Page Thirty-six.——————————"Hindi pa rin po siya natutulog, ate. Hinahanap ka po."I sighed. Kausap ko ngayon si Sabel dahil tinawagan ako para sabihing hindi pa natutulog si Stormi dahil hinihintay ako. Kailangan ko nang umuwi. Hindi ko pa naman dala kotse ko ngayon. I need to go inside again para sabihin kay Ma'am Agnes na kailangan ko nang umuwi at magpapahatid ako or kay Randall na lang kaya? Ugh."Okay. I'm coming home. pakibantayan na lang si Stormi at pakisabi na pauwi na ako.""Sige po, Ate. Ingat ka po.""Okay."I ended the call. It's past 10pm na. Naglakad ako pabalik ng venue. Pagkapasok ko halos hindi ako makahinga dahil sa dami ng tao. Nagsisimula na ang sayawan at paramg halos lahat ng tao dito ay lasing na. I saw Randall talking to a woman pero hindi ako makalapit dahil siksikan. Urgh! Ayoko na. Muli akong lumabas to breathe dahil pakiramdam ko mamamatay ako doon sa loob. Napatingin ako sa phone ko at nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba si Randall o si Ma'am Agnes
Page Thirty-seven.——————————"Ate.."Hindi ko nilingon si Sabel pero naramdaman ko ang presensiya niya sa tabi ko."Kailan pa nababanggit ni Stormi ang tungkol sa Ama niya?"I asked her without looking at her. Kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya."Kapag.. Kapag may nakikita siyang bata na kasama Daddy nila. Pero ito po ang unang beses na sayo niya mismo sinabi, Ate. Madalas po sakin lang."Hindi ako umimik."Gusto niyo po ba ng gatas? Para po makatulog kayo?"Umiling ako. Saka ko siya hinarap. Ngumiti ako sa kaniya pero alam kong may halong lungkot. Unti-unti pumatak ang luha ko sa aking mata. Agad na lumapit sakin si Sabel para yakapin ako."Is this the right time to tell her the truth, Sabel?"Alam kong hindi ko habang buhay maitatago kay Stormi ang tungkol sa Ama niya dahil alam kong magtatanong at magtatanong siya. At hindi ko rin habang buhay maitatago kay Storm ang tungkol kay Stormi. I just really can't. "Dahan-dahanin mo lang po Ate. Baka mabigla si Stormi."Tumang
Page Thirty-eight.——————————"Ano ginagawa ng hayop na'to dito?!""Itigil mo bunganga mo, Vanessa. Inistorbo mo tulog ko.""Hoy! Hindi ko pa nakakalimutan ginawa mo six years ago!""Kinalimutan niya na ako't lahat tapos ikaw hindi pa rin makalimot? Grabe ka! Umusad ka.""Bakit nakausad ka na ba?""Tigilan mo ako Van.""Ano ba kasing ginagawa mo dito?""Yung presensiya mo hindi ko tinanong kung bakit nandito.""This is my best friends's house, obviously.""This is my friend's house, obviously.""Friend? Kaibigan mo 'to, Sunny? Kailan pa?"Hinilot ko ang sintido ko. Nagsisimula nang sumakit ang ulo ko sa dalawang 'to. Parang hindi ko sila kayang makitang magkasama. Hindi naman sila ganito dati. Humalukipkip ako at nagpakawala ng isang buntong hininga."Tapos na ba kayo? Samahan niyo na kami ni Stormi."Agad na tumayo si James at inayos ang sarili niya."Let's go.""Wait! Sasama ako sa inyo!""Sinabi ko bang iiwan ka namin?""Sungit mo ah. Ikaw na nga 'tong tinago sakin na may pinapatul
