Sakay ng isang private plane sina Brett, Anna at Paolo pabalik ng Pilipinas. At matapos ang halos ilang oras na nasa himpapawid ay lumapag na rin sila sa NAIA.Hindi pa rin masyadong nagkikibuan sina Anna at Brett, hanggang sa pasakay na sila sa isang kotse pauwi sa mansion.Panay lang ang baling ni Anna kay Brett, nagbabakasakali na sulyapan rin siya ng binata, pero bagsak ang mga balikat niya nang ni tapunan ng tingin ay hindi nito ginawa. Parang may karayom na tumusok sa puso ni Anna, dahil lang sa katanongan niyang iyon ay naging ganito na si Brett.Naalala pa niya ang sinabi nito noon.Just go with flow...Mapait siyang napangiti, iyon nga siguro ang dapat niyang gawin. Ang sumakay na lang sa trip nito.Pagkarating sa mansiyon ay naunang bumaba ng sasakyan si Brett kasama si Paolo, habang si Anna ay kinukuha pa ang bagahe na dala nila. Ayaw naman niyang i-asa iyon lahat sa kapwa katulong niya. Nasundan na lang niya ng tingin ang mag-ama na papasok na sa loob ng mansiyon."Kumusta
Hapon na noon nang makalabas si Anna sa kaniyang kuwarto. Buong araw siyang nagmukmok at hindi lumabas para kumain. Wala siyang gana, sa lahat. Mabigat ang katawan niya at masakit na rin ang ulo kaya wala siyang gana na gumalaw. Mabuti na lang at day-off niya nang araw na iyon. Hindi na rin naman siya inabala pa na tawagin ng mga kasamahan niya dahil tiyak niya na alam ng mga ito ang pinagdadaanan niya.Alam ni Anna sa sarili na wala siyang karapatan na mag-expect sa atensyon ni Brett, pero hindi niya maitatanggi na nasasaktan pa rin siya. Kahit paulit-ulit niyang ipaalala sa sarili na hanggang nanny lang siya ni Paolo ay umaasa pa rin siya na mamahalin ng binata at bigyan ng kahit konting pagtingin lang.Malalim na bumuntonghininga si Anna. Nami-miss na niya ang bonding nila ni Paolo, hindi na kasi siya nito kinukulit magmula ng dumating ang Mommy nito. Hindi katulad ng dati na pupuntahan siya nito sa silid niya at hihilain palabas para lang maglaro sila. Pero ngayon, hindi na. Kasi
Natutulog si Anna nang bigla niyang maramdaman ang isang mabibining halik sa kaniyang leeg. Nakikiliti siya sa paraan ng paghalik nito, umungol siya sa isiping panaginip lamang iyon. Ngunit napalakas ang pag-ungol niya nang maramdaman na ang nipple na niya ang hinahalikan ng kung sino man.Kaagad nagmulat ng mga mata si Anna upang alamin kung sino ang salarin, at ang kaniyang nakita ay walang iba kundi si Brett. Nakadagan sa ibabaw niya ang binata at sinususo isang utong niya.Sa hindi malamang kadahilanan. ay napahawak si Anna sa buhok ng binata upang lalo pa itong isubsob sa kaniyang dibdib."Hmmm..." ungol niya habang nakakapit sa buhok ng binata. Saglit binitawan ni Brett ang kaniyang utong at tiningnan siya sa mga mata. Nakita ni Anna ang nag-a-alab na damdamin ng binata sa mga mata nito."You like it?" tanong nito sa kaniya. Wala sa loob na napatango si Anna.Ngumiti si Brett at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.Ang isang utong niya ay nasa bibig nito, habang ang isa ay minamas
