Share

Kabanata 15

last update Last Updated: 2021-07-16 20:10:32

"Just go straight and you'll reach the seashore behind the mansion."

Inalala ko ang sinabi ni Weino tungkol sa sekretong daan na ginagamit niya sa tuwing pumupunta ng mansyon. 

Makitid ang daan na napapagitnaan ng mga talahib. Buti nalang at pinahiram niya ako ng long sleeve at sweat pants. Kung hindi ay baka nagkasugat sugat na ako dahil sa mga damo. My skin couldn't take those bushes.

 Masyadong sensitibo ang balat ko na sa kahit marahang haplos ng talahib ay mag-iiwan na ng kaonting gasgas.

I continued walking. Ala singko pa lang ng umaga ay hinatid na niya ako sa mismong labasan. Sa tingin ko ay hindi siya natulog dahil sa inatupag niya buong magdamag. Now I am guilty for nagging him last night.

Tuluyan kong napasok ang dalamasigan sa likod ng mansyon. There's no guards roaming around. Nasa may tarangkahan sila halos lahat. Ang kumpol ng mga lalaking Alcoreza ang nakita ko nang mapasok ang bulwagan. 

I walked myself in, looking so confident that I am now safe from their dubious questions.

Nalamasan ko sila nang walang humaharang na tanong. Mukhang bagong gising pa ang mga ito. And in state like that, they won't bother to ask you for filling their curiosity.

Dumiretso na ako sa itaas. Nasa hagdanan pa lang ako ay may naririnig na akong halinghing mula sa kung saan. Minsan pa ay nagiging tawa ito na halatang pinipigilan lang. 

My room is three rooms away from the staircase. Una ay ang opisina ni Papa, sunod kwarto niya, kwarto ng mga posibleng bisita, tapos ay silid ko na. 

Isinawalang bahala ko ang naririnig dahil sa pag-aakalang galing iyon sa kwarto sa pagitan ng akin at kay Papa. That room was intended for my Auntie Lurie. 

Maarte siya at masyadong mapili sa mga bagay na ino-offer sa kanya. No matter the what the price is, if it surpasses her standards, she'll accept it. Kaya naman ay madalas siyang pinapatuloy sa mga mansyon kahit pa pwede naman sa hotel. 

I remembered the housemaids cleaning the spare room last day. Buong araw nilang ginawa iyon para masigurado ang kalinisan ng silid na gagamitin ni Auntie Lurie sa ilalim ng utos ni Papa. Of course he knows what his sister is.

When I was about to pass my father's office, the door suddenly opened. Taas noong lumabas mula roon si Auntie na halata ang saya sa mukha. 

She turned to me just when her smile faded. Itinuloy ko ang lakad hanggang sa magkalapit kami.

"Your father seems to have plans for the event, ija. Prepare yourself perfectly, okay? Flaws have no place in this place. Nakakahiya naman pag ganoon," she said with words full of sarcasm.

Ngumiti ako, pinipigilan ang sarili na maipahiwatig ang inis sa kanya.

Nilagpasan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi pa tuluyang nakakaapak sa hagdan ay nilingon niya ako.

"Nice clothes by the way. You should've fooled another man again, Chio. Just by looking at you, I can say that the owner of the long sleeve has a nice body."

Sinundan iyon ng nang-iinsultong tawa. Tinahak niya ang hagdan pababa habang patuloy parin sa pagtawa na animo'y nahuli ako sa isang kasalanan.

I clenched my fist, but let it pass. I am capable of doing something but I did nothing. Ayaw ko muna ng gulo.

Well, I am not surprised. Dati pa lang ay mainit na ang tingin niya sa akin. Back to my teenage days, she would falsely accuse me of meeting some random guys out of the wild.

 Kinabukasan ay kumakalat nalang ang balitang nagpapaangkin ako sa kahit na sinong lalaki basta ba mayaman daw at may mukhang maipagmamalaki ko sa pamilya Alcoreza. 

That was just part of her wild imagination. In reality, I don't usually talk to men. Kung kinakailangan, saka lang ako magsasalita. 

That could be the primary reason why I am still single for years. Entertaining someone who confesses to me is not really my thing. Hangga't kayang maghintay, lumalaki ang tyansang kakausapin at pagbibigyan ko.

