“GUSTO mo bang dalhin kita sa ospital?” tanong ni Laura matapos magamot ang mga sugat ni Lance sa braso. “Baka kailangan kang i-x-tray o i-ct scan. Baka may internal bleeding na pala sa katawan mo hindi pa natin alam.
Natawa si Lance. “Gasgas lang ang mga sugat ko, Laura. Para lang akong nakipag-agawan ng bola sa basketball. Wala ‘to.”
Kasakuluyan pa ring nasa Friend Jungle sina Laura at Lance. Nasa parking lot sila at nasa loob ng kotse ni Lance. Walang sugat sa mukha si Lance pero marami siyang nakitang gasgas at mga sugat sa mga braso nito. Pinilit niyang magamot muna ang mga sugat nito bago suli umalis nang makakita siya ng dugo. Mabuti na lamang at may medicine kit si Lance sa kotse.
“Bakit mo ba kasi biglang sinuntok si Ram. May g
“ARE YOU, OKAY?” nag-aalalang tanong ni Laura kay Tamara nang bigla itong humawak sa balikat niya habang nagkukuwentuhan sila. “Medyo nahihilo ako,” tugon ni Tamara. “You should take a rest. Pinupuyat mo ang inaanak ko. Uuwi na rin ako,” sabi ni Laura. Tinawag ni Laura si Ethan at sinabi ang kondisyon ni Tamara. Nang magsabi si Laura na uuwi na ay nagkasundo na rin ang mga natitirang bisita na umuwi. Bukod sa mga kapatid at pinsan ni Ethan, dumalo rin sa anniversary dinner ang ilan sa mga barkada ni Ethan kasama ang mga asawa ng mga ito. “Hatid na kita, Laura,” boluntaryo ni Lance habang palabas na sila ng bakuran.&n
DUMATING ang araw ng family photoshoot ng Familia Ocampo. Alas-nueve pa lamang ng umaga ay nasa mala-mansion na tahanan ng pamilya sa Quezon City si Laura at mga staff nito. Parating pa lamang ang mga anak at mga apo ni Tita Danna at abala pa sa library ang mister nitong si Tito Francis nang dumating sina Laura. Wala pa rin si Lance na pasimpleng hinihintay at pinanabikang makita ulit ni Laura kahit noong isang gabi lang ay lumabas sila. Habang nagse-set up sina Jio sa maluwang at napakagandang Italian style garden ay nakakuwentuhan ni Laura sina Tita Danna at panganay na anak nito na si James. Kahapon pa unang na-meet ni Laura si James. Ipinakilala sila sa isa’t-isa ni Kate nang bisitahin ni James ang kaibigan sa opisina nito. James was also nice and friendly like his friends and siblings kaya madaling nakasundo ni Laura ang binata.&nbs
Mahigpit na niyakap si Laura ni Tita Danna nang magpaalam siya para umuwi. Kanina pa tapos ang photoshoot pero hindi pa kaagad nakauwi si Laura. Hindi siya nakatanggi nang imbitahan siya ng buong pamilya Ocampo na manatili pa para sa dinner. “Thank you again, Laura. I hope you come back and visit me here,” nakangiting sabi pa ni Tita Danna habang nasa patio sila kasama si Tito Francis at James. “Sige po. Kapag hindi ako masyadong busy bibisitahin ko kayo dito.” “Aasahan ko ‘yan, ha? Kahit wala rito si Lance pumunta ka.” “Yes, Tita. I promise,” sincere na pangako ni Laura. Alam na ng buong pamilya ni Lance na nagkakamabutihan na sila nito. Si Lance mismo ang nagsabi sa pamilya nito kanina habang nagdi-dinner sila. Tila hindi naman nagulat ang lahat. Bago pa kasi magsimula ang pictorial ay very attentive na sa kanya ang binata kaya nakahalata na ang mga ito. At habang ginaganap ang photoshoot ay maya’t – maya ring nakalapit it