Page Thirty-nine.——————————Agad akong napaupo sa sofa pagkarating na pagkarating namin sa bahay. Nilingon ko si Stormi na walang kamalay malay sa pag-uwi namin kaagad at ang jigsaw puzzle na kaagad ang pinagdiskitahan niya. James helped her with the jigsaw puzzle. Si Vanessa ay napaupo rin sa sofa."I'm so tired. Can I parked my car here? Papasundo ako kay Kalvin.""Seriously?""Yes. Seriously. May asawa akong willing akong sunduin anytime, anywhere.""Gusto kong maawa kay Kalvin, Van."Inirapan niya lang ako."Saan kayo pupunta?""Sa guest room. Ingay niyong dalawa di kami makapaglaro ng maayos ni Stormi."Tumawa si Stormi at sumunod naman kay James. Tss. As if, I'll buy his excuse. Umalis siya because he knew hindi kami makakapag-usap ng maayos ni Vanessa kapag nandito si Stormi."I can't believe you're letting James. Paano kung sabihin niya ang tungkol kay Stormi?""Yan din ang inisip ko kay Kalvin, Van but still I trust him. Trust James.""Tss.. Anyway, Katty is coming."Nagulat
Page Forty.——————————"Mo-mommy?"Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Ramdam ko ang buong panlalamig at panginginig ng katawan ko. Si Stormi. Shit!"Ye-yes baby?"Itinuro niya si Storm."Who is he? and why is he yelling at you?"Napatingin ako kay Storm na ngayon ay titig na titig kay Stormi. Shit. Hindi ganito ang naiisip kong pagtatagpo nila. Hindi ganito. Tumakbo ako papunta kay Stormi."Nagising ka ba? Do you need something, baby?"Umiling siya. "No po. But why is he yelling at you po, Mommy?""No. He's not yelling at me, baby. May pinag-uusapan lang kami. You go back to my room na ha?""But.. Mommy..""Please, baby? Susunod si Mommy. Okay?"She pouted her lips. Sinilip niya si Storm at nakita ko ang pag-ismid niya rito. Kung hindi lang tensyonado ang gabing 'to baka natawa na ako kay Stormi. Tumalikod si Stormi at nagsimulang akyatin ang hagdan papunta sa kwarto ko. Hinarap ko si Storm. Ang tingin niya ay nasa kay Stormi pa rin."Storm, please.. Umalis ka na.""Is she your dau
Page Forty-one.——————————"Introduce me to her, Sunny.""Storm. Mabibigla si Stormi. I can't.. I don–""Sana naisip mo yan bago mo siya itinago sakin sa loob ng apat na taon.""Storm.."Pumikit siya. Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad niya. He's mad. So mad na parang ayaw ko na lang makipagtalo at susunod na lang sa gusto niya."Sunny.. She is my daughter."It's not a question. Not a confirmation. He knew. He knew what's his. Without even asking me. Sabagay, makita niya lang ang mukha ni Stormi alam niya na kung sino ang nakikita niyang kamukha. Tumayo ako."I'll talk to her first. Wait here."Tumango siya. Nakasunod lang sakin si Storm pero tumigil siya nang paakyat na ako ng hagdan. Nasa harap na ako ng kwarto ko and I opened the door. Nakita ko si Stormi na nakaupo sa kama at nanunuod ng palabas sa tv. Napatingin siya sakin. Si Sabel ay nasa tabi ni Stormi."Sabel.. Iwan mo muna kami ni Stormi."Hindi siya kumibo pero sinunod niya naman ako. Lumapit ako kay Stormi."baby.. Mommy's
Page Forty-two.——————————Lumabas ako ng kotse ni Storm nang iparada niya ang kaniyang sasakyan sa may parking area. Kanina pa ako tahimik nang makita kong dito kami papunta. This is the same place where I left Storm, five years ago. This is where it happened. I didn't know na ito yung Resort that offered me dahil iba na ang pangalan. Akala ko bagong Resort lang dito sa Batangas since Batangas has a lot of Beach Resorts. Ang laki nang ipinagbago ng Resort na ito. Mas lumaki at parang mas dumami ang building. Ibig sabihin, dumami ang Rooms and offers. Sabi ni Ma'am Agnes this is a good Resort dahil nga talagang dinadayo."Sun.."Napatingin ako kay Storm na karga karga ang tulog na si Stormi. Lumapit ako at winala sa utak ko ang mga alaala na pilit kong gustong kalimutan."Could you please bring that one bag?""Oh! Sure. Or do you want me to carry Stormi?"Umiling siya."Ako na. Stormi is a bit heavy. Let's go."Tumango ako at sumunod lang sa kaniya papasok. Heavy daw. Gusto niya lang
