Page Eight.——————————Alam ko na yung fact na sikat si Storm. Alam ko na yung fact na mayroon siyang mga fans. Nahuhumaling na fans. Alam ko rin na hindi lang siya sa ALA sikat but even outside ALA. Well, He's also a model. Paano ko nalaman? Because Katty told me. Though, hindi ganoon ka-active si Storm pero he do modeling from different local brands. Gusto kong mahilo sa mga information na nalaman ko pero mas nakakahilo pa rin ang katotohanang ito ngayon! Punong puno ang Auditorium! May mga nasa labas pa at nakuntento na lang manuod sa malaking flash screen tv sa labas. Akala mo national basketball game ang magaganap ngayon, samantalang Intramurals lang naman.I am so thankful na kalandian ko si Storm Thompson. May sarili kaming bleacher at hindi namin kailangan tumayo at makipagsiksikan. Actually, dumaan kami sa Exit ng Audi na ginawang Player's Entrance. Isa pa sa nakakahilong fact? Nasa first row, first bleacher lang ang family ni Storm. Nakita kong lumingon kanina ang Mommy at D
Page Nine.——————————"Go Lions!""Go Tigers!""Tigers for the win!""Lions lang ang malakas!"Ang ingay. Oo. Ang ingay. Kung maraming tao noong first game sa laban ng Lions.. mas malala ngayon. At hati din ang supporters. Well, kung sikat ang Lions because of James and Storm. Sikat din ang Tigers because of Kalvin and their unity during game. Maangas lang si Kalvin at mukhang gago pero hindi sa larangan ng basketball. He's very passionate and competitive. Hindi ko nga lubos maisip na ang isang maangas at gagong katulad niya ay magtetake ng Journalism. Reasons? Hindi ko alam. Nilingon ko si Vanessa na seryoso lang na nakatingin sa court. Magsisimula pa lang ang laro pero mas mukhang kabado siya. Vanessa is wearing a blue oversized printed white t-shirt and highwaist maong shorts. Katty is wearing a blue simple dress. Me? Oh. I'm wearing a blue fitted blouse at highwaist straight cut maong pants. Suot ko rin ang Varsity jacket ni Storm. Kuya Eros handed it to me awhile ago before mag-s
Page Ten.——————————Bakit ganun? Bakit parang ang bilis lang? Parang noong nakaraan lang nagmamadali akong pumasok sa first day tapos ngayon.. tapos na ang Finals! Alam niyo yun? Tapos na ang First Semester! Ganoon lang. Parang ang bilis lang lumipas ng apat na buwan. Apat na buwan! Just wow!"Urgh! Ubos na ubos talaga utak ko ngayon, Girls!"Reklamo ni Vanessa."At paniguradong mas mauubos pa utak natin sa second semester."Dugtong naman ni Katty. Nandito kami ngayon sa Field. It's Friday at katatapos lang namin mag-final exam sa last subject namin. Meron kaming two weeks semestrial break. Hinihintay lang namin sina James at Storm. "Wala kang reklamo, Sunny?"Ngumisi ako at umiling sa tanong ni Katty sakin."Bihirang tamaan ng stress ang bruhang yan. Tuwang tuwa pag halos di na siya makahinga sa sobranh daming gagawin."Tumango tango si Katty sa sinabi ni Vanessa. I chuckled. Of course nakakaramdam din ako ng stress. Gusto ko rin mag-rant pero kapag kasi alam kong tapos na, hindi n
Page Eleven.——————————I never knew that one-day tour in Baguio can be this tiring! Tatlong lugar lang naman ang pinuntahan namin sa ngayon. We woke up at 6am at tumuloy muna kami sa isang Cafè na malapit sa Mines View Park. Kahit sa mismong kalsada kitang kita mo ang fog dahil sa lamig ng panahon dito sa Baguio. Doon ko narealized that if you're not used to cold, hindi ka dapat pumunta ng ganitong buwan dito sa Baguio.After we ate breakfast, dumeretso kami sa Mines View Park. Nag-try din kami magsuot ng Ifugao's traditional clothes and took some groupies and selfies. After that, nilibot na lang namin ang buong Mines View Park at sinamsam ang Cordillera Mountains at ang Benguet's Old Copper and Gold Mines. Malaking bagay na ipinatigil nila ang pag-mimina dito. Na-preserve ang nature dito sa Baguio.After namin sa Mines View Park, sa Burnham Park kami sunod na pumunta. True to it's told, Burnham Park is the best Instagrammable spot here in Baguio kaya hindi namin pinalampas iyon. Fre
