Page One.
——————————Her Point of View.I'm Sunny Daine Alcazar. Sunny dahil ang pangalan ng Mama ko ay Sunshine. Gusto niya daw pareho kaming sumisikat. Mom loves the sun. My second name 'Daine' was my Dad's choice na never ko naman na-meet. Hindi dapat Alcazar ang apelyido ko pero hindi hinayaan ni Mama na apelyido ng Dad ko ang gamitin ko lalo na at hindi sila kasal. Pinaka una sa listahan ni Mama, ayaw niya ng kumplikado. I asked her bakit nilagay niya ang Daine sa pangalan ko kung choice naman ng Dad ko iyon ito lang ang naging sagot niya. "You are his daughter. Hindi ko aalisin sa kaniya yun." Hindi na ako umimik pa at hindi na rin ako naging interesado sa Ama ko. What for? Hanapin siya? Nah. Wala rin akong balak. Though, minsan naiisip ko kung ano pakiramdam ng may Papa, hindi ko pa rin plinano hanapin siya. But if destiny wants us to meet, I will never backout. He's my Dad. Periodt.Ohh sheeez! I only have ten minutes before my first class. It's the first day of classes here in Acres Lincoln Academy and I don't wanna be late! Gusto ko talaga isisi 'to dahil sa workmate's night out happened last night! I can't say no. Hindi na kasi ako mag-fu-fulltime sa work ko simula noong summer. Syempre back to school na and so I should prioritized my studies. Pero nagtatrabaho pa rin ako doon, part time na nga lang. But it's fine. Two months din akong nag-fulltime at.. nakaipon ako ng malaki laki. I did pay my rental fee in advance. Yes. Kailangan para water and electricity bill na lang poproblemahin ko for the next month. Well, hindi naman kasi ako lumaking mayaman na paggising mo sa umaga poproblemahin mo lang sarili mo. Hindi rin naman ako mahirap. My Mom is an Editor-in-Chief sa isang publishing company, abroad. Wala akong matatawag na ama dahil lumaki ako na hindi naman siya nakilala. So basically, I am alone here. Mom tried pursuing me to study abroad para magkasama kami but I refused. Ayoko. Gusto ko siyang kasama pero hindi ko nakikita sarili ko sa ibang bansa. I am fine here. Besides umuuwi naman siya dito yearly. Every month of december. Ten years old pa lang ako, Mom was already in abroad. Lumaki ako sa Tita Mommy ko na bestfriend ni Mama. Ayaw niya akong bumukod pero dahil ayokong maging pabigat sa kaniya, bumukod na ako when I enter college. Tita Mommy has a perfect family at ang nag-iisa niyang anak ay matalik kong kaibigan din. We are in the same school.Speaking of school, malapit na ako sa department namin. Kasama namin ang Mass Communication Students dito sa Department namin. Malamang iisa lang naman kasi ang pinatutunguhan ng Mass Comm at Journalism. Pinagkaiba lang writing is for Journalism and Mass Comm is all about broadcasting. Visual. I took Journalism simply because passion ko ang pagsusulat. Namana ko yata sa Mama ko. She's a famous writer here in the Philippines at kinuha ng malaking Publishing Company sa New York. Honestly, hindi ko nga kailangan mag part time kasi kayang kaya akong buhayin ni Mama pero ayoko. Wala rin kaming balak bumili ng property dito, because we have one. Sadyang ayaw ko lang tumira doon dahil ang layooo! Nasa Batangas kasi yung bahay namin. Dating tirahan nina Mama. Eh nandito ako ngayon sa Quezon City nag-aaral. Mama asked me if bumili na lang daw kami ng Condo na malapit sa school ko. Gusto ko ang idea kaya sabi ko sa kaniya bigyan niya ako ng three months to decide kasi hindi pwedeng siya ang magbabayad. Dapat hati kami. She insisted pero dahil matigas ulo ko wala siyang nagawa.Hinihingal akong dumating sa Room 31-B. Nasa third floor kasi ito. Kumusta naman yung hagdang dinaanan ko kanina. Inayos ko muna ang sarili ko and I entered the room. Marami rami na ang mga kaklase ko. Some of them binati ako and smiled at me. Tipid lang akong ngumiti sa kanila. Block section kami kaya kung sino yung mga kasama ko nung first year sila pa rin kasama ko until now. Nasa junior year na kami ngayon. Graduating na kami by next year kaya yung pressure nararamdaman ko na.Naupo ako sa isang bakanteng upuan. Wala akong katabi. Nilagay ko ang bag ko sa katabing bakanteng upuan. It's for my bestfriend. Maya maya nandito na yun. Sinipat ko ang oras sa aking relo. Five minutes before magstart ang first class. For sure, orientation lang 'to kaya hindi pa gaanong pressure. Our first subject is Communication Law. This would be really exciting. Next class naman, Thesis Writing 1. Sa subject na yan talaga ako kinakabahan dahil gagawa kami ng Thesis. Dito na rin aalamin kung ano pipiliin namin. Yung iba kasi dito Media Journalism katulad na lang ng bestfriend ko. Me, I always love Reporting and Writing. Doon ako magfofocus kaya possible iyon din ang magiging laman ng Thesis ko. Nagkaroon na kami ng idea about Thesis dahil Dean namin ang Prof last year sa Basic Journalism subject."Late na ba ako, beh?"Nawala ako sa mahabang pagdadaldal sa sarili ko dahil sa pagsalita ng katabi ko na kararating lang. My bestfriend. And she's two minutes late already. Buti na lang wala pa ang Prof namin kung hindi baka nabulyawan na'to. Usap usapan kasi kanina na yung isang terror naming Prof ang hahandle sa subject na Communication Law. She's a private attorney, by the way. Si Maam Andi De Castro. Hindi naman siya terror basta pinapakita mo lang na interesado ka sa itinuturo niya."Yeah. Pero wala pa si Maam De Castro. Too lucky of you."Sarcastic kong sabi sa kaniya. She just flipped her hair at saka ngumisi sakin. Kinuha ko ang bag ko at hinayaan siya maupo. Masyado ko siyang mahal pero wala man lang thank you galing sa kaniya. Aww.. iiyak na ba ako?"What can I do? Lucky and me are bestie!"We both giggled. Baliw din eh. Nakikisakay din talaga sakin. Kaya