Minsan hindi mapigilang isipin ni Yamirah kung masama ba ang pagiging mabait. She never humiliated anyone in her life. She is kind and nice to everybody. Responsable siyang estudyante at matulungin na apo. Totoo rin siyang kaibigan at masunuring mamamayan.
Pero bakit minsan, kung sino pa ang mababait ay sila pa ang pinagkakaitan ng kasiyahan? A lot of evil people are happy. She's far from being evil but why the hell she doesn't deserve it?
Sumama sa ibang lalaki ang kanyang ina at namatayan siya ng ama. Naiwan siya sa lolo at lola niyang todo kayod at walang-humpay na nagbanat ng buto para mabayaran ang utang na iniwan ng kanyang ama. Unti-unti nilang nabayaran ang mga ito habang pinag-aaral siya.
Ngayon at nasa kolehiyo na siya at humihina na ang kanyang lola, panahon na para siya naman ang kumita. Madalas hindi na nagka-kasya ang ibinibigay nila sa kanya kaya kailangan niyang magtrabaho sa mismong paaralan para malibre siya kahit papaano sa mga gastusin doon.
Ngunit hindi pa rin ito sapat. Gusto na niyang patigilin ang lola niya sa pagtitinda dahil mahina na ito, baka kung ano pa ang mangyari kapag nasa matao itong lugar. Ang lolo naman niya ay hindi na makalakad magmula nang nahulog sa puno ng niyog habang kumukuha ng mga bunga na siya namang ibebenta nila sa lungsod.
Yamirah wants nothing but to help and survive. Pagmamahal at pagmamalasakit lang ang dahilan kung bakit siya lumalaban, wala siyang hinahangad na anumang kasakiman. So, why? Why is the earth so cruel to her? What did she do to suffer all of these?
Ayaw niya mang lumabas mula sa gusali ay pinili ni Yamirah na umalis na lang doon kahit umuulan na. Gutom na gutom siya, hindi siya natanggap sa trabaho, wala siyang pamasahe pauwi, at umuulan pa nang malakas. Kung gaano siya kabait ay gan'on naman kasama ang tadhana sa kanya.
Just a second of being under the rain and she's already soaking wet. Nevertheless, Yamirah kept on walking. Her stomach is hurting, but her today's failure is what makes her emotionally drained. Naramdaman niya ang pag-agos ng luha mula sa mata niya. Sumabay ito sa mga patak ng ulan na bumubuhos sa kanyang mukha.
Bahagya siyang natigilan nang makarinig siya ng busina. Dahan-dahan ay may tumigil na sasakyan sa tabi niya. The driver's seat's window opened, showing a face of an aristocrat that Yamirah never saw even in her most aesthetic illusions... something that is beyond the limit of her imagination.
She didn't know what to react so she chose not to say a word and just stared at the living fictional character in front of her.
Oh, I never thought that someone would deserve those hyperboles.
Bumaba ito ng kotse, may hawak na payong. Nang mabuksan nito ang binata ay agad itong lumapit sa kanya at inilahad ang payong na hawak. Wala sa sariling tinanggap niya ito.
"Are you crying?" pansin ng binata habang nakatingin nang diretso sa mata niya. Hindi makapaniwalang nakatitig lamang siya rito.
He's like a perfect hallucination, for crying out loud.
Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. Muling bumalik sa kanya ang malaking pagkabigo. Napalitan ng pait ang ekspresiyon niya sa mukha. "H-hindi. Ayos lang po ako. Uuwi na 'ko."
Mataman siyang tinitigan ng lalaki na animo'y sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo. "You're not okay, young lady. You look so stressed for an eighteen-year-old."
Ngumiti siya nang mapait. Hindi niya rin naman ito ginusto. "Uuwi na po 'ko. Pasensiya na, nakaabala pa ako."
"Where do you live?" sa halip na pabayaan siya ay tinanong ito ng lalaki. "Sumakay ka na sa kotse."
Sunod-sunod na pag-iling ang naging sagot niya. "Hindi na po kailangan. Kaya ko na ang sarili ko." Ang totoo ay ayaw niyang makita ng lalaki kung gaano siya kahirap. For the first time in her life, she felt insecure and ashamed about who she is. Hindi ito maganda.