No wonder why young men Alcorezas who have heard the false issue won't bother to talk to me. Baka iniisip nilang nakakahiya ako sa pamilya kaya iniiwasan nila ako. 

Well then, my pleasure! 

Narating ko ang kwarto na pigil ang inis. Kung wala lang akong inaalalang mga kasama sa bahay ay baka padabog ko nang isinara ang pinto. 

Just when I am about to take off my clothes, Weino's name appeared on my screen. 

It was a video call. Mabilis kong inayos ang damit na suot at siniguradong walang makikita na kahit anong parte ng katawan ko.

Sinagot ko ang tawag niya at dinala ang phone sa harap. I went to the window to bring the thick curtains to the side. Binuksan ko iyon saka hinayaan ang sinag ng araw na pumasok.

Last night, Priacosta experienced a heavy rainfall. Kabaligtaran sa matinding sikat ng araw na marahas ang atake sa mukha ko.

"Were you caught by your relatives?" Weino asked from the other line.

Nilingon ko siya. He is now lying on his bed. It looks different than the room I  have stayed last night. Probably it is his room in his house.

"Nah...Nagmana ako sa'yo, Weino. Hindi ako mahuhuli," I teased followed with a chuckle.

He grinned.

"Oh...really, huh?" pang-aasar niya. 

He licked his lower lip.

"Then maybe you can sleep here again tonight?" 

Umismid ako at umirap. Dinungaw ko ang bintana at baka may tao na pala riyan na nakikinig. Medjo napapalakas narin kasi ang boses ko.

Ibinalik ko sa kanya ang tingin.

"Stop it, Miscreant! Hindi na iyon mauulit. Even if we fight, I won't go anywhere under your authority."

Weino pouted. Natawa ako roon, namamangha. I have never imagined a dangerous man pouting. How cute is that, huh?

"Now you are laughing at me, darling..."

"Who wouldn't, Weino? Look at you, you are pouting like a baby!"

Mabilis niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Pinaglaruan niya ito gamit ang isang kamay.

"Now you look like a man in a big mess!"

I teased kahit sa totoo lang ay ang gwapo na niya sa paningin ko. Just like the first time I met him real close, wild thoughts knocked on my mind. Weino, in his large body frame, on top of a girl in a white sheeted bed.

He looks like a daddy effortlessly seducing his girl!

"What were you thinking, baby? You're staring at me with so much expressions in your eyes."

Kaagad kong ipinilig ang ulo para iwaksi ang lahat ng naiisip ko tungkol kay Weino. His eyes were inquiring.

"Nothing..." 

His brows shut, not convinced of my lie.

"I am not convinced. Lie more," he said cooly.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumagilid siya at umayos ng higa. I can see his collarbone with his position right now. Yes, he is a man who likes to sleep topless on his bed. Tapos tatawag na ganoon ang ayos. 

What are you up to, Miscreant?

"Are you going to sleep? Inaantok na ang mga mata mo,"  pag-iiba ko ng usapan na ikinataka niya.

"Can't contain your guilt for lying, huh?" he teased. 

Pinasadahan niya ng kamay ang buhok na mabilis na nahati. 

"I'll sleep later on. Mag-usap muna tayo..." naging malamyos ang kanyang boses.

Nilakad ko ang kama at doon naupo. Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok saka iyon bahagyang ginulo. Weino is staring at me, watching every gesture that I do with eyes full of adoration.

"My clothes look good on you. Be it a long sleeve or a shirt..." he suddenly complimented.

Tinaas ko ang isang kamay para ipakita sa kanya na inaayos ko ang manggas ng suot na long sleeve. He have long arms. Kinakain ng manggas ang mga kamay ko.

"Akin nalang? You have more on your closet so I won't give this back," pigil tawa kong sinabi.

"I want a trade...My clothes aren't free for you, Chio. I am now wondering what would I get in return."

Nangunot ang noo ko. Ano namang ibibigay ko sa kanya?

"What do you want?" tanong ko na para bang pwede niyang hingin ang shirt and tops sa closet ko.

And of course not the undergarments!

"You are really asking me that?" he then smirked.

Bigla ata akong pinamulahan nang inisip ko na baka iniisip niya nga ang undergarments! 

"Panyo...pwede ang panyo..." giit ko.

"Okay, let's have that."