nga we are really close bukod sa kalahati ng taon ng buhay ko doon ako sa kanila nakatira. She's Vanessa Miller. Vanessa has an almost perfect family. Ang kaso nga lang, namatay si Tito Daddy year 2015 dahil sa sakit sa puso. Inatake at hindi na umabot pa sa ospital. That had been the drowning year of Tita Mommy and Vanessa. Kahit si Mama napauwi ng Pilipinas and stayed here until the end of summer of 2015. Kakagraduate lang din namin noon sa High School ni Vanessa."Bakit parang puyat na puyat ka beh? OT sa work?"Umiling ako."Night out with my workmates. Antok pa ako sobra kaso ang aga naman kasi ng first class natin tapos mukhang hindi pa darating."Medyo inis kong sabi. Napatango na lang si Vanessa. Pareho kaming nagpangalumbaba habang pinagmamasdan lang ang mga kaklase namin na busy sa kani-kanilang mga ginagawa. Some of them ay nagkukwentuhan, may kinakalikot sa phone nila, may nagsusulat na akala mo nagsimula na talaga ang discussion at need mag take down notes. At yung iba naka-earphones. Yung iba naman, kumakain. Urgh. Sinipat ko ulit ang oras sa relo ko. Past 8:16am na. Hindi na darating yun."Alright. 16 minutes na lumipas. Guys! Wala na tayong pasok sa first class!"I smirked. He's Kalvin. Ang pinaka makulit at pinaka madaldal naming kaklase. Pasaway din sobra."Di ka sure Kalvs!"Sigaw sa kaniya ni Vanessa. Napairap na lang ako. Ito talagang si Vanessa ugaling ugali makisawsaw. Di na lang hinayaan. Nag-aamok pa naman yang si Kalvin pag binabara."Milleria, first day ngayon tigilan mo ako."Pagbabanta ni Kalvin sa kaibigan ko. He used to call Vanessa as Milleria dahil Miller ang apelyido nito. I chuckled. Madalas talagang mag-asaran ang dalawang 'to. Pareho kasing magaling magdahilan at pareho rin ayaw magpatalo."First day ng dalaw, perhaps Kalvovo."Kumunot ang noo ni Kalvin. Halatang nairita. Iyan talaga ang ayaw niyang tinatawag sa kaniya ni Vanessa. Kalvovo. Short for Kalvin-bobo. Yeah. Taba ng utak ng kaibigan ko noh? Alam ko."Stop there, Milleria. I'm not in the mood."And I know right there, Kalvin is really not in the mood. Siniko ko si Vanessa kaya napatingin siya sakin. Sasagot pa kasi dapat siya. Pinandilatan ko siya ng mata at umiling. Sinasabi ko sa kaniyang itigil niya. She sighed at saka tinitigan ng masama si Kalvin na ngayon ay palabas na ng room."Ano ba ginawa ni Kalvin sayo at gigil na gigil ka sa kaniya?"Madalas ko talagang itanong yan noon pa man. After lang talaga ng discussion namin noon sa Basic Communication subject where in nagkasagutan sila dahil magkaiba sila ng opinyon, they hated each other na. Yung tipong magkakaroon ng gulo kapag nagkasama sila sa iisang lugar. Umirap lang sakin si Vanessa and she crossed her arms habang nandoon pa rin ang tingin sa pinto kung saan lumabas si Kalvin."I just hate him. His guts and over confident personality. Ang angas! Akala mo gwapo mukha namang matandang gangster!""Pfft! Sama mo kay Kalvin. He's hot kaya lalo na kapag naglalaro ng basketball."Which is true. Matangkad kasi si Kalvin. Moreno at medyo maangas talaga sa unang tingin pero ipinagmamalaki ng Department namin yan pagdating sa Basketball. Star Player yan for the past two years. Ewan ko lang this year pero panigurado na yan unless may makakalaro siya sa ibang department na mas magaling sa kaniya but I doubt that."Tss.. Kung ako sa kaniya mag-basketball na lang siya lagi. Doon lang siya gwapo."I smirked because of what Vanessa said."So gwapo siya kapag naglalaro?"Sinamaan niya ako ng tingin. Di ko napigilan ang tawa ko na gustong kumawala. Sa bibig talaga nahuhuli ang isda eh."Change topic na tayo. Kumusta pala yung tungkol sa supreme student council thingy?"Ah that one. Sumali rin ako last year sa Supreme Student Council. Two parties ang naglaban but sad to say I was the only one na nanalo sa partido namin. Kaya nung oath-taking, I wasn't there. Buti hindi naman naging problema yun kasi may valid naman akong dahilan. Sabi ko kasi working student ako at nataong oras ng duty ko. Hindi na rin nasundan pa yung oath-taking kasi the Admins decided na by this semester na lang gawing active ang SSC. We do have group chat naman kaya doon nakakapag usap usap din tho, tagabasa lang ako. Yung SSC President medyo seryoso based na rin on how he interact with his subordinates which is good. Better pa nga kung sakali. I can't cope up with them talaga kasi hindi ko sila ka-partido. Hindi ko nga rin alam kung paanong nanalo ako as Internal Vice President when in fact yung kalaban ko mas kilala."We'll just have a meeting by tomorrow afternoon. Buti na lang morning ang duty ko sa Cafè at pwede ako magpa-excuse sa afternoon class natin dahil SSC Meeting naman iyon""Wala kang balak mag-resign? Beh dami na nating gawain lalo na ang thesis. Kasama ka pa sa SSC. Kakayanin mo?"Yeah. That's one more thing na pinoproblema ko. Medyo kakapusin ako sa time. Nasabi na rin sakin ni Mama 'to. Kahit wala siya dito alam niya kung ano nangyayari sakin. May sumbongera kasi akong Tita Mommy and best friend. Kinukulit na talaga ako ni Mama na mag-resign sa trabaho ko at mag-focus na lang sa pag-aaral. Kaya naman daw niya. Kaso.. ewan ko ba. Ayoko. Kahit alam kong mahihirapan ako, ayoko. Unless magkaroon ako ng trabaho na hindi kakailanganing mag-duty. Kahit sana work from home at hindi ganun ka-demanding."I really can't. Bibigay na nga ako sa totoo lang. Nakakahiya lang kay Mama."She rolled her eyes. Pag ganito hindi valid ang dahilan ko. But that's the truth. Nahihiya ako."Hindi ka nahihiya beh. Ayaw mo lang ibaba pride mo."Hindi ako nakaimik. Somewhat true. Okay aaminin ko na. Para kasing inamin ko na rin sa sarili ko na hindi ko talaga kayang mag-isa."Diba may iba ka