Page Forty-three.——————————I woke up without Stormi on my side. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Walang tao kaya lumabas ako at nakita ko ang mag-ama na nasa may bandamg swimming pool. Umuusok din galing sa iniihaw na karne. Lumingon si Storm at nakita ako. He smiled at me."You're awake."Gabi na. Base na rin sa madilim pero maraming bituin sa kalangitan."What time is it? Hindi mo ako ginising."Sabi ko sa kaniya pagkalapit ko."You look tired kaya hinayaan na kitang makatulog. Nagising din si Stormi and asked for barbecue so.. Here I am."Pagmuwestra niya sa kaniyang ginagawa."Mommy! Try this barbecue made by Daddy. It's delicious po!"Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang inaabot niyang barbecue. I took a bite. Hmm.. Masarap nga. Didn't know Storm can make this."Sarap ah?"Nagkibit balikat lang si Storm at ipinagpatuloy ang pag-iihaw niya. Si Stormi ay dinadaldal pa rin ang Ama niya kaya naupo ako sa upuan malapit sa swimming pool. Napakalaki nang ipinagbago ng Resort na ito.
Epilogue.——————————His Point of View.She's running for SSC Internal Vice President. That sounds good. I knew she's always in an Organization. I've seen her many times. Of course, I'm one of her admirers. Pero mukhang hindi niya alam na ganoon karami ang nagkakagusto sa kaniya. The moment I saw her outside of the SSC Office, I was determined to take my luck. As a friend. She just wanted me to be her friend. I was taken aback. She keeps mentioning about the woman I love for a long time. Natatawa na naman ako kapag naaalala ko. She seems not to care to anyone around her. She's nit easy to dealt with but her heart is pure and she's very understanding. It's one of the few things I noticed about her eversince we became friends. We both love jollibee and as well as reading. She accepted my confession and asked me to take everything slow. Well, I can't blame her. Para lang naman kasi akong kabote na bigla na lang tumubo sa buhay niya and in just a short period of time ay nag-confess na ako
Page Seventy-five.——————————Third Person Point of View.Nagmamadaling isinugod nila sa Hospital ang wala nang malay na si Sunny. Si Katty ay tinawagan na si James para ipaalam ang nangyari. Halos paliparin ng Mama ni Sunny ang Van dahil sa sobrang pag-aalala sa kaniyang nag-iisang anak. She's driving while her heart is beating so fast. Nasa utak niyang maayos naman ang anak niya kanina at masigla pa pero ngayon kailangan na naman siyang isugod sa ospital dahil nawalan ito ng malay. Hindi na nai-park ng maayos ang Van pagkarating nila sa ospital at si Storm naman ay nagmamadaling humingi ng tulong pagkarating nila ng Emergency room. Nang makita inihiga na si Sunny sa wheel bed ay dali dali siyang nagpunta ng Information desk para ipatawag ang dalawang doctor ni Sunny. Bumalik ulit si Storm after i-confirm na pababa na ang dalawang doctor papuntang emergency room. Binigyan ng first aide treatment si Sunny at kita niyang nilagyan kaagad ito ng aparatos sa katawan dahil wala pa rin iton
