“Are you available on Friday?” tanong ni Jacob nang malapit na kami sa counter. Maraming nakapila sa supermarket at kami ang nasa pinakahulihan.“I have work,” I said as a matter of fact. Weekdays are devoted for my job. Sabado at Linggo lang ang pahinga ko sa trabaho.“Why? Something came up?”Hindi siya agad sumagot. Kundi ko pa siya pinilit na magsalita, hindi pa niya sasabihin ang nasa isip niya.“Naghanda kasi ng reunion party si Dad at si Tita Amara para sa buong angkan ng mga Castillo. Most of my cousins are bringing their partners. I’d like to ask you hoping that you’ll come with me. Pero sabi mo nga, busy ka. Nakakahiya naman kung aabalahin pa kita.”Matagal akong tumitig sa kaniyang mga mata.“You really think I’ll allow you to go there alone? Hell no! Sasama ako.”“Pero sabi mo, may trabaho ka.”“Puwede ko naman isantabi iyon pansamantala. Importante naman yung pupuntahan natin. Sigurado naman akong maiintindihan nila kung aalis man ako. Isa pa, hindi naman ako pabaya sa tr
Sakay ng isa sa mga private chopper na pag-aari ni Jacob, nakarating kami sa Siargao ng halos wala pa isang oras na biyahe.“Should I prepare for the worst? You said that it will take a lot of years before your family’s able to gather all the Castillos. Sigurado akong hindi lahat sa pamilya mo ay mababait.”Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa sasakyan na nag-aabang sa amin. Isang kotse na minamaneho ng isa sa mga tauhan ni Jacob.Nang makarating na kami roon, marahang nag-bow ang lalaki saka umalis.“Ikaw ba ang magmamaneho ng sasakyang ito?” tanong ko sa kaniya.He shrugged. Ang bag ko na may lamang mga damit ay nilagay niya sa backseat ng kotse.Umikot naman ako sa kabila bahagi nito at sumakay sa shotgun seat.“Many of the Castillo family members grow in other countries. Lalo na ang mga anak ng mga Tito at Tita ko. Some of them are kind but most of them are bitchy. Like your cousin, Lara. I think it would be better for us if we stay far from the limelight of the event.”“Why?”
“Tita Clarisse, please not here,” agad na sabi ni Jace na kagaya ni Jacob ay nakaharang sa akin ngayon. As if both of them we’re protecting me from the woman who seemed to be mad at seeing me.“I heard that your fiancée as well is a Del Rio, Jace. Hindi talaga kayo nakinig sa mga pangaral ko sa inyo bago ako nag-migrate ng US.”I was confused of the woman’s attitude. Ito ang unang beses ko siyang nakita and yet, kung makapagsalita siya sa akin ay dinaig niya pang ilang dekada na kaming magkakilala.“Excuse me po, ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi niyo?”Napalingon sa akin sina Jacob, Janina, at Jace. Kung inaakala nilang hindi ako sasagot porket matanda na ang babaeng nasa aming harapan, puwes nagkakamali sila.If I could talk back to my dad, well, I could talk back to other people as well. And I don’t care if she’s a Castillo.Humakbang pa siya palapit sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.“You’re young. You seemed smart. Pero sigurado ka ba rito sa pamangkin ko? o b
Hindi na umapela pa si Jacob. Nang makarating kami sa maliit na kubo na walang tao ay agad akong humarap sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.“So...” panimula ko habang nakatingin sa kaniya.Gulong-gulo ang kaniyang tingin sa akin.“You said you wanted to do it in the seashore.”Tumango naman ako.“Kaya nga.”“If so, why are we here in the hut?”I bit my lip and tried to hide my smile.“I don’t think I can do it here in General Luna. Maraming tao sa paligid at sa totoo lang, I’m worried that someone might caught us. Kaya dito kita dinala. Malapit din naman sa dagat itong kubo.”He laughs.“Paano kapag bumalik dito yung may-ari ng kubo? Ganoon din iyon, mahuhuli rin tayo.”Pinameywangan ko siya.“Paano kung hindi? It’s late night already. Hindi na iyon babalik.”He sighed and stared at me.“You really want to do it here?” he asked.I nod.“I want to try.”There’s a moment of silence before he grabbed me by the arm and pulled me towards him.“We’re supposed to be talking, why on e