pang part time? Yung pagiging writer mo sa Easywrite Company."Yeah. Aside from work ko sa isang Cafè, writer din ako sa Easywrite Company. It started when I was still in High School. Nakita nila ang potential ko and asked me if gusto ko ba mag-work for them. Syempre matagal ko ng pangarap ang mapansin nila kaya ni-grab ko ang chance. Kung iisipin lang naman di ko talaga need magtrabaho sa Cafè para lang kumita. Malaki kinikita ko sa Easywrite. Marami na silang nai-release na books na ako ang nagsulat. But no one knows who I really was. Kahit mismong Easywrite Company hindi pa ako personal na namemeet. I just don't. Lahat thru emails lang. Work from home set-up kaya wala talagang hastle sa part ko. Though maraming beses na akong inaalok ng book signing ng Easywrite pero di ko lang mapaunlakan dahil ayaw ko. Hindi pa ako handa to meet those people na sinusuportahan ang mga libro ko. Gusto ko lang magsulat, pero ang mag-asal akala mo kilalang artista is not one of them. I am also planning na magtrabaho sa Easywrite once na grumaduate ako. Ang Easywrite ay para lang ding w*****d. Pero ewan ko ba at mas gusto kong sa Easywrite magsulat kesa sa w*****d. Though, may isa akong on-going na story sa w*****d. Iba ang ginamit kong pen name doon. Pero kung fan ka ng mga libro ko sa Easywrite you'll eventually know it's me based na rin sa writing pattern ko. Hindi ako ganun ka-confident sa pagsusulat kaya there are some edits na ginagawa ng Easywrite sa story ko before nila opisyal na irerelease. They have lots of concerns but I didn't take it in a negative way. Doon ako natututo eh. Hanggang sa grammar and spelling na lang ine-edit nila sa story ko and I am happy for that. May improvement kumbaga."Do you think, bitawan ko na? Tapos tanggapin ko na alok ni Mama about sa condo? Kaya ko naman ang bills eh."Alam kong kahit ano naman gawin ko, ganun talaga ang mangyayari eh. Hindi ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko para lang sa pride ko."Well.. that's the best decision you'll make, if ever beh. Responsibility ka ni Tita Mommy ko. Iparanas mo naman sa kaniya maging Ina. Damot mo."Natawa ako. Siraulo talaga 'to."Wag kang tumawa. Aminin mo may point ako.""Yeah."Nakangiti kong sabi sa kaniya. She smirked at tinaas baba niya ang kaniyang kilay habang nakatingin sakin. Pinagmamalaki niyang may nasabi siyang tama sakin.I sighed. Matagal na rin ako sa Cafè na pinagtatrabahuan ko. Hindi ganun kalaki ang sweldo but I gained friends there. Mabait din ang may-ari kaya ang hirap din umalis. But then, I really have to. I'll talk to Mama mamaya para masabi sa kaniya ang decision ko. Though alam kong, matutuwa yun dahil finally narealized ng matigas ang ulo niyang anak na kailangan niya ang Mama niya.****"Ayoko na beh. Pwede pa ba akong mag-shift ng course?"Naiiling na lang ako habang nakatingin ako kay Vanessa na ngayon ay namomroblema. Kanina kasi sa Thesis Writing 1 imbes orientation ang mangyayari binigyan kaagad kami ng guidelines para sa individual thesis namin. We'll have to choose a certain topic sa kung anong gusto namin i-pursue sa Journalism. Of course, hindi na siya ganoon kahirap sa part ko kasi I know what I want. Matrabaho nga lang kasi Ten Chapters ang hinihingi ni Dean samin. Yun na rin ang magsisilbing Final Exam namin for this semester. Every meeting daw, magchecheck siya at need magpasa ng soft copy ng output namin. So hindi mo siya pwedeng daanin sa gagalaw ka lang before due-date. Matalino talaga si Dean. Haveeey! Oh diba? Sa kaniya pa lang ngangaragin ka na. Hindi pa nakikisali ang ibang major subjects diyan. Kawawa talaga. Kaya minsan ang sarap tumambay na lang at maging habangbuhay na palamunin ni Mama. Willing naman yata siya. Hahahaha!"Kumain na lang tayo. May two subjects tayo after lunch. Maaga tapos ng klase kapag MWF sched natin noh?"Pag-aalo ko sa kaibigan ko. She pouted her lips. Para bang ngayon niya lang pinapasok sa utak niya na wala na siyang magagawa."Tapos pag T-TH papatayin tayo mula 1pm to 8pm. Tatlong subjects lang pero... jusko! Ayoko na talaga beh!"Napahalakhak ako. Nakikita ko talaga ngayon ang frustration ni Vanessa. Parang sising sisi dahil sa course na kinuha niya."Van.. ang sarap maging paru-paro noh? Palipad lipad lang."I just said that to lighten up her mood. Effective naman dahil napatawa niya ito."I prefer tutubi kesa paru-paro. Ano ka ba? Prone sa danger ang paru-paro kasi maganda sa mata."And there, we both laugh. Ganoon talaga kami ni Vanessa kahit kaming dalawa lang masaya na kami. We don't need more friends kasi kami pa lang masaya na."Beh, third year na tayo diba?""Uh-huh. Bakit?"Napakunot noo ako. Bakit niya tinatanong? Nakalimutan niya na ba ano year level namin?"Look at her."Sinunod ko yung itinuro ni Vanessa. Isang babaeng nakaupo sa medyo sulok na parte ng Cafeteria. Kilala ko siya, actually. Blockmate namin. Transferee siya last year pero until now wala akong nakikitang may kasama siya o kausap. Parang loner. Hindi siya mukhang nerd na loner ha? Fashionista siya. Madalas ko nga siyang titigan kapag wash day. Wash-day namin kapag Friday. Pero sa ibang araw dapat naka-uniform kasi hindi ka papapasukin unless Friday. Magaling siyang pumorma. Kahit napakasimple lang sumisigaw ang outfit niya ng "IM A SLAYER, BITCH!""Katty Jackson, right?"Tumango si Vanessa."What about her?"I asked."She's a total loner, don't you think?""I agree. Gusto mo bang lapitan natin?"Umaliwalas ang mukha niya. Friendly kasi talaga 'tong si Vanessa. Si Kalvin nga lang ang kaaway niya sa block namin pero the rest? Kaibigan niya. Yun nga lang best friend niya ako. Kapag busy ako sa ibang bagay, she's with her other friends. Kapag naman