Ngingiti na sana ako sa pag-aakalang hanggang doon lang ang hihingin niya.

"I'll have three of your handkerchiefs, darling. One must have your kiss mark and the two remaining are fine with just dry clean. Kukunin ko mamaya..."

"Weino!" I exclaimed that made him laugh.

"Prepare it now. Matutulog na ako..."

He closed his eyes, trying to show me that he is really gonna sleep. Pero hindi niya man lang pinatay ang tawag!

"Wake up, Weino. Hindi pa ako sang-ayon sa deal!"

"Hmm?" 

Namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. 

"I'll end the call. Sleep tight."

He murmured something before I finally tapped the end call button. Tumayo ako at kaagad na naghanap ng panyo na pwede sa kanya.

I have girly handkerchiefs. Most are in pink and pastel colors. Ang pwede lang sa kanya ay ang personalize handkerchiefs na may pangalan ko. 

Nasa kulay abo, itim at puti ang mga ito. Ang isa ay may desinyong dots at ang isa ay may burdang babae na nag-aarchery. Ang huli ay may pangalan ko sa isang gilid. 

I sighed. Kumuha ako ng lipstick at nilagyan ang aking labi. Sinadya kong kapalan para mas klaro ang kiss mark na iiwan ko.

This feels so weird. Pero gagawin ko parin. Ako lang naman ang andito kaya okay lang siguro.

I smacked my lips before putting the thin fabric of my handkerchief in between my lips. Sinadya kong tagalan para dumikit ang lipstick sa panyo. When it satisfied me, I folded them perfectly and put it inside a small paperbag. 

Pagkatapos nun ay naligo na ako. Ilang sandali akong nagbabad sa maligamgam na tubig para tuluyang makalma ang sarili at medjo ma-relax ang katawan. Water dripped from my hair when I walked myself out of the bathroom. 

Suot ang puting bathrobe ay nagpaikot ikot ako sa loob ng kwarto para ihanda na ang lahat ng kakailanganin ko mamaya. 

I gulped when I scanned the evening dress on my bed. It is made of a see through clothe. Pinapalibutan ito ng beads at malalaking bulaklak na siyang magsisilbing pangharang sa pribadong parte ng katawan ko. Masyadong revealing. Buti nalang at may kasama itong fur shoal na tutulong sa akin para takpan ang ilang bahagi ng katawan ko. 

Kulay krema ang halos lahat ng suosuotin ko. The cream colored mittens got me feel excited a bit. Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang magiging itsura ko mamaya.

Nagbihis kaagad ako pagkatapos ng paghahanda para sa kasiyahan mamaya. My phone beeped when a message came. 

Hinagip ko ang phone na nasa mesa para tingnan ang mensahe. It was from the unknown number yesterday.

Unknown :

Can we meet now, Chio? Today is my only free day. I am waiting for you at the coffee shop near DAFC.

Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang wallet bago lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko ang mga kasambahay na patungo sa hardin dala ang tray ng mga pagkain. 

Kumpara kagabi ay mas maingay na ang bahay ngayon. Baka andito na sina Tita. Nagkibit balikat ako at nagpatuloy na sa lakad.

Pinatunog ko ang Porsche Panamera na madalas kong ginagamit pag papunta ng Rouseau. I slid in and clasped my seatbelt. Binuhay ko ang makina ng sasakyan saka ito minaneho patungong Revistro.

Revistro is a coffee shop near DAFC. Nadaanan ko iyon nung papunta rito sa Priacosta. I hope I am right.

Pagkarating ko roon ay kaagad na sinuyod ng aking mga mata ang buong lugar. When an employee noticed me, she went near me and asked for the one I am looking.

"This way, Ma'am..." sambit niya saka iminuwestra ang tamang daan.

I followed her every footstep. Napapansin ko na palabas na ito ng shop. I am curious but I won't ask. 

Sa huli ay pinasok namin ang isang silid na tila nasa loob ng glass dome. There are vacant tables. Mapapansin na hindi basta bastang mga personalidad ang andito para magkape. May namumukhaan akong iilan. 

Famous celebrities and known personalities here in Priacosta.

Nalingunan ko ang gawi malapit sa glass wall. There is this man silently sipping on his coffee with eyes fixated at the scene outside. Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad patungo sa kinaroroonan niya.