KAUSAP ni Laura si Jio sa studio nang dumating si Lance. Nakasukbit sa balikat nito ang backpack na itim at hawak ang isang pumpon ng sari-sariling dilaw na mga bulaklak. “Hey,” sabi ni Laura sa binata. “Aalis ka na?” “Yup.” Pupunta si Lance sa isang resort sa Nasugbu, Batangas kung saan naroon ang pinakabago nitong proyekto. “Mamaya na ulit tayo mag-usap, Jio,” paalam ni Laura sa assistant. “Sige, Laura,” tugon ni Jio bago nakipag-fist bump kay Lance. Napangiti si Laura sa nakita. Masaya siya na kasundo ng nobyo niya ang lahat ng staff niya lalong-lalo na si Jio na madalas niyang kasama sa trabaho at lubos na pinagkakatiwalaan. Nang hawakan ni Lance ang kamay niya, hinila niya ito patungo sa kanyang opisina. Hindi kasi sila makakapagpaalam nang maayos sa isa’t-isa kung hindi niya iyon gagawin. Dalawang araw pa namang mananatili si Lance sa Batangas. Siguradong mami-miss niya ito. Ibinaba muna ni Lance ang dalang
“Gusto ko nito. Iyon pa at saka ayun din.” Hindi magkamayaw na turo ni Laura sa mga nagagandahang mga bulaklak na nakikita sa paligid. Sabado ng madaling araw nang sunduin siya ng nobyo at isama sa flower farm ng Perfect Petals sa Silang Cavite. “Sure. Iuuwi natin lahat ng halaman at mga bulaklak na magugustuhan mo,” naaaliw na tugon ni Lance. “This place is a paradise. I can live here forever,” sabi pa ni Laura sabay angat sa hawak na camera para kumuha ng litrato. Nasabi na kanina ni Lance na may mahigit pitong ektarya ang flower farm at halos lahat ng uri at breed ng mga bulaklak ay matatagpuan doon. Ang flower farm ang nagsu-supply sa may mahigit tatlumpung branches ng Perfect Petals na nagkalat sa Metro Manila at kalapit na mga probinsiya. Mayroon ding contact ang flower shop sa ibang bansa na mapagkukunan ng mga bulaklak kung sakaling may order ang kliyente ng bulaklak na wala sa Pilipinas. “Matagal na ba ‘tong farm n’yo?” tanong ni L
NARINIG ni Laura na nag-start na ang third quarter ng pinapanood nilang PBA game kaya itinigil niya ang pagtugon sa mga halik ni Lance. Bahagya niya itong itinulak mula sa pagkakadagan sa kanya sa sofa sa loob ng inookopa nilang silid sa Farm house. “Third quarter na,” bahagyang hinihingal na sabi ni Laura. Half time nang magsimula silang maglambingan. Nagpaawat naman si Lance. Umayos na sila ng upo. Maganda ang laban dahil game four na ng best of seven championship series. Dalawa sa pinakasikat at pinakamagaling na team sa PBA ang naglalaban, ang Energy Lightnings at Neon Spikers. Two – one ang standing in favor of the Lightnings. Pareho silang fan ni Lance ng Energy Lightnings dahil naglalaro doon sina Troy at JD. Na-focus ang screen kay Ram nang ilabas ito sa game para makapagpahinga. Pinalakpakan naman ito ng audience. Mainit na sinalubong din ito ng mga teammates nito at coaching staff. Dahil sa depensa at mga puntos na ginawa ni Ram,
KUMILOS sa ibabaw ng kama si Lance. Pinagapang niya ang kamay para damhin ang babaeng nakasama niya sa buong magdamag. Pero wala siyang nakapa. Nagmulat siya ng mga mata. Nang hindi niya makita sa paligid si Laura ay bumangon na siya at tinungo ang banyo. Matapos gumamit ng banyo ay muli niya itong hinanap. Natagpuan niya ito sa kusina at kasalukuyang nagluluto. “Hey, good morning,” nakangiting bati ng dalaga nang makita siya. “Good morning.” Niyakap niya ito at siniil ng halik sa mga labi. Gumanti ito ng halik pero kaagad ding tumigil. “Masusunog ang niluluto ko,” malambing na sabi nito. Kumalas si Laura at in-off ang stove. “Dapat hindi ka muna bumaba. I would love to see you first when I wake up.” “Nagugutom na kasi ako, eh. Pinagod at pinuyat mo naman kasi ako kagabi.” Tumatawang muli niyang niyakap si Laura. Anyong hahalikan niya ito pero napatigil siya dahil narinig nilang bumukas ang gate.
