Mistulang estatwa sina Yamirah at Vera habang nakatayo sa harapan ng malaking gusali ng Tinta at Pluma Publishing Company. Mag-iisang minuto na silang nakatingala sa mataas nitong pader ngunit mukhang wala pa silang balak gumalaw. Kung hindi lang sila nakarinig ng busina mula sa sasakyang papunta sa parking area ay hindi pa sila aalis sa kinatatayuan nila.
The structure is intimidating. It is a cluster of different high tech buildings where the various departments are in. All the buildings are large, smoked glass and steel. Each one joined to the next by a covered walkway made of blue glass and silver railings.
Minsan na itong nadaanan ni Yamirah. Kahit na isa ito sa mga pangarap niya, hindi niya kailanman inakala na darating ang araw na makakapasok siya rito. This is huge and prestigious—lugar na sa tingin niya ay hindi siya nababagay.
"Sigurado ka ba rito?" kapagkuwan ay tanong niya sa kaibigang natahimik din.
"Ikaw ang mag-aaply ako ang tatanungin mo?" tugon naman nito nang marinig ang tanong niya. "Yam, huwag ka nga'ng pessimist diyan. Isipin mong ikaw ang pinaka-deserving na makapasok diyan nang matakwil na lahat ng bad vibes mo sa katawan."
Muli niyang tiningala ang matayog na building. Huminga siya nang malalim. "Okay. Let's do it."
Busy people and the noise of footsteps welcomed them as they finally entered the building. Everybody looks so proper, like harmonized uniformed personnels. The structure can already get everybody's respect, and the interiors that include all the employees working together deserve to be honored as they possess class and dignity.
Yamirah feels like an outcast roaming inside this prestigiously huge company, but a warm hand touched her heart when a friendly smile eventually welcomed them.
A certain employee approached and acknowledged their presence. "Yes, Ma'am, how may I help you?" Even the sound of her voice and the way she enunciated her words reflect her professionalism.
Nahiyang magsalita si Yamirah nang marinig ang mala-anghel na boses ng huli. Nang bumaba ang tingin niya sa ID nito ay nalaman niyang Millicent ang pangalan nito at nasa ilalim ng Illustration Department.
"Mag-aaply po sana sa Writing Department" Si Vera na ang sumagot sa babae.
"Oh, this way, please." Millicent, who seems to be on her early 20's, maneuvered them to the elevator. "You are early, but unfortunately, a lot of applicants are far earlier than you. I hope you can wait."
That's not impossible.
Pinilit ni Yamirah ang ngumiti. "I came here for that. I will wait," sagot na lang niya.
Nang makarating na sila sa pinakamataas na palapag ay bumukas ang elevator at bumungad ang isang mahaba at malawak na corridor na gawa sa asul na salamin, at sa magkabilang gilid nito ay nakahilera ang humigit-kumulang treinta na aplikante. They are sitting in white monoblock chairs and waiting for their turn.
Dumiretso ang tingin niya sa malaking pintuan sa dulo ng koridor. Vintage ang disenyo nito ngunit nababakas ang karangyaan at kapangyarihang taglay nito.
"That's the CEO's office. We all know that TAP got the highest rank among publishing companies in the country, and it is one of the top 30 publishing companies in the world. In connection, we hire professional writers and editors for the high quality published books. For us to make sure that you are deserving for the position, you will be interviewed by the CEO himself, Mr. David Santillan."
Parang may kuryenteng dumaloy sa ugat ni Yamirah. Sa simpleng pagbanggit na lang sa pangalan ng Chief Executive Officer ng TAP ay pinanginginigan na siya ng kalamnan, ano pa kaya kung haharap na siya rito? Baka mawala lahat ng linyang kanyang itinabi para sa mga posibleng katanungan.
Pinasadahan niya ng tingin ang mga applicants. Tatlo hanggang lima lamang ang kalalakihan. Nang dumako ang tingin niya sa mga kababaihan ay napansin niyang panay ang lagay ng mga ito ng kolorete sa kanilang mukha. Kapansin-pansin ang pagsuklay nila sa kanilang mga buhok at pag-spritz ng pabango sa katawan.