At grabe, bakit ito narito? May pa-wild card ba ng kasuwertehan ang tadhana? Bakit hindi niya pa sinimulan kanina?
"Get in the car, young lady," Ash authoritatively commanded. "If you don't want me to take you to your home, then at least change your clothes. Sige na, pasok."
Kung tutuusin ay wala namang karapatan ang lalaki na utusan siya, ngunit mistulang tauhan si Yamirah na sumunod sa binata. He has this manipulative manner that she seemed to tolerate with willingness. Hindi na talaga ito maganda.
Isa pa, bakit ito biglang nagiging mabait sa kanya? Masyado na bang halata na nakakaawa siya?
Pareho silang walang imik sa loob ng kotse. Hindi ito maliit pero pakiramdam niya ay ang sikip nito para sa kanilang dalawa.
Though Ash's body is not too broad for a man, he's tall. Bata pa naman ito kaya natural lang na hindi pa masyadong malaki ang kanyang pangangatawan, ngunit bakas sa tiyan nito ang abs na nagtatago sa manipis na tela ng kanyang long sleeve.
Nakita ni Yamirah na dinala siya nito sa isang coffee shop. Nakita niya ang pangalan nito. Coffee Monster. Mas nauna itong umibis at pinayungan siya paglabas niya.
Sumikdo ang puso niya. Para siyang nasa loob ng kanyang nobela at nakatagpo na niya ang kanyang katambal.
Sabay silang naglakad papasok. The tiny café huddled despondent among the huge city buildings. Washed out under the overcast sky, it seems so comfortable to be inside.
Yamirah then hunched in herself, fighting against the drizzle. Few people rushed by it, outside on the crowded street. Sinasabayan ng lamig ng panahon ang init na nananalaytay sa ugat niya habang kasama ang pinaka-guwapong nilalang na nasilayan niya sa balat ng lupa. Another hyperbole. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya tinutulongan ngayon ng anak ng CEO na nang-reject sa application niya.
Ash is the one who pushed the café's door. Some customers glanced up as the door swung open, heralded by a blast of cold wind. Agad na isinara iyon ng binata nang napansing humalukipkip ang ilan.
The air is thick with the scent of coffee. Halos mapapikit si Yamirah kahit sa simpleng aroma lamang ng ginagawang kape sa dulong bahagi ng gusali.
Humanap sila ng upuan. "Wait a minute." Ang baritonong boses ng binata ang muling nagpainit sa kanya. Tinanguan na lamang niya ito at pinanood na pumasok sa maliit na opisina ng café.
May kilala siya rito? natanong niya sa sarili but eventually shrugged it off.
Paminsan-minsan siyang napapatingin sa labas at napapayakap sa sarili kapag may bagong entrant at pumapasok ang lamig. Basang-basa siya, halos panginigan na siya ng kalamnan.
Umangat ang tingin niya nang makita si Ash na papalapit. May inabot itong paper bag sa kanya. "That's the comfort room." Itinuro nito ang nasa likuran niya. "Change your clothes, baka magkasakit ka."
Hindi niya mapigilang pamulaan ng pisngi. "Salamat," tipid niyang sagot dito bago nagmamadaling pumunta sa banyo at nagpalit ng damit. Base sa obserbasyon niya ay hiniram niya lang ito dahil amoy niya ang downey rito, mukhang bagong-laba.
Pagbalik niya sa lamesa nila ay may naka-serve nang Caramel Macchiato sa puwesto niya. Ash ordered a coffee for her.
Nang maayos na silang magkaharap at humupa na ang lamig sa kanyang katawan ay saka naman ngumiti si Ash sa kanya, ngiting nagpaliyab sa kanyang kaluluwa. It's ironic. Kani-kanina lang ay nanlalamig siya, ngayon ay mukha namang pinagpapawisan na.
"So," Ash started a conversation. "Hi." Ngumiti itong muli. The way his lips lifted upward, it's amazingly strange. The way his right dimple crinkles is as sexy as a blooming red.
His smile is a ray of sunshine, and I am a girl of daylight.
"H-hello." Ilang beses siyang napalunok. "Salamat ulit."
