Agad namang nagtanong si Alex, “Kilala mo ba kung sino sila?”Gayunpaman, hindi malinaw si Darven sa mga detalye. “Hindi mahina sa martial arts ang mga taong iyon, at merong ilang mga Grandmaster na mahirap pakitunguhan. Lahat sila ay nakasuot ng pilak na maskara, at hindi namin makita ang kanilang mga mukha... Oh, naalala ko na ngayon, medyo espesyal ang kanilang mga maskara. May mga kakaibang pattern sa mga iyon.”Binigyan siya ni Alex ng panulat at papel.Pagkatapos, pinisil niya nang husto ang mga posas nito, at sa isang klik, kumalas ang mga espesyal na tanikalang materyal.Natigilan si Darven. “Diyos ko po! Young Master Rockefeller, talagang malakas ang mga kamay mo.”Walang pakialam na sabi ni Alex, “Basta maging masunurin ka lang sa pakikipagtulungan sa akin at sabihin mo sa akin ang lahat, masisiguro ko ang buhay mo. Matutulungan din kitang alisin ang Sumpa ng Kamatayan na nasa iyo.”Kanina pa madaming sinasabi si Darven kaya napapagod na siya, at ito na ang hinihintay niya.A
“Tingnan ang katawan ko?“Tutulungan mo na ba akong… mag-level up ngayon?”Halatang mali ang pagkakaintindi ni Anna.Hindi niya alam na gumagawa lang ng dahilan si Alex para bigyan ng pagkakataon si Darven na makatakas. Kung direktang hiniling niya kay Anna na palihim na palayain si Darven, malamang papayag ito, ngunit mag-iiwan ito ng mabigat na buhol sa puso.Gayunpaman, kung kusang nakatakas si Darven, magiging labas sa sitwasyon si Anna.Tumango si Alex bilang pagsang-ayon. “Oo, kailangan kong magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa katawan mo bago ako makapagbalangkas ng hanay ng mga gagawing plano at iinumin mong gamot upang maayos mong mapabuti ang iyong antas ng cultivation. Kung hindi, magkakaroon ito ng malubhang epekto na maaaring hindi makita sa labas.”Kinagat ni Anna ang matambok niyang mga labi. “Gaano ba kalalim ang pinag-uusapan natin?”“Kung mas malalim, mas mabuti.”“...”May kung anong bagay sa kanya na tila hindi niya kayang bitawan.Kahit anong pilipit niya sa m
Sa loob-loob, naisip ni Alex, ‘Para magkaroon ng pagkakataong tumakbo si Darven?’Sa sandaling ito, may sumigaw mula sa labas. “Ahh! Hindi ‘to maganda, nakatakas si Darven!”Bumilis ang tibok ng puso ni Alex.Tatakbo na sana palabas si Anna, pero hinawakan siya ni Alex. “Hindi mo pa nakakabit yung sinturon mo.”Nang ikabit niya ang sinturon at humabol, matagal nang nakatakas si Darven. Walang masyadong tao ang naiwan sa Divine Constabulary, at karamihan sa kanila ay nakahiga sa sahig, mga walang malay. Kasing hina ng mga kuting yung mga may malay pa.‘Medyo may kakayahan siya!’ Bahagyang nagulat si Alex. Matanda na si Darven. Hindi niya akalaing ganito kalakas ang isang matandang lalaki. Malinaw na ipinakita nito na ang lakas ng isang Shaman ay hindi maaaring maliitin, at makakamit lamang ang kanilang mga wakas ng mga wala sa larangang iyon kung babanggain nila ang isang Shaman.“Nasaan na siya? Saan siya nagpunta?” tanong ni Anna.“Pumunta siya sa direksyon ng bundok sa likod,” sabi n
Tahimik na naglakad si Claire papunta sa pintuan ng kwartong kinaroroonan ni Alex at idiniin ang kanyang mga tenga roon para pakinggan ang sinasabi ng mga tao sa loob.Nakakalungkot lang na sobrang epektibo ng soundproofing ng bawat private room sa South Cali Dining.Wala siyang ibang marinig kundi ang okasyunal na tawanan.Isang waiter ang nagkataong dumaan sa mga sandaling ito, kaya wala siyang magawa kundi tumalikod at bumalik sa kanyang silid.Parehong nasa loob sina Dorothy at Beatrice.Nandoon din ang pamilya ni Claire.Kaarawan ni Adrianna ngayon, kaya nagtipon dito ngayon ang magkabilang pamilya para sa hapunan. Nandoon din ang kanyang ama, gayundin ang ilang malalapit na kaibigan ni Adrianna.“Mom, ang bilis mo naman bumalik galing sa banyo?” Gulat na napatingin si Beatrice sa kanyang ina. Isang minuto pa lang simula nang lumabas ito ng kwarto. Masyadong mabilis iyon.Isa pa, mukha siyang tuwang-tuwa kanina.Sa kisapmata, para na siyang inutangan ng limang milyong dolyares.Na
