“Oh, saan ka pupunta? Papasok ka na? Ang aga pa ah.”Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Kuya Aaron. Nang bumaling ako sa kaniya, doon ko siya nakitang nakaupo sa solo-seated sofa sa living room. Hawak niya ang kaniyang mug, mukhang iinom na sana siya pero nahinto nang makita niya ako.“At ano iyang mga dala mo? Props?”Bumaba ang tingin ko sa paperbag na hawak ko. Props? Maybe. May mga damit kasi na nakalagay sa loob niyon.“Umuwi ka pala. Akala ko sa hospital ka Kuya eh”Tumaas ang kulay niya nang marinig ang sinabi ko. Muling bumaba ang tingin niya sa paperbag na hawak ko.“Maaga akong papasok ngayon. May mga kailangan lang akong gawin kaya may dala ako nito.”“For work?”Sandali akong nag-isip. For work nga ba ito. Puwede naman. Puwede ring pang-alis ng mga peste sa work. Ngumiti ako kay Kuya at tumango.“Nakatulog ka naman ba nang maayos? Baka naman panay ang puyat mo, Gabriella ha. Kapag may nangyaring hindi maganda sa’yo, ako ang malalagot kay Mama.”Ngumuso n
“What happened to you, Tita?” kunwaring tanong ko pagkapasok ko sa opisina ni Papa para makiusyoso sa mga nangyayari sa loob. Kunwari ay hindi ko alam kung bakit nagkakagulo roon. Napansin ko ang mga empleyadong napapadaan na panay ang lingon sa pinto ng opisina. Kaya naman lumapit ang guwardiya roon at isinara ang pinto.Hinawakan ni Papa sa braso si Sabrina at inalalayan na umupo muna.“Tell me, what happened?” aniya kay Sabrina sa masuyong tono ng boses.Gusto kong mapairap nang makita ang kaartehan ng babae.“I don’t know. Pumasok lang ako tapos bigla na akong nakarinig ng kung anu-ano. Nagpatay-sindi ang ilaw. Pagkatapos ay nakarinig ako ng tawa ng isang bata. Pagkatapos noong nakapasok na ako rito sa opisina mo, nakakita ako ng taong naka-maskara sa labas.”“Baka naman prank lang sa’yo iyon, Sabrina. Baka may kakilala ka na gusto kang takutin o pagkatuwaan.”Umiling si Sabrina.“Hindi ko alam. Kahit na prank lang iyon, kahit na ano pa man ang dahilan ng gumawa niyon, sigurado ak
“And if I don’t want it? Kapag tumanggi ba ako hindi mo ako tutulungan?” tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay ko.Nagkatitigan kaming dalawa. No one dared to speak. It’s as if he’s studying me. Habang ako naman ay pinagmamasdan ang reaksiyon niya sa sinabi ko. There’s a different kind of intensity that is making my knees become wobbly. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaniyang kakaibang ngiti o dahil sa kakaibang hitsura niya ngayon. Pakiramdam ko ay mahuhulog ang panty ko dahil sa aura niya ngayon. Who would’ve thought this guy is nearing thirty? Para lang siyang 25 years old.Inalis niya ang pagkaka-ekis ng kaniyang binti at tuluyan siyang humarap sa akin.“Of course, I will still help you. I just gave you an option.”Mahina akong tumawa.“Your option won’t help. Kung may maibibigay man iyan, I’m sure that would be chaos. Sa tingin mo ba kapag nagkabalikan tayo matutuwa si Sabrina at si Papa? Lalo na at tinanggihan mo ang offer ni Sabrina. I’m sure they would hate
Isang malakas na hampas sa lamesa ng conference room ng Del Rio Holdings ang inabutan ko pagpasok ko sa loob nito. Tanging si Papa, Sabrina, at ang dalawa nilang mga sekretarya ang naroon. Bakas sa hitsura ni Sabrina ang labis na galit at pagkadismaya.“How could he turn his back at us, Eliam?”Kumunot ang aking noo.“Who are we talking about here?” tanong ko, nagpapanggap na walang alam sa nangyayari.“It’s none of your business, Gabriella,” asik niya.Dahil sa reaksiyon niya ay natawa ako. Itinaas ko pa ang aking dalawang kamay bilang hudyat na hindi ako lalaban. Pero ginawa ko iyon sa pabirong paraan. Sabrina is really mad. Kung dati, nagagawa pa niyang pigilan ang sarili niyang pagmalditahan ako, ngayon, pinakikita niya na talaga ang tunay niyang ugali.Si Papa naman ay nakatingin lang sa kaniya. He’s trying to pacify her by telling her it is all going to be okay.I laugh inwardly. I already talked to Jacob about it. I’m sure he’ll keep his promise to me. It’s just the beginning.