"Hi," I said when I reached the spot.

Nilingon niya ako. His familiar eyes smiled as he motioned the seat in front of him. Naupo ako roon gaya ng gusto niya.

"I know you'd come..." he said and gently put his cup of coffee down on the table.

"Please have a cup of coffee," dagdag niya saka iminuwestra ang kape sa harap ko. 

I smiled.

"Thank you..." 

Pinagsaklop niya ang mga kamay na nakapatong sa mesa. 

"How are you? How is it living in Priacosta?"

Sumimsim ako sa kape ko bago sumagot.

"I'm fine, I guess. Priacosta is not a home for me, I must say..."

Bahagyang nangunot ang noo niya.

"Why? Hindi ka ba tinatrato ng maayos ng mga tao rito sa Priacosta?"

Umiling ako at tipid na ngumiti.

"They are good to me so far. But I won't risk it giving them my trust. Isa pa..." 

Bumuga ako ng hangin.

"...masyadong malayo ang buhay ko sa buhay na naiisip ko dati."

He nodded at me. Para bang naiintindihan niya ang rason ko.

"How about your dad? The Alcorezas?  Balita ko ay mainit pa rin ang dugo sa'yo ni Lurie."

Muli siyang sumimsim sa kanyang kape. 

"Dad is doing...fine. Gaya ng dati ay hindi parin ako masyadong kinikilala ng mga Alcoreza dahil sa pinakalat na balita ni Auntie Lurie noon. Kahit pa sarkastikong tao si Auntie Lurie ay pinapanigan parin siya ng mga tao."

"I figured that out. Pero hindi ako makapaniwalang ganyan parin si Lurie ngayon. That arrogant woman never changed. Tumatanda na ngunit ambisyosa parin," puno ng pait ang kanyang boses.

Hindi ako nagsalita.

"Ang tungkol sa tinatrabaho mo ngayon, Rouseau tama?"

Tumango ako.

"Kamusta naman?"

"Rouseau is doing fine. Tinututukan ko ang paper works para walang makaligtaan," tugon ko saka sumimsim sa kape.

"How about your other businesses?" nanliit ang kanyang mga mata. "The work you truly do that's why you are here."

Ngumiti ako.

"I am confident to say that it has a big progress. From the contacts, connections, and even the companies I have as my back up are all sure and loyal. I have them for being an Alcoreza."

Tila kuminang ang kanyang mga mata sa sobrang pagkamangha sa mga narinig mula sa akin. He leaned his back on the backrest of the chair.

"I have no doubt for that. And about the young Zaldego who keeps on tailing you, how was he?"

Ngayon ay nakuha niya ang atensyon ng pinag-uusapan namin. Weino will really be part of this conversation. Kilala sila sa Priacosta.

"He is good. I love to handle him."

Walang paglabag mula sa kanya. Tumunog ang phone niya dahilan ng kanyang pagbaling doon. He answered the call. 

"I need to go. May meeting pa ako ngayon."

Tumango ako.

"You can visit the mansion if you are not that busy. I'll message you if he arrives. Sa ngayon ay pagtuonan mo na muna ang ginagawa mo. If you ever lose some assets, you can tell me and I'll provide it for you."

He got up and gathered his things on the table. Tumayo narin ako at hinintay ang kanyang pag-alis.

"I'll go ahead, Chio."

I smiled. "Thank you, Tito Rendo. I hope to see you with Tito Simo so soon."

Related chapters

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 16

    Magtatanghali na nung nakabalik ako ng mansyon. I was right. Nandito na nga halos lahat ng Alcoreza na nakasalamuha ko sa San Hartin. Ang iba mula sa ibang siyudad at nasa hotel pa at nagpapahinga.Nakalatag ang mahabang mesa sa hardin para sa tanghalian. Maraming upuan sa magkabilang side. Ang lahat ng kubyertos na gagamitin ay mukhang pinagawa pa dahil sa pangalang nakasulat sa hawakan.Hindi ko na gaanong pinansin pa ang ginawang paghahanda at dumiretso na sa kusina. Hinanap ko si Aling Debbie. Nadatnan ko siya sa harap ng stove at may hinahalo sa malaking kawa."Aling Debbie," I called her that made her turn to me."O, ikaw pala, Ma'am Chio."Ibinaba niya ang hawak na sandok saka lumapit sa akin."May kailangan ka po ba?""Kung pwede po sana ay magpapahatid nalang ako ng pagkain sa kwarto. Doon nalang ako kakain, medjo masama po kasi ang pakiramdam ko," I lied.Ayoko lang talaga na maupo sa hapag at