Page Twelve.——————————"Ugh. I'm so tired!""I feel you, Van. I so much feel you."Napapailing na lang ako dito sa dalawa kong kasama. Ang sarap ng simoy ng hangin at nililipad ang buhok ko. Nagsimula ulit ako sa pagtitipa sa keyboard ng laptop ko. I have to finished my report. Tapos mamaya another laptop moment dahil sa sinusulat ko. Nandito kami ngayon sa Field. Naging tambayan na naming tatlo 'to simula nang second semester.Our Baguio Trip? It really went well pero hindi kami umabot ng isang linggo. Sa pang-apat na araw, kinailangan namin umuwi dahil napaaga ang simula ng On-The-Job Training nina James at Storm. At simula rin ng OJT nila hindi na kami laging nagkikita kita. Hindi na umuuwi si Storm sa Condo niya dahil malayo na sa Company na pinag-OJT. Si Katty naman ay nasa Condo ko pa rin. Madalas thru Video Chat na lang rin niya nakakausap si James. Kami ni Storm? ganoon din naman. video chat, chat, texting or phone call. Pero hindi palagi. Madalas kasi busy si Storm at kapag
Page Thirteen.——————————I had never experienced being kiss by someone.I never dreamed being kiss by anyone.At mas lalong hindi ko pinangarap o plinano na humalik sa isang tao. Never in my wildest dream na gagawin ko iyon. But.. Here I am. I kissed the man I love. We just kissed. Napahawak ako sa labi. I can still feel his lips on mine. Kung hindi pa bumukas ang elevator hindi pa yata kami titigil sa halikan namin kanina. Tingin ko kapag makakakita ako ng elevator, Si Storm lang ang maiisip ko. He just left awhile ago. Nandito pa ako sa sofa, calming myself bago pumasok ng kwarto. My phone ringed so I checked.Good Night, My Sun.- My BudsNakagat ko ang labi ko. Pinipigilaan ang wag tumili o ano pa man. Gosh! Kung ikwento ko kaya 'to kay Vanessa? Umiling iling ako. No! Baka kurutin niya ako at pagalitan. Baka isipin niyang malandi ako. Isipi mo naman diba? Wala pa kaming label pero naghalikan na kami! And it was my first kiss! Si Storm kaya? First kiss niya rin kaya? Panigurado hi
Page Fourteen.——————————Kapag nalaman mo na niloloko ka ng taong mahal mo, Ano gagawin mo? The usual response is you'll confront him or her. Mag-aaway kayo. Itataanong mo kung bakit ka niya nagawang lokohin. Itatanong mo kung bakit ang taong iyon ang kinaalokohan niya. You'll start questioning yourself and your worth. Diba dapat ganoon? I am expecting Katty to confront James about what we saw sa labas ng cinema. But she didn't. After crying herself out, Gumising siya ng maaga at nag-review. Wala rin siyang sinabing kahit ano samin. Akala mo walang nangyari att wala siyang nakita. Ang tanging kakaiba lang sa kaniya ngayon ay hindi niya sinasagot phoe calls ni James. She shut him down without a warninng. Tapos na kami mag-take g exam for today, Last day na ng examination bukas. Narrinig ko rin ng usapan ng ibang mga estudyante tungkol sa Christmas Party. I never really experienced a Christmas Party here in the Philippines simula noong ten years old ako.Nawala ang pagbabalik tanaw ko
Page Fifthteen.——————————"You're not really coming back?"Umiling iling siya."I told Mom that I'll stay with them for good.""Hindi mo na talaga siya kakausapin?"She sighed. Ininom niya ang kape bago niya ako tinapunan ng tingin."If I'll talk to him..Babalikan ko lang siya.""Hindi ka niya niloko, Kat."Tumango tango siya."Alam ko. And it's not the reason why I broke up with him."Nagulat ako sa sinabi niya. Kung hindi iyon ang dahilan, edi ano?Katty is now in New York. Pinuntahan niya ako last week pagkarating na pagkarating ko. I gave her the letter that James asked me to give to her. I am sure that she read it. And now, It's Christmas Day at magkasama kami. Her Parent's is a business trip kahit Christmas Day na so Katty decided to celebrate the Christmas Eve with me and Mama. At dahil mamaya pa naman iyon, namasyal muna kami while Mama is busy preparing for christmas eve. Tutulungan dapat namin siya ni Katty pero tumanggi siya. Storm won't be there. Baka daw sa susunod na a
Epilogue.——————————His Point of View.She's running for SSC Internal Vice President. That sounds good. I knew she's always in an Organization. I've seen her many times. Of course, I'm one of her admirers. Pero mukhang hindi niya alam na ganoon karami ang nagkakagusto sa kaniya. The moment I saw her outside of the SSC Office, I was determined to take my luck. As a friend. She just wanted me to be her friend. I was taken aback. She keeps mentioning about the woman I love for a long time. Natatawa na naman ako kapag naaalala ko. She seems not to care to anyone around her. She's nit easy to dealt with but her heart is pure and she's very understanding. It's one of the few things I noticed about her eversince we became friends. We both love jollibee and as well as reading. She accepted my confession and asked me to take everything slow. Well, I can't blame her. Para lang naman kasi akong kabote na bigla na lang tumubo sa buhay niya and in just a short period of time ay nag-confess na ako