"Why do I have this feeling na mago-audition sila sa pag-aartista?" pabulong niyang tanong na umabot naman sa pandinig ng kasama.
Natawa ito. "I guess they heard the presence CEO's son, Ash Santillan. Madalas na itong narito these past few weeks dahil nagsisimula na ang training niya bilang susunod na CEO ng TAP. Sir David is sick and getting old, he needs someone to take over the company."
Tumabingi ang ulo ni Yamirah. "How does that concern these young ladies?"
"Well..." Huminga nang malalim si Millicent kasabay ng pagkibit-balikat nito. "A guy like Ash is rare. I can't describe him because he's simply indescribable. I may run out of adjectives. Iyan ay kung iba-base ko ito sa point if view ko. You'll see it yourself." Iminuwestra nito ang mga bakanteng upuan sa pinakalikod na parte ng linya saka sila binigyan ng numero. "Have a seat and wait until they call your number."
"Ah, Miss." Bahagya itong hinabol ni Vera nang akmang aalis na. "Hindi ako mag-aaply. Sinamahan ko lang si Yamirah."
Millicent's mouth shaped O. "If that's the case then you need to wait outside. Maraming upuan at kainan sa left part ng building, you can wait her there. Pasensiya na, limited lang kasi ang pinapapasok dito para hindi masyadong crowded."
Vera slightly pouted as she nodded her head. "Sige, Miss. Bababa na ako." Bumaling siya kay Yamirah. "Hintayin kita r'on."
Kabado man na maiiwan siyang mag-isa kasama ang mga estranghero ay ngumiti na lamang siya at tumango. "See you."
***
"Calling the attention of number 38, you may now enter the office for the interview."
Kung kanina ay kinakabahan si Yamirah, ngayon ay ramdam na niya ang panghihina ng katawan dahil sa pitong oras na paghihintay. Alas otso pa lang ng umaga nang makarating sila rito, alas tres na at ngayon pa lang siya matatawag. Siya na ang panghuli sa pila, nagsiuwian na ang iba.
Kumalam ang sikmura niya pagtayo niya. Hindi pa siya nananghalian dahil wala siyang dalang pera. Si Vera ang nagbayad ng pamasahe nila kaninang umaga at ito rin sana ang magbabayad pag-uwi nila.
Pumapayag na rin naman siya dahil hindi naman ito nagbabayad kapag nakikikain ito sa kanila. Ang kaso, kanina pa umuwi ang kaibigan dahil pinapatawag daw ito ng ama kaya wala siyang choice kun'di ang magtiis.
Pinagbuksan siya ng pinto ng medyo may-edad nang sekretarya. Bumungad sa kanya ang malawak at eleganteng looban ng silid. Hindi na niya masyadong nabigyan ng pansin ang kabuoan nito nang biglang magsalita ang lalaking may pinakamataas na posisyon sa kumpanyang ito—ang CEO ng Tinta at Pluma Publishing Company.
"Have a seat."
Agad siyang tumalima. Puno ng pag-iingat ang galaw niya, takot na baka ma-disappoint agad ang matanda sa kanya. "Good afternoon po."
Ngumiti ang matanda. Bagaman kaswal ang tindig nito ay hindi niya magawang makampante. Wala sa hitsura ang totoong ugali ng isang tao.
"Introduce yourself."
Lumunok siya. She paused for seconds, trying to recall the introduction she had been saving for this moment.
"My name is Yamirah Francisco, 18 years old and currently studying at Stallion University. My course is Bachelor of Arts in English Studies and—"
"You're a student. Is it possible for you to be a full-time employee of TAP?"
Naputol ang inihanda niyang mga linya nang biglang may nagsalita sa kanang bahagi ng opisina kung saan mayroong mini living room.
In there, she saw a tall man in a black customized executive suit that perfectly fits his well-toned body. Napasinghap si Yamirah nang matitigang mabuti ang hitsura ng lalaki.
Ito kaya ang dahilan ng pagpapaganda ng mga babaeng aplikante?
Well, they should really be beautiful before they have the audacity to show themselves to him. This man calmly sitting on the sofa and looking at her in a scrutinizing manner is like a traitor angel happened to be kicked out from the heaven, or a Greek God that came to life. A prince in disguise. A man of her blurry dreams and wildest fantasy.