Three days later, I was invited by my father to eat dinner outside. Expected ko nang kasama niya si Sabrina kaya imbes na magsuot ako ng kulay puti na dress, I chose to wear black instead.“Saan ka pupunta?” tanong ni Jacob nang makita niya akong nag-aayos. Bumaling ako sa kaniya at tumitig.Hindi pa rin siya nakasuot ng damit. He was half naked at kumot na puti lang ang tumatabon sa kaniyang pang-ibaba.“Bakit hindi ka pa bumabangon diyan?” tanong ko sa kaniya.Sinabi niya sa akin na may lakad siya ngayon. Pero nakapagtataka na hindi pa rin siya bumabangon.“I’m not in the mood to go outside. It’s dinner time, Gab. How could you leave me here alone?”Nginisihan ko siya habang nagsusuot ako ng hikaw sa aking tainga.“Mister, baka nakakalimutan mong inimbita ako ng dinner ng Papa ko.”He rolled his eyes and eventually stood up. Mabilis na umangat ang tingin ko sa kaniyang mga mata kahit ang totoo ay nahagip na ng aking paningin ang kaniyang kahub’dan.“Come on, Gab. Alam naman nating k
Masama ang aking loob nang makabalik ako sa condo ni Jacob. Looks like he wasn’t expecting me at all. Kung sabagay, ang sabi ko ay baka alas diyes ako uuwi. Pero mag-a alas nuwebe palang ay naroon na ako.“Hindi ka lumabas?” tanong ko sa kaniya pagpasok ko. Marahan siyang umiling. Nakaupo siya sa kama at mayroong binabasang libro habang ang kaniyang likuran ay nakasandal sa headboard nito.Mabilis akong nagtungo sa cabinet. May ilang damit ako roon kaya maaari akong magbihis. Tumalikod ako sa kaniya at nagsimula nang magbihis. Tanging underwear nalang ang natira kong damit bago nagsuot ng simpleng t-shirt at pajama na binili ni Jacob sa akin. Inalis ko rin ang make-up ko saka naglakad palapit sa kama. I made sure that my feet is clean before I crawl towards the middle of the bed.I sat next to Jacob and rested my head on his shoulder.“Are you okay?” he asked.Isang marahang tango ang aking sagot. That was a lie. I am not okay. After what happened, I never expected myself to be okay.
Agad akong umatras nang humakbang siya palapit sa akin.“Bakit naman tayo mag-uusap? May dahilan ba para mag-usap pa tayo? If I’m not mistaken, we’ve already talked. Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. And I gave you my reasons why I am becoming like this. Sinabi ko na rin sa inyo ang paraan para matanggap ko kayong muli. It’s either you accept my offer or you decline it.”Matagal siyang nag-isip. Inilagay pa niya ang Kaniyang dalawang kamay sa kaniyang batok.“Can we not do this, anak?”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay mahina akong tumawa.“Seriously? Ikaw pa talaga ang magsasabi niyan? Shouldn’t it be me?”“I do not plan to argue with you kaya ako nandito. I am here because I want to talk to you. I want to say sorry as well. Sa lahat ng mga bagay na nagawa ko sa’yo.”Tumuwid ako sa pagkakatayo.“Are you sorry as well for threatening Jacob in exchange for him to leave me?”Nagsalubong ang kilay ni Papa sa narinig.“He told you?”“I heard you talking about
Matagal kaming nagkatitigan tatlo. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.“We have to go, Anton. Maybe next time. Don’t forget to message me para alam ko at makapaghanda ako.”Hindi nakasagot si Anton. He just stood there looking at us. Ilang sandali pa ay tipid siyang tumango. He’s too transparent with his emotion. To the point that I knew already what he feels when he saw Jacob.He looks devastated for some reason and disappointed.“Sige, ingat kayo,” sabi niya saka naglakad. Nadaanan niya kaming dalawa ni Jacob na hanggang ngayon, hindi pa rin nakakahuma sa kaniyang narinig.Kung hindi pa ako lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso, hindi pa siya babaling sa akin.“Jacob?”“Sorry, I was…”Hindi niya naituloy agad ang kaniyang sasabihin kaya naghintay ako.He looked at me and smiled.“It’s nothing. Let’s go?”Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Dumausdos ang kamay ko sa kaniyang kamay para humawak doon. Tahimik kaming dalawa buong biyahe. Walang n
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n