NAUPO sa four-seater table si Laura nang makapasok sa Frances’. The bakeshop was located in the ground floor of Alegre Building II in Mandaluyong kung saan din matatagpuan ang opisina at shop ni Kate. Nitong mga nakaraang buwan ay mas dumalas pa ang pag-uwi ni Laura sa Pilipinas dahil sa trabaho. Nagsimula iyon nang maging replacement photographer siya sa kasal na in-organized ni Kate sa Antipolo mahigit isang taon na ang nakalilipas. Marami ang nagkagusto at humanga sa kinalabasan ng trabaho niya kaya siya na rin ang kinuhang photographer ng mga naging kliyente pa ni Kate. Pero marami-rami rin kinailangan niyang tanggihan dahil hindi na kaya ng schedule niya. Ang mga ka-meeting ni Laura ay kliyente din ni Kate. Alam niya na wala pa ang mga ito dahil tumawag ang mga ito sa kanya kanina at sinabing baka ma-late ang mga ito ng dating dahil kasalukuyang naiipit sa traffic. It was okay with her. Hindi siya mainiping tao. Maraming siyang mapaglilibangan habang naghihin
“YOU MADE IT.” Nakangiting salubong kay Laura ni Kate nang dumating siya sa Monteclaro Mansion. Hindi nakatanggi si Laura nang imbitahan siya ni Kate sa birthday celebration ng asawa nitong si Jay-Jay. Ginanap ang selebrasyon sa bahay na kinalakihan ni Jay-Jay ilang blocks lang ang layo sa bahay ni Laura imbes na sa bahay ng mag-asawa sa Corinthian Gardens. “Ang sabi mo kasi magtatampo ka kaya pinilit kong makapunta. Nasaan si Jay-Jay at ang baby mo?” “Nasa library si Jay-Jay kausap si Daddy. Pero palabas na rin siguro sila. Si Frankie naman kasama ni Mommy sa kuwarto.” “Kumain na muna tayo. Hindi pa rin ako kumakain. Hinihintay talaga kitang dumating.” Hinawakan siya ni Kate at hinila patungo sa buffet table. Pero bago pa sila makarating sa buffet table ay ilang beses muna silang huminto dahil marami ang bumati sa kanya na mga miyembro ng barkadahan nina Kate at Ethan na naging kaibigan na rin niya. Kapag kasi may get together ang barkada
MAKALIPAS ang mahigit isang oras na pananatili sa party ni Jay-Jay ay nagpaalam na si Lance sa kaibigan. Iyon ang unang pagkakataon na dumalo siya sa birthday celebration ng isa sa mga kaibigan niya matapos nilang mag-away ni Ethan mahigit isang taon na ang nakalilipas. Iilan na lang ang galit sa kanya sa barkada nila kabilang sa mga ito ang mga kapatid at mga pinsan ni Ethan pero sinadya talaga niyang idistansya ang sarili sa mga kaibigan dahil bukod sa naging abala siya, nagui-guilty siya sa nagawang patatraydor. Bukod doon, may maaga siyang client meeting bukas kaya hindi siya nagtagal sa party. Si Jay-Jay lang kasi mismo ang nag-imbita sa kanya at hindi niya nagawang tanggihan. Isa ang kaibigan ang nakaunawa sa kanya sa ginawa niyang pagtatraydor. Habang nasa party ay naging abala naman siya sa pakikipag-usap sa cell phone sa isang referred client kaya hindi rin niya nagawang makihalubilo sa mga kaibigan. Kanina ay nagulat siya nang makita si Laura sa party. An