Panginoon! OA na Kung OA, pero 'yan ang tingin ko sa kanya, e. Marami naman akong nakitang guwapo sa mundo pero ibang-iba siya, e!
He is indeed indescribable. Even the word 'perfect' is an understatement for Yamirah if she come to define him. Maybe it's not an understatement, it's just not enough.
Is this the man of the rumor? The Ash Santillan?
Mukhang nakalimutan na niya ring huminga habang nakatitig dito. The guy's handsomeness is simply earthshaking and can make every woman bow and drool over.
"Miss Francisco," untag sa kanya ng CEO ng kumpanya. Halos manliit siya sa hiya nang napagtanto kung gaano ka-low class ang ipinakita niyang attitude.
"P-pasensiya na po," hingi niya agad ng paumanhin. "Gagawin ko po ang lahat para ma-meet ang quota. Ilang word count po ba ang kailanga'ng ipasa per month?"
"40, 000 to 60, 000 words ang nilalaman ng isang nobela na pina-publish ng TAP. 3, 000 words naman kung sa poetry book. At sa loob ng isang buwan, kailangan mong magpasa ng isang poetry book or dalawang nobela. Can you do that?"
Hindi!
Gusto nang aminin ni Yamirah na hindi niya ito kaya. Kahit isang nobela ay hindi niya pa kayang tapusin sa isang buwan dahil nag-aaral siya, ano pa kaya kung dalawa na? It will surely kill her due to exhaustion.
"Ang totoo po niyan, busy pa po kasi ako sa school. Pero kailangan ko po talaga ng trabaho para makapag-aral. Baka po puwedeng isang nobela na lang muna kada-buwan? Babawi po ako pagkatapos ng klase, pangako po." Bakas ang pagmamakaawa sa boses niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng matanda saka ito dahan-dahang umiling. Tuluyan na nga'ng nadurog ang pangarap niya dahil doon. Wala na ang kakarampot na pag-asang pinanghahawakan niya.
"Pasensiya na, Miss Francisco. TAP is a busy company. We need a fast production because of the fast consumption. I cannot give you a consideration."
Condolensation.
Yumuko na lang siya bago pa nila makita ang paglaglag ng kanyang luha.
Minsan hindi mapigilang isipin ni Yamirah kung masama ba ang pagiging mabait. She never humiliated anyone in her life. She is kind and nice to everybody. Responsable siyang estudyante at matulungin na apo. Totoo rin siyang kaibigan at masunuring mamamayan.Pero bakit minsan, kung sino pa ang mababait ay sila pa ang pinagkakaitan ng kasiyahan? A lot of evil people are happy. She's far from being evil but why the hell she doesn't deserve it?Sumama sa ibang lalaki ang kanyang ina at namatayan siya ng ama. Naiwan siya sa lolo at lola niyang todo kayod at walang-humpay na nagbanat ng buto para mabayaran ang utang na iniwan ng kanyang ama. Unti-unti nilang nabayaran ang mga ito habang pinag-aaral siya. Ngayon at nasa kolehiyo na siya at humihina na ang kanyang lola, panahon na para siya naman ang kumita. Madalas hindi na nagka-kasya ang ibinibigay nila sa kanya kaya kailangan niyang magtrabaho sa mismong paaralan para malibre siya kahit papaano sa mga gastusin doon.Ngunit hindi pa rin it
Pupungas-pungas ng mata si Yamirah habang kinakapa ang switch ng kanilang kuwarto. May dalawang kuwarto ang bahay nila ngunit nang namatay ang ama ay minabuti niyang tumabi sa kanyang lolo at lola.Dahan-dahan siyang bumangon, sinubukang huwag makagawa ng ingay. Hirap ang kanyang lolo sa pagkuha ng tulog, madalas hatinggabi na itong dinadalaw ng antok. Dahil dito, hangga't maaari ay ayaw niyang magising ang sinuman sa kanila.Nang makita ang phone na nasa ibabaw ng aparador, lumabas siya ng kuwarto gamit ang flashlight nito. Pumunta siya sa kusina at nagsaing. Isinabay niya naman na ang pagka-kape nang naisalang na niya ang ulam sa lutuan.It has been her everyday routine for years. Maaga ang pasok niya dahil dadaan pa siya sa office ng dean. She is a college scholar. May mangilan-ilang trabaho ang ibinigay sa kanya ng dean na siyang ginagawa niya bago magsimula ang klase.Sa hapon naman ay sasaglit siya sa Reading Center para magsinop ng mga librong hindi naibalik nang maayos at para
