Kumunot ang noo ni Dustin nang maramdaman niya ang pagdampi ng tubig mula sa kaniyang bewang hanggang sa kaniyang mga paa. Akala niya ay hihinto iyon ngunit mas lalo lamang nabasa ang parteng iyon ng kaniyang katawan. Napabalikwas siya sa kaniyang pagkakahiga nang makarinig siya ng isang malakas na kulog.
‘Teka bakit kalahati lamang ng aking katawan ang nabasa?’
Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang paningin paitaas. Umawang ang kaniyang bibig nang makita niya si Celine na may hawak na malaking payong.
‘Wow! Concern din pala siya sa akin!’
Maliksi siyang tumayo para magpasalamat sana kay Celine pero agad siyang tinarayan nito.
“Kanina pa kitang ginigising. Hindi ko alam na para ka palang mantik
Nakasimangot na bumalik ng kubo si Dustin. Nakatalukbong sa kaniyang ulo ang bath towel habang dala-dala niya ang samu’t saring skin care products. Iniwan na niya ang kaniyang sabon at shampoo sa may banyo. Itinabi niya iyon sa mga gamit ng kaniyang asawa. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatuwad si Celine. May kinukuha itong kung ano sa may ilalim ng mesa. Napatigil siya sa pagkukuskos ng kaniyang buhok at napako ang mga mata niya sa kulay itim na saykling ni Celine. Ngayon ay nakabistida si Celine at ang haba noon ay above the knee, dahilan kung bakit nagsuot siya ng saykling. Nang tumayo si Celine ay agad niyang ibinaling ang kaniyang tingin sa may bubong. Kumunot ang noo ni Celine samantalang si Dustin naman ay sumipol-sipol bigla. “Binobosohan mo ba ako?” “Hi-Hindi ah. Ka-Kakarating ko lang. Kung m
TEN YEARS AGO “You need to accept the fact Alex! Ikinasal lamang tayo dahil sa isang kasunduan! Alam mong noon pa man na hindi ikaw ang mahal ko!” Namumula ang mukha ni Kendal habang nanginginig niyang inaalis ang pagkakahawak ni Alexander sa kaniyang mga kamay “Kendal, please. Don’t leave us. We need you here. Paano na ang anak nating si Dustin?” “Don’t be selfish, Alex. Ilang taon na kitang pinagbigyan. Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang gusto ko? I want to be with Ian! Hinihintay niya ako, Alex! After all the heartaches and pain that I inflicted to him, he’s still willing to accept me. Regarding Dustin, walang magbabago. Mahal ko ang anak natin kaya hindi ko siya pababayaan. Isasama ko siya sa pag-alis ko!” Napapikit si Alexander sa kaniyang narinig
Napabalikwas si Celine sa kanyang higaan nang sundutin ni Dustin ng balahibo ng manok ang ilong niya. Hindi pa siya nakakasuklay pero mukhang hindi man lamang nagulo ang kanyang buhok ng hanggang balikat ang haba. Napatawa si Dustin nang makitang may natuyong panis na laway sa may tabi ng labi ni Celine.“Talagang kasiyahan mo na ang asarin ako ‘no?” saad ni Celine habang nag-iinat ng kanyang mga braso.“Ayaw mo ba no’n nakakapagpasaya ka ng isang tao?” Tumawa ng nakakaloko si Dustin bago pumanaog sa may kusina.”Bumaba ka na riyan at tayoý kakain na. Nagluto ako ng tinolang manok.”Nang maamoy ni Celine ang niluto ni Dustin ay dali-dali siyang bumaba at nanghiso. Dumirekta agad siya sa mesa pagkatapos. Yumuko siya ng bahagya at inamoy ang steam na nanggagaling sa tinolang manok.‘Mukhang masarap! Buti na lang talaga maalam magluto ‘tong lalaking ‘to kung hindi pareho kaming mapupurga sa nilabon at prito.’Ngumiti si Celine nang makita niyang nakati
