Matagal kaming nagkatitigan tatlo. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.“We have to go, Anton. Maybe next time. Don’t forget to message me para alam ko at makapaghanda ako.”Hindi nakasagot si Anton. He just stood there looking at us. Ilang sandali pa ay tipid siyang tumango. He’s too transparent with his emotion. To the point that I knew already what he feels when he saw Jacob.He looks devastated for some reason and disappointed.“Sige, ingat kayo,” sabi niya saka naglakad. Nadaanan niya kaming dalawa ni Jacob na hanggang ngayon, hindi pa rin nakakahuma sa kaniyang narinig.Kung hindi pa ako lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso, hindi pa siya babaling sa akin.“Jacob?”“Sorry, I was…”Hindi niya naituloy agad ang kaniyang sasabihin kaya naghintay ako.He looked at me and smiled.“It’s nothing. Let’s go?”Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Dumausdos ang kamay ko sa kaniyang kamay para humawak doon. Tahimik kaming dalawa buong biyahe. Walang n
Ilang beses akong tinawag ni Shantal. Dahil nga katatapos lang ng board meeting, expected na mayroon pa akong mga kailangang tapusin sa opisina bago ako umalis. And it’s too early for me to leave the office. Kahit sino yata sa mga staff na naroon ay nagulat nang makitang humahangos ako palabas ng building.Nang lumingon ako ay nakita ko rin si Lara na lumabas sa opisina niya para tingnan kung anong nangyayari. I know this would become one of his advantages para mapaalis ako sa puwesto. Ngunit sa pagkakataong ito, wala akong pakialam.Ang mahalaga ay makita ko kung kumusta na ang lagay ni Anton. Despite our misunderstanding, hindi pa rin mawawala sa akin ang labis na pag-aalala ko sa kaniya.I called Jacob and told him about what happened. Just like me, he cancelled all his remaining appointments as well just to accompany me to the hospital. Nang dumating kami, nakita ko si Kuya sa labas, kausap niya ang isa sa mga doctor doon.Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mga mata nang makita si J
Pagpasok palang nina Tita Alissa at Arkin ay dali-daling tumakbo palapit sa akin ang batang lalaki. Haharang pa sana si Shantal pero sumenyas ako na padaanin niya ang bata. Umiiyak na yumakap sa akin ang bunsong kapatid ni Anton.“Ate, anong gagawin namin? Si Kuya nalang ang pag-asa namin pagkatapos ganoon pa ang nangyari sa kaniya?”Humugot ako ng malalim na hininga at saka bumaling muli kay Shantal. I nodded at her and that means that she can leave us for a while. Tumango naman siya agad at lumabas ng opisina ko.Inakay ko si Arkin patungo sa sofa at pinaupo roon. Lumapit din ako kay Tita Alissa at yumakap.“Si Anna po?” tanong ko.Malungkot ang hitsura ni Tita. Bakas sa mga mata nito na galing ito sa pag-iyak.“Gustong sumama pero hindi ko naman puwedeng hayaan na mag-isa ang ama nila sa Siargao. Nang malaman ng Tito mo ang nangyari, halos mabaliw siya. Iyak din nang iyak si Anna. Gustuhin man naming pumunta rito lahat, hindi pa naman tuluyang magaling ang kanilang ama para bumiyah
“Are you available on Friday?” tanong ni Jacob nang malapit na kami sa counter. Maraming nakapila sa supermarket at kami ang nasa pinakahulihan.“I have work,” I said as a matter of fact. Weekdays are devoted for my job. Sabado at Linggo lang ang pahinga ko sa trabaho.“Why? Something came up?”Hindi siya agad sumagot. Kundi ko pa siya pinilit na magsalita, hindi pa niya sasabihin ang nasa isip niya.“Naghanda kasi ng reunion party si Dad at si Tita Amara para sa buong angkan ng mga Castillo. Most of my cousins are bringing their partners. I’d like to ask you hoping that you’ll come with me. Pero sabi mo nga, busy ka. Nakakahiya naman kung aabalahin pa kita.”Matagal akong tumitig sa kaniyang mga mata.“You really think I’ll allow you to go there alone? Hell no! Sasama ako.”“Pero sabi mo, may trabaho ka.”“Puwede ko naman isantabi iyon pansamantala. Importante naman yung pupuntahan natin. Sigurado naman akong maiintindihan nila kung aalis man ako. Isa pa, hindi naman ako pabaya sa tr
Sakay ng isa sa mga private chopper na pag-aari ni Jacob, nakarating kami sa Siargao ng halos wala pa isang oras na biyahe.“Should I prepare for the worst? You said that it will take a lot of years before your family’s able to gather all the Castillos. Sigurado akong hindi lahat sa pamilya mo ay mababait.”Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa sasakyan na nag-aabang sa amin. Isang kotse na minamaneho ng isa sa mga tauhan ni Jacob.Nang makarating na kami roon, marahang nag-bow ang lalaki saka umalis.“Ikaw ba ang magmamaneho ng sasakyang ito?” tanong ko sa kaniya.He shrugged. Ang bag ko na may lamang mga damit ay nilagay niya sa backseat ng kotse.Umikot naman ako sa kabila bahagi nito at sumakay sa shotgun seat.“Many of the Castillo family members grow in other countries. Lalo na ang mga anak ng mga Tito at Tita ko. Some of them are kind but most of them are bitchy. Like your cousin, Lara. I think it would be better for us if we stay far from the limelight of the event.”“Why?”