Ikinalat niya ang tingin sa paligid. At first, she just shrugged the bright light coming from the dome lights few inches away from her. But when she gathered her senses, like being pulled by a string, she immediately stood up from laying."Oh my God," nanlalaki ang matang bulong niya sa sarili. "Oh my God."Bakit pa ako nandito?!Hindi niya alam kung ano ang nangyari, basta ang natatandaan niya ay nakatulog siya rito kanina dahil sa sobrang pagod. Wala na ito sa car wash pero siya, narito pa rin sa loob!"What... the... hell."Napansin niyang nasa ibabaw na siya ng passenger's seat, at lalo siyang nawindang nang makitang umaandar ang sasakyan at nakabukas ang air-con!Napahilamos siya sa mukha at kinapa ang phone. Nakita niyang wala man lang ni isang missed call mula kay Vera. Kahit hindi naman ito mayaman ay alam niyang lagi itong may pan-text sa dami ng textmate nitong nakuha kaka-plug ng number nito through group message.Nang umayos siya ng upo ay halos hindi niya pa maramdaman an
Dalawang-araw siyang hindi pumasok sa klase. Pinakaunang araw ng trabaho nila sa car wash ay nilagnat na siya. Kinabukasan paggising niya, sobrang sakit ng buong niyang katawan. Kung sakit lang sana sa ulo ay kakayanin niyang tiisin. Ang kaso, kaunting galaw niya lang ay halos maghingalo na siya sa sakit.Napakamalas ko, talagang-talaga. Iyong una niyang suweldo, naibili rin niya ng gamot para sa sakit ng ulo at katawan. Mas malas pa dahil hindi na niya matulungan ang kanyang lola sa mga gawaing-bahay. Sa halip na makatulong, mas lalo pa siyang naging pabigat.I better have nothing to eat than to get sick!Ikatlong-araw na ito na hindi siya pumasok. Ayos na ang pakiramdam niya pero hindi siya pinayagan ng lola niyang lumabas at baka mabinat siya.Buryong-buryo na siya sa loob ng bahay. Nakapaglinis na ang matanda at nakapagluto na rin ng ulam para sa buong maghapon, wala na siyang ibang puwedeng gawin. Napagod na ang mata niya kakabasa ng notes at kakatipa sa cell phone para sa bago n
Hindi siya umimik. Napasunod na lang ang kanyang mata sa pagbukas ng pinto ng sasakyan, at mula rito ay umibis ang lalaking gustong-gusto na niyang makita pero gusto niya ring iwasan.Pigil ang hininga niya nang inilibot ng binata ang tingin doon, hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa kanya.Her knees weakened... again. His presence, his stare, it's making all her senses go haywire. And the reasons of all these inner chaos she's trying to control is still vague. At first she thinks it is a reaction of the fact that Ash is a tycoon-the soon-to-be Chief Executive Officer. Then there are times she admits he is undeniably and inarguably admirable. Ah, the vagary of thoughts."Hello po, Sir Ash!" biglang nag-ingay si Vera. "Papalinis kayo ulit? He he."Pabebe. Gusto niyang sikuin ang kaibigan sa asal na ipinapakita nito, pero mukhang sanay na sanay naman na ang binata sa ganitong klase ng mga babae."Hindi, may iba akong sinadya rito," sagot naman ng binata habang nakatitig pa rin sa ka
