HAPON na nang makauwi si Lance mula sa pagbabasketball kasama si Ethan at mga kaibigan nila. Napatingin si Lance sa hawak na cell phone nang biglang tumunog iyon nang makababa siya ng kanyang sasakyan. Dondie was calling him. Dati niyang kasama sa pagmomodelo si Dondie at itinuturing na matalik na kaibigan.
Nilapitan muna niya ang kanyang mommy na abala sa mga halaman nito sa garden at hinalikan sa pingi bago sinagot ang tawag.
“Hello, pare? Kumusta?” tanong ni Lance at naglakad na papasok sa main door. “Okay lang, pare. Ikaw pare kumusta? Napanood ko ‘yung isang vlog mo kagabi. Grabe, five hundred million views na. Wala akong masabi. Ang galing mo!”
Natawa si Lance. “Thank you, p
HAPON na ng magising si Laura. Hindi pa sana siya babangon dahil inaantok pa siya pero naalala niya ang date nila ni Ram. Kakauwi lang niya kaninang umaga nang tawagan siya nito niyayang lumabas. Pumayag siya kaagad dahil kailangan nilang mag-usap at sabihin ang napagdesisyunan. Mabilis na kumain ng light meal at naligo si Laura. Kalalabas lang niya ng banyo nang tumunog ang kanyang cell phone. Nang makitang si Daena ang tumatawag ay kaagad niyang sinagot ang tawag. “Hi, Daena. What’s up?” masiglang bati niya sa kaibigan. “Hi! Are you free to meet today? May importante lang akong sasabihin tungkolkay Ram.” Napakunot-noo siya. “Ano ‘yon?”
“MRS. DANNA OCAMPO?” pag-uulit ni Laura sa sinabi ng assistant na si Argeline naghahanap sa kanya. “Yes, Ma’am. She requested to see you. Haharapin n’yo po ba?” tanong ni Argeline. Usually, si Argeline ang humaharap sa mga walk-in customer ng studio at si Jio naman ang photographer. “Of course.” Binitiwan niya ang hawak na camera at tumayo. Malalaki ang hakbang na nagtungo siya sa reception area para harapin ang mommy ni Lance. “Hi, Laura,” nakangiting bati ni Mrs. Ocampo nang makita siya. “Hello, Tita,” nakangiti ring bati niya. “I’m sorry, I came unannounced. Do you have time for me?” t
SABADO ng hapon. Nasa Friend Jungle ulit si Laura para kumuha ng larawan para sa ilalabas na promotional poster at billboards ng newly renovated na indoor wall climbing gym ng Friend Jungle. Sa susunod na linggo ay io-open na iyon sa publiko. Abala si Laura sa pagkuha ng mga larawan nang biglang may magsalita sa likuran niya. “Hi, Laura!” “Lance!” bahagyang nagulat na sabi niya nang malingunan ang binata. “Ano’ng ginagawa mo dito?” “Hmm… actually, sa fitness gym ang punta ko. Nakita ko lang si Jio at sinabi n’ya na nagtatrabaho nga kayo dito. I just want to say ‘Hi’”&nbs
“GUSTO mo bang dalhin kita sa ospital?” tanong ni Laura matapos magamot ang mga sugat ni Lance sa braso. “Baka kailangan kang i-x-tray o i-ct scan. Baka may internal bleeding na pala sa katawan mo hindi pa natin alam. Natawa si Lance. “Gasgas lang ang mga sugat ko, Laura. Para lang akong nakipag-agawan ng bola sa basketball. Wala ‘to.” Kasakuluyan pa ring nasa Friend Jungle sina Laura at Lance. Nasa parking lot sila at nasa loob ng kotse ni Lance. Walang sugat sa mukha si Lance pero marami siyang nakitang gasgas at mga sugat sa mga braso nito. Pinilit niyang magamot muna ang mga sugat nito bago suli umalis nang makakita siya ng dugo. Mabuti na lamang at may medicine kit si Lance sa kotse. “Bakit mo ba kasi biglang sinuntok si Ram. May g