“NAKAKAINIS! NANGGIGIGIL AKO! Pati ba naman dito sa bahay eh kailangan kong magtrabaho? Arg!” Ipinagtatapon ni Shantal ang mga folders na dala-dala niya pauwi pero mabilis din naman niyang pinagdadampot ang mga ito dahil alam niyang napaka importante ng mga nilalaman ng mga ito. “So that’s “The Feever’s Effect”, Shantal? Halos isang linggo ka nang iritang irita sa bagong amo mo ah. Tell me, is he handsome?” pang-aasar ni Glydel. “Hindi siya guwapo ay wait, guwapo siya pero nuknukan naman ng yabang! Punong-puno ng hangin ang utak niya! GRRR! Kung makaasta pa akala mo isang tunay na Saavedra, kanang-kamay lang naman siya ng mahal kong si Dustin,” saad niya habang inilalagay niya sa satchel bag ni Feever ang mga folders. “Oh bakit mo itinatago ýang mga ýan? Akala ko ba tatapusin mo na tonight?” nagtatakang
“I wasn’t expecting to see him on the road a while ago. That … that jerk! Sinusundan niya ba ako?” inis na sabi ni Shantal habang naghihintay ng order niyang champagne. “Relax! Paano ka niya susundan eh ni hindi nga niya alam kung saan ka nakatira? Baka nagkataon lang talaga saka forget about him. We are here to have some fun, don’t forget that,” natatawang wika ni Glydel. Bumuntong hininga si Shantal. Nginitian niya ang guwapong bartender nang iabot nito ang champagne. “I’d like to have one tequila,” Glydel said. Ngumiti sa kaniya ang bartender at kumindat bago muling bumalik sa kaniyang trabaho. Niyugyog ni Glydel ang balikat ni Shantal. “Did you see how he winked at me? Gosh! He’s fucking handsome. Maybe he’s good in
“I didn’t expect to see you here. Are you drunk?”Umiling si Glydel at walang imik na lumipat ng table. Laking gulat niya nang sundan siya ni Clark.“Why did you follow me?” naguguluhang tanong ni Glydel.“Why did you leave the country without even telling me about it?”Ang malakas na hiyawan at musika ay hindi na naririnig ni Glydel dahil bukod tanging boses na lang ni Clark ang naririnig niya. Marahas siyang umupo sa black steel chair with brown vinyl back and seat. Tumawag siya ng waiter at umorder ng isang boteng red wine at saka niya ibinalik ang tingin niya sa nakatayong si Clark.“I don’t owe you an explanation.”&
Inabot na ng umaga si Shantal sa condo ni Feever. Mahimbing pa rin siyang natutulog habang si Feever naman ay abala sa paghahanda ng kanilang almusal. Tinanggihan ni Feever ang alok ni Don Alexander na tumira sa kaniyang villa. Pinili niyang manatali sa kaniyang condo.Napatingin siya sa natutulog na si Shantal.“She looks like an angel when she’s asleep.”Halos mag-aalas otso na ng umaga. Kailangan niyang umattend ng meeting pero mas pinili niyang manatali sa piling ni Shantal dahil may kailangan siyang itanong dito sa personal."Ang suwerte mo dahil ikaw pa lang ang nabibigyan ko ng ganitong treatment. Breakfast in bed, masarap na nga ang pagkain mo, masarap din ang nagluto," mahinang sabi ni Feever sa natutulog na si Shantal.Umupo siya sa sofa at matiyaga niyang hinihintay na magising ang bukod tanging babaeng nakatulog sa kaniyang kama.‘What if the black sheep of the Jone’s Family isn’t really black?’ Dustin thought.
“Saan ka ba nanggaling? Kagabi pa akong hanap ng hanap sa iyo! Kahit mga tawag ko hindi mo sinagot eh. Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sobra?” sermon ni Glydel sa kaniyang kaibigang si Shantal.“I’m sorry Gly. I got wasted at muntikan na pala akong ma rape ng anak ng may ari ng H-Club,” mahinang sambit ni Shantal.“WHAT? DELA FUENTE SET HIS EYES ON YOU? This is bad!” Napahawak sa kaniyang sentido si Glydel habang pabalik-balik na naglalakad.Kumunot ang noo ni Shantal, “Kilala mo ang hayop na lalaking ýon?”“YES AND HE’S NOT AN ORDINARY MAN! HIS MAD AND INSANE! Of all the men na nasa club bakit siya pa ang nakadaupang palad mo?”Umupo si Shantal
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani