Hindi ako babaero. Masasabi kong loyal ako sa aking trabaho at pamilya. Hindi perpekto pero hindi din masamang tao. Naging kami ni JZ dahil siya lang ang nakikita kong perfect candidate sa mga nakahilerang babae na pina-pa-date sa akin ng aking mga magulang. Twenty five na ako, hindi pa matanda pero pine-pressure na nila para mag-asawa. Dapat daw sa edad kong twenty five ay bumuo na ako ng pamilya. Habang malakas pa daw sila at kayang mag-alaga ng apo. Ganoon din naman ang sinasabi ni Lolo, pero hindi naman siya gaya ng mga magulang ko na masyado ng nanghihimasok sa buhay ko. Though I didn't thought that it's a bad thing. Wala naman akong karelasyon at wala din akong natitipuhan. Hindi ko alam kung darating ba ako sa point ng buhay ko na ma-i-inlove ako. O baka pang-fixed marriage talaga ako. "Marriage is a lifetime commitment kaya piliin mong mabuti kung sino ang makakasama mo." Lolo is a believer of love, kaya lagi niya itong sinasabi sa akin. Wala pa naman akong balak magpak
RAIDENHindi na ako makapag-isip ng tama kaya nagpasundo na lang ako sa aking driver. Kanina pa ako nakatulala dito sa loob ng sasakyan. Gusto kong hanapin ang aking asawa pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Bukod kay Pepper, wala na siyang ibang kaibigan. Wala din siyang pamilya at kahit isang kamag-anak ay hindi ko din kilala. I feel so lost. Takot na takot ako na mag-isa dahil iniwan na niya ako. Matagal akong naging single at na-enjoy ko iyon. Ang pagdating ni Rosario sa buhay ko ay biglaan... but her company have given me comfort. Ngayon na umalis na siya, paano na lang ako? Hindi na ako sanay. Kailangan ko siya. Siya lang ang kailangan ko. This is my fault. Wala akong ibang puwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko. Labis ko siyang sinaktan. Inapi-api siya ni Mommy pero para sa akin, hindi siya kailanman gumanti. She stayed. Tapos nasaktan din siya dahil nagkaanak ako kay JZ. And damn it! Hanggang ngayon hindi ko pa din maalala kung ano ang nangyari ng gabing iyo
Ang aking sling bag na may laman ng wallet at celphone ko lang ang aking dala, para makaalis ako agad. Maaga pa kaya wala pang gaanong sasakyan na dumadaan. Kapag naghintay ako ng taxi, baka aabutan lang ako ng liwanag. Sumasabay sa pagbuhos ng aking luha ang aking pawis. Para akong magkakasakit. Baka nabinat ako dahil sa nangyari at sa naipon na din na stress. Ngayon na umalis na ako sa mansyon na iyon at sa buhay ng aking asawa, dapat mawala na din ang stress na dulot nila sa akin. Mamaya-maya puwede na din siyang mag-file kaagad ng annulment. Hindi naman kailangan ang pirma ko. Hindi ko din kailangang um-attend ng hearing, dahil kayang-kaya niyang magbayad ng malaki para ma-process agad ang annulment case namin. Ilang blocks pa ang nilakad ko, bago may dumaan na taxi. Mabagal ang patakbo nito kaya napara ko agad. "Sa airport po, Kuya," sabi ko sa driver. Kumuha ako ng tissue sa aking bag upang matuyo ang basa kong mukha dahil sa pawis at luha. Isang oras din mahigit ang trav
Pagkatapos kong ikuwento ang bawat detalye ng nangyari, umalis na ang mga tauhan na inutusan nina Kuya. Gabi na din at inutusan na akong matulog. Kaso hindi ako makaramdam ng antok. Alas-nuebe nang gabi nang maramdaman ko ang panginginig ng aking katawan."Bring some ice here!" utos ni Kuya sa mga tauhan niya. Nagmamadali namang umakyat ang tauhan na mayroong dalang mga tube ice. Pinahawak ito ni Kuya sa akin. At maya-maya pa ay naramdaman ko na nababawasan na ang panginginig ng aking katawan. Pinilit ko ding umiyak, para kumalma ang aking pakiramdam. And that's when Kuya decided to give me some sleeping pills. "Matulog ka na..." sabi nila pagkatapos kong inumin ang pills. "Babantayan ka namin."Sinasabi ko sa sarili na kailangan kong maging malakas pero may certain point or time everyday na inaatake ako ng lungkot. Kuya decided na bumalik na kami ng Manila. Kailangan daw ang consent ko para sa paghukay sa libingan ng aking anak para sa maternity test na isasagawa.I was so nerv