Five years later..."Happy 24th birthday, Yamirah!""You know I don't celebrate birthdays."A slight chuckle came out from the speaker. "I miss you."Tipid siyang ngumiti nang marinig ang medyo nagtatampong boses ng kaibigan. "Miss na rin kita, oy.""My son wants to meet you. Alam mo naman kung gaano ako kabuting kaibigan, 'di ba? I told him a lot about you—pure positive."Hindi niya napigilang matawa nang malakas. "Kasi from the first place, wala ka namang masasabing negative tungkol sa akin.""Oh?" tunog unconvinced na tugon ng kaibigan. "E, ano ang tawag sa pagpunta mo riyan sa Bermuda nang walang paalam? At heto pa, LIMANG TAON NA, HINDI KA PA UMUUWI!"Nakabibingi ang lakas ng boses ng kaibigan, pero sa halip na sumagot ay biglang natahimik si Yamirah. Parang nagkakarerahang karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso niya at ninanakawan siya ng hininga."Yam, miss na talaga kita. But if you can't come home, I'll try to understand. Magkaibigan tayo since immemorial pero wala akon
"I'm sorry, Ma'am, pero hindi po tumatanggap ng bisita si Sir Santillan. You need to set an appointment with him.""Please," pakiusap ni Yamirah. "Tell him it's an important matter.""Hindi lang po kayo ang may importanteng rason para makipagkita sa kanya, Ma'am. Marami po ang gustong kumausap sa kanya, at ikalima na kayo sa araw na ito. Sir Santillan is a busy person. Even some of his recent appointments were cancelled.""Paano kung napakaimportante nito?" banat pa niya."If it's not the matter of life and death then I'm sorry, you better come the other day and have another try."Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Naiintindihan naman niya na busy ito. Isa pa, hindi rin naman siya importanteng tao para pag-aksayahan ng oras ng binata.Hindi niya lang alam kung bakit para siyang sinindihang gasolina na agad na nagliyab nang marinig ang kuwento ng kaibigan. Parang gusto niyang tumakbo palapit sa lalaki, yakapin ito, humingi ng kapatawaran, at sabihing huwag itong sumuko. Gusto
Happy isn't enough to describe her emotion right now. Her heart is in bliss, and a joy in her eyes.Binilhan siya ng kaibigan ng ticket para sa nalalapit na book signing ng mga TAP authors na may laman pang pera pambili ng mga libro. Bagong taon ngayon, hindi dudang nagbigay din ang kumpanya ng discount sa bawat libro.Hindi niya ito hiningi sa kaibigan o kahit binanggit man lang, pero kusa itong nakipag-agawan ng ticket sa ibang TAP fanatics para sa kanya. Indeed, it's easy to find a friend... but it takes a lifetime to prove how true they are. Vera never failed to prove so.The rectangular object in her hand right now carries more than just a money, but a chance. Posible nga bang makita na niya ang binata roon? Ayon sa narinig niya sa dalawang babae sa bookstore ay lagi itong present tuwing book signing ng nga authors nila. Pagkakataon na niya ito!Ginugol niya ang tatlong araw na paghahanda sa sarili. Ni hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang humarap sa salamin at pinagmasd
"Come on, I should wash this dress, Ash.""Not on earth I'm going to let you wash. Nagta-trabaho ako, Amir. Kahit limampung katulong pa ang dalhin ko rito sa bahay huwag ka lang magtrabaho, gagawin ko."The slight crease of his forehead and his almost-kissing eyebrows made him look cute and hot at the same time. Idagdag pang nakatapis lang siya ng tuwalya ngayon sa bandang baywang pababa at may mangilan-ilang butil ng tubig ang dumadausdos mula sa kanyang buhok pababa sa matitipuno niyang dibdib.We've been arguing about this for a couple of minutes now. I mentioned him about washing my wedding gown, and this is where it took us."Walang maglalaba. That's final.""But—""Let's settle this later, then. I have an early appointment with Mr. Yu. O baka gusto mong sumama?"Umiling ako. Kung aalis na siya, ibig sabihin ay malalabhan ko na ang wedding gown na ito saka ko itatago.Ash and I were married a week ago. It was a grand party. Maraming dumalo dahil maraming imbitado. TAP employees a