“Tita Clarisse, please not here,” agad na sabi ni Jace na kagaya ni Jacob ay nakaharang sa akin ngayon. As if both of them we’re protecting me from the woman who seemed to be mad at seeing me.“I heard that your fiancée as well is a Del Rio, Jace. Hindi talaga kayo nakinig sa mga pangaral ko sa inyo bago ako nag-migrate ng US.”I was confused of the woman’s attitude. Ito ang unang beses ko siyang nakita and yet, kung makapagsalita siya sa akin ay dinaig niya pang ilang dekada na kaming magkakilala.“Excuse me po, ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi niyo?”Napalingon sa akin sina Jacob, Janina, at Jace. Kung inaakala nilang hindi ako sasagot porket matanda na ang babaeng nasa aming harapan, puwes nagkakamali sila.If I could talk back to my dad, well, I could talk back to other people as well. And I don’t care if she’s a Castillo.Humakbang pa siya palapit sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.“You’re young. You seemed smart. Pero sigurado ka ba rito sa pamangkin ko? o b
Hindi na umapela pa si Jacob. Nang makarating kami sa maliit na kubo na walang tao ay agad akong humarap sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.“So...” panimula ko habang nakatingin sa kaniya.Gulong-gulo ang kaniyang tingin sa akin.“You said you wanted to do it in the seashore.”Tumango naman ako.“Kaya nga.”“If so, why are we here in the hut?”I bit my lip and tried to hide my smile.“I don’t think I can do it here in General Luna. Maraming tao sa paligid at sa totoo lang, I’m worried that someone might caught us. Kaya dito kita dinala. Malapit din naman sa dagat itong kubo.”He laughs.“Paano kapag bumalik dito yung may-ari ng kubo? Ganoon din iyon, mahuhuli rin tayo.”Pinameywangan ko siya.“Paano kung hindi? It’s late night already. Hindi na iyon babalik.”He sighed and stared at me.“You really want to do it here?” he asked.I nod.“I want to try.”There’s a moment of silence before he grabbed me by the arm and pulled me towards him.“We’re supposed to be talking, why on e
Maaga kaming umalis ng General Luna kinabukasan. Ang plano ni Jacob ay sa San Isidro na kami manatili hanggang linggo ng umaga para magkaroon kami ng pagkakataon na mabisita ang mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin.Magmula nang magising kami hanggang sa biyahe ay hindi na kami nagkikibuan. Nasa isip ko pa rin ang nangyari kagabi at siya naman ay abala sa pagsagot ng mga tawag sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan kaya hindi ko na siya kinausap pa.Nakatulog ako sa biyahe at kusa ring nagising nang maramdaman kong bumabagal na ang takbo ng sasakyan.Pagkahinto nito ay nauna na akong bumaba at kinuha ang mga gamit ko sa backseat. Nauna na rin akong pumasok sa loob.“Gabriella.”Agad akong lumingon sa aking likuran nang marinig ang pagtawag ni Jacob sa akin.“Hmm?”“Aalis muna ako. Kailangan ko lang puntahan sa Del Carmen. Pinatatawag ako ni Mama. Gusto mo bang sumama sa akin?”Tipid akong ngumiti sa kaniya saka marahang umiling.“Pagod ako, Jake. Next time nalang.”Tumango naman
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n