may free time ako sumasama rin ako sa night out ng iba naming mga kaklase na kaibigan ni Vanessa. Kaso nga lang sobrang bihira dahil night shift talaga ang duty ko sa Cafè."Tapos ka na bang kumain? Lapitan natin?"Tanong niya sakin. Tumango ako. Inayos ko yung pinagkainan namin at nilagay sa tray. This became a habit of mine, actually. After kumain sa restaurant, fastfood or Cafè inaayos ko talaga ang pinagkainan. Tulong na rin sa mga crew or helper para hindi na ganoon kakalat lilinisin niya. Na-adopt na nga lang ni Vanessa ang ugali kong ito at naging ganoon na rin siya.Tumayo na kami at naglakad papunta kay Katty Jackson na ngayon ay kumakain pa rin. Pinauna ko si Katty at nakasunod lang ako sa kaniya. I admit, hindi ako friendly. Sanay din ako na ako ang nilalapitan at unang ina-approach. Being friendly is Vanessa's thing not mine."Hi Katty!"Masiglang bati ni Vanessa dito. Agad kong napansin ang mukha niyang halatang may nilagay na make-up pero light lang. Ini-enhance lang ang natural beauty niya. Maliit ang kaniyang mata na aakalain mong koreana tapos sobrang puti pa niya. Naalala ko nung first day niya at pinakilala siya samin talagang napansin ko ang kulay ng balat niya. Hiyang hiya naman ang skin ko na madalas sabihin ni Vanessa na maputi ako. Pag dumikit ako kay Katty ngayon, negra ako sa lagay na'to. She has a natural lips na bumagay naman sa medyo bilog niyang mukha. She's pretty. Tapos napaka prim and proper pa kumilos. Marami rami na rin itong nabasted na lalaki kasi marami naman na ang tumangkang lapitan ito pero ewan ko ba at hanggang lapit lang ang nangyari. Wala siyang nakakasama lagi at wala ring kaibigan."Oh.. Hi Vanessa! Do you need anything?"Ngumiti siya. Argh.. gusto ko mag-fan girl dito. Mukha siyang si barbie ngumiti! Kainggit! Kapag ngumingiti kasi ako parang hindi naman ako nagagandahan sa sarili ko."Oh, nothing. Mag-isa ka kasi. Want us to join you?" Itinuro ako ni Vanessa kaya napatingin sakin si Katty. Lumaki ang ngiti niya pagkakita sakin."Sure. I'd love to. Upo kayo."Halata ang excitement sa mukha niya. Nakakapagtaka naman. Mukha siyang masungit sa iba pero samin mabait naman siya. Madalas kong marinig ang mga bulungan ng iba naming mga kaklase na hindi approachable si Katty. Talaga ba? Chismis lang yun for sure! Ang bait niya kaya samin ngayon.Agad kaming naupo. Natigil sa pagkain si Katty dahil na rin sa paglapit namin. I got worried naman."Continue eating, Katty. Sorry parang na-istorbo pa namin pagkain mo."Paumanhin ko. Napapailing naman si Katty but still wearing her smile."It's okay. I'm just glad that you two approached me.""Eeh? Why?"Takang tanong ni Vanessa sa kaniya. Oo nga, bakit?"Dahil kayo talaga ang gusto kong maging kaibigan dito." She chuckled at bigla na lang siyang napapalakpak."Nakakatakot lumapit sa inyong dalawa, honestly."Nagkatinginan kami ni Vanessa na para bang nawe-weirduhan kay Katty. Parang maling idea yata na lumapit kami dito. Bumalik ang tingin namin sa kaniya at narinig namin ang tawa niya."Creepy ko ba? Weird? Sorry. Choosy ako sa friend. Kayo lang gusto ko ang kaso I am too scared to go near you."Napatango tango na lang kami. Pero dahil inborn talagang madaldal si Vanessa, dinaldal niya si Katty at tuwang tuwa naman yung isa. Para silang magkapatid kung mag-usap. Nagawa na nga nilang magchismisan. Hanggang sa pagbalik namin sa classroom nagdadaldalan pa rin silang dalawa. Nakikisabay na lang din ako minsan sa usapan nila kapag nakakarelate ako. Di naman ako nakaramdam ng pagka-out of place kasi I love to be with them. Ang bilis gumaan ng loob ko kay Katty.****"Aren't you going with us, Sunny?"Takang tanong ni Katty. Tapos na ang last subject namin. Nag-aayos na lang ako ng bag at ready to go na dahil may duty pa ako sa Cafè."No. May work pa ako eh.""Nagpapart time siya dito lang malapit sa school natin. Familiar ka sa Mad Cafè?"Tanong sa kaniya ni Vanessa. Nagulat naman siya."Doon ka nagtatrabaho? I knew the owner there."Ako naman ang nagulat sa sinabi niya pati si Vanessa."Really?""Really?"Sabay naming sabi ni Vanessa. Napangisi kami. Same brain wavelength here."Yeah. Family friend."Tumango tango ako. Kaya pala."Pwede ba kaming tumambay dun? It's still early to go home eh."Ngumiti ako. Iyon lang pala."Oo naman. Madalas tumambay si Vanessa doon kapag duty ko. Akala mo walang ibang kaibigan."Tumaas lang kilay ni Vanessa sakin."Duh? May book rental lang doon at maganda ang ambiance kaya madalas akong tumambay doon. Feeling special ka, beh?"Pang-aasar niya sakin. I heard Katty chuckled."Yeah. Too special for you. Hahaha"Binelatan ako ni Vanessa. Asal bata talaga. As if. Hahaha!"Tara na. Ayokong ma-late."Sabi ko sa kanila. Sabay sabay na kaming umalis ng school. At the back of my mind, iniisip ko kung paano ko ibibigay ang resignation letter ko sa boss ko. Pero decided na talaga ako. Dadalasan ko na lang ang pagpunta doon as a customer. Ang ganda kasi talaga ng Mad Cafè. Parang malaking library and as what Vanessa said awhile ago, may rental books sa Mad Cafè. Tambayan kasi talaga ng ALA Stundents iyon. Hanggang second floor yun at may rooftop din na pwedeng tambayan lalo na if sunset and sunrise lover ka. Mas maganda ang view sa rooftop dahil kitang kita mo ang city lights sa gabi. Yung boss namin kasi sa Mad Cafè, book lover. Book rental lang daw kasi dapat ang Mad Cafè pero dahil wala gaanong papatos sa ganoon, ginawa niyang Cafè edi mas pumatok. Ang sarap din ng mga pagkain doon. Cashier ako sa Mad Cafè pero nagsimula ako as a crew.Hinayaan ko na sina Vanessa at Katty pagkarating namin ng Mad Cafè. Isinuot ko na ang uniform ko as a Cashier here. Naka brown polo and black slacks, black shoes