Sumimsim si Ash sa kape niya. Even his simple way of sipping from his coffee gave her a sudden tingling sensation. "Anything for you, young lady. What is your name again?" He tried to recall it. "Yamirah. Hmm, too long."
Natawa siya sa turan nito. "Yamirah ang tawag ng lahat sa akin. Maliban sa kaibigan kong minsan ay tinatawag akong Yam."
"Make me an exception. Can I call this girl Amir?"
Mariing nagdikit ang mga labi niya sa narinig na pangalan. "Anything that pleases you."
"Yeah." Kinagat ng binata ang pang-ibabang labi habang nangingisi. "Graduating ka na. It must be exhausting. Why do you want to apply now?"
Bumalik ang lungkot sa dibdib niya nang maalala ang sitwasyon. "Poverty." Mapait siyang ngumiti. "At matagal ko nang pangarap ang makapasok sa kumpanya n'yo. Tinitingala ko ang TAP noon pa man. It's my dream publisher." Mataman siyang tinitigan ng binata. Hindi niya mabasa sa reaksiyon nito kung ano ang iniisip. "Pero okay lang. Siguro hindi lang ito para sa akin. I'm used to failures."
Nakita niya ang pag-iiba ng ekspresiyon sa mukha ng kaharap pagkatapos ng sinabi niya. "Sometimes, I hate people who force themselves to be okay." May concern sa mukha nito. "Ang dami ninyong nag-apply ngayong araw, at wala ni isa ang pumasa. Pero ikaw lang ang kaisa-isang na-reject na pinanghinayangan ko," pahayag nito na siya namang nagpasikdo sa kanyang puso.
Ilang minuto lang ay nakuha na ng binata ang loob niya. They shared stories and she felt comfortable in his company. Masyado nga lang itong guwapo sa paningin niya kaya minsan hindi niya mapigilang isipin na baka nananaginip na naman siya. Pero hindi, e. Totoong-totoo ito.
Sa hinaba-haba ng naging kuwentuhan nila ay nakalimutan niyang bigla ang kanyang gutom. Ngunit nang nalaman ni Ash na hindi pa siya nananghalian ay kulang na lang pagalitan siya nito dahil hindi agad siya nagsabi.
They ate together. Sinabi niya kasi kanina na ayaw niyang kumaing mag-isa habang magkaharap sila kaya sinaluhan na siya nito. Very thoughtful.
Lutang na lutang pa rin ang pakiramdam niya hanggang sa naghiwalay sila. Hindi na ito nagpumilit na ihatid siya nang makuha nitong ayaw niya talaga. Instead, he just paid for her ride. Hindi na niya ito tinanggihan dahil wala na talaga siyang pera.
Nang makauwi, doon niya lang nailabas ang lahat ng nasa dibdib niya. 'Yung disappointment sa hindi niya pagkatanggap, 'yung excitement na kanina pa niya nararamdaman habang kasama ang anak ng CEO, ang kilig niya sa kaloob-looban habang pilit pino-proseso ang nangyaring pagsasama nila, lahat.
Humugot siya ng malalim na hininga bago tumili nang pagkalakas-lakas.
Mayamaya at narinig niya ang nagmamadaling nga yabag ng kanyang lola na galing sa kusina.
"Susmaryosep kang bata ka! Nandito ka na pala! Saan ka ba nanggaling at bakit ngayon ka lang? At bakit ka nagtitili riyan? Para kang putang hindi napagbigyan!"
Nauwi sa malakas na tawa at pag-iling ang kanyang reaksiyon. Wala talagang salitang sina-santo ang lola niya. Pero dahil din sa kataliman ng dila nito ay kaya siya lumaking may disiplina. Huwag na lang niyang susubuking lumabag sa kanila, takot niya lang sa lola niya. Isa pa, innate namang mabait siyang apo.
"May pinuntahan lang po, 'La. Kayo naman," paglalambing niya rito.
Akmang yayakapin na niya ito nang bahagya itong lumayo at tiningnan siya nang may pagdududa.
"At saan ka naman pumunta? Alas-siyete y media pa lang ng umaga nang lumabas ka, Yamirah." May kung anong babala sa tinig nito.