Nakatingin lang si Anna sa amo na si Carol habang mahigpit nitong kayakap ang lalaki na nagngangalang Louie. Hinatid sila ng lalaki sa sasakyan, at nagpaalam na rin ito kay Paolo.Hindi maiwasang tanongin ni Anna ang isipan kung ano ba ang meron sa dalawa, halata naman kasi na may kakaiba sa mga ito."Let's go, Anna." untag sa kaniya ni Carol. Napatango siya rito at pumasok na rin sa loob ng kotse.Nang makaupo na sila lahat ay nagsimula ng umandar ang sasakyan. Tahimik sila sa loob ng biglang basagin ni Paolo ang katahimikan."Mom, bakit po kayo nagyayakapan ni Tito Louie?" Nakita ni Anna kung paano takasan ng kulay ang mukha ng amo. Napatingin ito sa kaniya at nahuli siya nito na nakatingin rito. Umiwas siya ng tingin at napayuko na lang."A-ah...ano anak...wala lang iyon. Gano'n talaga kami ng Tito Louie mo. Don't tell your dad about it, ha?" pahayag ni Carol sa anak.Tumango naman si Paolo, "Okay po." ani ng bata.Tahimik lang si Anna at pinakiramdaman ang amo. Base sa pananalita
"Ano ba, bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ni Anna nang hablutin ni Brett ang braso niya.Basta na lamang itong sumulpot habang nasa kusina siya at kumakain ng masarap na batchoy. Naputol tuloy ang gana niya. Masama niyang binalingan ang binata na ngayon ay nakataas na ang palad tanda na sumusuko na ito."Okay...okay. Please naman, Anna, bumalik ka na sa bahay." panunuyo pa ni Brett.Pangatlong beses na nitong balik sa lugar upang suyuin si Anna na bumalik na ng mansiyon.Tumikwas ang nguso ni Anna, saka pinamewangan si Brett."Ayoko.""Anna—""Ayoko nga sabi e. Bakit ba ang kulit mo? Hindi na ako kailangan doon dahil naroon na ang asawa mo kaya may mag-aalaga na kay Paolo. Kaya umalis ka na. Istorbo ka sa kinakain ko." nakasimangot na reklamo ni Anna.Muli siyang naupo sa bangko at sinimulan ulit kainin ang batchoy niya. Nitong nagdaang linggo ay napadalas ang pag-crave niya sa pagkain na ito. Maya't maya siyang um-order niyon kay Gina, tapos pinapahatid niya sa kaniyang silid. Doon kas
Nakaupo si Anna sa kama kasama si Paolo. Nakakandong ito at nakayakap sa kaniya. Sa loob sila ng silid ng bata. Kanina lang ay habang nasa kitchen siya at gumagawa ng meryenda ay umiiyak itong lumapit sa kaniya. Gusto raw nitong may makakasama sa silid nito. Kaya naman narito siya ngayon, kayakap ito habang patuloy naman ito sa pag-iyak. Inaalo naman niya ito pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iiyak. "Ate Anna, nag-aaway po ba sila?" anang bata. Ang tinutukoy nito ay si Carol at Brett.Magmula kasi nang dumating sila galing sa school ay nag-away na ang dalawa. Ang masaklap pa ay nakita iyon ni Paolo.Hindi malaman ni Anna kung paano mag-explain kay Paolo lalo't narinig nito kanina ang naging pag-uusap ng mga magulang nito."Nag-uusap lang sila, Paolo." saad niya sabay kagat sa pang-ibabang labi. Alam niyang kasinungalingan iyong sinabi niya. Wala naman kasing nag-uusap na nagsisigawan."Nang nagsisigawan po? That's not a proper way to talk, Ate Anna. I know what I heard."Napangi
Namamawis ang mga kamay ni Anna at hindi siya mapakali habang hinihintay niyang tawagin siya ng Doctor. Day-off niya ngayon at nagpaalam siyang mamasyal, ngunit ang talagang pakay niya ay magpatingin sa Doctor dahil hindi na maganda ang pakiramdam niya. Parati na lang siyang nagsusuka at nahihilo, at may idea siya kung bakit niya iyon nararamdaman. Kaya siya narito sa Hospital ng San Diego ay para magpatingin sa Doctor."Miss, ikaw na ang susunod. Pasok ka na." tawag sa kaniya ng babaeng nurse.Tumayo si Anna at sumunod sa nurse papasok sa isang room."Sit down, Miss Samson." anang Doctor nang makapasok siya.Naupo si Anna sa silya paharap sa Doctor."Anong nararamdaman mo?" tanong kaagad ng Doctor kay Anna.Nakurot ni Anna ang palad sa tensyon na nararamdaman. Pakiramdam niya ay nasa hot seat siya ngayon at pinalilibutan ng maraming tao."Miss Samson?" tawag ng Doctor kay Anna. Napakurap-kurap ang dalaga."M-Madalas po akong nahihilo...at nagsusuka, Doc." wika niya sabay iwas ng tin