and hairnet. Hairnet is a must lalo na kapag sa food industry ka nagtatrabaho. Isinuot ko na rin ang black apron. I looked at myself in the whole body mirror dito sa may locker. I take a deep sighed at saka ngumiti. Lagi ko itong ginagawa. Pina-practice ang pagngiti. Ayaw ko naman maging masungit na Cashier. I should be approachable.Lumabas ako ng locker at dumeretso na sa counter. Nginitian ako ni Abby. Siya yung kapalitan ko dito."Finally, makakapagpahinga na ako."Natatawa niyang sabi pagkakita sakin. I just rolled my eyes at her at ngumiti."Sige. Enjoy your pahinga. Loka ka.""Hahaha! May date ako ngayon. Enjoy here. Alis na ako.""Sure. Ay wait. Nandito si Boss?"Tanong ko sa kaniya."Yes. Nasa back office.""Okay. Thank you, Abby. Ingat."Paalam ko sa kaniya."Okaaayy. Ingat din. Byeee!"Masigla nitong paalam. Natawa na alang ako. She's too excited. Kapag ganito hanggang ngitian lang kami ng mga workmates ko tapos sa locker na lang nag-aasaran at nagkukwentuhan. Some of them may kaniya-kaniya talagang mundo. I don't mind though. Hindi ganoon karami ang tao ngayon sa Mad Cafè. Nakita ko nga si Vanessa at Katty na nagtatawanan. Nainggit tuloy ako. Parang gusto ko rin makisali sa kanila.After an hour, bumiglang dami ang pasok ng mga tao sa Mad Cafè. Lumapit sakin si Danica."Ako na dito. Take a break. Tawag ka ni Boss sa office."Tumango lang ako. Nasa school pa lang ako kanina tinext ko na si Boss na kakausapin ko siya mamaya kapag break ko. Hindi siya nagreply kaya hinayaan ko na lang. Ipapatawag naman niya ako kung nandito siya sa Cafè. So obviously, I expected this. Hindi na ako nag-atubili pa at tinunton na ang back office. Dumaan lang ako ng locker saglit para kunin ang resignation letter ko bago pumunta ng office. I knocked three times bago ko pinihit ang siradura ng pinto. Bumungad sakin ang mas malamig na ihip ng hangin comingg from the aircon na nakatayo sa isang sulok."Come in, Sunny. Sit."Mahinahong sabi ni Boss. Mukhang busy siya. Naupo ako sa upuan na bakante kaharap niya."I assumed resignation letter yang hawak mo?"Mahinahon pa rin ang tono ng kaniyang boses. Tipid lang akong ngumiti at saka tinitigan ang resignation letter ko. Nalulungkot ako."Ano dahilan?"Tanong niya. Deretso akong tumingin sa kaniyang mga mata. She's just smiling at me and waiting for my answer."Uhmm.. school po, Boss. Medyo conflict na ako sa time and sched. Dagdag pa na ang dami po pinapagawa. Demanding na ang studies ko po, Boss."Tumango naman siya."Your in your junior year diba? Tapos Journalism pa ang course mo. Talagang magtataka ako kung hindi maging hectic scheds mo. I understand Sunny. But we can shorten your duty hours. Kaya ba?"Umiling ako. Actually, naisip ko na yan pero.. hindi talaga kakayanin. Mawawalan ako ng time sa ibang bagay. Hindi ko pwedeng gawing daily routine ang trabaho at pag-aaral. As much as possible ayaw ko ma-stress kahit feeling ko stress naman na ako ngayon."Hindi po kaya, Boss eh."I handed her my resignation letter. She looked at it for a minute at saka nilapag sa mesa niya. She looked at me with an understanding look."Okay then. Ipapakilala ko sayo bukas ang papalit sayo. Train her for a week. Siya sana makakahati mo sa duty hours pero dahil hindi pa rin okay sayo, sa kaniya ko na ibibigay yung duty hours mo. After the one week training, your resignation letter will be approved na."My face lightened. Ngumiti siya sakin."Ayaw talaga kitang bitawan pero ayaw ko naman maging hadlang sa pangarap mo. But Sunny, I am sincerely thankful for your service here in Mad Cafè.""Boss, thank you for the opportunity. Ginawa ko lang po trabaho ko."We talked some other things pa pero bumalik din ako kaagad sa counter hanggang sa matapos ang shift ko. Hindi ko na nakita sina Vanessa at Katty. Baka umalis na at hindi na nakapag paalam sakin dahil nga nasa office ako. I only have one week here. Mamimiss ko magtrabaho dito pero I will surely visit here from time to time. Masarap mag-aral dito lalo na sa may second floor. Mas tahimik kasi doon. Bibihira ang ingay na maririnig dito kahit occupied lahat ng tables. Yung mga pumupunta kasi talaga dito ay yung mga tao na gusto ng katahimikan, malamig at may wifi. Yeah. May free wifi dito pero ibibigay lang ang password kapag nag-rent ka ng book at nag-order ka ng food. That's how Mad Cafè works.*****"Hi anak!"I waved my hand. Kararating ko lang sa apartment ko from work. Dalawang sakay lang ako from Cafè to my apartment. Medyo hastle dahil sa traffucnkapag pauwi at papasok ng school. May balak din talaga akong lumipat pero ang mamahal ng apartment na malapit sa School. Kaya nga sabi sakin ni Mama kumuha na lang ng Condo kasi yung monthly rental ko tutumbasan pa rin ang one time payment sa condo hindi ko pa matatawag na akin. At least ang condo lifetime ko magagamit at mabebenta ko pa sa mas mataas na presyo if I want to. Walking distance lang ang from Mad Cafè sa ALA. I video called my Mom pagkarating na pagkarating ko sa Apartment. Alam ko kasing hindi siya gaanong busy kapag ganitong oras sa New York. Malamang papasok palang siya ng work."Hi Ma! How are you?""I'm fine. What's with the call? I usually called you first ah. What it is this time? Hmm?"Huminga muna ako ng malalim. Syempre kailangan ko pa rin ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya 'to kahit pa na alam kong gusto niya rin naman itong sasabihin ko."Nagpasa na ako ng resignation letter sa Boss ko. I only have one week para i-train yung kapalit ko po."Halata ang pagtataka niya dahil sa sinabi ko."You resigned? Why? I thought you love your job there? Ang chismis mo pa nga sakin kaninang umaga, nalulungkot ka kasi back to shifting ka na at hindi