Umiling-iling siya. "Sinubukan ko lang pong maghanap ng part time job, Lola! 'Ku, hindi ako mag-aaksaya ng oras sa hindi importanteng bagay, alam ninyo iyan."
"Aba, e, malay ko ba kung may pinagkakaabalahan ka nang katarantaduhan. Huwag mo akong subukan, Yamirah. Matanda na ako pero hindi mo ako maloloko. Malalaman at malalaman ko ang totoo, tandaan mo iyan."
Mahina siyang tumawa. Kahit palaging nagdududa ang lola niya sa kanya, alam niya sa sarili niya na pinagkakatiwalaan siya nito. Hindi lang nito ipinapakita iyon para patuloy siyang magpakatotoo.
"Hindi ko po kayo lolokohin, pangako."
Humalukipkip ang matanda. "Nalaman ko kanina na buntis na iyong dalaga nila sa ikatlong-bahay. Kinse anyos pa lang yata ang nene!" Napasapo ito sa noo. "Susmaryosep! Mga bata ngayon!"
"Si Lenlen po? Oo nga, bata pa iyon. Kaka-regla niya lang!" hindi makapaniwalang usal niya. "Pero hindi natin alam ang dahilan kung bakit siya nabuntis. At hangga't kaya namang pangatawanan ang responsibilidad ng pagiging ina ay wala namang masama roon." Tiningnan niya ang kanyang lola. "Desisyon na po nila iyon. Huwag na lang nating husgahan."
Tumaas ang kilay ng huli. "Ipinagtatanggol mo ba ang batang-ina na iyon, Yamirah?"
"H-hindi naman po sa ganoon!" nauutal niyang tugon. "Hindi naman po iyon tama, pero hindi naman na kailanga'ng iparamdam sa kanila iyon dahil alam na nila iyon sa sarili nila, depende sa magiging resulta. Nariyan na, e. Baka kung makatanggap pa iyon ng panghuhusga, maisipan pang ipalaglag ang bata."
Halos uugod-ugod nang naglakad ang matanda at umupo sa pinakamalapit na silya. "Ang daming kuda. Basta ikaw, mag-aral ka muna at maghanap ng trabaho. Saka na iyang libog mo kapag may buhay ka na. Naiintindihan mo?"
Mariing nagdikit ang kanyang mga labi sa pagiging straightforward ng kanyang lola. "Pangako po."
"Ipangako mong birhen kang maglalakad sa altar. Ipangako mo."
Ngumiti siya rito kahit na ang talim ng tingin nito sa kanya. "Pangako po, Lola."
Sana nga.
Pupungas-pungas ng mata si Yamirah habang kinakapa ang switch ng kanilang kuwarto. May dalawang kuwarto ang bahay nila ngunit nang namatay ang ama ay minabuti niyang tumabi sa kanyang lolo at lola.Dahan-dahan siyang bumangon, sinubukang huwag makagawa ng ingay. Hirap ang kanyang lolo sa pagkuha ng tulog, madalas hatinggabi na itong dinadalaw ng antok. Dahil dito, hangga't maaari ay ayaw niyang magising ang sinuman sa kanila.Nang makita ang phone na nasa ibabaw ng aparador, lumabas siya ng kuwarto gamit ang flashlight nito. Pumunta siya sa kusina at nagsaing. Isinabay niya naman na ang pagka-kape nang naisalang na niya ang ulam sa lutuan.It has been her everyday routine for years. Maaga ang pasok niya dahil dadaan pa siya sa office ng dean. She is a college scholar. May mangilan-ilang trabaho ang ibinigay sa kanya ng dean na siyang ginagawa niya bago magsimula ang klase.Sa hapon naman ay sasaglit siya sa Reading Center para magsinop ng mga librong hindi naibalik nang maayos at para
Ikinalat niya ang tingin sa paligid. At first, she just shrugged the bright light coming from the dome lights few inches away from her. But when she gathered her senses, like being pulled by a string, she immediately stood up from laying."Oh my God," nanlalaki ang matang bulong niya sa sarili. "Oh my God."Bakit pa ako nandito?!Hindi niya alam kung ano ang nangyari, basta ang natatandaan niya ay nakatulog siya rito kanina dahil sa sobrang pagod. Wala na ito sa car wash pero siya, narito pa rin sa loob!"What... the... hell."Napansin niyang nasa ibabaw na siya ng passenger's seat, at lalo siyang nawindang nang makitang umaandar ang sasakyan at nakabukas ang air-con!Napahilamos siya sa mukha at kinapa ang phone. Nakita niyang wala man lang ni isang missed call mula kay Vera. Kahit hindi naman ito mayaman ay alam niyang lagi itong may pan-text sa dami ng textmate nitong nakuha kaka-plug ng number nito through group message.Nang umayos siya ng upo ay halos hindi niya pa maramdaman an
