Share

Kabanata 451

Author: Evergreen Qin
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Pinigilan ni Hailey Lawson ang kanyang natatarantang sarili. “Wala kang pakialam doon!”

Bahagyang nauugnay si Jackie Luden kay Hailey.

Pareho silang nagmula sa iisang village na pagmamay-ari ng isang tribo ng mga taong kilala bilang angkan ng Lazeroth. Karamihan sa mga taong nanirahan sa village ay mula sa angkang ito.

Noon, partikular na tinanong ni Jackie si Hailey para sa payo tungkol sa pagpapatakbo ng beauty salon. Dahil pareho silang nagmula sa iisang village, bukas-loob na ibinahagi sa kanya ni Hailey ang kanyang kaalaman. Sa katunayan, pinahiram pa niya siya ng malaking halaga ng pera bilang puhunan ni Jackie.

Ngunit sa kanyang sorpresa, lihim na pinagnanasaan ni Jackie ang kanyang kagandahan at hinangad na matulog kasama siya gamit ng mga kalokohan.

Sa kabutihang palad, napagtantuan na ni Hailey bago pa man ito mangyari, at silang dalawa ay hindi na magkabati mula noon.

Noong una, ang Jackie’s City Salon ay walang laban sa Belle Blossom. Ngunit kagulat-gulat na nakilala ni Ja
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 452

    Sinampal ulit ni Alex Rockefeller si Jackie Luden. Sa pagkakataong ito, tumalsik ang malaking tipak ng ngipin ni Jackie.Malamig ang tingin ni Alex. “Maniwala ka sa akin kapag sinabi ko ‘to. Hindi lang lakas ng loob na sampalin ka ang meron ako, ngunit meron din akong lakas ng loob para patayin ka.”“Ikaw...” Gustong pumalag ni Jackie, ngunit agad siyang natakot ng malamig na titig ni Alex, at talagang hindi na siya naglakas-loob na magsalita.Gayunpaman, walang maaaring makakapawi sa apoy ng galit sa kanyang puso.“Walang modo!” Galit na sigaw ni Serena Wai. “Bahay ko ‘to. Hindi ka pwedeng manghampas ng sinuman sa bahay ko. Labas!”Napatingin si Alex kay Serena. Natuklasan niya na agad ang problema ni Serena pagkapasok pa lang niya. “Sigurado ka bang gusto mo na akong umalis? Sa totoo lang, masasabi kong seryoso talaga ang karamdaman mo. Pitong araw na lang ang natitira sa’yo. Kung hindi kita ililigtas, mamamatay ka,“ sinabi ni Alex nang bahagyang nakangiti.Galit na galit si Serena.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 453

    Hindi dumating nang mag-isa si Ted Summers. Kasama niya ang isang babae, ang asawa niya, si Betty Dawson.Iyon ay dahil nang ipinadala ni Alex Rockefeller kay Ted Summers ang mensahe, si Betty ay nakaluhod sa harap ni Ted, humihingi ng kapatawaran.Ayaw makipaghiwalay ni Betty.Mismong pagkatanggap ni Ted ng mensahe, nagmadali siyang pumunta.Nang makita ni Ted ang maraming mga martial artist mula sa pamilyang Summer na talagang nagtatangkang atakehin si Alex, agad siyang nagalit. Galit na galit siya na para bang makakapatay siya ng tao.Ang kanyang malakas na boses ay kaagad na nagbigay ng takot sa lahat.Ang boses at pigura ni Ted ay pamilyar sa mga martial artist na nagmula sa pamilyang Summer. Tumigil sila sa pagkilos at gulat na tumingin kay Ted.“Tito, bakit nandito ka rin?”Ang buong pangalan ng asawa ni Jackie Luden ay si Senna Summers. Pamangkin din siya ni Ted. “Nabalitaan mo rin ba ang nangyari kaya ka dumating dito para suportahan kami? Binugbog ng gag*ng ‘yan ang asawa ko.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 454