na fulltime."Yeah. Ganito kami mag-usap ng Mama ko. Walang filter. Para lang kaming magkapatid. I'm now 21 and Mom is in her 40's but still look like my older sister lang. Batang bata."Conflict Mama. Ang demanding na ng studies ko. I can't do it anymore. And.. I really have something to tell you."What is it?""Hmmm.. can you provide for my condo? Kahit ako na sa monthly bills. Please?"Hindi muna nakaimik ang Mama niya but later on, tumawa ito. Hinayaan niya lang. I'm sure her Mom is so happy."Of course! Kahit ako na sa lahat ng expenses mo. At least di mo na kailangan mag pay ng monthly rental. Nakahanap ka na ba?"Umiling ako."Hindi pa. Nag-advance pa naman ako ng renta dito sa apartment but pwede naman kunin kung lilipat ako kaagad po.""That's not a problem, Anak. Just tell me kapag nakahanap ka na ng condo. Do you want me to ask for your Tita Mommy's help?"Umiling iling ako."Ma.. nakakahiya. Kami na lang ni Vanessa po ang maghahanap. May three condominium building malapit sa school. Doon kami maghahanap po."Ngumiti ito ng malapad."Okay. That's settled then. Just let me know okay? Thank you for thinking about my suggestions, anak."I giggled."Well, I just realized na nagtitipid ako masyado nandiyan ka naman. Can I live a life that you wanted me to have?"Natatawa kong sabi sa kaniya. Napahalakhak ito."Of course you can, anak. I love you My Sunny.""I love you too Ma. Thank you."And that's how I ended my day. I have to sleep early. Umaga ang shift ko sa Mad Cafè. I decided not to take a day off na dahil nga isang linggo na lang naman na ako doon.******A/N:Hello! How was it? Please di support my story. Leave a comment if ever. Please follow me rin. @yeslone-YeslonePage Two.——————————Nagmamadali ako. Lagi na lang akong nagmamadali. Natagalan ako sa Mad Cafè dahil ang tagal nang kapalit ko sa counter. Nameet ko na yung kapalit ko. Sa ALA rin nag-aaral pero Engineering Department. Past time niya lang daw ang pag-apply sa Mad Cafè. At dahil ang tagal ng kapalitan ko, mukhang malelate ako sa SSC Meeting. Jusko! I texted Vanessa na lang na sabihin sa first subject namin today na hindi ako makakaattend dahil sa SSC Meeting. Next meeting ko na lang ipapakita ang excuse letter dahil nga aattend ako ng SSC Meeting ngayon. Lakad takbo na ang ginagawa ko dahil may kalayuan ang Department namin sa SSC Office. Yes. May sariling office ang SSC. Katabi ng Administration Building. Halos nakakakuha na rin ako ng atensyon dahil sa ginagawa kong paglakad takbo. I don't mind. Ang concern ko lang ngayon ay wag sana akong ma-late. Nakakahiya! Ayaw ko pa man din na nale-late ako. Urgh! Kasalanan talaga 'to ni Marlene eh. Ang tagal akong palitan kanina nandun lang na
Page Three——————————Inaayos ko ang bag ko. Kakatapos lang ng subject namin for this morning. Nagmamadali ako kasi baka hinihintay na ako ni Storm. Pupunta kami ngayon sa ibang Department to ask for their cooperation para sa welcome party na gaganapin by next week. Lumapit sakin si Katty na tila ba naweweirduhan sakin."Why in a hurry?"She asked. I smiled at her."SSC obligations, Kat. Baka hindi ako makasama sa lunch niyo but.. I'll try.""Daming estudyante sa labas ng room. Anong meron?"Napatingin din ako sa may pinto ng room namin. And there I saw some of my blockmates na nagkukumpulan na para bang may sinisilip. Hayaan na. Baka may transferee na naman na gwapo o di kaya maganda kaya ganyan sila. It happens all the time. Akala mo kung sinong mga highschoolers umasta. I opened my phone. May isang text message so I opened it.Nasa labas ako ng classroom niyo.-SSC PresidentI just replied "palabas na ako"."Alis na ako.""Ingat beh.""Ingat Sunny."I nodded. Naglakad na ako papunt
Page Four.–—————–———"Uugghh.. ayoko na Van!""Ayoko na rin, beh. Swear!""Kumain na muna kayo, Van! Sunny!"We got up. I can smell the pizza and carbonara! I can smell it from here sa living area.Where are we? Nasa Condo ko na. Nakalipat na ako dito kagabi pa. And now, akala ko tapos na ako sa pag-aayos but suddenly Tita Mommy and Vanessa came at may dala dalang mga gamit. All are new. Some are from home depot and ikea. Yeah. Seriously! Ang sabi ni Tita Mommy plan daw ni Mama. She also gave the remaining money na binigay ni Mama sa kaniya. Yung hatian sa condo? Ayaw ni Mama. Kaya ang ending, mapera ang bank account ko. Nilagay ko lahat. Itong binigay sakin ni Tita Mommy ngayon? Ill just keep it. Hindi pa ako nakakapag grocery at baka doon ko na lang gagamitin itong pera.We're done na sa kama ko. Vanessa actually made my room aesthetic. At yun din ang plano niya sa ibang area pa ng condo ko. Wala daw kasi siyang trust sa designs ko so might as well, siya na lang daw. Hinayaan ko n
Page Five.——————————"Shit! Ang init, Storm!"Naiinis na sabi ni Amber. We are here sa Field. Maagang dumating ang mga rides and we are checking on it. It is safe naman. Galing na James. Ang bilis niya. We ignored Amber's rant. Iniisip na lang namin na hindi namin siya kasama. Nakita ko kung paano pigilan ni Storm ang sarili niya na wag masaktan o mapagsabihan si Amber."Ano?! Hindi kayo naiinitan? Ako lang talaga may lakas ng loob na magreklamo dito noh?!""Please.. Amber. Kung naiinitan ko umalis ka dito."Inis na sita sa kaniya ni Harry. I smirked. Wow. Ngayon ko lang siya narinig magsalita. I mean, every meeting kasi, usually Harold just nod and agreed to everything."Oo nga. No one's stopping you, Amber."Si Aimee. Umiling iling na lang ako. I saw Storm sweating. Lumapit ako sa kaniya at tumingkayad para sana punasan ang pawis niya pero na out of balance ako. Buti na lang nahawakan ako ni Storm kaya hindi ako natumba sa lupa. Natawa ako but Storm didn't. He has this serious face.