Dalawang-araw siyang hindi pumasok sa klase. Pinakaunang araw ng trabaho nila sa car wash ay nilagnat na siya. Kinabukasan paggising niya, sobrang sakit ng buong niyang katawan. Kung sakit lang sana sa ulo ay kakayanin niyang tiisin. Ang kaso, kaunting galaw niya lang ay halos maghingalo na siya sa sakit.Napakamalas ko, talagang-talaga. Iyong una niyang suweldo, naibili rin niya ng gamot para sa sakit ng ulo at katawan. Mas malas pa dahil hindi na niya matulungan ang kanyang lola sa mga gawaing-bahay. Sa halip na makatulong, mas lalo pa siyang naging pabigat.I better have nothing to eat than to get sick!Ikatlong-araw na ito na hindi siya pumasok. Ayos na ang pakiramdam niya pero hindi siya pinayagan ng lola niyang lumabas at baka mabinat siya.Buryong-buryo na siya sa loob ng bahay. Nakapaglinis na ang matanda at nakapagluto na rin ng ulam para sa buong maghapon, wala na siyang ibang puwedeng gawin. Napagod na ang mata niya kakabasa ng notes at kakatipa sa cell phone para sa bago n
Hindi siya umimik. Napasunod na lang ang kanyang mata sa pagbukas ng pinto ng sasakyan, at mula rito ay umibis ang lalaking gustong-gusto na niyang makita pero gusto niya ring iwasan.Pigil ang hininga niya nang inilibot ng binata ang tingin doon, hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa kanya.Her knees weakened... again. His presence, his stare, it's making all her senses go haywire. And the reasons of all these inner chaos she's trying to control is still vague. At first she thinks it is a reaction of the fact that Ash is a tycoon-the soon-to-be Chief Executive Officer. Then there are times she admits he is undeniably and inarguably admirable. Ah, the vagary of thoughts."Hello po, Sir Ash!" biglang nag-ingay si Vera. "Papalinis kayo ulit? He he."Pabebe. Gusto niyang sikuin ang kaibigan sa asal na ipinapakita nito, pero mukhang sanay na sanay naman na ang binata sa ganitong klase ng mga babae."Hindi, may iba akong sinadya rito," sagot naman ng binata habang nakatitig pa rin sa ka
Five years later..."Happy 24th birthday, Yamirah!""You know I don't celebrate birthdays."A slight chuckle came out from the speaker. "I miss you."Tipid siyang ngumiti nang marinig ang medyo nagtatampong boses ng kaibigan. "Miss na rin kita, oy.""My son wants to meet you. Alam mo naman kung gaano ako kabuting kaibigan, 'di ba? I told him a lot about you—pure positive."Hindi niya napigilang matawa nang malakas. "Kasi from the first place, wala ka namang masasabing negative tungkol sa akin.""Oh?" tunog unconvinced na tugon ng kaibigan. "E, ano ang tawag sa pagpunta mo riyan sa Bermuda nang walang paalam? At heto pa, LIMANG TAON NA, HINDI KA PA UMUUWI!"Nakabibingi ang lakas ng boses ng kaibigan, pero sa halip na sumagot ay biglang natahimik si Yamirah. Parang nagkakarerahang karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso niya at ninanakawan siya ng hininga."Yam, miss na talaga kita. But if you can't come home, I'll try to understand. Magkaibigan tayo since immemorial pero wala akon
