Pagkaraan ng ilang sandali, umalis ang mga lalaki mula sa Divine Constabulary, at isinama nila ang apat na tauhan ng Leviathan Gate.Habang palabas, tinapik ni Sky Melvis si Alex Rockefeller sa balikat. Napatingin tuloy si Sky kay Phoebe Larsen na nakapikit. Naunawaan ni Alex ang nais niyang ipahiwatig. Akala siguro ni Sky ay isa pa sa mga naging girlfriend niya si Phoebe.Kahit hindi naman talaga.Tinawag siyang haltak ni Phoebe. Akala ba talaga niya bingi si Alex?“Kamusta ka na? Kaya mo pa bang maglakad?” Napatingin si Alex sa paa ni Phoebe.“Hindi.” Umiling si Phoebe.“Saan ka tumutuloy?” tanong ni Alex.“Sa hotel!” sagot ni Phoebe.“Bakit hindi ka tumuloy sa bahay ng mga Coney?” Natigilan sandali si Alex. “Sa hitsura nito, hindi mo kayang magmaneho nang mag-isa. Ipapara kita ng taxi!” sabi ni Alex.“Anong sinabi mo?” Napatulala ang anak na babae ng mahistrado. Galit niyang pinintog ang kanyang mga pisngi. “Hindi ako makapaniwala sa’yo. Kakatanaw ko pa lang sa’yo sa mas magandang
“Hinawakan mo yung hita ko,” sabi ni Phoebe Larsen.“P*ta. Subukan mo kayang bumuhat ng tao nang hindi hinahawakan yung hita nila? Eh di nahulog ka,” sabi ni Alex Rockefeller.“Hindi ba kaya mo namang magpagaling agad? Kung pagagalingin mo ako, kaya kong maglakad mag-isa. Bakit kailangan mo akong buhatin?” tanong ni Phoebe.Malamig na tumawa si Alex. “Inuutusan mo akong pagalingin kita agad? Hindi gagana ang mga agresibong pamamaraan na tulad nito. Dati, nagawa ko lang yun kasi nakiusap para sa’yo si Cheryl. Hindi pa umaabot sa ganoon yung pagkakaibigan natin. Maliban na lang, siyempre, kung may maibabayad ka bilang kapalit,” sabi ni Alex.“Kapalit? Anong gusto mo?” Talagang gusto ni Phoebe na maranasan muli ang mga mahiwagang kasanayang medikal na iyon. Siya mismo ay isang doktor. Sa loob-loob, nakaramdam na siya ng labis na paghanga sa mga kasanayang medikal ni Alex. Tinutulan niya lamang ito dahil sa kanyang mga dati nang bias.“Yung kaluluwa mo, halimbawa,” sabi ni Alex.“Tsk. Akal
‘Teka, hindi ko mga mata ‘to!’Iyon ay dahil nakaupo si Alex Rockefeller na nakaharap sa telebisyon sa gilid ng kama. Hindi siya nakatingin sa direksyon ng banyo. Sa halip, nakikinig siya gamit ang kanyang mga tenga.‘Guni-guni ba iyon? O sarili kong imahinasyon?’ pagtataka ni Alex.Nang tumayo si Alex, napansin niyang nawala na sa kanyang isipan ang imahe ni Phoebe Larsen na naliligo.Pagkatapos noon ay nagpokus siya ng husto habang nakatingin sa dingding ng banyo. Gusto niyang malaman kung tumatagos talaga yung paningin niya, pero hindi ito gumana.Nandoon pa rin ang pader, gayundin ang pinto.Gayunpaman, nang walang hangaring palabasin iyon, muling lumitaw ang imahe sa kanyang isipan.Di-nagtagal, napagtanto ni Alex na kagagawan iyon ng kanyang espirituwal na kamalayan.‘Diyos ko. May ganitong klaseng makadiyos na epekto ang espirituwal na kamalayan ko?’‘Hindi ba ito’y… hulog ng langit?’ naisip ni Alex.May tumulo!Biglang napagtanto ni Alex na dumudugo talaga ang ilong niya.Grabe
Dahil si Alex Rockefeller ay nakahihigit kay Zachary Xavier, hindi ba’t nangangahulugan iyon na Grandmaster na si Alex?Isa siyang batang Grandmaster!Kahit na si Wayne Larsen ay hindi mula sa mundo ng martial arts, alam niya na ang mga Grandmaster ay hindi maaaring insultuhin. Maaring paslangin ang isa sa pang-iinsulto sa Grandmaster.Kaya naman, agad na nagmukhang galit si Wayne. “Phoebe, seryosong babala ito. Hindi ka dapat mawalan ng respeto kay Mr. Rockefeller. Bukod dito, hindi mo siya dapat tawaging haltak. Kung hindi, kahit ako ay hindi ka maililigtas... Ngayon, nandiyan ba si Mr. Rockefeller?” tanong ni Wayne.Hindi pa nakikita ni Phoebe Larsen ang kanyang ama nang ganito kagalit.Nakaramdam siya ng matinding kaba.“Paano ko malalaman kung saan siya pumunta? Naliligo ako kanina, at sinabihan ko siyang hintayin ako. Pero, umalis siya bigla. Haltak talaga...” sabi ni Phoebe.“Nasaan ka?” tanong ni Wayne.“Nasa hotel ako!” sagot ni Phoebe.Pinagtugma-tugma ni Wayne ang mga detal