    Last Updated : 2021-07-17
  • Sunset Behind Waves   Kabanata 17

    Pinipilit kong makawala mula sa mahigpit niyang hawak sa aking magkabilang kamay. Nauubos na rin ang lakas na kanina ko pa inaaksaya pero walang nangyayari.I cried my heart out and shouted at the top of my lungs to ask for a help. But my voice bounced back to each corner of the dark room. It keeps coming back and forth until it will no longer be heard."Tama na! Bitiwan mo 'ko!" buong lakas na sigaw ko nang maramdaman ang kanyang labi na tinatahak ang aking leeg pababa sa aking balikat.I was in full disgust with myself. No matter how loud I shout, he has no mercy to let me go. I can't escape!Bumuhos ang mga luhang produkto ng sakit at takot habang patuloy parin siya sa ginagawa. I tried to straddle again but he got my hands and pinned it beside my head."I am addicted to your neck..." he whispered and pushed his body closer to me.Mas lalo akong bumuhos sa pag-iyak."S-stop it! Bitiwan mo 'ko!"Mabilis kong naimulat an

    Last Updated : 2021-07-17
  • Sunset Behind Waves   Kabanata 18

    Now that he have opened the topic about that, I feel worried about him. Naiisip ko na ang pagpapanic ng mga kamag-anak ko dahil sa biglang pagkawala ay nangangamba na ako para kay Weino.Auntie Lurie has the power to create malicious issues. Maaari niyang sabihin na sumama na naman ako sa kung sinong lalaki at pinagamit ang katawan dahil sa makamundong pagnanasa.Alcorezas will see me more than a flirt. A bitch, a whore, a slut, name it. Kung sakali mang maisapubliko ang nangyari kagabi, mahihirapan akong labanan ang panghuhusga ng mga tao.Pag nangyari iyon, matatalsikan ng sisi ang pangalan ni Weino. Why? Simply because he is sure to stand as my witness!Iisipin ng iba na pinagtatakpan niya lang ako. Na suportado niya ang paniniwalaan nilang kasinungalingan.ZASETRA and ZACH's reputation will be at stake!Once a picture is stained, it will create a permanent mess. Just like it, once a person's dignity is damaged, her life

    Last Updated : 2021-07-17
  • Sunset Behind Waves   Kabanata 19

    "We need to file a case!"Polona shouted and became hysterical. Pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari, mula sa naging usapan namin ni Auntie sa hagdanan hanggang sa ginawa ni Papa, ganito na ang reaksyon niya.She can't calm down. Nakatayo na siya at nagpapaypay ng sarili. There are only the two of us. Binigyan kami ni Weino ng oras para makapag-usap ng pribado."You have the same reaction with Weino," I said.She looked at me with amused eyes."Of course, Chio! Kahit sino naman ay iyon ang maiisip!" giit niya.Umiling ako at tipid na ngumiti."During my stay here I've figured things out, Polona. Tahimik lang ako sa mga nalaman at patuloy na nagmamasid sa mga taong nakapaligid sa'kin..."Nagsalubong ang kanyang kilay. Para bang tinatansya niya ang lahat ng sinabi ko at pilit na binubuo ang isang ideya."Papa has the power to turn the tables. Gobernador siya at may magandang imahe. Kung sasampahan k

    Last Updated : 2021-07-17
  • Sunset Behind Waves   Kabanata 20

    Magkahiwalay kami ng sasakyan. Polona and I are in her cousin's car. Hiniram niya kagabi. Si Weino ay nasa kanyang Lincoln MKZ.Sabay na lumabas ang dalawang sasakyan at naghiwalay lang sa intersection. Now that Weino's car was out of sight, a black car following us went visible.Panay ang sulyap ko sa rear view mirror. Kahit papaano ay napanatag naman ako at nasa may kalayuan nga sila."Your boyfriend is all for you, huh," si Polona na nakatanaw rin pala sa salamin."Hmm?"Binawi ko ang tingin para ibaling sa katabi. Malapad na ang ngiti ni Polona. Pakiwari ko'y sayang saya siya sa nangyayari at may kung ano sa isip."He is spoiling you too much!"Ilang sandali pa ay narating namin ang mansyon. The whole place is in silence. Naalala ko na sa pangatlong araw ng reunion ay announcement na ng list of brides.Right, they don't have much care about me. Baka nga ay hindi nila napansin ang pagkawal