"I still have your resignation letter. I kept it for two years so I could return it one day. Hindi ko 'yon tatanggapin because I am confident that you will return. However, I still want to beg."Kahit nanginginig ay pinilit niyang tumayo at dahan-dahang humarap sa binata. Nag-init ang magkabilang gilid ng kanyang mga mata pero alam niya na hindi na lungkot ang dahilan ng mga ito.Two years didn't seem to change him. Ash Santillan in his muscled body and handsome face is in front of her. Kung may nagbago man sa loob ng dalawang taon ay ang nararamdaman niya. Her love deepened, strongly rooted. Mas lalong sumidhi, mas lalong nahulog."Yamirah Francisco, I beg you. Please come back to your passion. Come back to my company. Come back to my life. Come back to me."Happiness ruled her little universe. Tumakbo siya palapit dito at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit na mahigpit, at kahit kailan ay hindi na niya ito papakawalan pa. Hinding-hindi na."Ash, you never lose me. Wherever I am, I
After looking at the wall clock, she adjusted the hands of her wristwatch until it functions correctly. She checked herself from the mirror few feet away from the counter, and saw a perfect pair of a red sleeveless top that only covers the half of her torso—crop top it is, and a slightly tattered trouser she got from a well-known couture months ago.In her left arm she folded an AFRM Tae Cardigan with a Leopard print like her bottoms. Inayos niya ang tindig. Bahagyang iginalaw niya ang kanyang mga paa na nakasuot ng GUCCI'S HORSEBIT CHAIN BOOTS.She smiled as she felt satisfied with her look. 'Di rin naman nagtagal ay may kumuha na ng atensiyon niya."Miss, ito na po ang order ninyo." A lady florist handed her different bouquet of flowers."So idyllic," she commented, slightly sniffing the flowers' corollas.Nang mabayaran niya ito ay nagmartsa na siya palabas ng flower shop. Sa kabilang dako ng kalsada ay nakaparada roon ang sasakyan ni Drica."Bakit pinakamarami 'yang pink? Puntod n
"Yamirah, gabi na. Ihahatid na kita."Narinig niya mula sa likuran ang boses ng pinsan niyang si Sunshine. Sumunod ito sa kanya hanggang sa gate ng ancestral house."Not a chance," she answered determinedly. "Nakaya kong nabuhay mag-isa... at kakayanin ko pa." Walang masasabi ang dilim ng gabing ito sa dilim na hinatid ng mundo sa kanya.Tuluyan na nga niyang tinahak ang daan palabas ng subdivision. Sa huling pagkakataon ay tumulo ang luha niya. Sinisiguro niya na ito na ang huling pagkakataon na iiyak siya dahil sa sakit, lungkot, at galit. Hindi na siya iiyak pa sa mga taong hindi siya nanaising iyakan din. Not anymore."Baby..." Her weary heart stopped when she heard the voice of the person who can break her heart into pieces, and the same person who can also give a remedy to it.Naka-park ang kotse nito sa labas ng subdivision, at mukhang nanggaling din ito sa kaparehong direksiyon.Hindi niya pa ito tuluyang naharap ay bigla na itong yumakap sa kanya nang mahigpit nang mahigpit.