Page Six.——————————Weeks passed in a blur. The Welcome Party went well. Even the Admins are too pleased for that successful Party dahil na rin sa magandang feedbacks from the whole ALA Students and Parents. Of course, I am so proud! Because for once, I made something really should be proud of. Pero that happiness we felt from Welcome Party ay napalitan ng stress dahil sa Preliminary Examination. We are all busy and suffering. Sabi nga ni Vanessa iyon daw ang kabayaran sa pagiging masaya namin ng dalawang araw na Welcome Party. If I were to asked, leaving Mad Cafè is a good decision. Dahil kung pinanindigan ko ang katigasan ng ulo ko, baka umiiyak na ako ngayon sa sobrang stress.The Preliminary Examination, also went well. I passed all of my subjects lalo na sa Thesis 1. At ang isa sa pinaka ikinatuwa ko? Pasok ako sa Presidents Lister. Of course, Mama was so proud of me, like always. Madalas niyang sabihin na "nangangamoy latin honors" but I never assumed. Maraming pwedeng mangyar
Page Seven.——————————"I love you. I love you Sunny Daine Alcazar."Paulit ulit sa utak ko ang huling sinabi sakin ni Storm nang nasa Sky Eye kami. Yung fear of heights ko pakiramdam ko biglang nawala dahil iyon na lang yata ang maaalala ko kapag nasa matataas akong lugar.After that Tagaytay Date we had. Hanggang sa pag-uwi nahihilo pa rin ako sa confession ni Storm. But he assured me na, it's okay. Na he's willing to wait for my response. Ang pakiusap niya lang ay wala sanang may magbago sa aming dalawa. Ginawa ko. Dinadaldal ko pa rin naman siya noong pauwi kami ng condo. Hanggang sa pag-uwi, kinakausap ko siya at masaya naman siya sa pagsagot sakin. Nasa isip ko, it's nothing. I can figure it out after a long time of thinking about it. I should talk to Vanessa and Katty about Storm's confession to figure myself too. Para naman may gumising sakin.But as I enter my condo unit, nakabungad sakin si Vanessa at Katty na para bang hinihintay talaga nila ang pagdating ko."Beh, can you
Page Eight.——————————Alam ko na yung fact na sikat si Storm. Alam ko na yung fact na mayroon siyang mga fans. Nahuhumaling na fans. Alam ko rin na hindi lang siya sa ALA sikat but even outside ALA. Well, He's also a model. Paano ko nalaman? Because Katty told me. Though, hindi ganoon ka-active si Storm pero he do modeling from different local brands. Gusto kong mahilo sa mga information na nalaman ko pero mas nakakahilo pa rin ang katotohanang ito ngayon! Punong puno ang Auditorium! May mga nasa labas pa at nakuntento na lang manuod sa malaking flash screen tv sa labas. Akala mo national basketball game ang magaganap ngayon, samantalang Intramurals lang naman.I am so thankful na kalandian ko si Storm Thompson. May sarili kaming bleacher at hindi namin kailangan tumayo at makipagsiksikan. Actually, dumaan kami sa Exit ng Audi na ginawang Player's Entrance. Isa pa sa nakakahilong fact? Nasa first row, first bleacher lang ang family ni Storm. Nakita kong lumingon kanina ang Mommy at D
Page Nine.——————————"Go Lions!""Go Tigers!""Tigers for the win!""Lions lang ang malakas!"Ang ingay. Oo. Ang ingay. Kung maraming tao noong first game sa laban ng Lions.. mas malala ngayon. At hati din ang supporters. Well, kung sikat ang Lions because of James and Storm. Sikat din ang Tigers because of Kalvin and their unity during game. Maangas lang si Kalvin at mukhang gago pero hindi sa larangan ng basketball. He's very passionate and competitive. Hindi ko nga lubos maisip na ang isang maangas at gagong katulad niya ay magtetake ng Journalism. Reasons? Hindi ko alam. Nilingon ko si Vanessa na seryoso lang na nakatingin sa court. Magsisimula pa lang ang laro pero mas mukhang kabado siya. Vanessa is wearing a blue oversized printed white t-shirt and highwaist maong shorts. Katty is wearing a blue simple dress. Me? Oh. I'm wearing a blue fitted blouse at highwaist straight cut maong pants. Suot ko rin ang Varsity jacket ni Storm. Kuya Eros handed it to me awhile ago before mag-s
Epilogue.——————————His Point of View.She's running for SSC Internal Vice President. That sounds good. I knew she's always in an Organization. I've seen her many times. Of course, I'm one of her admirers. Pero mukhang hindi niya alam na ganoon karami ang nagkakagusto sa kaniya. The moment I saw her outside of the SSC Office, I was determined to take my luck. As a friend. She just wanted me to be her friend. I was taken aback. She keeps mentioning about the woman I love for a long time. Natatawa na naman ako kapag naaalala ko. She seems not to care to anyone around her. She's nit easy to dealt with but her heart is pure and she's very understanding. It's one of the few things I noticed about her eversince we became friends. We both love jollibee and as well as reading. She accepted my confession and asked me to take everything slow. Well, I can't blame her. Para lang naman kasi akong kabote na bigla na lang tumubo sa buhay niya and in just a short period of time ay nag-confess na ako
Page Seventy-five.——————————Third Person Point of View.Nagmamadaling isinugod nila sa Hospital ang wala nang malay na si Sunny. Si Katty ay tinawagan na si James para ipaalam ang nangyari. Halos paliparin ng Mama ni Sunny ang Van dahil sa sobrang pag-aalala sa kaniyang nag-iisang anak. She's driving while her heart is beating so fast. Nasa utak niyang maayos naman ang anak niya kanina at masigla pa pero ngayon kailangan na naman siyang isugod sa ospital dahil nawalan ito ng malay. Hindi na nai-park ng maayos ang Van pagkarating nila sa ospital at si Storm naman ay nagmamadaling humingi ng tulong pagkarating nila ng Emergency room. Nang makita inihiga na si Sunny sa wheel bed ay dali dali siyang nagpunta ng Information desk para ipatawag ang dalawang doctor ni Sunny. Bumalik ulit si Storm after i-confirm na pababa na ang dalawang doctor papuntang emergency room. Binigyan ng first aide treatment si Sunny at kita niyang nilagyan kaagad ito ng aparatos sa katawan dahil wala pa rin iton