    Inilabas ni Alex Rockefeller ang kanyang phone, pinindot ang isang audio file at nagsimulang magsalita. “Nagkataon, nai-record ko ang usapan namin kanina. Para sa mga interesado, sama-sama nating pakinggan ito!”Sa sandaling ipinatugtog ang audio file, namutla ang mukha ni Jackie Luden.Nang marinig ni Senna Summers na inaalok ni Jackie si Hailey Lawson na pagsilibihan siya sa loob ng pitong araw, napuno ng galit ang kanyang mga mata. “Jackie Lude, loko ka! Paano mo ‘to nagawa sa akin?“Bagaman ang isang binti ni Senna ay nabali, siya ay isang martial artist.Lumundag-lundag siya gamit ang isang binti at sinimulang hampasin si Jackie, halos mapatay niya ito dahil sa kanyang mga palo.Sa huli, maraming mga buto sa braso at tadyang ni Jackie ang nabali. Pinakamahalaga, ang kanyang ari ay nabali rin. Si Senna ay talagang bayolenteng babae.Walang pakialam si Alex nang marinig niyang umiiyak si Jackie sa sakit. Maya-maya, hinugot ni Hailey ang shirt ni Alex. “Kung tuloy-tuloy niya siyang h

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 455

    Pagkalabas ng villa, bumalik agad sa Maple Villa sina Alex Rockefeller at Hailey Lawson.Nais nilang ihatid ang mga produktong dinala ni Maya Howards sa Belle Blossom.May tiwala si Hailey sa kaalamang medikal ni Alex. Nang malaman niya na ang isa sa mga produktong anti-aging ay binuo ni Alex, ginusto pa niyang personal itong pag-eksperimentuhan.“Bunso, malamang hindi mo pa ‘to alam, ngunit ang isa sa mga pinakamatagumpay na produkto ng Arles Cosmetics ay ang kanilang anti-wrinkling na face mask. Kung ang iyong produkto na anti-aging ay maaaring makamit ang kahit na 70% ng pagiging epektibo ng produkto ng Arles Cosmetics, hindi na namin kakailanganing magpanatili pa ng kontrata kasama sila,“ sabi ni Hailey.Hindi nakapigil si Alex at nagsimulang tumawa. “Hailey, may hindi ka ba naunawaan sa aking kaalamang medikal? Sinubukan na ng aking biyenan ang anti-wrinkling na face mask ng Arles Cosmetics. Magagarantiya ko na ang aming produkto, na tinatawag na Lush Anti-Aging, ay dalawang beses

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 456

    “Saglit lang,” mabilis na sinabi ni Maya Howards.Kinalaunan, nauwi si Alex Rockefeller sa paghihintay sa kanya ng kalahating oras.Nang muling lumitaw si Maya, ang kanyang hitsura ay ganap na nagbago. Nakasuot siya ng puti, walang strap na t-shirt, dalagang-dalaga ang kanyang aura. Mukha siyang kaakit-akit, naging mas bata ang kanyang hitsura dahil sa kanyang kasuotan. Para siyang bumalik sa kolehiyo ulit.Diretso siyang tiningnan ni Alex, at hindi niya maiwasang alalahanin ang unang pagkakataong inilapag niya ang kanyang tingin sa kanya.“Uy, anong tinititigan mo? Tara na!“Hinawakan siya ni Maya sa braso at nagsimulang maglakad palabas ng villa.Dati, nahihiya si Maya at hindi naglalakas-loob na kusang hawakan ang kanyang kamay. Ngunit pagkatapos makita si Alex na nakipagtalik kay Waltz Fleur, biglang lumakas ang loob niya.“Gusto kong mag-buffet!” Bulalas ni Maya.Sa loob ng kalahating oras, nakarating silang dalawa sa isang kilalang buffet restaurant.Samantala, sa bahay ng pamily