Three months later….NAGHAHANDA na sa pagtulog si Laura nang tawagan siya ni Tamara sa cell phone. Matapos ang mga commitments ni Tamara sa Europe ay nag settle down na nga ang kaibigan niya sa Pilipinas. Pansamantalang nagpahinga muna ito sa pagtugtog. “Hello, Tam?” sabi ni Laura. Humikab siya pagkatapos. “Ang aga pa inaatok ka na?” “Sorry. Maghapon kasi akong nagtrabaho today.” Nakapag-settle down na rin si Laura sa Pilipinas. At noong nakaang linggo lang ay binuksan na sa publiko ang studio at gallery niya. Napabilis ang pagse-settle down niya sa Pilipinas dahil sa walang tigil na pangungulit sa kanya ni Tamara na tuparin niya ang kasunduan nila. Tatanggap pa rin siya ng trabaho abroad pero mas priority na niya ang mga magiging trabaho sa Pilipinas. Wala namang naging problema si Laura sa pagse-settle down sa Pilipinas. Tinupad nina Kate at Francine ang ipinangako nitong tulong sa kanya. Lubos namang sinuportahan ng pamilya niya an
Patakbong tinungo ni Lance ang banyo mabilis na naligo at nagbihis.He was getting late to his meeting with Triple Play. Alas-nueve na ng umaga. Alas-diyes ang appointment niya. Past midnight na kasi nang makauwi siya mula sa dinaluhang event kagabi kaya tinanghali siya ng gising. Kung alam lang niya na tatanghaliin siya ng gising. Sa condo unit na lamang niya sana siya umuwi kagabi at hindi sa bahay ng kanyang mga magulang sa White Plains. Nasa Ortigas kasi ang condo unit niya at ilang blocks lang ang layo mula sa Triken Building. Ilang sandali pa ay nagda-drive na si Lance patungo sa Triken Building kung saan matatagpuan ang opisina ng EJ & T Enterprises. Triple Play was one of those leading sports apparel and merchandise stores in the Philippines that have branches in every famous malls in the country. At isa lamang ang Triple Play sa mga negosyong under ng EJ & T Enterprises na pag-aari ni Ethan. His best friend was a good businessman at idolo niya ito.
NAKITA ni Laura ang disappointment sa mukha ni Lance nang hindi ito pansinin ni Trisha. She was feeling sorry for him. Umaasa siya na darating ang araw na manunumbalik ang magandang relasyon ni Lance sa lahat ng mga kaibigan. Matapos ang sandaling chikahan nila ni Trisha ay lumabas na siya ng building. Nakita naman niya kaagad si Lance na guwapong-guwapong nakasandal sa sports car nito. Tila hindi naman nito dinamdam ang nangyari. Nakangiting kumaway ito sa kanya. Bigla niyang naalala na masama nga pala ang loob niya sa binata.“Hey, hindi na ko makakapunta sa restaurant. Nakalimutan ko, may kailangan pala akong gawin sa office,” aniya rito nang makalapit. Ayaw niyang makasama sa lunch si Lance kaya nagsinungaling siya at nagdesisyon na hindi na magpunta sa restaurant. Tatawagan na lang niya si Tamara mamaya. Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito. Tila hindi naniniwala sa kanya. “Really?”“Yes. I gotta go, magtataxi na lang ako papunta sa office.” Tinalikuran na niya ito
“REALLY, pinadalhan ka ni Lance ng a dozen of yellow roses?” amused na sabi ni Tamara kay Laura nang ikuwento niya rito ang ginawa ni Lance nang tawagan siya nito. “Yes. Pinadala niya sa studio kaninang umaga.” Bumuntong-hininga si Laura. “Why it has to be yellow?” “What’s wrong with yellow? Red roses ba ang gusto mo? Hoy, babae. Hindi s’ya nanliligaw. Peace offering lang ‘yon. Huwag mong lagyan ng ibang meaning.” “Oo naman. But you knew I love yellow!” “And so?” tanong ni Tamara. Isang mahabang buntong-hininga ang isinagot niya rito. “Wait, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Type mo pa rin si Lance, ‘no?” Hindi siya nakasagot. “I knew it! Laura, umayos ka nga. I don’t want him for you.” Nagulat si Laura sa narinig. “Why not? Okay na naman kayo ni Ethan, ah. Kasal at magkakaanak na rin.” “Dahil kay Celine. Yes, makikipag-break na siya kay Celine. Pero hindi pa rin kayo pwede.”
