Ngunit posible kaya ito?Hindi sinabi ni Alex Rockefeller na posible, ngunit hindi niya rin sinabing hindi. Bigla niyang inabot at inangat ang kabaong sa ere.Napasigaw ang lahat sa gulat.Ginagamit niya ang kanyang inner force upang pagalawin ang mga bagay sa ere. Hindi ba ito ang marka ng isang Telekinetic Grandmaster? Si Alex Rockefeller pala ay may ranggong Divine na Telekinetic Grandmaster. Ito ay tunay na ikinagulat ng lahat.Karapat-dapat na mamatay si Scott Pattingson dahil sa pamamastos sa isang Grandmaster.Ang dalawang kabaong ay bumukas at nagsara habang ang mga bangkay nina Gerald at Winnie Pattingson ay inilalagay sa bawat isa.“Alisin ang mga kabaong ito!” Bulalas ni Alex bago magtipon ng higit sa sampung madugong karayom at pinatagos ang mga ito sa katawan ng bawat tao.Lahat ay nakadama ng labis na takot.Talagang ayaw nilang maranasan ang pakiramdam na nilalamon ang kanilang puso ng sampung libong mga langgam.Sa kabutihang palad, wala silang naramdaman sa pagkakata
“Hindi pwede!” Bulalas ni Alex Rockefeller bago pinukpok ang noo ni Michelle Yowell.“Hindi ako nagpapatakbo ng isang sirko. Ayokong mag-alaga ng mga munting unggoy na tumatakbo,“ dagdag niya.Pagkatapos nito, kinurot niya ang mukha ni Michelle at maingat na sinuri ang salitang ‘p*kpok’ sa mukha niya. Medyo malupit si Winnie Pattingson, na nag-ukit ng salitang ito na halos tatlong pulgada ang lalim.Nataranta si Michelle at namumula ulit ang ekspresyon ng kanyang mukha.Ano naman kung meron siyang perpektong katawan?Dahil sa salitang ‘p*kpok’ sa kanyang mukha, sinong lalake ang gugustuhing anakan siya?Pagkatapos, nakita ni Michelle na tumatango si Alex. “Medyo malalim ang sugat. Medyo matatagalan bago ‘yan humilom. Sa ngayon, kailangan mong sumuot ng maskara kapag makikipagkita ka sa ibang mga tao. Gagawa ako ng isa pang listahan ng mga halamang-gamot. Dapat kang tumuon sa pagtipon ng mga halamang-gamot na ito. Kapag nakuha mo na lahat, gagawa ako ng isang uri ng luwad na nakapagpapa
Maaaring kalimutan na lang ni Nathan Pattingson ang tungkol sa paghihiganti.Pagkatapos pumikit nang matagal, kinausap niya ang apo sa phone. “Maglakbay na kayo pabalik sa Alaska mamayang gabi. Bukas, personal akong pupunta sa California upang humingi ng tawad sa kanya,” sabi ni Nathan.“Ano?” Napatulala ang apo.Pinatay ang anak na lalaki at apo ni Nathan, pero nais pa rin niyang humingi ng tawad kay Alex Rockefeller? Kahit sino ay mahihirapang maniwala.Samantala, nakabalik na si Alex sa Maple Villa.Nang binuka niya ang kanyang bibig, nagluwa siya ng buo-buong dugo.Nang nakipaglaban si Alex kay Gerald Pattingson kanina, nakatayo lang siya at hindi talaga gumalaw, at mukhang hindi makalusot si Gerald sa kanyang depensa. Gayunpaman, sa totoo lang, nasaktan si Alex sa unang atake.Hindi totoong Grandmaster si Alex.Sa kabutihang palad, ang regenerative na Chi mula sa Force ay agad nagbigay proteksiyon sa mga laman-loob ni Alex at mabilis na hinilom ang kanyang katawan. Kung hindi man,
“Kayong dalawa… Bakit?”Ang mga mata ng babae ay mulat, at ang kanyang mukha ay maputla. Para bang nakita niya ang pinakakakila-kilabot na bagay sa mundo.Sina Alex Rockefeller at Waltz Fleur ay kapwa natulala, at kumalabog ang kanilang mga puso.Pareho silang dalubhasa sa martial arts. Dapat ay naramdaman nila ang presensya ng sinuman... Ngunit ang problema ay ang taong nagpakita ay isa ring dalubhasa sa martial arts.Parang nahihiya si Alex. “Ate, bakit ka... biglang bumalik?”Ang babae ay walang iba kundi si Maya Howards.Si Maya ay ang kanyang kapatid na inampon na may ranggong Intermediate-Royal sa kanyang paglilinang na Silver Frost.Orihinal na nilayon ni Maya na bigyan ng sorpresa si Alex. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya niyang huwag masyadong mag-ingay nang siya ay bumalik sa pamamagitan ng pagtitingkayad. Lumabas na siya pala ang masosorpresa.Sina Maya at Brittany Rockefeller ay masipag na nagtratrabaho sa Michigan, bumubuo ng mga bagong produkto upang maihanda ang kanil