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 457

    Naging malamig ang tingin ni Alex Rockefeller nang makita niya si Roger Graham.Ang lalaking ito ay ang anak ni Louis Graham, presidente ng Paradise Corp.Nakilala rin ni Alex si Louis nang dumalo siya sa libing sa pamilyang Rockefeller. Si Louis ay nakatanggap ng maraming tulong mula kay William Rockefeller dati, ngunit kinalaunan ay umalis para magtrabaho para kay John Rockefeller.Sa madaling salita, kung ano ang ama, ganoon din ang anak.Tagasunod ni Alex si Roger noong nasa kolehiyo sila. Pagkatapos, nang nagdusa ang pamilyang Rockefeller, at si Alex, mula sa pagiging mayaman, anak ng upper class, ay naging lalaking umaasa sa mga babae para mabuhay, agad na binago ni Louis ang kanyang pag-uugali. Sinimulan ni Louis na ituring bilang kaibigan si Spark Rockefeller. Sa maraming okasyon, patuloy na nilalait ni Louis si Alex at gumawa ng mga panunuya tungkol kay Alex sa likuran niya.Si Louis at ang kanyang buong pamilya ay grupo ng mga traydor.Sumulyap si Alex kay Maya Howards. Naisi

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 458

    Paanong hindi matutukoy ni Alex Rockefeller kung anong nangyayari? Malamang ay kay Maya Howards ‘yon, na naghubad ng mataas na takong, na hinahawakan ang kanyang binti gamit ang mga daliri ng kanyang paa.Tumingin si Alex kay Maya na may naguguluhang ekspresyon sa mukha.Sumenyas si Maya na lumapit si Alex gamit ang kanyang daliri.Sumandal si Alex, at nagsimulang bumulong si Maya sa tenga niya na may ngiti sa labi.Pinanood ni Roger na nangyayari ito nang may matinding inggit. Gusto niyang patayin si Alex at lapitan si Maya nang mag-isa.Nagkaroon na siya ng damdamin para kay Maya mula pa noong nag-aaral sila ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong maging malapit sa kanya. Nang magkita ulit sila pagkalipas ng maraming taon, naging mas maganda, banayad, at mas nakakaakit si Maya. Labis na tukso ang naramdaman ni Roger.“Paradise Corp ba ang sinabi mo? Kung mawawala ang Paradise Corp, titigil ka ba sa pagiging sobrang mayabang at hindi ka na magiging masyadong nakakainis? Bilang iyo

    Last Updated : 2024-10-29
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 459

    “Alex, boss, nakikiusap ako sa’yo. Pakiusap, patawarin mo ako. Pakiusap, pakawalan mo na ang Paradise Corp! Nakikiusap ako sa’yo!“ Talagang natatakot si Roger Graham ngayon.Bago naging matagumpay ang Paradise Corp, ang pamilyang Graham ay grupo ng mga normal na mamamayan na naninirahan sa lugar ng mga mahihirap. Ang buong pamilya ay nanirahan sa isang maliit at lumang bahay na may limampung metro kwadrado.Tuwing umuulan nang sobrang lakas, tatagos ang tubig sa bubong.Pagsapit ng taglamig, at lahat sila ay nanginginig mula sa lamig.Lubhang hindi nais ni Roger na bumalik sa gayong mga pamamraan ng pamumuhay. Kung iyon ang magiging kaso, mas gugustuhin niyang tumalon sa gusali mula sa ikalabing walong palapag.Si Shayna Morrison, na nakatayo sa malapit, ay gulat na gulat.Mabilis siyang lumapit upang tulungan si Roger na tumayo. “Mr. Graham, anong ginagawa mo? Hindi ba umaasa lamang siya sa mga babae para sa kanyang ikabubuhay? Bakit ka nagmamakaawa sa kanya nang nakaluhod? Kaya ba ni

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1942

    “Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1941

    Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1940

    Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1939

    Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1938

    “Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1937

    Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1936

    “Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1935

    Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1934

    Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l

DMCA.com Protection Status