"I'm sorry, Ma'am, pero hindi po tumatanggap ng bisita si Sir Santillan. You need to set an appointment with him.""Please," pakiusap ni Yamirah. "Tell him it's an important matter.""Hindi lang po kayo ang may importanteng rason para makipagkita sa kanya, Ma'am. Marami po ang gustong kumausap sa kanya, at ikalima na kayo sa araw na ito. Sir Santillan is a busy person. Even some of his recent appointments were cancelled.""Paano kung napakaimportante nito?" banat pa niya."If it's not the matter of life and death then I'm sorry, you better come the other day and have another try."Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Naiintindihan naman niya na busy ito. Isa pa, hindi rin naman siya importanteng tao para pag-aksayahan ng oras ng binata.Hindi niya lang alam kung bakit para siyang sinindihang gasolina na agad na nagliyab nang marinig ang kuwento ng kaibigan. Parang gusto niyang tumakbo palapit sa lalaki, yakapin ito, humingi ng kapatawaran, at sabihing huwag itong sumuko. Gusto
Happy isn't enough to describe her emotion right now. Her heart is in bliss, and a joy in her eyes.Binilhan siya ng kaibigan ng ticket para sa nalalapit na book signing ng mga TAP authors na may laman pang pera pambili ng mga libro. Bagong taon ngayon, hindi dudang nagbigay din ang kumpanya ng discount sa bawat libro.Hindi niya ito hiningi sa kaibigan o kahit binanggit man lang, pero kusa itong nakipag-agawan ng ticket sa ibang TAP fanatics para sa kanya. Indeed, it's easy to find a friend... but it takes a lifetime to prove how true they are. Vera never failed to prove so.The rectangular object in her hand right now carries more than just a money, but a chance. Posible nga bang makita na niya ang binata roon? Ayon sa narinig niya sa dalawang babae sa bookstore ay lagi itong present tuwing book signing ng nga authors nila. Pagkakataon na niya ito!Ginugol niya ang tatlong araw na paghahanda sa sarili. Ni hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang humarap sa salamin at pinagmasd
"Oh my God!" Napasigaw si Vera. "Sabi ko na nga ba, e! God will answer your prayers when you least expect it. You just have to wait!" Halos tumalon-talon siya sa harapan ni Yamirah na hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin makapaniwala.She is chosen. She's given a chance to work at TAP! They will let her work there for a month, and in that span of time she needs to do her best to show that she deserves the position. Hindi pa siya opisyal na miyembro nito pero ang katotohanang binigyan siya ng tyansang ma-evaluate ay napakalaking bagay na sa kanya."This is a dream," wala sa sariling wika niya."Your dream just come true! See? Some dreams take time, bakla!" Kanina pa nagsisisigaw si Vera sa sobrang excitement at tuwa para sa kaibigan.Tulala si Yamirah kaninang pauwi siya, at ngayong sinabi na niya sa kaibigan kung ano ang nangyari doon ay nagsimula na itong mag-ingay, ginigising ang tulala niyang kalukuwa.This is just... unbelievable."Vera, pakisampal ako. Pakisampal ako, bilis!"
