Nakaupo ng prente si Dustin sa may couch habang nakatingin ng malalim sa kanyang asawang si Celine. He narrowed his eyes when he saw her smile.
“May nakakatawa ba, Celine?”
Namilog ang mga mata ni Dustin nang sinagot lang siya ni Celine ng isa pang ngiti. He narrowed his lips and bit it. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumakad palapit sa kanyang asawa. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Celine at tinitigan ito ng matalim. Halos tumagos sa kaluluwa ni Celine ang pagtitig na iyon ni Dustin.
“May alam ka ba kung bakit nangyayari ang lahat ng ito?”
Napawi ang kurba sa labi ni Celine. Inilapit niya lalo ang kanyang mukha kay Saavedra. Kaunting galaw lang at mahahal*kan na nila ang isa’t isa.
‘Wala siyang alam. Ma
Gumastos ng malaki si Don Alexander para bayaran ang pag stay nina Celine at Dustin sa isang isla malapit sa Mahinog, Camiguin. He used his connections to rent the whole protected area of Mantigue Island. Mantigue Island, located just off the east coast of the main island, is one of the best Camiguin tourist attractions. Mantigue Island, Camiguin, is a marine sanctuary with white sand beaches, turquoise waters, colorful coral reefs, and a lush nature park. Matagal nang ipinagbabawal ang paninirahan sa isla. Sa katunayan, maaari lamang manatili sa loob ng apat ng oras ang isang turista rito. Pagsapit ng alas singko ng hapon, lahat ng mga maliliit at malalaking bangka ay umaalis na sa naturang isla. Humingi ng kaukulang permiso si Don Alexander at nagbayad siya ng tama para lamang matupad ang kanyang plano sa kaniyang anak at manugang. Ngayon ay nasa San Roque
Halos hindi maalis ni Celine ang kanyang paningin sa crystal blue water na binabaybay nila ngayon patungo sa Mantigue Island o mas kilala bilang Magsaysay Island. Ten years ago pa nang huli siyang magtampisaw sa kulay bughaw na tubig dagat. Padalawang beses pa lang niya ngayon. Ang kaibahan ay narito siya hindi para magliwaliw kun'di para tuwirin ang baluktot na ugali ni Dustin.“Ngayon ka lang ba nagkita ng turquoise seawater Celine?” Nang-aasar na tanong ni Dustin.Hindi man lang siya nilingon ni Celine. Ni isang salita ay wala itong binigkas.Itinigil ni Mang Igin ang bangka at hinayaan munang manood si Celine ng mga lamang dagat na nagsisilanguyan sa napakalinaw na tubig. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kaninang nakasimangot na mukha ni Celine.“Ayan, Maám mas gumaganda po kayo kapag nakangiti.” Komento ni Mang Igin na animoý nahumaling sa kagandahan ni Celine.“Sa-Salamat po Mang Igin.” Nahihiyang saad ni Celine.“Matagal n
Nabitawan ni Dustin ang dala niyang isang sakong bigas nang makita niyang sa isang maliit na kubo sila maninirahan ni Celine. His lips parted as he took a peek in the cabin. Gawa ang dingding ng kwarto nila sa kawayan samantalang ang dingding ng kusina nila ay gawa sa palapa. Ang bubong naman ay gawa sa pawid. Nagsalubong lalo ang kilay niya nang makita kung anong klaseng kusina meron sila. May tatlong malalaking bato na nakabaon sa isang napakalaking palanggana. Sa tabi nito ay mayroong isang bakal na mahaba na may butas sa gitna at isang panipit. “Nandiyan ka na pala. Ibaba mo na lang dito ýang bigas tapos balikan mo iyong isa pa sa may bangka.” Tinitigan ni Celine si Dustin na ngayon ay parang hindi pa rin makapaniwala. Napailing si Celine. Lumakad siya palabas ng kusina at sinagi niya sa balikat ang kanyang asawa para bumalik ito sa wisyo. “Celine, nasaan