Sa pamamagitan ng pera, anuman ay magagawa sa loob ng isang oras.“Bumalik ako kasama ang ilan sa mga produkto upang ipakita kay Hailey sa oras na ito,” sabi ni Maya Howards.Pagkatapos, inikot ni Maya ang kanyang mga mata. “Pagod na pagod ako sa pagmamaneho kaninang madaling araw, at pag-uwi ko gano’n pa sasalubong sa’kin!”Ngumisi si Alex Rockefeller. “Ate, pagod ka sa trabaho. Hayaan mong bigyan kita ng masahe.“Noong sila ay magkasamang nainirahan, alam na ni Maya na magaling mag-masahe si Alex. Nagpakasarap ng kanyang pakiramdam tuwing minamasahe siya.Agad na hinubad ni Maya ang kanyang mga sapatos. “Imasahe mo ang aking mga paa. Masakit eh.““Hindi mo pa nga nahuhugasan ‘yan.”Malamang mabaho ang mga ito, hindi ba?Ngunit sa totoo lang, hindi talaga mabaho ang mga ito. Sa katunayan, ang mga paa ni Maya ay kakaibang mabango.May likas na samyo si Maya sa kanyang katawan. Walang ibang tao ang katulad niya. Sa hindi malamang kadahilanan, kahit si Alex ay hindi matukoy kung ano ang
Pinigilan ni Hailey Lawson ang kanyang natatarantang sarili. “Wala kang pakialam doon!”Bahagyang nauugnay si Jackie Luden kay Hailey.Pareho silang nagmula sa iisang village na pagmamay-ari ng isang tribo ng mga taong kilala bilang angkan ng Lazeroth. Karamihan sa mga taong nanirahan sa village ay mula sa angkang ito.Noon, partikular na tinanong ni Jackie si Hailey para sa payo tungkol sa pagpapatakbo ng beauty salon. Dahil pareho silang nagmula sa iisang village, bukas-loob na ibinahagi sa kanya ni Hailey ang kanyang kaalaman. Sa katunayan, pinahiram pa niya siya ng malaking halaga ng pera bilang puhunan ni Jackie. Ngunit sa kanyang sorpresa, lihim na pinagnanasaan ni Jackie ang kanyang kagandahan at hinangad na matulog kasama siya gamit ng mga kalokohan.Sa kabutihang palad, napagtantuan na ni Hailey bago pa man ito mangyari, at silang dalawa ay hindi na magkabati mula noon.Noong una, ang Jackie’s City Salon ay walang laban sa Belle Blossom. Ngunit kagulat-gulat na nakilala ni Ja
Sinampal ulit ni Alex Rockefeller si Jackie Luden. Sa pagkakataong ito, tumalsik ang malaking tipak ng ngipin ni Jackie.Malamig ang tingin ni Alex. “Maniwala ka sa akin kapag sinabi ko ‘to. Hindi lang lakas ng loob na sampalin ka ang meron ako, ngunit meron din akong lakas ng loob para patayin ka.”“Ikaw...” Gustong pumalag ni Jackie, ngunit agad siyang natakot ng malamig na titig ni Alex, at talagang hindi na siya naglakas-loob na magsalita.Gayunpaman, walang maaaring makakapawi sa apoy ng galit sa kanyang puso.“Walang modo!” Galit na sigaw ni Serena Wai. “Bahay ko ‘to. Hindi ka pwedeng manghampas ng sinuman sa bahay ko. Labas!”Napatingin si Alex kay Serena. Natuklasan niya na agad ang problema ni Serena pagkapasok pa lang niya. “Sigurado ka bang gusto mo na akong umalis? Sa totoo lang, masasabi kong seryoso talaga ang karamdaman mo. Pitong araw na lang ang natitira sa’yo. Kung hindi kita ililigtas, mamamatay ka,“ sinabi ni Alex nang bahagyang nakangiti.Galit na galit si Serena.
Hindi dumating nang mag-isa si Ted Summers. Kasama niya ang isang babae, ang asawa niya, si Betty Dawson.Iyon ay dahil nang ipinadala ni Alex Rockefeller kay Ted Summers ang mensahe, si Betty ay nakaluhod sa harap ni Ted, humihingi ng kapatawaran.Ayaw makipaghiwalay ni Betty.Mismong pagkatanggap ni Ted ng mensahe, nagmadali siyang pumunta.Nang makita ni Ted ang maraming mga martial artist mula sa pamilyang Summer na talagang nagtatangkang atakehin si Alex, agad siyang nagalit. Galit na galit siya na para bang makakapatay siya ng tao.Ang kanyang malakas na boses ay kaagad na nagbigay ng takot sa lahat.Ang boses at pigura ni Ted ay pamilyar sa mga martial artist na nagmula sa pamilyang Summer. Tumigil sila sa pagkilos at gulat na tumingin kay Ted.“Tito, bakit nandito ka rin?”Ang buong pangalan ng asawa ni Jackie Luden ay si Senna Summers. Pamangkin din siya ni Ted. “Nabalitaan mo rin ba ang nangyari kaya ka dumating dito para suportahan kami? Binugbog ng gag*ng ‘yan ang asawa ko.
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l