Maaga kaming umalis ng General Luna kinabukasan. Ang plano ni Jacob ay sa San Isidro na kami manatili hanggang linggo ng umaga para magkaroon kami ng pagkakataon na mabisita ang mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin.Magmula nang magising kami hanggang sa biyahe ay hindi na kami nagkikibuan. Nasa isip ko pa rin ang nangyari kagabi at siya naman ay abala sa pagsagot ng mga tawag sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan kaya hindi ko na siya kinausap pa.Nakatulog ako sa biyahe at kusa ring nagising nang maramdaman kong bumabagal na ang takbo ng sasakyan.Pagkahinto nito ay nauna na akong bumaba at kinuha ang mga gamit ko sa backseat. Nauna na rin akong pumasok sa loob.“Gabriella.”Agad akong lumingon sa aking likuran nang marinig ang pagtawag ni Jacob sa akin.“Hmm?”“Aalis muna ako. Kailangan ko lang puntahan sa Del Carmen. Pinatatawag ako ni Mama. Gusto mo bang sumama sa akin?”Tipid akong ngumiti sa kaniya saka marahang umiling.“Pagod ako, Jake. Next time nalang.”Tumango naman
“I can’t believe you did that to me. Iniwan mo ako sa kabilang kuwarto,” masama ang loob na sabi ni Jacob habang nakapameywang siya sa harapan ko nang umagang iyon.Kagigising ko palang at halos hindi pa kaya ng katawan kong bumangon pero napilitan akong tumayo dahil kay Jacob.“I need space. Literal na space. Ang laki mo kasing tao. Tapos ang hilig mo pang maniksik. Kaya lumipat ako ng kuwarto.”Ang kaninang naniningkit na mga mata nito ay mas lalo pang naningkit nang marinig niya ang sinabi ko.Hindi na ito nagsalita bagkus ay tumalikod agad ito nang hindi man lang nagsasabi.Tumayo na ako ng kama kahit masakit ang ulo ko para lang masundan siya. Saka ko lang napansin na bahagya pang madilim ang paligid. Nang tumingin ako sa orasan, doon ko napagtantong alas singko palang ng umaga.Pagod akong bumuntong-hininga at naglakad patungo sa kusina. Ngunit sa pinto palang ay nagkasalubungan na kaming dalawa. Panay ang irap niya sa akin. Sinundan ko siya nang tingin. Kumunot ang aking noo na
Bago kami umuwi ng siyudad, binisita muna namin ang kaniyang mga kaibigan. Humingi pa ng paumanhin si Jacob sa ama ni Yael dahil hindi siya nakapunta sa handaan nito para sa kaarawan ng matandang lalaki.One thing that I noticed about myself when I came back to Manila is that my body starts craving sleep. Mas nagiging lamang na ang pagtulog ko kaysa sa aking pag-aaral sa gabi. Hindi naman ganito ang katawan ko. Halos sanay na akong matulog ng ilang oras lang dahil marami akong ginagawa.Even at work, I feel sleepy. Minsan, nahuhuli ko ang sarili ko na nakakaidlip sa couch ng opisina ko. However, mayroong advantage ang nangyayari sa akin. Mas lalo akong naging alerto, sensitibo, at mas naging palaban ako.Makalipas ang isang buwan, mas napansin kong mas naging epektibo ang pamamahala ko sa kumpanya. Tumaas ang sale ng kumpanya kumpara sa mga nakalipas na buwan sa buong taon. Hindi ko alam kung anong uri ng suwerte ang tumama sa akin at naging sunod-sunod ang pasok ng investor sa kumpa
Magkasiklop ang aking kamay habang nakaupo sa upuan kaharap ng Doctor na nag-asikaso sa akin para sa general check-up na ginawa sa akin. Nasa harap ko naman si Jacob na abala sa pagtitipa sa kaniyang telepono. Kanina pa rin siya nakakatanggap ng mga tawag pero sinasadya niyang hindi sagutin ang mga ito.“Kailangang ka ba sa trabaho? Mauna ka na kayang umuwi?”Nag-angat siya nang tingin at umiling.“Hindi na, sandali na rin lang naman. Resulta nalang ang hinihintay natin, makakauwi na rin tayo.”Halos mag-iisang oras na kami rito sa hospital. Marami kasing proseso na kailangang pagdaanan bago matapos ang lahat. Mabuti nalang at maasikaso ang doctor na nirekomenda sa amin ng kaibigan ni Jacob.“Pasensiya ka na ha, naabala pa tuloy kita.”Huminto siyang muli sa pagtitipa at hinawakan niya ang kamay ko.“Hindi mo ako naaabala. Never kang naging abala sa akin, Gab. Makakapasok din tayo sa trabaho, we’ll just have to wait for the result of your check-up.”Isang marahang tango ang binigay ko
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n