NAKITA ni Laura ang disappointment sa mukha ni Lance nang hindi ito pansinin ni Trisha. She was feeling sorry for him. Umaasa siya na darating ang araw na manunumbalik ang magandang relasyon ni Lance sa lahat ng mga kaibigan. Matapos ang sandaling chikahan nila ni Trisha ay lumabas na siya ng building. Nakita naman niya kaagad si Lance na guwapong-guwapong nakasandal sa sports car nito. Tila hindi naman nito dinamdam ang nangyari. Nakangiting kumaway ito sa kanya. Bigla niyang naalala na masama nga pala ang loob niya sa binata.“Hey, hindi na ko makakapunta sa restaurant. Nakalimutan ko, may kailangan pala akong gawin sa office,” aniya rito nang makalapit. Ayaw niyang makasama sa lunch si Lance kaya nagsinungaling siya at nagdesisyon na hindi na magpunta sa restaurant. Tatawagan na lang niya si Tamara mamaya. Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito. Tila hindi naniniwala sa kanya. “Really?”“Yes. I gotta go, magtataxi na lang ako papunta sa office.” Tinalikuran na niya ito
“REALLY, pinadalhan ka ni Lance ng a dozen of yellow roses?” amused na sabi ni Tamara kay Laura nang ikuwento niya rito ang ginawa ni Lance nang tawagan siya nito. “Yes. Pinadala niya sa studio kaninang umaga.” Bumuntong-hininga si Laura. “Why it has to be yellow?” “What’s wrong with yellow? Red roses ba ang gusto mo? Hoy, babae. Hindi s’ya nanliligaw. Peace offering lang ‘yon. Huwag mong lagyan ng ibang meaning.” “Oo naman. But you knew I love yellow!” “And so?” tanong ni Tamara. Isang mahabang buntong-hininga ang isinagot niya rito. “Wait, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Type mo pa rin si Lance, ‘no?” Hindi siya nakasagot. “I knew it! Laura, umayos ka nga. I don’t want him for you.” Nagulat si Laura sa narinig. “Why not? Okay na naman kayo ni Ethan, ah. Kasal at magkakaanak na rin.” “Dahil kay Celine. Yes, makikipag-break na siya kay Celine. Pero hindi pa rin kayo pwede.”
Madilim pa nang gumising si Laura nang sumunod na araw para maglinis. Matapos kumain ng almusal ay sumabak na siya sa paglilinis. Makalipas ang ilang oras, habang nagpupunas siya ng mga muwebles ay biglang tumunog ang buzzer sa gate. Without minding her looks, tinungo niya ang inner gate at binuksan. Inaasahan na niya na ang maid ni Tamara na magdadala sa kanya ng pagkain o ang ipinadala nitong hardinero ang darating. Pero nagulat siya nang si Lance ang dumating imbes na ang inaasahan niyang mga tao. “Lance!” gulat na bulalas niya. “Hi, Laura.” Itinaas nito ang isang paper bag at iniabot sa kanya. “Padala ni Tam.” Tinanggap niya ang paper bag. “Thank you sa pagdadala. Pasok ka.” Nilakihan niya ang bukas ng gate at pumasok ang binata. “And these are for you.” Itinaas ni Lance ang kaliwang kamay na may bitbit na mga boxes mula sa Frances’. “My favorites,” aniya nang makilala ang box ng ensaymada at puto cake.”
EKSAKTO alas-otso ng umaga nang bumalik si Lance sa bahay ni Laura kinabukasan. Bukod sa binata, tatlong lalaki pa ang kasama nito sakay ng isang pickup na may logo ng Perfect Petals. Isang kilalang flower shop ang Perfect Petals na pag-aari ng mommy ni Lance at pinsan nitong si Frances. “Sorry, napaaga yata kami. Ngayon lang kasi sila available. Kailangan nilang bumalik sa farm before lunch,” apologetic na sabi ni Lance nang makababa ito ng kotse. “It’s okay. Pero bakit naman mga tauhan ng farm n’yo ang isinama mo? Puwede namang kahit ‘yong hardinero n’yo na lang sa bahay.” “On call na lang din pala ang hardinero namin sa bahay. Nagpapatawag lang si Mommy ng gardener mula sa farm kapag may mabibigat na gagawin. Pero kung wala naman, siya lang ang nag-aayos ng garden. Pinasama sila ni Mommy nang magsabi ako na may gagawin ako sa garden mo. And this is for you.” Itinaas ni Lance ang hawak na box ng cake. “Ipinabibigay ni Mommy. Siya mismo ang nag-bake.”