    Last Updated : 2021-07-17
  • Sunset Behind Waves   Kabanata 21

    Mabigat at malalim ang naging paghinga. Pinuno ng pawis ang buong mukha. Ang paglandas ng isang butil ng luha sa aking pisngi ang bunga ng pinaghalong kaba at takot.I took a deep breath and exhaled the stress in me. Ilang gabi narin akong ganito. Sa mga nagdaang linggo ay ayos naman ako at bihira lang dalawin ng bangungot na iyon.But this week was more of a nightmare. Halos gabi gabi na akong binabangungot ng trahedyang dinanas ko sa kamay ni Papa. Same exact scene, pain, fear, and the loud beating of my heart.Marahas akong umaahon sa kama sa kalagitnaan ng gabi. Tahimik na dinadama ang pagwawala ng puso dahil sa sobrang kaba. At ngayon ay nakaupo sa kama, tinatanaw ang kalmadong dagat habang hinahayaan ang luha na maglandas sa pisngi.I wanted to go out and reach for Weino's presence. I can't remember how many times I tried to gather my strength and ask him to stay here with me. Pero sa tuwing sinusubukan ko ay pinipigilan ako ng sarili. N

    Last Updated : 2021-07-17
  • Sunset Behind Waves   Kabanata 22

    Bumaba ako dala ang phone na bigla nalang umingay dahil sa tawag ni Zeri. Binuo ko ang boses bago iyon sinagot."Chio!" salubong niya bago pa man ako makapagsalita.Lumiko papuntang dining area kung nasaan sila Weino. Nadatnan ko silang nag-uusap ni Richard ngunit natigil din nang mapansin ako."Napatawag ka?" I asked, a bit awkward towards Weino.I can still feel his lips against my neck!Naupo ako sa harap niya. Si Richard ang nasa tabi na palipat lipat ang tingin sa amin."I have something to tell you. Kaso baka magulat ka."My brows shut."What is it?"Kinuha ko ang baso ng tubig saka uminom. Ilang sandali ring natahimik si Zeri. Ibinaba ko ang baso saka ibinagsak ang tingin sa pagkain sa harap.I want the salad. Kukuha na sana ako nang bigla nalang kinuha ni Weino ang plato ko saka ipinalit ang sa kanya. Nag-angat ako ng tingin.He met my eyes with a glare. Pinagtaasan ko siya n

    Last Updated : 2021-07-23
  • Sunset Behind Waves   Kabanata 23

    The sunbeam was on its full grace, touching my skin. I inhaled the crisp of the morning scent here in San Hartin. My gaze descended when I felt a very familiar presence standing on the garden.Nasa veranda ako ng kwarto at nagkakape. Maaga pa para maghanda para sa klase ko ngayong araw. Heto ako, dinadama ang mainit na hangin ng San Hartin.I saw Auntie Lurie's glare at me. She murmured something before rolling her eyes. Napabuntong hininga ako. Noon pa lang ay mainit na ang dugo niya sa akin. Para bang mainit na tubig na mas kumukulo pag nalalapit sa apoy.And that's what bothers me more. Ngayong sa kanila ako nakatira pansamantala ngayon ay kailangan kong alamin ang pinagmumulan ng kanyang galit.I need to be careful with the people around me. No one taught me how to become this sensitive towards others. Basta ko lang napagtanto na kailangan ko, lalo na sa mga taong may ayaw sa akin.Without considerations, my actions could be the firewood