RAIDENHindi ako makatulog. Ayaw ko ding matulog, sa kagustuhang mahanap ko na ang aking asawa at ng anak namin. Kanina pa ako tawag nang tawag sa mga connections ko, pero wala pa din silang maibigay na resulta sa pinapagawa ko sa kanila. Walang kahit ano'ng kuha ng cctv sa sementeryo o kahit ilang blocks mula dito. Kahit sa ospital kung saan pinalitan ang baby namin, wala ding footage. Sino kaya ang may gawa nito? Oras na malaman ko kung sino siya... Baka mapatay ko siya. Hinilot ko ang aking ulo. Pagod na pagod na ang aking isip. Sana maisip ng bumalik ni Rosario dahil kailangan naming hanapin ang aming anak. Mas maganda kung magkasama namin siyang hanapin. Nahiga ako sa kama naming mag-asawa. Habang nakatulala, bumabalik ang mga alaala ng huling gabi naming magkasama. Kakalimutan niya ako para maging masaya siya. Tumulo ang aking luha. Hindi ko matanggap. Sobrang sakit. Sana hindi mo ako makalimutan. I'm sorry if I'm gonna wish that you won't find your happiness, while you'r
RAIDEN Hinehele ko si Junior nang marinig ko ang tatlong katok mula sa pintuan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang babaeng mayroong bitbit na dalawang unan at comforter. "Ano'ng ginagawa mo dito, JZ?" seryosong tanong ko sa babae. Napagsabihan ko na siya na bawal siya dito, dahil kuwarto namin ito ng asawa ko. Galit na galit siya noon, pero wala din siyang nagawa kundi lumabas, dahil kakaladkarin ko talaga siya palabas. Maganda na din iyong alam niya na hindi ako nagbibiro. "Nami-miss ko na si Junior," sagot naman niya na alam kong walang katotohanan. Kung si Rosario ang magsabi ng ganitong bagay, maniniwala pa ako. Kahit hindi niya alam na anak niya si Junior, ramdam ko na wala siyang hinanakit sa bata. At kaya niyang palakihin ito na parang sariling anak kung sinabi ko lang sana noon sa kaniya. Wala pa din akong balita sa kaniya, kaya gulong-gulo na ang utak ko. Kaya para ma-distract ako, ako na lang ang nag-aalaga sa anak namin. Tintanong ni Mommy kung bakit halos ayaw ko
RAIDEN "Huwag na huwag kayong magbubukas ng pintuan," bilin ko sa dalawang yaya ni Junior bago ako umalis. Nag-iwan din ako ng ilang tauhan upang magbantay dito sa mansyon, just in case na may hindi magandang mangyari. Binilinan ko din ng maigi ang mga nanny, na huwag papapasukin sina Mommy at JZ sa loob ng kuwarto. Huwag magbubukas ng pintuan, kahit si Mommy pa iyon. Pagod na pagod na ang isip at katawan ko. Pagod na akong mag-overthink pero heto na naman. Sana hindi ang asawa ko ang nakita nila.Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko nang makarating kami sa crime lab kung saan dinala ang bangkay na nakita nila. Hindi na ito makilala kaya hindi na din nila pinasilip pa sa akin. Pinakita nila sa akin ang gamit na na-recover sa bangkay. Wallet at kuwintas nga ito ng aking asawa."Y-Yeah, this is hers..." garalgal ang boses na sagot ko sa mga awtoridad. "Pero hindi siya iyan. Buhay pa ang asawa ko. Buhay pa ang asawa ko at kailangan niyo siyang hanapin! Hanapin niyo siya! Kaya ng
THIRD POVNapangiti ang lalake nang mapanood ang news sa malaking tv sa kanilang secret room. Laman ng balita ang kaniyang kapatid na hinahanap ng asawa nito. What a jerk. Hindi nila ito puwedeng galawin dahil na din ayaw nilang magalit ang kapatid nila. Baka magrebelde na naman ito at maisipan na namang umalis. Kailangan nilang magsama-sama at magkaisa. Ayaw niyang magkagulo silang magkakapatid. "Nagawa mo na ang inuutos ko sa'yo?" tanong niya nang tumawag ang isa sa tauhan niya na nasa Manila. "Good." Sa ganitong paraan man lang ay maiganti niya ang kaniyang kapatid sa asawa nito. Kung hindi lang sila binalaan ni Penelope, baka pinabagsak na niya ang negosyo ng lalake. Kayang-kaya niyang gawin iyon, pero inaalala lang niya ang kaniyang kapatid. Hindi din naman niya puwedeng hayaan na maghirap ang pamangkin niya. Si Raiden Junior. Lahat ng nangyayari ay alam niya. Alam din niya na ayaw maniwala ni Raiden na asawa nito ang naaagnas na bangkay na natagpuan sa sementeryo, kahit na n