“ARE YOU, OKAY?” nag-aalalang tanong ni Laura kay Tamara nang bigla itong humawak sa balikat niya habang nagkukuwentuhan sila. “Medyo nahihilo ako,” tugon ni Tamara. “You should take a rest. Pinupuyat mo ang inaanak ko. Uuwi na rin ako,” sabi ni Laura. Tinawag ni Laura si Ethan at sinabi ang kondisyon ni Tamara. Nang magsabi si Laura na uuwi na ay nagkasundo na rin ang mga natitirang bisita na umuwi. Bukod sa mga kapatid at pinsan ni Ethan, dumalo rin sa anniversary dinner ang ilan sa mga barkada ni Ethan kasama ang mga asawa ng mga ito. “Hatid na kita, Laura,” boluntaryo ni Lance habang palabas na sila ng bakuran.&n
DUMATING ang araw ng family photoshoot ng Familia Ocampo. Alas-nueve pa lamang ng umaga ay nasa mala-mansion na tahanan ng pamilya sa Quezon City si Laura at mga staff nito. Parating pa lamang ang mga anak at mga apo ni Tita Danna at abala pa sa library ang mister nitong si Tito Francis nang dumating sina Laura. Wala pa rin si Lance na pasimpleng hinihintay at pinanabikang makita ulit ni Laura kahit noong isang gabi lang ay lumabas sila. Habang nagse-set up sina Jio sa maluwang at napakagandang Italian style garden ay nakakuwentuhan ni Laura sina Tita Danna at panganay na anak nito na si James. Kahapon pa unang na-meet ni Laura si James. Ipinakilala sila sa isa’t-isa ni Kate nang bisitahin ni James ang kaibigan sa opisina nito. James was also nice and friendly like his friends and siblings kaya madaling nakasundo ni Laura ang binata.&nbs
Mahigpit na niyakap si Laura ni Tita Danna nang magpaalam siya para umuwi. Kanina pa tapos ang photoshoot pero hindi pa kaagad nakauwi si Laura. Hindi siya nakatanggi nang imbitahan siya ng buong pamilya Ocampo na manatili pa para sa dinner. “Thank you again, Laura. I hope you come back and visit me here,” nakangiting sabi pa ni Tita Danna habang nasa patio sila kasama si Tito Francis at James. “Sige po. Kapag hindi ako masyadong busy bibisitahin ko kayo dito.” “Aasahan ko ‘yan, ha? Kahit wala rito si Lance pumunta ka.” “Yes, Tita. I promise,” sincere na pangako ni Laura. Alam na ng buong pamilya ni Lance na nagkakamabutihan na sila nito. Si Lance mismo ang nagsabi sa pamilya nito kanina habang nagdi-dinner sila. Tila hindi naman nagulat ang lahat. Bago pa kasi magsimula ang pictorial ay very attentive na sa kanya ang binata kaya nakahalata na ang mga ito. At habang ginaganap ang photoshoot ay maya’t – maya ring nakalapit it
KAUSAP ni Laura si Jio sa studio nang dumating si Lance. Nakasukbit sa balikat nito ang backpack na itim at hawak ang isang pumpon ng sari-sariling dilaw na mga bulaklak. “Hey,” sabi ni Laura sa binata. “Aalis ka na?” “Yup.” Pupunta si Lance sa isang resort sa Nasugbu, Batangas kung saan naroon ang pinakabago nitong proyekto. “Mamaya na ulit tayo mag-usap, Jio,” paalam ni Laura sa assistant. “Sige, Laura,” tugon ni Jio bago nakipag-fist bump kay Lance. Napangiti si Laura sa nakita. Masaya siya na kasundo ng nobyo niya ang lahat ng staff niya lalong-lalo na si Jio na madalas niyang kasama sa trabaho at lubos na pinagkakatiwalaan. Nang hawakan ni Lance ang kamay niya, hinila niya ito patungo sa kanyang opisina. Hindi kasi sila makakapagpaalam nang maayos sa isa’t-isa kung hindi niya iyon gagawin. Dalawang araw pa namang mananatili si Lance sa Batangas. Siguradong mami-miss niya ito. Ibinaba muna ni Lance ang dalang