Page Seventy-five.——————————Third Person Point of View.Nagmamadaling isinugod nila sa Hospital ang wala nang malay na si Sunny. Si Katty ay tinawagan na si James para ipaalam ang nangyari. Halos paliparin ng Mama ni Sunny ang Van dahil sa sobrang pag-aalala sa kaniyang nag-iisang anak. She's driving while her heart is beating so fast. Nasa utak niyang maayos naman ang anak niya kanina at masigla pa pero ngayon kailangan na naman siyang isugod sa ospital dahil nawalan ito ng malay. Hindi na nai-park ng maayos ang Van pagkarating nila sa ospital at si Storm naman ay nagmamadaling humingi ng tulong pagkarating nila ng Emergency room. Nang makita inihiga na si Sunny sa wheel bed ay dali dali siyang nagpunta ng Information desk para ipatawag ang dalawang doctor ni Sunny. Bumalik ulit si Storm after i-confirm na pababa na ang dalawang doctor papuntang emergency room. Binigyan ng first aide treatment si Sunny at kita niyang nilagyan kaagad ito ng aparatos sa katawan dahil wala pa rin iton
Page Seventy-four.——————————"Ma diyan lang naman kami sa Mall.""I know. Pero sasama pa rin ako.""Me too, Sunny. Wala naman akong ginagawa. James is busy."Nilingon ko si Storm at kumakamot lang siya sa kaniyang batok. Mukhang wala na rin yata siyang magagawa sa kakulitan ng dalawa. I am now eight months pregnant at ito lang ang araw na nagising ako na maayos ang pakiramdam ko. Malakas ako at pakiramdam ko kakayanin ko ang maglibot sa mall para bumili ng mga kakailanganin sa panganganak. I asked Storm not to buy things for our baby without me. So we both waited for me to be okay. At ito na ang araw na iyon. Pero hindi kami makaalis alis dahil kay Mama at Katty. Gustong gusto nilang sumama."Storm.. aren't you gonna say something?"Irita kong tanong sa kaniya. Lumabi lang siya at ngumiti."The more the merrier, Love. Come on, sama na natin sila.""Oo nga naman, Anak. Gusto ko rin sumama sa pagbili ng mga gamit ni baby."I rolled my eyes and I sighed. May magagawa pa ba ako? Tumango
Page Seventy-three.——————————Bukas ay lalabas na ako ng ospital. Mag-stay si Mama sa bahay kasama si Tita Mommy na ngayon ay bumabyahe na papunta rito sa ospital. Katty and Vanessa is on their way here too."Buds.. umuwi ka na muna kaya? Para makapagpalit ka ng damit.""Oo nga Storm. Nandito naman na ako. Hindi na makakaangal ang asawa mo."Umiling si Storm at mataman lang na nakatingin sakin."May dalang damit si James for me. May CR naman dito, dito na ako maliligo at magbibihis."Napapailing na lang ako. I'm in a VIP Room dito sa Hospital. Of course, hahayaan ba ni Storm na doon lang ako sa regular room? Hindi na ako umangal dahil mahirap na. The last time na sinita ko siya, naging dahilan iyon kung bakit nandito ako ngayon sa ospital."James will also be here?""Yes."Tumango tango ako. Binalingan ko ng tingin si Mama at tahimik lang siyang nakatingin saming dalawa ni Storm."Ma.. pwede kang umuwi sa bahay kasama si Tita Mommy mamaya pagdating niya. You need to rest.""I surely
Page Seventy-two.——————————Kanina pa ako napapabuntong hininga. I'm bored. Sobrang bored. I got nothing to do. Kanina ko pa tinatawagan si Sabel thru video call para lang may makausap at makita na rin si Stormi na mukhang nagbubuhay prinsesa kasama ang mga magulang ni Storm. She's so happy tho namimiss niya kami she understand that we can't focus to her right now. She's so excited to meet her brother or sister soon and be with us. I felt guilty but there is nothing I can do. Nag-ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Storm. Napabuntong hininga ako at sinagot na ang tawag niya. Pang anim na niyang tawag to simula kanina pero hindi ko sinasagot dahil alam kong nasa importanteng meeting siya ngayon. Ayaw niyang umalis at iwan ako pero hindi rin pwedeng basta niya na lang hindi siputin ang meeting na ito lalo na't isang malaking client iyon. Gusto niya akong isama pero ayaw ko naman sumama sa kaniya. Tinatamad ako and honestly, I feel weak. Nakikita ko ang unti-unting pagpayat ko at