Nakatingin si Brett sa dalagang walang malay. Nakahiga ito sa kama sa loob ng room nito, habang siya ay nakaupo naman sa tabi nito.Habang nakatitig sa maamong mukha ni Anna ay nasasaktan si Brett. Nasasaktan siya sapagka't nagawa niya itong saktan. Kung hindi niya sana pinakealaman ang dalaga ay hindi sana ito nasasaktan ngayon. Nais niyang kastiguhin ang sarili dahil ang lakas ng loob niyang magparamdam dito na may nararamdaman rin siya, ngunit hindi naman niya mapanindigan. Napabuntonghininga si Brett. Mahal niya si Anna, pero mahal niya rin ang kaniyang anak. Mas uunahin niya ang kasiyahan ng anak kaysa sa kasiyahan niya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Anna. Bata ka pa, at tiyak na makakahanap ka ng lalaking mas bagay sayo. I can't give the love you deserved. Hindi ako bagay sayo, Anna." bulong ni Brett habang titig na titig kay Anna."H-Hindi mo ako kailangang m-mahalin, Brett. H-Hayaan m-mo na lang akong m-mahalin ka." Biglang nagmulat ang mga mata ni Anna at nagsalubong ang mg
Malungkot na pinagmasdan ni Anna ang silid na ilang buwan rin niyang inukupa. Inilibot niya ang paningin, mapait siyang napangiti sapagkat maraming alaala sa kaniya ang silid na ito. Pero gayunpaman ay wala siyang nararamdaman na paghihinayang sa pag-alis niyang ito. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan, para sa anak niya at para sa kanila ni Brett ang gagawin niyang ito. Dahil ito ang dapat nilang gawin, ang lumayo sa isa't isa nang sa gano'n ay malaman kung hanggang saan nga ba patungo ang lahat. Mahal niya si Brett, pero siya ay hanggang ngayon walang kasagutan kung mahal rin ba siya ng binata."Siguro naisip ng Panginoon na ilayo kami sa isa't isa ng tatay mo, anak, dahil hindi ito ang panahon para sa amin. Na hindi kami para sa isa't isa. Pero kumakapit pa rin ako sa Panginoon na dadating ang tamang oras na itatakda niya kami para mahalin ang sa isa't isa." Pagkausap ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya.Kung hindi man ito ang tamang panahon para mahalin si Brett ay maghihintay si
Araw ng libing ni Paolo, lahat ay emosyunal sapagka't huling araw na lang na makikita nila ang labi ng bata. Lahat ay nakatayo at nagkani-kaniyang pahid ng panyo sa mga matang walang tigil sa paglabas ng luha habang nagmi-misa ang Pari.Pagkatapos ng misa ay hinatid na sa huling hantongan ang bata. Sa isang private cemetery sa San Diego inihatid ang labi ni Paolo.Malungkot na nakatingin si Brett sa mukha ng anak. Kinakabisado niya ng maigi ang itsura ni Paolo dahil huling araw nalang niya na makikita ito. Dahil nakabukas ang coffin ay malaya niyang nahaplos ang pisngi ng bata, at hinalikan niya rin ito sa noo."Mami-miss kita, anak. Hinding-hindi kita malilimutan. Sana tulungan mo si Daddy na makaya ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang anak, parang gusto ko na rin sumuko..." Tumulo ang luha ni Brett habang nakatitig kay Paolo. "M-Mahal na mahal kita, anak." sambit pa niya.Nang hindi na niya makaya na makita si Paolo ay umatras siya at pumunta sa isang tabi at doon pinagpatuloy ang