    Last Updated : 2021-07-23

Latest chapter

  • Sunset Behind Waves   Wakas

    Napatayo ako at nahilot ang sentido. I got my phone from my desk and dialled Chio's number. It rang for a moment before I heard her sleepy voice."Weino..."Tumikhim ako, sinusubukang maigi na maitago ang galit sa boses."Did I wake you up?""Yup...But it's okay."Matagal pa bago ako nakasagot."Sorry for waking you up. I know it's late. Go back to sleep and continue your rest. I'll see you tomorrow.""Can we just talk now? Hindi na ako makakatulog," she said in a low voice.Biglang kumalma ang galit sa loob ko. Sa isang mahinang boses ay tila ba tinangay na ng alon ang lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon.Chio's voice got my knees weak. Muli akong umupo sa swivel chair at isinandal ang ulo sa likod nito."What do you want us to talk, darling?""How's your day?" tanong niya."It was fine. How about you? You went to the foundation?""It was tiring. I s

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 55

    I will find her, or I'll die trying.The girl came to visit me through my dreams again. I already lost count how many times did this happened but all I could remember is the great feeling she never failed to make me feel.Is it even possible to fall in love with someone you just met in your dreams? In times when your defense is weak, heart is slowly beating, and unconscious soul that won't even remember the scenes tomorrow morning.It is strange to wake up with eyes looking for someone not there. Strange as how my heart beats for someone I haven't met yet. Homesick for a girl that feels like home.To the girl in my dreams, whoever you are, I will always wait for you."Damn, Weino! You are getting crazier every passing day! How can you find that girl in your dream?!" Richard hissed.I turned to him with no emotion marked on my face. Ilang sandaling nanatili ang tingin ko sa kanya bago tinungga ang alak sa isang bagsakan.His eyes

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 54

    It was almost an airy whisper. Marahan niya akong dinala paupo sa kanyang hita. I tried to get up but he halted me. Umusog siya saka pinagparte ang mga hita. Nahulog ako sa espasyo sa pagitan nito at kaagad na ikinulong ni Weino. His legs were locking me in between them!Nanindig ang balahibo ko nang tumama ang kanyang daliri sa aking leeg nang sikupin niya ang mga hibla ng aking buhok."Are you hungry?" he asked."No...""Does your head hurt?""No..."He went silent for a moment."What do you want to do?""I want to eat," agap ko."I thought you are not hungry?"I frowned. Umayos ka, Chio!"What exactly do you want to do, darling?" naniniguradong tanong ni Weino.Bumuntong hininga ako."I want to sleep again," tugon ko, hindi sigurado.I can imagine him raising his brow at my remark. Kulang nalang ay tampalin ko ang noo dahil sa sobrang kalutangan ko.

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 53

    Wala na akong oras para mag-reply pa. Nagsimula na akong mataranta kaya paulit ulit kong kinalabit si Calin.He turned to me. Magpapaalam na sana ako nang bigla niya akong abutan ng bote ng alak."Calm down. Para kang naiihi riyan!" he said as a chuckled came to follow his words.Nagkatinginan kami ni Jaeous. Bumakas sa mukha niya ang pagtataka nang makitang hindi na ako mapakali. Nahulog ang tingin niya sa phone ko nang makitang umilaw ito."Hinahanap ka na?" he asked."O-oo..."Tipid siyang tumango. Binalingan niya si Calin at sinubukan itong kausapin. But Calin looks like he is a bit tipsy. Tawa lang siya nang tawa at mukhang hindi naiintindihan ang sinasabi ni Jaeous."Sino?" tanong ni Calin saka ako binalingan."Uuwi na---" natigil ako nang mag-ring ang phone.Sasagutin ko na sana ito nang bigla itong hablutin ni Calin."Galit ka sa kanya, diba? Then enjoy the night! Party!" sigaw

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 52

    Iniliko ko ang sasakyan sa pinakadulo ng parking lot. Handa na akong iparada ito nang biglang mag-vibrate ang phone. Itinuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa naiparada ko ito ng maayos.I unclasped my seatbelt and bent to reach my bag. Tamad kong kinuha ang phone at nangunot ang noo nang lumabas ang pangalan ni Weino sa screen.I received six messages from him. Ang iba ay kagabi lang natanggap pero hindi ko pa nababasa.Weino:Rest if you're not able to handle the anger anymore. Magpapahinga rin ako pero bukas aayusin na natin 'to. I don't want to leave you so we will talk when our mind is calm.Weino:I love you, in case you forgot because we're in this mess. Rest assured, I love you.Weino:Eat your meal.Weino:Let's talk, Chio. I'll be home to see you in my house tonight. Wait me there.Weino:Don't leave my house. Do you want something? I'll buy it for you.Weino:Something importan