Madilim pa nang gumising si Laura nang sumunod na araw para maglinis. Matapos kumain ng almusal ay sumabak na siya sa paglilinis. Makalipas ang ilang oras, habang nagpupunas siya ng mga muwebles ay biglang tumunog ang buzzer sa gate. Without minding her looks, tinungo niya ang inner gate at binuksan. Inaasahan na niya na ang maid ni Tamara na magdadala sa kanya ng pagkain o ang ipinadala nitong hardinero ang darating. Pero nagulat siya nang si Lance ang dumating imbes na ang inaasahan niyang mga tao. “Lance!” gulat na bulalas niya. “Hi, Laura.” Itinaas nito ang isang paper bag at iniabot sa kanya. “Padala ni Tam.” Tinanggap niya ang paper bag. “Thank you sa pagdadala. Pasok ka.” Nilakihan niya ang bukas ng gate at pumasok ang binata. “And these are for you.” Itinaas ni Lance ang kaliwang kamay na may bitbit na mga boxes mula sa Frances’. “My favorites,” aniya nang makilala ang box ng ensaymada at puto cake.”
INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m
DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi
UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl
AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed
NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa
“GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su
HINDI MALAMAN ni Laura ang magiging reaksiyon sa sinabi ni Tamara nang sabihin nito na ipinaalam na nito kay Lance kung nasaan siya. Dalawang araw na si Laura sa flower farm ng Perfect Petals. Tinanggap niya ang alok ni Tita Danna na magbakasyon sa lugar. Masuwerte siya dahil nauunawaan at kakampi niya ito. “Stay for as long as you want, Laura. Don’t worry hindi ko sasabihin kay Lance kung nasaan ka,” sabi pa sa kanya ni Tita Danna. Gusto sana ni Laura na magbakasyon sa malayong lugar o umuwi muna sa Germany o London dahil ayaw pa niyang makita si Lance. Pero hindi siya maaring umalis dahil sa mga nakatakda niyang trabaho sa mga susunod na araw. Bukas nga ay kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may photoshoot siya na hindi niya maaring ipasa kay Jio. Bukod doon ay kapapanganak lang ni Tamara. Gusto niyang nasa malapit lang siya kapag kinailangan ng kaibigan. “Pinahirapan ko na si Lance sa paghahanap sa ‘yo. Sinabi ko na nagpunta ka sa Palaw
PADAPANG humiga sa kama si Lance sa kanyang condo unit. Doon siya dumiretso pagkatapos ng trabaho dahil iniiwasan niyang mapagalitan ng kanyang mommy. He was not feeling well. Matamlay siya at medyo masakit pa rin ang ulo dahil sa dami ng nainom kagabi. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya alam na ang Ate Denise at ang bayaw na si BJ ang sumundo sa kanya sa bahay nina Ethan. Maghapon siyang tulog sa kanilang bahay at nang magising ay masakit na masakit ang kanyang ulo pero pinilit niyang bumangon para pumasok sa opisina at ayusin ang problema sa supplier ng materyales. Habang nasa opisina ay nalaman ni Lance kay Ate Francine na nakapanganak na si Tamara. Minabuti niyang hindi na muna magpunta sa ospital dahil alam niyang galit si Tamara sa kanya. Baka makasama lang dito kapag nakita siya nito. Natapos naman ang problema niya sa supplier at na-retrieve na rin ang lahat ng social media accounts niya pero ang problema niya kay Laura ay hindi pa. Dahil
SA MASTER BEDROOM nagtungo si Laura matapos iwanan sina Lance sa balkonahe. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang sumunod sa kanya si Tamara makalipas ang ilang minuto. “Bakit kasi tumagal na ng ilang buwan ang relasyon n’yo pero hindi n’yo man lang napag-usapan ni Lance ang past n’yo?” tanong ni Tamara galit pa rin kay Lance. “We decided not to talk about it.” “Marami kayong dapat na pag-usapan at linawin sa isa’t-isa ni Lance. Pero huwag mo s’ya basta patatawarin, Laura. Pahirapan mo muna,” sabi pa ni Tamara. Hindi nakasagot si Laura. Sa estado n’ya ngayon. Siguradong hindi talaga niya basta mapapatawad si Lance. Galit na galit siya sa binata to the point na ayaw niya itong makita. Sabay na napatingin sina Laura at Tamara sa pinto nang biglang may kumatok kasunod ng pagpasok ni Ethan. “Umuwi na si Lance,” imporma nito. “Lasing na lasing siya kaya pinasundo ko kina Denise at BJ.” “I don’t care. Ang kapal ng