"Come on, I should wash this dress, Ash.""Not on earth I'm going to let you wash. Nagta-trabaho ako, Amir. Kahit limampung katulong pa ang dalhin ko rito sa bahay huwag ka lang magtrabaho, gagawin ko."The slight crease of his forehead and his almost-kissing eyebrows made him look cute and hot at the same time. Idagdag pang nakatapis lang siya ng tuwalya ngayon sa bandang baywang pababa at may mangilan-ilang butil ng tubig ang dumadausdos mula sa kanyang buhok pababa sa matitipuno niyang dibdib.We've been arguing about this for a couple of minutes now. I mentioned him about washing my wedding gown, and this is where it took us."Walang maglalaba. That's final.""But—""Let's settle this later, then. I have an early appointment with Mr. Yu. O baka gusto mong sumama?"Umiling ako. Kung aalis na siya, ibig sabihin ay malalabhan ko na ang wedding gown na ito saka ko itatago.Ash and I were married a week ago. It was a grand party. Maraming dumalo dahil maraming imbitado. TAP employees a
"I still have your resignation letter. I kept it for two years so I could return it one day. Hindi ko 'yon tatanggapin because I am confident that you will return. However, I still want to beg."Kahit nanginginig ay pinilit niyang tumayo at dahan-dahang humarap sa binata. Nag-init ang magkabilang gilid ng kanyang mga mata pero alam niya na hindi na lungkot ang dahilan ng mga ito.Two years didn't seem to change him. Ash Santillan in his muscled body and handsome face is in front of her. Kung may nagbago man sa loob ng dalawang taon ay ang nararamdaman niya. Her love deepened, strongly rooted. Mas lalong sumidhi, mas lalong nahulog."Yamirah Francisco, I beg you. Please come back to your passion. Come back to my company. Come back to my life. Come back to me."Happiness ruled her little universe. Tumakbo siya palapit dito at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit na mahigpit, at kahit kailan ay hindi na niya ito papakawalan pa. Hinding-hindi na."Ash, you never lose me. Wherever I am, I
After looking at the wall clock, she adjusted the hands of her wristwatch until it functions correctly. She checked herself from the mirror few feet away from the counter, and saw a perfect pair of a red sleeveless top that only covers the half of her torso—crop top it is, and a slightly tattered trouser she got from a well-known couture months ago.In her left arm she folded an AFRM Tae Cardigan with a Leopard print like her bottoms. Inayos niya ang tindig. Bahagyang iginalaw niya ang kanyang mga paa na nakasuot ng GUCCI'S HORSEBIT CHAIN BOOTS.She smiled as she felt satisfied with her look. 'Di rin naman nagtagal ay may kumuha na ng atensiyon niya."Miss, ito na po ang order ninyo." A lady florist handed her different bouquet of flowers."So idyllic," she commented, slightly sniffing the flowers' corollas.Nang mabayaran niya ito ay nagmartsa na siya palabas ng flower shop. Sa kabilang dako ng kalsada ay nakaparada roon ang sasakyan ni Drica."Bakit pinakamarami 'yang pink? Puntod n
"Yamirah, gabi na. Ihahatid na kita."Narinig niya mula sa likuran ang boses ng pinsan niyang si Sunshine. Sumunod ito sa kanya hanggang sa gate ng ancestral house."Not a chance," she answered determinedly. "Nakaya kong nabuhay mag-isa... at kakayanin ko pa." Walang masasabi ang dilim ng gabing ito sa dilim na hinatid ng mundo sa kanya.Tuluyan na nga niyang tinahak ang daan palabas ng subdivision. Sa huling pagkakataon ay tumulo ang luha niya. Sinisiguro niya na ito na ang huling pagkakataon na iiyak siya dahil sa sakit, lungkot, at galit. Hindi na siya iiyak pa sa mga taong hindi siya nanaising iyakan din. Not anymore."Baby..." Her weary heart stopped when she heard the voice of the person who can break her heart into pieces, and the same person who can also give a remedy to it.Naka-park ang kotse nito sa labas ng subdivision, at mukhang nanggaling din ito sa kaparehong direksiyon.Hindi niya pa ito tuluyang naharap ay bigla na itong yumakap sa kanya nang mahigpit nang mahigpit.