“Ma’am Laura, ano pong sasabihin ko kay Ms. Candice kapag tumawag o pumunta ulit siya dito?” tanong ni Argeline nang pumasok ito sa kanyang opisina. Napabuntong-hininga si Laura sa tanong. Ilang beses nang tumawag at nagpabalik-balik ang ex-wife ni Ram na si Candice para lang makausap siya dahil may importante daw itong sasabihin sa kanya. Sinubukan din nitong magpa-appointment sa kanya pero lagi ay tumatanggi siya. Para kasi sa kanya ay walang dahilan para mag-usap sila ng babae. Hindi siya interesado sa sasabihin nito. “Do you have her number?” Dahil tila walang balak ang babae na tumigil sa kakapunta at katatawag sa opisina niya, nagdesisyon na siyang kausapin ang babae. “Yes, Ma’am,” mabilis na tugon ni Argeline. Inilapag nito sa desk ang isang calling card. Ilang sandaling binasa muna ni Laura ang nakasulat sa card. Candice was a general surgeon. At sa St. Francis General Hospital na pag-aari ng pamilya ni Lance nagtatr
INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m
DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi
UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl
AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed
NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa
“GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su
HINDI MALAMAN ni Laura ang magiging reaksiyon sa sinabi ni Tamara nang sabihin nito na ipinaalam na nito kay Lance kung nasaan siya. Dalawang araw na si Laura sa flower farm ng Perfect Petals. Tinanggap niya ang alok ni Tita Danna na magbakasyon sa lugar. Masuwerte siya dahil nauunawaan at kakampi niya ito. “Stay for as long as you want, Laura. Don’t worry hindi ko sasabihin kay Lance kung nasaan ka,” sabi pa sa kanya ni Tita Danna. Gusto sana ni Laura na magbakasyon sa malayong lugar o umuwi muna sa Germany o London dahil ayaw pa niyang makita si Lance. Pero hindi siya maaring umalis dahil sa mga nakatakda niyang trabaho sa mga susunod na araw. Bukas nga ay kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may photoshoot siya na hindi niya maaring ipasa kay Jio. Bukod doon ay kapapanganak lang ni Tamara. Gusto niyang nasa malapit lang siya kapag kinailangan ng kaibigan. “Pinahirapan ko na si Lance sa paghahanap sa ‘yo. Sinabi ko na nagpunta ka sa Palaw
PADAPANG humiga sa kama si Lance sa kanyang condo unit. Doon siya dumiretso pagkatapos ng trabaho dahil iniiwasan niyang mapagalitan ng kanyang mommy. He was not feeling well. Matamlay siya at medyo masakit pa rin ang ulo dahil sa dami ng nainom kagabi. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya alam na ang Ate Denise at ang bayaw na si BJ ang sumundo sa kanya sa bahay nina Ethan. Maghapon siyang tulog sa kanilang bahay at nang magising ay masakit na masakit ang kanyang ulo pero pinilit niyang bumangon para pumasok sa opisina at ayusin ang problema sa supplier ng materyales. Habang nasa opisina ay nalaman ni Lance kay Ate Francine na nakapanganak na si Tamara. Minabuti niyang hindi na muna magpunta sa ospital dahil alam niyang galit si Tamara sa kanya. Baka makasama lang dito kapag nakita siya nito. Natapos naman ang problema niya sa supplier at na-retrieve na rin ang lahat ng social media accounts niya pero ang problema niya kay Laura ay hindi pa. Dahil
SA MASTER BEDROOM nagtungo si Laura matapos iwanan sina Lance sa balkonahe. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang sumunod sa kanya si Tamara makalipas ang ilang minuto. “Bakit kasi tumagal na ng ilang buwan ang relasyon n’yo pero hindi n’yo man lang napag-usapan ni Lance ang past n’yo?” tanong ni Tamara galit pa rin kay Lance. “We decided not to talk about it.” “Marami kayong dapat na pag-usapan at linawin sa isa’t-isa ni Lance. Pero huwag mo s’ya basta patatawarin, Laura. Pahirapan mo muna,” sabi pa ni Tamara. Hindi nakasagot si Laura. Sa estado n’ya ngayon. Siguradong hindi talaga niya basta mapapatawad si Lance. Galit na galit siya sa binata to the point na ayaw niya itong makita. Sabay na napatingin sina Laura at Tamara sa pinto nang biglang may kumatok kasunod ng pagpasok ni Ethan. “Umuwi na si Lance,” imporma nito. “Lasing na lasing siya kaya pinasundo ko kina Denise at BJ.” “I don’t care. Ang kapal ng