Tinapik ni Aidan ang mesa gamit ang kanyang chopsticks at sinabing, “Claire Assex, puwede bang tumigil ka sa pananalita na parang ewan? Anong nangyari sa lahat ng itinuro ko sa’yo mula noong bata ka pa? Binalewala mo na ba lahat?”Sa sandaling nabanggit si Alex, kahit si Aidan ay hindi napigilan ang malungkot na pakiramdam na gumapang sa kanya!Naalala niya noong ipinagdiwang ang kanyang kaarawan, kung saan niregaluhan siya ni Alex ng painting, The Landscape, na nagkakahalaga ng isang daang milyong dolyar, pati na rin ang snow lotus na nagkakahalaga ng tatlumpung milyon. Pareho itong nawasak ng mapanlinlang niyang anak na ito.Pinunit yung The Landscape.Tinapakan naman yung snow lotus.Matapos mangyari ang insidenteng iyon, muntik na siyang mamatay dahil sa konsumisyon na naramdaman niya noong gabing iyon.Tanong ni Adrianna, “Nag-asawa na ulit si Alex? Sino ang babae?”Noong una, umaasa pa siya na magagawa ng kanyang anak na mapagtagumpayan si Alex. Gayunpaman, pagkatapos na pumunta
Nakatalikod si Alex sa bandang pintuan, kaya hindi niya nakita si Claire nang una itong pumasok. Kaya naman si Carey, na nakaupo sa tapat niya, ang unang nakakita kay Claire.Nakakunot ang noo niyang sinabi, “Waitress, kung wala ka nang ihahain, sa labas ka muna! Huwag mong pakialaman yung pagkain at usapan namin dito.”Nasabi niya iyon dahil nakasuot si Claire ng pula at itim na tradisyonal na dress.Ang istilo ay halos kapareho ng mga suot ng mga waitress sa South Cali Dining. Iyon ang dahilan kung bakit inakala ni Carey na isang waitress si Claire.Halos mapasuka ng dugo si Claire dahil sa inis na nararamdaman.Naglakas-loob ang babaeng ito na tratuhin siyang bilang waitress? May mali ba sa mata niya?! Pero naalala niya ang sinabi ng kaibigan ni Adrianna, na ang babaeng ito ay mula sa pamilyang Stoermer ng Michigan, at ang katotohanan na isa itong taong may mataas na awtoridad at hindi dapat galitin.Kaya naman, pinigilan niya ang galit na naramdaman niya sa puso niya at sinabing, “
Dahan-dahang naglaho ang mapang-asar na ngisi ni Claire, at nag-alinlangan siyang tama ang narinig niya. “Anong sinabi mo?”“Sabi ko,” malamig na ulit ni Carey, “Lumayas ka na!”Malinaw itong narinig ni Claire sa pagkakataong ito. Hindi lamang siya napatulala, ngunit nauwi siya sa matinding galit!Sa pagkamainitin ba naman ng ulo niya, posible bang pigilan iyon?Siyempre hindi!“Hay, masasabi ko lang, ang taong katulad mo... bakit hindi ka makatuwiran? Nagkusang-loob na akong pumunta rito para pagsabihan ka, at hindi ka lang hindi nakinig, pero pinapalayas mo pa ako? Walanghiyang hamak iyan, at gusto mo pa ring makapiling iyan ng anak mo? Nanay ka ba talaga niya? Hindi ka naman siguro madrasta niya, tama? At gusto mong magpakasal yung anak mo sa sinungaling na katulad niyan?”Kung ibang tao ang sinabihan ni Claire ng mga salitang ito, malamang nagwala na ang kausap niya.Gayunpaman, manugang pa rin ng isang maharlikang pamilya si Carey. Nakatanim sa kanya ang maharlikang kagandahang-as
Habang nagkakatitigan sina Dorothy at Zendaya, walang nagpatinag sa kanila. Ang dakilang elder ng pamilyang Coleman sa Missouri, si Terrace Coleman, gayundin si Byakko mula sa Four Great Princesses, ay dumating naman sa harap ng Maple Villa 8.“Dakilang Elder, ito ang lugar kung saan nakatira si Alex,” sabi ni Byakko. “Pindutin ko na ba ang doorbell?”“Pindutin ang doorbell?” Ngumisi ang dakilang elder. “Pumunta ba tayo dito bilang mga bisita?”Pagkasabi noon ay itinaas niya ang kanyang paa at malakas na sinipa ang malaking bakal na gate ng villa.Boom!Kasing lakas ito ng isang pagsabog.Ang dalawang malalaking bakal na gate ay tumitimbang ng mahigit dalawang daang libra. Sa ilalim ng kanyang mapangwasak na kapangyarihan bilang Grandmaster, marahas niyang kinalas ang gate sa bakod at lumipad sa iyon ere, lumalampas sa sampu-sampung metro sa patyo bago malakas na humampas sa villa. Nawasak ang pinto at bintana, at pati ang mga dingding ay nabiyak.Lihim na natigilan si Byakko.Mahirap
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l