Page Seventy-four.——————————"Ma diyan lang naman kami sa Mall.""I know. Pero sasama pa rin ako.""Me too, Sunny. Wala naman akong ginagawa. James is busy."Nilingon ko si Storm at kumakamot lang siya sa kaniyang batok. Mukhang wala na rin yata siyang magagawa sa kakulitan ng dalawa. I am now eight months pregnant at ito lang ang araw na nagising ako na maayos ang pakiramdam ko. Malakas ako at pakiramdam ko kakayanin ko ang maglibot sa mall para bumili ng mga kakailanganin sa panganganak. I asked Storm not to buy things for our baby without me. So we both waited for me to be okay. At ito na ang araw na iyon. Pero hindi kami makaalis alis dahil kay Mama at Katty. Gustong gusto nilang sumama."Storm.. aren't you gonna say something?"Irita kong tanong sa kaniya. Lumabi lang siya at ngumiti."The more the merrier, Love. Come on, sama na natin sila.""Oo nga naman, Anak. Gusto ko rin sumama sa pagbili ng mga gamit ni baby."I rolled my eyes and I sighed. May magagawa pa ba ako? Tumango
Page Seventy-three.——————————Bukas ay lalabas na ako ng ospital. Mag-stay si Mama sa bahay kasama si Tita Mommy na ngayon ay bumabyahe na papunta rito sa ospital. Katty and Vanessa is on their way here too."Buds.. umuwi ka na muna kaya? Para makapagpalit ka ng damit.""Oo nga Storm. Nandito naman na ako. Hindi na makakaangal ang asawa mo."Umiling si Storm at mataman lang na nakatingin sakin."May dalang damit si James for me. May CR naman dito, dito na ako maliligo at magbibihis."Napapailing na lang ako. I'm in a VIP Room dito sa Hospital. Of course, hahayaan ba ni Storm na doon lang ako sa regular room? Hindi na ako umangal dahil mahirap na. The last time na sinita ko siya, naging dahilan iyon kung bakit nandito ako ngayon sa ospital."James will also be here?""Yes."Tumango tango ako. Binalingan ko ng tingin si Mama at tahimik lang siyang nakatingin saming dalawa ni Storm."Ma.. pwede kang umuwi sa bahay kasama si Tita Mommy mamaya pagdating niya. You need to rest.""I surely
Page Seventy-two.——————————Kanina pa ako napapabuntong hininga. I'm bored. Sobrang bored. I got nothing to do. Kanina ko pa tinatawagan si Sabel thru video call para lang may makausap at makita na rin si Stormi na mukhang nagbubuhay prinsesa kasama ang mga magulang ni Storm. She's so happy tho namimiss niya kami she understand that we can't focus to her right now. She's so excited to meet her brother or sister soon and be with us. I felt guilty but there is nothing I can do. Nag-ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Storm. Napabuntong hininga ako at sinagot na ang tawag niya. Pang anim na niyang tawag to simula kanina pero hindi ko sinasagot dahil alam kong nasa importanteng meeting siya ngayon. Ayaw niyang umalis at iwan ako pero hindi rin pwedeng basta niya na lang hindi siputin ang meeting na ito lalo na't isang malaking client iyon. Gusto niya akong isama pero ayaw ko naman sumama sa kaniya. Tinatamad ako and honestly, I feel weak. Nakikita ko ang unti-unting pagpayat ko at
Page Seventy-one.——————————"Grabe! Ang daming tao ngayon, Sunny!"Ma'am Agnes giggled kaya natawa ako. Kanina pa siya excited dahil sa dami ng tao na nais magpa-sign sakin. It really scares me. This kind of attention they are giving to me? Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko panaginip lang ang lahat ng 'to. Naalala ko na naman kung paano ako nagsimula as a writer. Para pa ngang napilitan si Ma'am Agnes noon na aprobahan ang pinaka-una kong gawa dahil nakukulangan siya sa emosyon, sa mga batong linya but still she accepted it hoping that hindi siya nagkamali sa potential na nakita niya sa mga gawa ko. She trusted me kahit na madalas sa email lang kami nag-uusap. Hindi naman kasi ako nagpapakilala sa kaniya because I just want to write. Hindi ko naman gustong maging sikat ang gawin ang mga ganito. But later on, with the help of Ma'am Agnes gumanda ang mga libro ko at naging isa sa mga top books every book release. Nakaka-proud, of course. I started it just because for
Page Seventy.——————————Kunot noo akong nagmulat ng mata nang maramdaman kong parang may nakatitig sakin. And there I saw Storm looking at me. Ngumiti siya at agad na hinalikan ako sa aking noo."Good Morning, Love. I'm Storm Thompson, your husband."I chuckled. Simula nang malaman niya ang tungkol sa sakit ko, kada umaga ay ganito ang bungad niya sakin. Pinapakilala ang kaniyang sarili. I know it seems like a joke and silly to hear but for me it stings. Nasasaktan ako. It seems like he wants to prepare himself for that day that I will never recognize him even if we tried hard. Every morning I would woke up trying to remember everything that I could still remember. Luckily, wala pa naman akong nakakalimutan."Good Morning too, Love. I'm Sunny Daine Alcazar Thompson, uour wife."Ngumisi siya and kissed me again in my forehead."Breakfast is ready. Want me to take it here?"Umiling ako sa kaniya. Tinulungan niya akong makabangon at makatayo sa kama."Did you have breakfast na ba?"Umil
Page Sixty-nine.——————————My check-up with my OB is fine. Okay naman ang baby sa loob ng tiyan ko at binigyan ako ng mga vitamins for me and for the baby. Doc told me na malapit na matapos ang morning sickness ko pero magsisimula na ang cravings ko. So far napapadalas na gusto ko ang chocolate cake. Paglabas ko ng room ng OB ko ay nakita ko si Storm na nakaupo sa waiting area. He's here? Bakit hindi siya pumasok kung ganoon? Naglakad ako palapit sa kaniya at tila ba napakalalim ng iniisip niya at hindi niya maramdaman ang paglapit ko. Kumunot ang noo ko at tinapik siya sa balikat. Napalingon siya sakin at agad siyang ngumiti nang makita ako. Tumayo siya kaya napatingala ako sa kaniya. Ang tangkad talaga ni Storm. Sana mamana ng mga anak ko ang katangkaran niya."You're done?"Tumango ako at saka ngumuso."Kanina ka pa ba dito? Bakit di ka pumasok?"Ngumiti siya."Papasok sana pero narinig kong patapos ka na kaya dito na lang ako naghintay."I scanned his facial expression. There is
Page Sixty-eight.——————————Kung may bagay man sa mundo na pinagsisisihan ko ng sobra? Iyon ay ang mga nasayang na oras. Mga oras na mas pinili kong magtrabaho nang magtrabaho habang nag-aaral at hindi ko binigyan ang sarili ko ng oras para magsaya kasama ang mga kaibigan ko at mga kaklase ko. Mga oras na hindi ko piniling kasama ang Mama ko. Mga oras na hindi ko kaagad pinakilala kay Storm si Stormi. Limang taon. Limang taon na pinilit ko ang sarili ko na wag tumakbo papunta sa kaniya. Itinago ko ang tungkol sa anak namin. Halos apat na taon ang ipinagkait ko sa kanilang mag-ama. At ngayon, may isang buhay sa tiyan ko ang kailangan kong protektahan at itaguyod na mailabas ko sa mundong ito ng maayos."Sunny.. you can't be pregnant!""But I did, Doc."Hinilod niya ang kaniyang sintido."You are under medication, Sunny. At kapag buntis ka hindi ka maaaring magpatuloy sa medication mo because it will affect the baby in your womb. Umiinom ka pa ba ng gamot?"Umiling ako."Hindi ako umii