Pagkapasok ni Brett sa loob ng kaniyang silid ay malakas niyang inihagis ang bote. Tumama iyon sa dingding at nabasag. Pati ang mga gamit sa loob ng kaniyang silid ay binalibag rin niya. At nang mapagod ay napaupo siya sa sahig habang nasasabunutan ang sariling buhok.Pagod na siyang masaktan, pagod na siyang maloko. Ang nalaman niya kanina ay isang kalokohan. Ang buong akala niya ay siya lang ang lalaki sa buhay ni Anna ngunit nagkamali yata siya. "Fuck!"Tumayo si Brett at pumasok sa loob ng banyo upang pumailalaim sa tubig ng sa ganoon ay maibsan ang init ng ulo niya. Habang nasa ganoon siyang sitwasyon ay napa-isip siya.Huling araw na ng lamay ng anak niya ngayon kaya hindi niya dapat sayangin ang pagkakataon na ito. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya. Nagulat pa ang ilang kasambahay nang makita siya. Marahil hindi inakala ng mga ito na lalabas rin siya mula sa pagkukulong sa silid niya.Pati si Bebang na nakasalubong niya ay nagtataka rin na napapatingin sa kaniya."Bebang
Isang mainit na hininga ang tumama sa leeg ni Anna na siyang ikinamulat niya ng mga mata. Naramdaman niyang may nakadagan sa kaniya mula sa likuran niya. Napasinghap siya sapagkat si Brett iyon at baka naipit na ang anak nila. Sa pag-aalala ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya ay dahan-dahan niyang tinapik ang braso ni Brett."B-Brett umalis ka riyan." aniya sa lalaki. Hindi niya malaman kung ilang oras ba siyang tulog at ilang oras na rin itong nakadagan sa kaniya. Mula sa pagkakadapa ay rinig niya ang pagpintig ng nasa sinapupunan niya."Brett!" Malakas na sigaw niya dahil sa taranta. Napamulat ng mga mata ang lalaki, at galit na umalis sa ibabaw niya. Muli itong nahiga ng patagilid at tinakpan ng unan ang buong mukha.Samantalang napapangiwi namang bumangon si Anna. Nanginginig ang buong katawan niya, at masakit rin ang balakang niya. Naupo siya sa kama at sinapo ang tiyan na umiiyak.Nag-aalala siya at baka napano na ang bata. Binalingan niya si Brett at galit itong tiningnan
Malungkot na nakatingin si Anna sa batang nakahiga sa loob ng kabaong. Ang bigat-bigat sa dibdib na isiping hindi na niya makikita pa kahit kailan ang pag-ngiti nito, ang marinig ang malambing nitong tinig, at higit sa lahat ang mayakap ito.Pinahid ni Anna ang mga luha na umaagos sa pisngi, kapagkuwan ay hinaplos niya ang salamin sa bandang mukha ni Paolo."S-Sayang at hindi mo na makikilala pa ang kapatid mo, Paolo..." malungkot niyang sambit.Alam ni Anna na malabong mangyari na tatanggapin ni Paolo ang kapatid nito na mula sa kaniya, pero hindi niya ipagkakait sa anak na ipakilala si Paolo bilang kapatid nito kahit hindi man ito tanggapin ng huli.Ngunit wala na si Paolo, at hindi na nito makikilala pa ang kapatid.Nasa ganoong senaryo si Anna nang bigla niyang marinig ang malakas na kalabog sa labas ng mansiyon dahilan upang siya'y mapakislot sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang napahid ang mga luha at napa-ikot paharap sa entrada ng bahay kung saan tumatakbo ang ibang katulong p
Samantalang sinisikap naman ni Anna na kausapin si Brett, dinadalhan niya rin ito ng pagkain ngunit madalas na ibato ng binata sa kaniya ang mga pagkain na dinadala niya para sa binata. Mabuti na lang at naiilagan niya dahil kung hindi ay masasaktan siya ng pisikal. Minsan ay natatakot na rin siyang lumapit kay Brett dahil tila wala na itong kinikilala. Lahat na lang ng tao sa loob ng mansiyon ay ayaw nitong kausapin o makita. Katulad na lang ngayon, nakatayo si Anna sa labas ng pintoan ng kuwarto ni Brett bitbit ang tray na may pagkain, matagal na siyang naroon at panay ang paghugot-buga ng hangin dahil kinakabahan siyang pumasok sa loob. Hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi para sa batang nasa sinapupunan niya. Baka kasi sa galit ni Brett ay masaktan siya nito at madamay ang bata. Iyon ang kinakatakot ni Anna.Matapos ang ilang minuto na pagtayo ni Anna sa labas ng pinto ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para pihitin pabukas ang siradura.Nang mabuksan iy
