”Alam ba ni Charles ito?”“Walang kahit anong ebidensya, ano ang masasabi ko?”Sandali makalipas, si Zack Carter ay lumabas may hawak na plato ng hiniwang pakwan. Mabilis na minungkahi ni Alex Rockefeller na tignan nila ang pasyente sa halip tutal tumanggi siya na kumain ng pagkain na hinanda ng isang matandang manyak.Para kay Zack, gusto niya ang lalaking ito na umalis kaagad. Hindi importante sa kanya kung ang kanyang asawa ay gumaling. Kung sabagay, namuhay siya ng matanda at makakagulo sa paghahanap niya ng mas batang asawa kung buhay pa din siya.Masayang sumang ayon sa hiling ni Alex, dinala niya sila kung nasaan ang kanyang may sakit na asawa.Siya ay nakahiga sa kama ng pumasok sila sa kanyang kwarto sa second floor. May maliit na pangangatawan malinaw na maganda noong kabataan niya. Si Alex ay nagulat na malaman kung ano ang nangyari sa matandang babae.Isang ghostly aura ang makikitang bumabalot sa kanyang katawan, tulad ng kung ano ang nangyari kay Hailey Lawson.Iyo
”Ano ang sinabi mo? Sino ka para bastusin si Doctor Yoke, ang Imperial Doctor ng America, ng ganyan!”Ang mukha ni Jim Sabinsky ay namula sa galit. Hindi niya matanggap ang kahit anong pangbabastos sa kanyang guro. “Tapos ka na. Tatawag ako sa pulis ngayon! Kailangan mong makulong para matuto ka na hindi mandaya at manloko ng mga inosenteng mamamayan.”Kahit si Hailey Lawson ay hindi siya mapipigilan na tawagan ang mga awtoridad.Umiiling, si Alex ay nilabas ang kanyang phone at tinawagan ang isang numero.Bago pa masabi ng operator sa kabilang linya ang kanyang isyu, inabot ni Alex sa kanya ang kanyang phone at sinbai, “Gusto kang makausap ng iyong guro.”“Sandali”Si Jim ay natatarantang tumingin sa kanya. Sigurado, hindi ito ang kanyang guro na nasa kabilang linya? Paano na lang niya, ang Imperial Doctor ng America, walang inggat na binigay ang numero niya sa isang hindi niya kilala?Nilagay ni Alex sa speaker mode at ang galit na boses ni Wallace Yoke ay mabilis na narinig.”
”Hinihiling mo ang kamatayan ng aking ina, hindi ba?” Galit si Nancy Carter.“Sinasabi ko lang ang katotohanan.” Hindi binigyan atensyon ni Alex Rockefeller si Nancy. “Ngayon na nandito ako, mabubuhay siya.”“Sino ang nakakaalam kung niloloko mo kami?” Ganti ni Nancy. Samantala, si Wallace Yoke ay tinignan ang pulso ng matandang babae muli.Sa buong tatlong minuto, nanatili siyang hindi kumikilos na may taimtim na ekspresyon sa kanyang mukha. Sa wakas, umiling siya. “Pasensya na, sa tingin ko wala na akong magagawa dito.”Sabi ni Alex kay Hailey Lawson, “Bakit hindi iwan ang lahat kay Doctor Yoke at sa akin? Hintayin mo kami sa labas ng kwarto.”“Ayos.” Sinamahan niya ang umiiyak na Nancy at Zack palabas. Si Hailey ay umalis din.Si JIm Sabinsky ay gustong manatili at tumulong, kahit na sa totoo lang, hinihintay niya ang pagkakataon na ilantad ang pandaraya ni Alex.“Sige, bakit hindi?” Ngumiti si Alex.Tatlong lalaki at isang matandang babae ang tanging naiwan sa kwarto.“Ako
Para mapatay ang maliit na demonyo roon mismo, ang kailangan lang niya ay Thunder Palm Mantra.Nagbago ang isip ni Alex Rockefeller matapos makita ang insignia dahil nais niyang malaman kung sino ang nagdulot na masapian ang matandang babae.Whoosh!Bumulong siya ng orasypn upang pigilan ang maliit na demonyo at gumamit ng pulang sinulid na matatagpuan sa kwarto at itinali ito sa isang buhol.Kilala rin bilang Red Shackle, ito ay lubos na mabisang aksyon upang makulong ang mga supernatural na nilalang.Ito ay kakaibang tanawin para kina Wallace Yoke at Jim Sabinsky, dahil ang maliit na demonyo, na kasing tangkad ng isang apat na taong gulang na bata, ay mabilis na lumiit, naglaho’t naging maliit na pulang buhol. Pagkatapos ay iginapos ni Alex ang buhol sa kanyang sinturon.Parehong nagulat ang mentor at ang kanyang mentee.“Nahuli mo… ‘yong… demonyo?” Nauutal na sabi ni Jim at gulat na gulat na tumingin kay Alex.Tumango si Alex. “Ililigpit ko na ito mamaya.”Sa totoong lang, nais niya