Page Seventy-one.——————————"Grabe! Ang daming tao ngayon, Sunny!"Ma'am Agnes giggled kaya natawa ako. Kanina pa siya excited dahil sa dami ng tao na nais magpa-sign sakin. It really scares me. This kind of attention they are giving to me? Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko panaginip lang ang lahat ng 'to. Naalala ko na naman kung paano ako nagsimula as a writer. Para pa ngang napilitan si Ma'am Agnes noon na aprobahan ang pinaka-una kong gawa dahil nakukulangan siya sa emosyon, sa mga batong linya but still she accepted it hoping that hindi siya nagkamali sa potential na nakita niya sa mga gawa ko. She trusted me kahit na madalas sa email lang kami nag-uusap. Hindi naman kasi ako nagpapakilala sa kaniya because I just want to write. Hindi ko naman gustong maging sikat ang gawin ang mga ganito. But later on, with the help of Ma'am Agnes gumanda ang mga libro ko at naging isa sa mga top books every book release. Nakaka-proud, of course. I started it just because for
Page Seventy.——————————Kunot noo akong nagmulat ng mata nang maramdaman kong parang may nakatitig sakin. And there I saw Storm looking at me. Ngumiti siya at agad na hinalikan ako sa aking noo."Good Morning, Love. I'm Storm Thompson, your husband."I chuckled. Simula nang malaman niya ang tungkol sa sakit ko, kada umaga ay ganito ang bungad niya sakin. Pinapakilala ang kaniyang sarili. I know it seems like a joke and silly to hear but for me it stings. Nasasaktan ako. It seems like he wants to prepare himself for that day that I will never recognize him even if we tried hard. Every morning I would woke up trying to remember everything that I could still remember. Luckily, wala pa naman akong nakakalimutan."Good Morning too, Love. I'm Sunny Daine Alcazar Thompson, uour wife."Ngumisi siya and kissed me again in my forehead."Breakfast is ready. Want me to take it here?"Umiling ako sa kaniya. Tinulungan niya akong makabangon at makatayo sa kama."Did you have breakfast na ba?"Umil
Page Sixty-nine.——————————My check-up with my OB is fine. Okay naman ang baby sa loob ng tiyan ko at binigyan ako ng mga vitamins for me and for the baby. Doc told me na malapit na matapos ang morning sickness ko pero magsisimula na ang cravings ko. So far napapadalas na gusto ko ang chocolate cake. Paglabas ko ng room ng OB ko ay nakita ko si Storm na nakaupo sa waiting area. He's here? Bakit hindi siya pumasok kung ganoon? Naglakad ako palapit sa kaniya at tila ba napakalalim ng iniisip niya at hindi niya maramdaman ang paglapit ko. Kumunot ang noo ko at tinapik siya sa balikat. Napalingon siya sakin at agad siyang ngumiti nang makita ako. Tumayo siya kaya napatingala ako sa kaniya. Ang tangkad talaga ni Storm. Sana mamana ng mga anak ko ang katangkaran niya."You're done?"Tumango ako at saka ngumuso."Kanina ka pa ba dito? Bakit di ka pumasok?"Ngumiti siya."Papasok sana pero narinig kong patapos ka na kaya dito na lang ako naghintay."I scanned his facial expression. There is
Page Sixty-eight.——————————Kung may bagay man sa mundo na pinagsisisihan ko ng sobra? Iyon ay ang mga nasayang na oras. Mga oras na mas pinili kong magtrabaho nang magtrabaho habang nag-aaral at hindi ko binigyan ang sarili ko ng oras para magsaya kasama ang mga kaibigan ko at mga kaklase ko. Mga oras na hindi ko piniling kasama ang Mama ko. Mga oras na hindi ko kaagad pinakilala kay Storm si Stormi. Limang taon. Limang taon na pinilit ko ang sarili ko na wag tumakbo papunta sa kaniya. Itinago ko ang tungkol sa anak namin. Halos apat na taon ang ipinagkait ko sa kanilang mag-ama. At ngayon, may isang buhay sa tiyan ko ang kailangan kong protektahan at itaguyod na mailabas ko sa mundong ito ng maayos."Sunny.. you can't be pregnant!""But I did, Doc."Hinilod niya ang kaniyang sintido."You are under medication, Sunny. At kapag buntis ka hindi ka maaaring magpatuloy sa medication mo because it will affect the baby in your womb. Umiinom ka pa ba ng gamot?"Umiling ako."Hindi ako umii