Kung may mas masakit man ngayon sa nararamdaman ni Brett, iyon ay ang makita ang anak na nakahiga sa stretcher, duguan at halos wala ng buhay habang tinulak ito papasok sa loob ng Emergency room. Sa mga sandaling iyon ay wala sa sarili si Brett. Tulala, at halos hindi makahinga dahil pakiramdam niya ay punong-puno ang kaniyang dibdib, at anumang oras ay parang sasabog iyon.Natataranta siya at halos hindi na mapakali lalo na at nakikita niya ang dugo ng anak sa kaniyang damit at palad.Sinubukan niyang pumasok sa loob ng Emergency room, ngunit hinarang siya ng nurse. "Papasokin niyo ako ano ba?! Kailangan ako ng anak ko!" angil niya sa dalawang nurse na nakaharang sa pintoan. Masisiraraan siya ng bait kapag hindi niya makikita si Paolo."I'm so sorry, Sir. Pero bawal po kayo sa loob." wika ng nurse na bakas ang takot kay Brett."Damn it!"Nanghihinang napaupo si Brett sa sahig habang sapo ang kaniyang mukha. Hindi na ni Brett napigilan ang emosyon, bumuhos na iyon. Humagulhol siya ng
Matapos ang nangyari nakaraang gabi ay iniiwasan na ni Anna si Brett. May pagkakataon na nagkakasalubong sila sa loob ng mansiyon, ngunit hindi niya binibigyan ng kahit na sulyap ang binata.Katulad na lang ngayon, habang nasa hardin siya at nagdidilig ng halaman ay narito si Brett sa likuran niya. Nakatayo ang lalaki at nakapamewang ito. Hindi niya ito sinulyapan. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Araw kasi ng sabado ngayon, kaya walang pasok si Paolo. Pagkatapos ni Anna sa pagdidilig ay umikot siya paharap, at naglakad na parang hindi nakikita si Brett. Masama pa rin kasi ang loob niya sa lalaki at gustong-gusto niya isampal sa pagmumukha nito ang mga pinagsasabi nito nakaraang gabi.Si Brett naman ay malalim na napabuga ng hangin ng lagpasan siya ng dalaga. Nais niya itong maka-usap at humingi ng despensa sa mga nasabi niya kagabi. Napapikit ng mariin si Brett bago siya umikot at habulin si Anna."Anna, wait." wika niya sabay hablot sa braso ng dalaga. "I want to talk to you." Tumigil
Nakatingin si Brett sa dalagang walang malay. Nakahiga ito sa kama sa loob ng room nito, habang siya ay nakaupo naman sa tabi nito.Habang nakatitig sa maamong mukha ni Anna ay nasasaktan si Brett. Nasasaktan siya sapagka't nagawa niya itong saktan. Kung hindi niya sana pinakealaman ang dalaga ay hindi sana ito nasasaktan ngayon. Nais niyang kastiguhin ang sarili dahil ang lakas ng loob niyang magparamdam dito na may nararamdaman rin siya, ngunit hindi naman niya mapanindigan. Napabuntonghininga si Brett. Mahal niya si Anna, pero mahal niya rin ang kaniyang anak. Mas uunahin niya ang kasiyahan ng anak kaysa sa kasiyahan niya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Anna. Bata ka pa, at tiyak na makakahanap ka ng lalaking mas bagay sayo. I can't give the love you deserved. Hindi ako bagay sayo, Anna." bulong ni Brett habang titig na titig kay Anna."H-Hindi mo ako kailangang m-mahalin, Brett. H-Hayaan m-mo na lang akong m-mahalin ka." Biglang nagmulat ang mga mata ni Anna at nagsalubong ang mg