Kumunot ang noo ni Dustin nang maramdaman niya ang pagdampi ng tubig mula sa kaniyang bewang hanggang sa kaniyang mga paa. Akala niya ay hihinto iyon ngunit mas lalo lamang nabasa ang parteng iyon ng kaniyang katawan. Napabalikwas siya sa kaniyang pagkakahiga nang makarinig siya ng isang malakas na kulog. ‘Teka bakit kalahati lamang ng aking katawan ang nabasa?’ Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang paningin paitaas. Umawang ang kaniyang bibig nang makita niya si Celine na may hawak na malaking payong. ‘Wow! Concern din pala siya sa akin!’ Maliksi siyang tumayo para magpasalamat sana kay Celine pero agad siyang tinarayan nito. “Kanina pa kitang ginigising. Hindi ko alam na para ka palang mantik
Nakasimangot na bumalik ng kubo si Dustin. Nakatalukbong sa kaniyang ulo ang bath towel habang dala-dala niya ang samu’t saring skin care products. Iniwan na niya ang kaniyang sabon at shampoo sa may banyo. Itinabi niya iyon sa mga gamit ng kaniyang asawa. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatuwad si Celine. May kinukuha itong kung ano sa may ilalim ng mesa. Napatigil siya sa pagkukuskos ng kaniyang buhok at napako ang mga mata niya sa kulay itim na saykling ni Celine. Ngayon ay nakabistida si Celine at ang haba noon ay above the knee, dahilan kung bakit nagsuot siya ng saykling. Nang tumayo si Celine ay agad niyang ibinaling ang kaniyang tingin sa may bubong. Kumunot ang noo ni Celine samantalang si Dustin naman ay sumipol-sipol bigla. “Binobosohan mo ba ako?” “Hi-Hindi ah. Ka-Kakarating ko lang. Kung m
TEN YEARS AGO “You need to accept the fact Alex! Ikinasal lamang tayo dahil sa isang kasunduan! Alam mong noon pa man na hindi ikaw ang mahal ko!” Namumula ang mukha ni Kendal habang nanginginig niyang inaalis ang pagkakahawak ni Alexander sa kaniyang mga kamay “Kendal, please. Don’t leave us. We need you here. Paano na ang anak nating si Dustin?” “Don’t be selfish, Alex. Ilang taon na kitang pinagbigyan. Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang gusto ko? I want to be with Ian! Hinihintay niya ako, Alex! After all the heartaches and pain that I inflicted to him, he’s still willing to accept me. Regarding Dustin, walang magbabago. Mahal ko ang anak natin kaya hindi ko siya pababayaan. Isasama ko siya sa pag-alis ko!” Napapikit si Alexander sa kaniyang narinig
Napabalikwas si Celine sa kanyang higaan nang sundutin ni Dustin ng balahibo ng manok ang ilong niya. Hindi pa siya nakakasuklay pero mukhang hindi man lamang nagulo ang kanyang buhok ng hanggang balikat ang haba. Napatawa si Dustin nang makitang may natuyong panis na laway sa may tabi ng labi ni Celine.“Talagang kasiyahan mo na ang asarin ako ‘no?” saad ni Celine habang nag-iinat ng kanyang mga braso.“Ayaw mo ba no’n nakakapagpasaya ka ng isang tao?” Tumawa ng nakakaloko si Dustin bago pumanaog sa may kusina.”Bumaba ka na riyan at tayoý kakain na. Nagluto ako ng tinolang manok.”Nang maamoy ni Celine ang niluto ni Dustin ay dali-dali siyang bumaba at nanghiso. Dumirekta agad siya sa mesa pagkatapos. Yumuko siya ng bahagya at inamoy ang steam na nanggagaling sa tinolang manok.‘Mukhang masarap! Buti na lang talaga maalam magluto ‘tong lalaking ‘to kung hindi pareho kaming mapupurga sa nilabon at prito.’Ngumiti si Celine nang makita niyang nakati
“NAKAKAINIS! NANGGIGIGIL AKO! Pati ba naman dito sa bahay eh kailangan kong magtrabaho? Arg!” Ipinagtatapon ni Shantal ang mga folders na dala-dala niya pauwi pero mabilis din naman niyang pinagdadampot ang mga ito dahil alam niyang napaka importante ng mga nilalaman ng mga ito. “So that’s “The Feever’s Effect”, Shantal? Halos isang linggo ka nang iritang irita sa bagong amo mo ah. Tell me, is he handsome?” pang-aasar ni Glydel. “Hindi siya guwapo ay wait, guwapo siya pero nuknukan naman ng yabang! Punong-puno ng hangin ang utak niya! GRRR! Kung makaasta pa akala mo isang tunay na Saavedra, kanang-kamay lang naman siya ng mahal kong si Dustin,” saad niya habang inilalagay niya sa satchel bag ni Feever ang mga folders. “Oh bakit mo itinatago ýang mga ýan? Akala ko ba tatapusin mo na tonight?” nagtatakang