa na akong iparada ito nang biglang mag-vibrate ang phone. Itinuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa naiparada ko ito ng maayos.I unclasped my seatbelt and bent to reach my bag. Tamad kong kinuha ang phone at nangunot ang noo nang lumabas ang pangalan ni Weino sa screen.I received six messages from him. Ang iba ay kagabi lang natanggap pero hindi ko pa nababasa.Weino:Rest if you're not able to handle the anger anymore. Magpapahinga rin ako pero bukas aayusin na natin 'to. I don't want to leave you so we will talk when our mind is calm.Weino:I love you, in case you forgot because we're in this mess. Rest assured, I love you.Weino:Eat your meal.Weino:Let's talk, Chio. I'll be home to see you in my house tonight. Wait me there.Weino:Don't leave my house. Do you want something? I'll buy it for you.Weino:Something importan
I'm back at it again. After a long fight, everything eventually fell into its place. From Isla Ardor to Priacosta, peace is here with me.Pagkauwi ko ng Priacosta ay unang nakipagkita si Tita. I agreed immediately since it's been a while since the last time I saw her. Makikibalita na rin ako tungkol sa nangyari kay Auntie Lurie.Medjo matao ang lugar na pinagkitaan namin. I was actually expecting for her to meet me in Rouseau. Kaya ganun nalang ang pagtataka ko nang inaya niya ako sa isang coffee shop malapit sa DAFC."How are you, Tita?" ako na ang nagkusang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.Maybe it is time to give myself a closure. Sa lahat ng bagay na iniwan kong walang kasiguraduhan at para na rin sa mga tanong na hindi pa rin nasasagot hanggang ngayon."I'm fine, Chio. Ikaw? Kumusta ka?"I smiled."I'm doing great..."Ngumiti siya sa bago sumimsim sa kanyang kape. Uminom na rin ako para kahit papaano ay maib
I flinched when I heard his deep voice. Natanaw ko siya sa repleksyon sa salamin. Nakasandal si Weino hamba ng pinto, nakakrus ang mga braso sa kanyang dibdib at nakangiting nakatitig sa akin.I turned to face him. Kumurba ang nahihiyang ngiti sa aking labi, takot na salubungin ang kanyang mga mata.I heard footsteps nearing me. Sunod ko nalang naramdaman ang mainit niya palad sa aking braso, ang isang kamay ay bahagyang inaayos ang buhok ko na malayang nakakurtina sa aking balikat."Why are you so shy?" he asked."Kailan ka pa nakauwi?" bato kong tanong sa kanya, binalewala ang kanyang tanong.Nahulog ang tingin ko sa kanyang katawan. His white bohemian polo hugged his upper extremities. Abot hanggang siko ang manggas nito at ang mahabang hiwa sa gitna nito ang nagpapakita ng kanyang dibdib.His cream colored khaki shorts hugged his thighs perfectly. Parang hinulma ng perpekto ang kanyang katawan na kahit siguro anong suotin ay babaga
I am loved, for sure I am.The idea of falling in love terrified me for a long time. Then suddenly, someone came to knock on the door of my life, bringing this kind of love that will take me to forever to get over.He made me realize that a long time ago, I was already loved, and will always be loved.That in between dream and reality, space and time, life and death, and happiness and sadness, I exist.Pakiramdam ko ay nakasakay ako sa ulap na marahan ang galaw sa himpapawid. Dinadala ako sa init ng aking tahanan para bigyang lunas ang nalulumbay na puso.Na sa nanlalamig na mga ala-ala, patuloy akong hihilahin ng oras pabalik sa kung saan ako nagsimula. Ang bawat rason na naging dahilan ng lakas ko para magpatuloy at magmahal, laging bibisita sa aking isipan.Minemorya ko ang bawat detalye ng Isla Ardor. Mula sa mga puno, pino at maputing buhangin, ang paggalaw ng ulap, ang lamig ng hangin, paghiyaw ng mga kabayo, an
Suminghap ako. Kulang nalang ay magpagulong gulong na ako sa higaan para lang maging komportable.I want us to talk. Pilit mang hinihila ng antok ay sinubukan ko na manatiling gising para lang maabutan ang pag-uwi niya.Bumaba ang tingin ko sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto ng kwarto. Madilim pa rin sa labas dahil nakapatay na ang mga ilaw. Weino is probably still not here yet.Pinanghinaan ako ng loob. I don't think I can still keep my consciousness a little longer. Masyado nang mabigat ang talukap ng aking mga mata. Nahihirapan na akong gisingin ang diwa kong kanina pa naiidlip.There is a total silence. Nasa kabilang kwarto sila Mang Adre at tulog na. Ako na lang itong gising pa hanggang ngayon.Malalim na ang gabi. Mag-aalas otso na nung pumasok ako rito sa kwarto. Sa tingin ko'y dalawang oras na akong nakikipagtitigan sa butiki, umaasa na sana ay umuwi na siya.And I got disappointed all over again.M