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 51

    I'm back at it again. After a long fight, everything eventually fell into its place. From Isla Ardor to Priacosta, peace is here with me.Pagkauwi ko ng Priacosta ay unang nakipagkita si Tita. I agreed immediately since it's been a while since the last time I saw her. Makikibalita na rin ako tungkol sa nangyari kay Auntie Lurie.Medjo matao ang lugar na pinagkitaan namin. I was actually expecting for her to meet me in Rouseau. Kaya ganun nalang ang pagtataka ko nang inaya niya ako sa isang coffee shop malapit sa DAFC."How are you, Tita?" ako na ang nagkusang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.Maybe it is time to give myself a closure. Sa lahat ng bagay na iniwan kong walang kasiguraduhan at para na rin sa mga tanong na hindi pa rin nasasagot hanggang ngayon."I'm fine, Chio. Ikaw? Kumusta ka?"I smiled."I'm doing great..."Ngumiti siya sa bago sumimsim sa kanyang kape. Uminom na rin ako para kahit papaano ay maib

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 50

    I flinched when I heard his deep voice. Natanaw ko siya sa repleksyon sa salamin. Nakasandal si Weino hamba ng pinto, nakakrus ang mga braso sa kanyang dibdib at nakangiting nakatitig sa akin.I turned to face him. Kumurba ang nahihiyang ngiti sa aking labi, takot na salubungin ang kanyang mga mata.I heard footsteps nearing me. Sunod ko nalang naramdaman ang mainit niya palad sa aking braso, ang isang kamay ay bahagyang inaayos ang buhok ko na malayang nakakurtina sa aking balikat."Why are you so shy?" he asked."Kailan ka pa nakauwi?" bato kong tanong sa kanya, binalewala ang kanyang tanong.Nahulog ang tingin ko sa kanyang katawan. His white bohemian polo hugged his upper extremities. Abot hanggang siko ang manggas nito at ang mahabang hiwa sa gitna nito ang nagpapakita ng kanyang dibdib.His cream colored khaki shorts hugged his thighs perfectly. Parang hinulma ng perpekto ang kanyang katawan na kahit siguro anong suotin ay babaga

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 49

    I am loved, for sure I am.The idea of falling in love terrified me for a long time. Then suddenly, someone came to knock on the door of my life, bringing this kind of love that will take me to forever to get over.He made me realize that a long time ago, I was already loved, and will always be loved.That in between dream and reality, space and time, life and death, and happiness and sadness, I exist.Pakiramdam ko ay nakasakay ako sa ulap na marahan ang galaw sa himpapawid. Dinadala ako sa init ng aking tahanan para bigyang lunas ang nalulumbay na puso.Na sa nanlalamig na mga ala-ala, patuloy akong hihilahin ng oras pabalik sa kung saan ako nagsimula. Ang bawat rason na naging dahilan ng lakas ko para magpatuloy at magmahal, laging bibisita sa aking isipan.Minemorya ko ang bawat detalye ng Isla Ardor. Mula sa mga puno, pino at maputing buhangin, ang paggalaw ng ulap, ang lamig ng hangin, paghiyaw ng mga kabayo, an

  • Sunset Behind Waves   Kabanata 48

    Suminghap ako. Kulang nalang ay magpagulong gulong na ako sa higaan para lang maging komportable.I want us to talk. Pilit mang hinihila ng antok ay sinubukan ko na manatiling gising para lang maabutan ang pag-uwi niya.Bumaba ang tingin ko sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto ng kwarto. Madilim pa rin sa labas dahil nakapatay na ang mga ilaw. Weino is probably still not here yet.Pinanghinaan ako ng loob. I don't think I can still keep my consciousness a little longer. Masyado nang mabigat ang talukap ng aking mga mata. Nahihirapan na akong gisingin ang diwa kong kanina pa naiidlip.There is a total silence. Nasa kabilang kwarto sila Mang Adre at tulog na. Ako na lang itong gising pa hanggang ngayon.Malalim na ang gabi. Mag-aalas otso na nung pumasok ako rito sa kwarto. Sa tingin ko'y dalawang oras na akong nakikipagtitigan sa butiki, umaasa na sana ay umuwi na siya.And I got disappointed all over again.M

DMCA.com Protection Status