"Ipinanganak ako sa bahay ng lola't lolo ko sa father side. Ni hindi nila na-afford na ilagay si mama sa hospital noon kahit maselan ang kanyang pagbubuntis. Fortunately, this Yamirah in front of you survived."Naglakad siya pababa ng munting entablado. "But my life didn't end there. Napasukan na ni papa lahat ng p'wedeng pasukang trabaho para lang kumita ng pera. A lot offered him illegal jobs but none of these were entertained because he was a good man. Yet his kindness was taken for granted. Maraming nanloko sa kanya, maraming nagnakaw hanggang sa lumubog kami sa utang. Masyado siyang naging mabait na ultimo si mama ay nagkaroon ng ibang kinakasama habang sila pa."Pumiyok ang boses niya nang maalala ang panahong iyon. "Yes, my mom left and went to Bermuda with her new man. Sa edad na walo ay iniwan niya ako, kami ni papa. All I had is my grandparents and my father. Ngayon niyo sabihin na may nanay ako. Go! Tell me!" Bumuhos ang luha niya habang puno ng poot na tinitingnan sila isa
Hindi niya nagawang magsalita. Isa-isang nagsilapitan ang mga Francisco at niyakap siya, ni-welcome sa family nila.Wala siyang ideya kung paanong sa dalawampu’t tatlong taon niya sa mundo ay hindi niya sila nasilayan man lang. Her mom, Cassandra Francisco, never mentioned about her family. Nawalan na rin naman siya ng pagkakataong malaman pa.Tinanong niya kay Sunshine kung alam na ba nito sa simula na mag-pinsan sila, pero sabi nito ay kumakailan lang din naman nito nalaman iyon. Pareho silang nakararamdam ng lukso ng dugo, pero hindi niya kailanman naisip na may natitira pa pala siyang kamag-anak sa mundo.Sunshine is the one who knew the truth. Madalas daw i-kuwento ng papa nito ang tungkol sa paborito nitong kapatid na si Cassandra na hindi na kailanman nagparamdam simula nang maging sila ng papa niya.One day, she had the files and background information of the TAP writers. Bilang sekretarya ay hindi malabong mahawakan niya ang mga 'yon. She saw the name Cassandra in Yamirah's f
"Looks like she didn't really intend to kill herself. Ito lang siguro ang pinakamabisang paraan na naisip niya to divert the emotional pain. Malayo sa mismong pulso niya ang hiwa, buti naman."Nakarinig si Yamirah ng mga nag-uusap. She didn't open her eyes yet."Pero bakit siya nawalan ng malay, Doc?" Boses iyon ng kaibigan niyang si Vera. Mukhang ito ang tumawag sa pangalan niya kanina bago siya nawalan ng malay."Overfatigue. Drained ang energy niya. Your friend needs rest and assistance. Is she always like this? How many times did she hurt herself already?""Ito palang po ang una sa tingin ko. I know her, she might have a heavy reason. My friend and I have suffered a lot in our lives, but she had never been depressed and attempted to cut herself or something."Mahabang katahimikan ang namayani."If that's the case, kailangan niya ng magpapagaan sa pakiramdam niya, hindi 'yung nagkukulong siya sa kuwarto. She can stay here for a day, but if you want to take her somewhere else, it's
Three weeks passed since the last time that she set a foot inside the premises of TAP building. She is too cruel and too insensitive to show her face after everything that had happened. Sa ikalawang linggo ng hindi niya pagpasok, nalaman niya kay Sunshine na sunod-sunod ang business trip ng binata, at ni minsan ay hindi siya nito nagawang kumustahin, hanapin, o tanungin man lang. Ang kapal ng mukha mo para isiping iniisip ka pa niya, Yamirah! Sa ikatlong linggo, hindi na niya napigilan ang sarili na magpadala ng mensahe rito. Sa una ay tungkol ang mga ito sa trabaho, pero 'di naglaon ay nagsimula na siyang humingi ulit ng tawad sa lahat ng kanyang kasalanan, sa lahat ng nangyari. None of her messages received a response. She's at fault, but is it unreasonable for her to get hurt? Somehow, she has a reason to get hurt. Own feelings and understanding, he said. Then why can't his feelings and understanding overpower his anger after knowing more of the truth? Mariin siyang napapikit
Nanggigigil na ibinato niya ang phone sa sahig. Kitang-kita niya ang pagkawasak nito gaya ng kung paano nawasak ang kanyang pagkatao.Mapait siyang humagulgol. Still on her naked body, she slowly sat down on the floor and hugged her knees.She looked at her reflection again. She couldn't help but to cringe. Soft skin, creamy, innocent. But she herself knows the truth."Ang dumi. Ang dumi-dumi ko!" Malakas siyang napaiyak na para bang doon na niya ibinunton lahat ng kasalanan at pagsisisi niya sa buhay.Hinayaan niyang mabasa ang kanyang tuhod at hita ng luha. Nandidiri siya sa sarili niya, pero ultimo luha ay hindi kayang linisin ng marumi na niyang kalukuwa.She cried her heart out, until the extreme sadness lulled her to sleep.***Nagising siyang magaan ang pakiramdam. She slowly opened her eyes and it shocked her to see the face of the man she loves the most. Ito, ito ang gusto niyang masilayan araw-araw.Oo, binalikan siya nito."Ash," she called his name. "Nasaan ako? Kanina mo