MULING ni-review ni Laura ang mga shot niya kay Lance habang nasa itaas ito ng climbing wall at ginagawa ang iba’t-ibang climbing techniques. Nang makuntento ay ipinakita niya ang mga iyon sa representatives ng Triple Play na kasama nila sa pictorial. Ginanap ang photoshoot sa indoor wall climbing gym ng Friend Jungle. Pero nasa isang area lang sila dahil kasalukuyan pang nire-renovate ang lugar. Pagkatapos ng renovation ay babalik doon si Laura upang kumuha ulit ng litrato para sa promotion. “Okay ang mga shot mo, Miss Laura. Marami na kaming mapagpipiliin dito. Puwede na kayong mag-pack up,” nasisiyahang sabi ng isa sa mga representatives matapos mag-usap-usap ng mga ito. “Okay. Thank you.” Mabuti naman at maagang natapos ang pictorial kaysa sa inaasahan niya.&nb
“Kakainin mo pa ba ‘yan?” tanong ni Tamara habang nakatingin sa kinakaing ice cream ni Laura. Ubos na nito ang kinakain. “Sa ‘yo na wala akong gana.” Inilapit niya rito ang pint size avocado ice cream.Kaagad namang iyong kinain ni Tamara. Napailing na lang si Laura sa kaibigan. Palibhasa buntis kaya grabe ngayon ang katakawan ng kaibigan niya. Kumain na rin sila ng isang pan ng lasagna kanina na halos ito ang umubos bago sila nag-ice cream. Ilang sandaling pinanood niya ito sa maganang pagkain bago muling nagsalita. “So, anong gagawin ko?” “Saan?” tanong ni Tamara habang patuloy pa rin sa pagkain. “Sa problema ko. I need a
HAPON na nang makauwi si Lance mula sa pagbabasketball kasama si Ethan at mga kaibigan nila. Napatingin si Lance sa hawak na cell phone nang biglang tumunog iyon nang makababa siya ng kanyang sasakyan. Dondie was calling him. Dati niyang kasama sa pagmomodelo si Dondie at itinuturing na matalik na kaibigan. Nilapitan muna niya ang kanyang mommy na abala sa mga halaman nito sa garden at hinalikan sa pingi bago sinagot ang tawag. “Hello, pare? Kumusta?” tanong ni Lance at naglakad na papasok sa main door. “Okay lang, pare. Ikaw pare kumusta? Napanood ko ‘yung isang vlog mo kagabi. Grabe, five hundred million views na. Wala akong masabi. Ang galing mo!” Natawa si Lance. “Thank you, p
HAPON na ng magising si Laura. Hindi pa sana siya babangon dahil inaantok pa siya pero naalala niya ang date nila ni Ram. Kakauwi lang niya kaninang umaga nang tawagan siya nito niyayang lumabas. Pumayag siya kaagad dahil kailangan nilang mag-usap at sabihin ang napagdesisyunan. Mabilis na kumain ng light meal at naligo si Laura. Kalalabas lang niya ng banyo nang tumunog ang kanyang cell phone. Nang makitang si Daena ang tumatawag ay kaagad niyang sinagot ang tawag. “Hi, Daena. What’s up?” masiglang bati niya sa kaibigan. “Hi! Are you free to meet today? May importante lang akong sasabihin tungkolkay Ram.” Napakunot-noo siya. “Ano ‘yon?”
INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m
DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi
UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl
AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed
NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa
“GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su
HINDI MALAMAN ni Laura ang magiging reaksiyon sa sinabi ni Tamara nang sabihin nito na ipinaalam na nito kay Lance kung nasaan siya. Dalawang araw na si Laura sa flower farm ng Perfect Petals. Tinanggap niya ang alok ni Tita Danna na magbakasyon sa lugar. Masuwerte siya dahil nauunawaan at kakampi niya ito. “Stay for as long as you want, Laura. Don’t worry hindi ko sasabihin kay Lance kung nasaan ka,” sabi pa sa kanya ni Tita Danna. Gusto sana ni Laura na magbakasyon sa malayong lugar o umuwi muna sa Germany o London dahil ayaw pa niyang makita si Lance. Pero hindi siya maaring umalis dahil sa mga nakatakda niyang trabaho sa mga susunod na araw. Bukas nga ay kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may photoshoot siya na hindi niya maaring ipasa kay Jio. Bukod doon ay kapapanganak lang ni Tamara. Gusto niyang nasa malapit lang siya kapag kinailangan ng kaibigan. “Pinahirapan ko na si Lance sa paghahanap sa ‘yo. Sinabi ko na nagpunta ka sa Palaw
PADAPANG humiga sa kama si Lance sa kanyang condo unit. Doon siya dumiretso pagkatapos ng trabaho dahil iniiwasan niyang mapagalitan ng kanyang mommy. He was not feeling well. Matamlay siya at medyo masakit pa rin ang ulo dahil sa dami ng nainom kagabi. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya alam na ang Ate Denise at ang bayaw na si BJ ang sumundo sa kanya sa bahay nina Ethan. Maghapon siyang tulog sa kanilang bahay at nang magising ay masakit na masakit ang kanyang ulo pero pinilit niyang bumangon para pumasok sa opisina at ayusin ang problema sa supplier ng materyales. Habang nasa opisina ay nalaman ni Lance kay Ate Francine na nakapanganak na si Tamara. Minabuti niyang hindi na muna magpunta sa ospital dahil alam niyang galit si Tamara sa kanya. Baka makasama lang dito kapag nakita siya nito. Natapos naman ang problema niya sa supplier at na-retrieve na rin ang lahat ng social media accounts niya pero ang problema niya kay Laura ay hindi pa. Dahil
SA MASTER BEDROOM nagtungo si Laura matapos iwanan sina Lance sa balkonahe. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang sumunod sa kanya si Tamara makalipas ang ilang minuto. “Bakit kasi tumagal na ng ilang buwan ang relasyon n’yo pero hindi n’yo man lang napag-usapan ni Lance ang past n’yo?” tanong ni Tamara galit pa rin kay Lance. “We decided not to talk about it.” “Marami kayong dapat na pag-usapan at linawin sa isa’t-isa ni Lance. Pero huwag mo s’ya basta patatawarin, Laura. Pahirapan mo muna,” sabi pa ni Tamara. Hindi nakasagot si Laura. Sa estado n’ya ngayon. Siguradong hindi talaga niya basta mapapatawad si Lance. Galit na galit siya sa binata to the point na ayaw niya itong makita. Sabay na napatingin sina Laura at Tamara sa pinto nang biglang may kumatok kasunod ng pagpasok ni Ethan. “Umuwi na si Lance,” imporma nito. “Lasing na lasing siya kaya pinasundo ko kina Denise at BJ.” “I don’t care. Ang kapal ng