Umiling si Alex Rockefeller at ngumiti. “Doctor Yoke, ang mga ito ay wala kundi ang mga pinaglipasang impormasyon. Nakilala ko ang dalubhasa mula sa Switzerland kahapon na nagsasabing ang ating tradisyunal na medisina ay isang biro at hindi maikukumpara sa sining ng paggamot ng mga Koreano.““Kasinungalingan! Kasinungalingan! Nakuha nila ang kanilang kaalaman mula sa ating kadalubhasaan. Sino sila para angkinin na mas magaling sila kaysa sa isa?“ Bulalas ni Wallace York sa galit.Pumasok si Jim Sabinsky, “Nag-apply din sila para sa heritage status at inangking nagmula sa kanila ang ating kaalaman.”“Anak ng! Napakalaking kalokohan!“ Nag-uusok sa galit, parang ibubuhos na ni Wallace kay Jim ang kanyang poot.Nakakagulat na tanawing makita si Wallace, isang matandang lalaki, na nagmumura at sumusumpa nang ganito kalala.“Ilang siglo na mula nang makita natin ang eksistensya ng mga apostol ni Dazzle. Ngayon na narito ka, kailangan nating ipaalam sa lahat ang pagdating ng isa sa mga aposto
Sa sobrang pagkaengganyo sa pagtingin, hindi namalayan ni Alex Rockefeller na may dumating na pa lang iba.Tumingin siya sa baba at nakita ang tatlong babae, lahat ay nakasuot ng itim.Ang kanilang mga ekspresyon ay tiyak na puno ng galit habang nakatingin sila sa kanya.Bukod doon, ang mga kababaihang ito ay mga mandirigma, at ang pinakamalakas sa kanila ay may ranggo ng Advanced-Royal.Ang dalawa naman ay nasa ranggo ng Intermediate-Royal, sa tingin ni Alex.“Hala! Nagtataka ako kung bakit kailangan ni Zendaya ng makapangyarihang mga tauhan upang magbantay sa kanya?”Habang nalilitong sinubukan ni Alex na maunawaan ang sitwasyon, si Zendaya, na narinig ang kaguluhan, ay bumangon mula sa kanyang nakahigang posisyon sa yoga mat. Tumingin siya sa paligid at nakita si Alex sa labas mismo ng kanyang bintana.Nagulat siya, ngunit mabilis na natuklasan ni Alex na meron talaga siyang kinalaman sa maliit na demonyo.‘Weird. Ano naman kayang nangyari sa pagitan ng sikat na artistang tulad niya
Bagaman ang paparazzi ay humingi ng paumanhin sa publiko pagkatapos nito, nagawa na ang pinsala. Kailangang harapin ni Zendaya ang mga epekto ng negatibong pamamahayag at lumiliit na reputasyon.Ngumuso ang babaeng gwardiya. “Ganyan din ang sinabi ng mga nahuli naming paparazzi. Sa palagay mo ba maniniwala kami sa’yo? Kung hindi ka susunod pagbilang ko ng tatlo, huwag mo kaming sisihin sa mangyayari. ““Isa…“Dalawa…”Umiling si Alex Rockefeller.“Tatlo! Hulihin siya!“Hinampas ng isa pang gwardiya ang kanyang baton sa braso ni Alex. Hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ‘to; Ang napakalawak na katanyagan ni Zendaya ay nakapukaw ng ilang mga walang prinsipyong karakter.Gayunpaman, pareho lang ang kinalabasan. Isang daplis lang ng taser ang kailangan para turuan ng leksyong hindi malilimutan ang mga stalker na ito.Isang sandali ang lumipas, at agad na naramdaman niyang may mali; Si Alex ay tila hindi apektado ng taser.Ilang beses pa niya ulit sinubukan, ngunit walang nagbago.“Hi
Sumisigaw sa takot ang mga babae.Bilang pinong dalaga, si Zendaya ay hindi kailanman nahawakan ng sinumang lalaki. Kahit na ang mga kamay niya mismo ay halos hindi mahawakan ninoman.Ang mga aksyon ni Alex Rockefeller ay kakila-kilabot, sa tingin nila.Kung malalaman ng mga tagahanga ang tungkol dito, katapusan niya na.Kinilabutan si Zendaya. Nakahiga siya sa lupa nang naninigas habang pinagmamasdan ang kamay ni Alex na umaabot sa harapan upang hawakan ang kanyang katawan.Whoosh!Dumukot si Alex sa kwintas na jade at hinugot ito mula sa kanyang leeg.‘Teka lang. “Yong kwintas lang ang gusto niya?’Hindi maintindihan ni Zendaya ang mga kilos ni Alex. Patuloy siyang nakatingin sa kuwintas ng jade nang walang anumang karagdagang aksyon. Naguguluhan siya ngunit hindi naglakas-loob na magsabi ng kahit anumang sakaling mapukaw niya ulit ito.“Sinong mag-aakalang ang sikat na si Zendaya, propesyonal na songstress, ay napakagaling sa pagpapalaki ng mga demonyo?” Mabilis na ipinasok ni Alex
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l