Pagpasok pa lang ni Frederick Duncan, yumuko na siya kay Alex Rockefeller. Dumating pa siya na may dalang regalo. “Master Rockefeller, talagang ikinalulungkot ko ang nangyari sa aking mga apo nitong nakaraan. Noong una, gusto kong bigyan ka ng respeto ng dalawang hindi karapat-dapat na mga apong ito, ngunit hindi ko akalaing…”Nagsimulang magsalita si Alex habang kinakain niya ang mga buchi na ipinasa ni Waltz Fleur sa kanya. “Si Yannis Duncan ba ang estudyanteng may mahusay na kakayahan na binanggit mo na bumalik mula sa kanyang pag-aaral sa ibang bansa?”Paulit-ulit na tumango si Frederick at sinabing ‘oo’. “Laki sa layaw ang apo ko. Palagi niyang iniisip na mas mahusay siya kaysa sa ibang tao. Gayunpaman, medyo may talento naman talaga siya. Sa edad na dalawampu’t apat, isa na siyang Doctor of Business and Legal Affairs. Karaniwang inaalagaan niyang mabuti ang kanyang sarili, at wala pa siyang boyfriend hanggang ngayon. Kung ayos lang sa’yo, maaaring manatili muna siya sa paligid mo
Nang marinig iyon ni Alex Rockefeller, nagkaroon siya ng reaksyon sa sinabi ni Zander Magellan. “Buweno, taga-Witch Doctor Sect ka pala.”Ngumisi si Zander. “Totoy, tumigil ka sa pagpapanggap. Nagsasalita ka na parang kilala mo ang Witch Doctor Sect. Masisiguro kong hindi mo alam kung nasaan ang Witch Doctor Sect.”Hindi napigilan ni Waltz Fleur na sumabat. “Manong, tigilan mong umasta na parang mas matalino ka dahil mas matanda ka. Sa tingin mo napakagaling ng Witch Doctor Sect. Sinong gugustuhing alamin kung saang hukay ng bundok naroroon ang Witch Doctor Sect? Gayunpaman, nakita ko na ang young master ng Witch Doctor Sect. Levi Bayer ba ang pangalan niya?”Nagulat si Zander. “Paano mo nalaman ang tungkol kay Levi Bayer?”“Bingi ka ba? Sabi ko nakilala namin sila dati. Natalo pa siya sa senior ko ilang araw na ang nakalipas. Oh, tama. Buntis siya ngayon. Dahil taga-Witch Doctor Sect ka, dapat mong bilisan at hanapin siya. Baka makatulong ka pa sa panganganak niya!” Sabi ni Waltz.“Ik
Wala nang mas maipapangit pa ang matandang mukha ni Frederick Duncan.May advanced na gastric cancer si Frederick. Hindi naging madali para sa kanya na makilala ang mala-diyos na pigura tulad ni Master Rockefeller. Ito ay katulad ng paghahanap ng sinag ng liwanag sa kadiliman ng buhay, at ito rin ang huling pag-asa na makakapitan niya. Bilang pinakamayamang tao sa Kanlurang California, ang kanyang net worth ay halos trilyon. Natural na ayaw niyang mamatay kaagad. Kung maaari niyang pahabain ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pera, handa siyang gamitin ang kalahati ng yaman ng kanyang pamilya!“Apat!”“Tatlo!”Sa pagbibilang ni Xyla Stoermer, nauubusan na ng oras si Frederick.Tumingin si Frederick kay Alex Rockefeller na may natatarantang ekspresyon sa mukha. Gayunpaman, natuklasan niya na si Alex ay nakaupo sa silya, iniintindi lamang ang sarili nitong pagkain sa mesa. Parang tahimik na pumayag si Alex sa sinabi ni Xyla. Samantala, sariwa pa rin sa isipan ni Frederick ang pagkawasak
“Paano magiging posible iyon?” Tanong ni Carey Stoermer.Gayunpaman, inilabas pa rin ni Carey ang rejuvenation pill, ibinuka ang kanyang bibig, at nilunok ito.Samantala, inilabas kaagad ni Zendaya Stoermer ang kanyang phone para kuhaan ng mga larawan si Carey.Di-nagtagal pagkatapos kainin ni Carey ang rejuvenation pill, naramdaman niyang uminit ang buong katawan niya. Pawisan ang likod niya, at lalong namula ang mukha niya na dati nang kulay rosas. Makalipas ang isang minuto, nagsimulang kumalam ang tiyan niya. Pagkatapos ay idiniin ni Carey ang kanyang kamay sa kanyang tiyan na may namumulang pisngi. “Naku, lagot. Medyo sumasakit ang tiyan ko. Gusto kong pumunta sa banyo.”Tumayo si Zander Magellan at ngumisi. “Hmph! Anong rejuvenation pill ito? Malamang lason lang ‘to! Immortal Doctor ka ba talaga? Kapag hindi ginamit nang tama ang gamot para sa kaukulang sakit nito, nagiging lason iyon. Bukod dito, hindi nga namin alam kung saan nanggaling ang gamot na ito. Sa tingin ko, mas mabut
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l