"Ipinanganak ako sa bahay ng lola't lolo ko sa father side. Ni hindi nila na-afford na ilagay si mama sa hospital noon kahit maselan ang kanyang pagbubuntis. Fortunately, this Yamirah in front of you survived."Naglakad siya pababa ng munting entablado. "But my life didn't end there. Napasukan na ni papa lahat ng p'wedeng pasukang trabaho para lang kumita ng pera. A lot offered him illegal jobs but none of these were entertained because he was a good man. Yet his kindness was taken for granted. Maraming nanloko sa kanya, maraming nagnakaw hanggang sa lumubog kami sa utang. Masyado siyang naging mabait na ultimo si mama ay nagkaroon ng ibang kinakasama habang sila pa."Pumiyok ang boses niya nang maalala ang panahong iyon. "Yes, my mom left and went to Bermuda with her new man. Sa edad na walo ay iniwan niya ako, kami ni papa. All I had is my grandparents and my father. Ngayon niyo sabihin na may nanay ako. Go! Tell me!" Bumuhos ang luha niya habang puno ng poot na tinitingnan sila isa
Hindi niya nagawang magsalita. Isa-isang nagsilapitan ang mga Francisco at niyakap siya, ni-welcome sa family nila.Wala siyang ideya kung paanong sa dalawampu’t tatlong taon niya sa mundo ay hindi niya sila nasilayan man lang. Her mom, Cassandra Francisco, never mentioned about her family. Nawalan na rin naman siya ng pagkakataong malaman pa.Tinanong niya kay Sunshine kung alam na ba nito sa simula na mag-pinsan sila, pero sabi nito ay kumakailan lang din naman nito nalaman iyon. Pareho silang nakararamdam ng lukso ng dugo, pero hindi niya kailanman naisip na may natitira pa pala siyang kamag-anak sa mundo.Sunshine is the one who knew the truth. Madalas daw i-kuwento ng papa nito ang tungkol sa paborito nitong kapatid na si Cassandra na hindi na kailanman nagparamdam simula nang maging sila ng papa niya.One day, she had the files and background information of the TAP writers. Bilang sekretarya ay hindi malabong mahawakan niya ang mga 'yon. She saw the name Cassandra in Yamirah's f
"Looks like she didn't really intend to kill herself. Ito lang siguro ang pinakamabisang paraan na naisip niya to divert the emotional pain. Malayo sa mismong pulso niya ang hiwa, buti naman."Nakarinig si Yamirah ng mga nag-uusap. She didn't open her eyes yet."Pero bakit siya nawalan ng malay, Doc?" Boses iyon ng kaibigan niyang si Vera. Mukhang ito ang tumawag sa pangalan niya kanina bago siya nawalan ng malay."Overfatigue. Drained ang energy niya. Your friend needs rest and assistance. Is she always like this? How many times did she hurt herself already?""Ito palang po ang una sa tingin ko. I know her, she might have a heavy reason. My friend and I have suffered a lot in our lives, but she had never been depressed and attempted to cut herself or something."Mahabang katahimikan ang namayani."If that's the case, kailangan niya ng magpapagaan sa pakiramdam niya, hindi 'yung nagkukulong siya sa kuwarto. She can stay here for a day, but if you want to take her somewhere else, it's
Three weeks passed since the last time that she set a foot inside the premises of TAP building. She is too cruel and too insensitive to show her face after everything that had happened. Sa ikalawang linggo ng hindi niya pagpasok, nalaman niya kay Sunshine na sunod-sunod ang business trip ng binata, at ni minsan ay hindi siya nito nagawang kumustahin, hanapin, o tanungin man lang. Ang kapal ng mukha mo para isiping iniisip ka pa niya, Yamirah! Sa ikatlong linggo, hindi na niya napigilan ang sarili na magpadala ng mensahe rito. Sa una ay tungkol ang mga ito sa trabaho, pero 'di naglaon ay nagsimula na siyang humingi ulit ng tawad sa lahat ng kanyang kasalanan, sa lahat ng nangyari. None of her messages received a response. She's at fault, but is it unreasonable for her to get hurt? Somehow, she has a reason to get hurt. Own feelings and understanding, he said. Then why can't his feelings and understanding overpower his anger after knowing more of the truth? Mariin siyang napapikit
Nanggigigil na ibinato niya ang phone sa sahig. Kitang-kita niya ang pagkawasak nito gaya ng kung paano nawasak ang kanyang pagkatao.Mapait siyang humagulgol. Still on her naked body, she slowly sat down on the floor and hugged her knees.She looked at her reflection again. She couldn't help but to cringe. Soft skin, creamy, innocent. But she herself knows the truth."Ang dumi. Ang dumi-dumi ko!" Malakas siyang napaiyak na para bang doon na niya ibinunton lahat ng kasalanan at pagsisisi niya sa buhay.Hinayaan niyang mabasa ang kanyang tuhod at hita ng luha. Nandidiri siya sa sarili niya, pero ultimo luha ay hindi kayang linisin ng marumi na niyang kalukuwa.She cried her heart out, until the extreme sadness lulled her to sleep.***Nagising siyang magaan ang pakiramdam. She slowly opened her eyes and it shocked her to see the face of the man she loves the most. Ito, ito ang gusto niyang masilayan araw-araw.Oo, binalikan siya nito."Ash," she called his name. "Nasaan ako? Kanina mo