Page Seventy-four.——————————"Ma diyan lang naman kami sa Mall.""I know. Pero sasama pa rin ako.""Me too, Sunny. Wala naman akong ginagawa. James is busy."Nilingon ko si Storm at kumakamot lang siya sa kaniyang batok. Mukhang wala na rin yata siyang magagawa sa kakulitan ng dalawa. I am now eight months pregnant at ito lang ang araw na nagising ako na maayos ang pakiramdam ko. Malakas ako at pakiramdam ko kakayanin ko ang maglibot sa mall para bumili ng mga kakailanganin sa panganganak. I asked Storm not to buy things for our baby without me. So we both waited for me to be okay. At ito na ang araw na iyon. Pero hindi kami makaalis alis dahil kay Mama at Katty. Gustong gusto nilang sumama."Storm.. aren't you gonna say something?"Irita kong tanong sa kaniya. Lumabi lang siya at ngumiti."The more the merrier, Love. Come on, sama na natin sila.""Oo nga naman, Anak. Gusto ko rin sumama sa pagbili ng mga gamit ni baby."I rolled my eyes and I sighed. May magagawa pa ba ako? Tumango
Page Seventy-three.——————————Bukas ay lalabas na ako ng ospital. Mag-stay si Mama sa bahay kasama si Tita Mommy na ngayon ay bumabyahe na papunta rito sa ospital. Katty and Vanessa is on their way here too."Buds.. umuwi ka na muna kaya? Para makapagpalit ka ng damit.""Oo nga Storm. Nandito naman na ako. Hindi na makakaangal ang asawa mo."Umiling si Storm at mataman lang na nakatingin sakin."May dalang damit si James for me. May CR naman dito, dito na ako maliligo at magbibihis."Napapailing na lang ako. I'm in a VIP Room dito sa Hospital. Of course, hahayaan ba ni Storm na doon lang ako sa regular room? Hindi na ako umangal dahil mahirap na. The last time na sinita ko siya, naging dahilan iyon kung bakit nandito ako ngayon sa ospital."James will also be here?""Yes."Tumango tango ako. Binalingan ko ng tingin si Mama at tahimik lang siyang nakatingin saming dalawa ni Storm."Ma.. pwede kang umuwi sa bahay kasama si Tita Mommy mamaya pagdating niya. You need to rest.""I surely
Page Seventy-two.——————————Kanina pa ako napapabuntong hininga. I'm bored. Sobrang bored. I got nothing to do. Kanina ko pa tinatawagan si Sabel thru video call para lang may makausap at makita na rin si Stormi na mukhang nagbubuhay prinsesa kasama ang mga magulang ni Storm. She's so happy tho namimiss niya kami she understand that we can't focus to her right now. She's so excited to meet her brother or sister soon and be with us. I felt guilty but there is nothing I can do. Nag-ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Storm. Napabuntong hininga ako at sinagot na ang tawag niya. Pang anim na niyang tawag to simula kanina pero hindi ko sinasagot dahil alam kong nasa importanteng meeting siya ngayon. Ayaw niyang umalis at iwan ako pero hindi rin pwedeng basta niya na lang hindi siputin ang meeting na ito lalo na't isang malaking client iyon. Gusto niya akong isama pero ayaw ko naman sumama sa kaniya. Tinatamad ako and honestly, I feel weak. Nakikita ko ang unti-unting pagpayat ko at
Page Seventy-one.——————————"Grabe! Ang daming tao ngayon, Sunny!"Ma'am Agnes giggled kaya natawa ako. Kanina pa siya excited dahil sa dami ng tao na nais magpa-sign sakin. It really scares me. This kind of attention they are giving to me? Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko panaginip lang ang lahat ng 'to. Naalala ko na naman kung paano ako nagsimula as a writer. Para pa ngang napilitan si Ma'am Agnes noon na aprobahan ang pinaka-una kong gawa dahil nakukulangan siya sa emosyon, sa mga batong linya but still she accepted it hoping that hindi siya nagkamali sa potential na nakita niya sa mga gawa ko. She trusted me kahit na madalas sa email lang kami nag-uusap. Hindi naman kasi ako nagpapakilala sa kaniya because I just want to write. Hindi ko naman gustong maging sikat ang gawin ang mga ganito. But later on, with the help of Ma'am Agnes gumanda ang mga libro ko at naging isa sa mga top books every book release. Nakaka-proud, of course. I started it just because for
Page Seventy.——————————Kunot noo akong nagmulat ng mata nang maramdaman kong parang may nakatitig sakin. And there I saw Storm looking at me. Ngumiti siya at agad na hinalikan ako sa aking noo."Good Morning, Love. I'm Storm Thompson, your husband."I chuckled. Simula nang malaman niya ang tungkol sa sakit ko, kada umaga ay ganito ang bungad niya sakin. Pinapakilala ang kaniyang sarili. I know it seems like a joke and silly to hear but for me it stings. Nasasaktan ako. It seems like he wants to prepare himself for that day that I will never recognize him even if we tried hard. Every morning I would woke up trying to remember everything that I could still remember. Luckily, wala pa naman akong nakakalimutan."Good Morning too, Love. I'm Sunny Daine Alcazar Thompson, uour wife."Ngumisi siya and kissed me again in my forehead."Breakfast is ready. Want me to take it here?"Umiling ako sa kaniya. Tinulungan niya akong makabangon at makatayo sa kama."Did you have breakfast na ba?"Umil
Page Sixty-nine.——————————My check-up with my OB is fine. Okay naman ang baby sa loob ng tiyan ko at binigyan ako ng mga vitamins for me and for the baby. Doc told me na malapit na matapos ang morning sickness ko pero magsisimula na ang cravings ko. So far napapadalas na gusto ko ang chocolate cake. Paglabas ko ng room ng OB ko ay nakita ko si Storm na nakaupo sa waiting area. He's here? Bakit hindi siya pumasok kung ganoon? Naglakad ako palapit sa kaniya at tila ba napakalalim ng iniisip niya at hindi niya maramdaman ang paglapit ko. Kumunot ang noo ko at tinapik siya sa balikat. Napalingon siya sakin at agad siyang ngumiti nang makita ako. Tumayo siya kaya napatingala ako sa kaniya. Ang tangkad talaga ni Storm. Sana mamana ng mga anak ko ang katangkaran niya."You're done?"Tumango ako at saka ngumuso."Kanina ka pa ba dito? Bakit di ka pumasok?"Ngumiti siya."Papasok sana pero narinig kong patapos ka na kaya dito na lang ako naghintay."I scanned his facial expression. There is
Page Sixty-eight.——————————Kung may bagay man sa mundo na pinagsisisihan ko ng sobra? Iyon ay ang mga nasayang na oras. Mga oras na mas pinili kong magtrabaho nang magtrabaho habang nag-aaral at hindi ko binigyan ang sarili ko ng oras para magsaya kasama ang mga kaibigan ko at mga kaklase ko. Mga oras na hindi ko piniling kasama ang Mama ko. Mga oras na hindi ko kaagad pinakilala kay Storm si Stormi. Limang taon. Limang taon na pinilit ko ang sarili ko na wag tumakbo papunta sa kaniya. Itinago ko ang tungkol sa anak namin. Halos apat na taon ang ipinagkait ko sa kanilang mag-ama. At ngayon, may isang buhay sa tiyan ko ang kailangan kong protektahan at itaguyod na mailabas ko sa mundong ito ng maayos."Sunny.. you can't be pregnant!""But I did, Doc."Hinilod niya ang kaniyang sintido."You are under medication, Sunny. At kapag buntis ka hindi ka maaaring magpatuloy sa medication mo because it will affect the baby in your womb. Umiinom ka pa ba ng gamot?"Umiling ako."Hindi ako umii