Share

Something Borrowed
Something Borrowed
Author: SELCOUTHLOVE

Chapter 1

Author: SELCOUTHLOVE
last update Huling Na-update: 2023-03-02 08:44:49

Tulalang nakamasid si Misha sa mga puting ulap nang marinig niya ang mabining boses ng stewardess na nag-announce na lalapag na ang eroplanong sinasakyan niya sa loob ng trenta minutos.

Napapikit siya sa kaunting kirot na nararamdaman niya sa kanyang ulo.

Tatlong taon at pitong buwan siyang na-comatose at wala sa pamilya niya ang nakakaalam sa nangyari sa kanya. Nagbabakasyon siya noon sa ibang bansa nang may tumulak sa kanya mula sa mataas na bangin na naging sanhi ng paghulog niya sa dagat. Tumama ang ulo niya sa bato at nawalan ng malay. Mabuti na lamang at may nakakita sa kanya sa dalampasigan na nag-aagaw buhay kaya dinala siya kaagad sa hospital.

Pagkatapos ng halos apat na taong pagkakatulog, nagising siya at ngayon ay babalik na sa pinas. Ramdam niya ang pamamasa ng mga mata, iniisip kung ano na ang nangyari sa pamilya niya.

Mabilis na lumabas siya ng airport at kaagad na pumara ng taxi at binigay ang address ng bahay pagkatapos sumakay.

Pagdating niya sa pamilyar na gate ng bahay nila, saglit siyang napatulala. Huminga siya ng malalim bago naglakas-loob na pindutin ang doorbell.

"It's okay. Everything's gonna be okay, Misha," bulong niya sa sarili.

Nang bumukas ang gate, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya. "M-Mam M—Misha?" Halatang gulat at nauutal na sambit ni Sherly, ang katulong nila sa bahay.

Masaya siyang ngumiti. "Hi, Sherly."

Pagkatapos niyang bumati ay nagpatuloy siya sa loob at hindi na binigyang pansin ang ilang beses na pagtawag sa kanya ni Sherly dahil excited na siyang makitang muli ang mga magulang.

Tumambad sa paningin niya ang nakatawang mukha ng mommy at daddy niya. Bukod sa mga magulang niya ay nandoon din si Charlie— ang fiance niya na katabi ang pinsan niyang si Margo.

Nang masilayan siya ng apat ay ilang sandaling katahimikan ang namayani bago nabasag iyun ng isang boses.

"M—Misha?" gulat na sambit ng mommy niya na nabitawan pa ang basong hawak nito.

"Oh my god," bulalas ni Margo habang nakatingin sa kanya.

Yayakapin niya sana ang mga magulang pero umatras ang mga ito. Litong tinignan niya ang mga ito.

"Anong ibig sabihin nito? My goodness! Misha, we thought you were dead." Ang daddy niya ang unang nakabawi sa pagkabigla.

Kumirot ang ulo ni Misha. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang reaksiyon ng pamilya niya. Hindi ba dapat masaya sila na nagkita sila ulit?

At anong patay? Bakit...

Tumingin siya kay Charlie pero wala siyang nakitang kasiyahan sa mga mata nito kundi pagkabigla at pagkalito.

"Did you pretend to be dead all this time?" May bahid na galit na sigaw ng dad niya.

Hindi niya maintindihan, gulong-gulo siya. Bakit ganun? Bakit akala nila patay na siya?

"I—I was in a coma," mahinang saad niya, umiiling. Sinimulan niyang ipaliwanag ang lahat pwera nalang ang katotohanang may tumulak sa kanya.

"Pumunta kami sa US at hinanap ka namin ng ilang buwan. Yung hotel na huli mong tinuluyan ay nagsabing nawala ka nalang na parang bula. Ni mga gamit mo, iniwan mo dun. Hanggang sa may tumawag na police, pinaalam sa'min na naaksidente ang kotseng nirentahan mo at sumabog. Sa loob ng sasakyan ay ang isang sunog na katawan ng babae na hindi na namin makilala pero suot ng katawang iyon ang engagement ring na binigay ni Charlie sa'yo."

"Ngayon sabihin mo sa'kin, Misha. Pineke mo ba ang pagkamatay mo? Bakit suot ng katawang 'yon ang singsing mo? Bakit bumalik ka dito nang nakangiti na parang walang nangyari?"

Lalong sumakit ang ulo ni Misha sa mga narinig mula sa ama niya. Hindi niya alam na may ganoong nangyari, hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Naguguluhan siya.

Naglandas nalang ang luha niya sa pisngi at napailing. "I swear I didn't do anything like that, dad."

"You didn't do it?! Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan namin para lang mahanap ka. Hindi kami makatulog at makakain ng maayos sa paghahanap sa'yo tapos lilitaw ka sa harap namin nang nakangiti na parang walang nangyari? Iniinsulto mo ba kami? Tingin mo biro lang lahat nang 'to?!"

"Henry..." pigil ng mommy niya sa dad niya.

"No, wala siyang alam sa pinagdaanan natin. Wala siyang awa. Bakit mo ginawa yun?! Ni hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ng fiance mo at ng pamilya niya! Pinayagan ka namin magbakasyon dahil sabi mo gusto mong malayang pag-isipan ng mabuti ang lahat. Kung ayaw mo palang magpakasal, edi sana sinabi mo nalang ang totoo at nang mapag-usapan natin ng masinsinan. Hindi yung tatakbuhan mo ang responsibilidad mo at magpapanggap na patay—"

Hindi na narinig ni Misha ang iba pang sinabi ng daddy niya dahil nagdilim na ang paningin niya sa sakit ng ulo hanggang sa natumba siya at ang galit na mukha ng ama ang huli niyang nakita.

***

Nagising ang diwa ni Misha nang may marinig siyang nag-uusap ng pabulong sa gilid ng hinihigaan niya.

"We have to tell her, Charlie. I don't want to lie to her," humihikbing saad ng pamilyar na boses.

"Sshh, we'll tell her. Don't worry, she will know, okay? Please, don't cry," marahang sagot ng lalaki.

Binuksan ni Misha ang mga mata at sinalubong ang paningin niya ng puting kisame.

Nasa hospital siya at si Margo at Charlie ang nasa gilid niya.

"Charlie," tawag niya sa fiance niya.

Narinig siya ng dalawa at mabilis namang lumapit sa kanya ang binata.

"Hey, how are you feeling?" Bakas sa boses ni Charlie ang pag-aalala.

Nag-init ang mga mata ni Misha sa narinig. Sa muling pagbalik niya, wala ni isang tao ang nagtanong ng kalagayan niya. 'Yon ang unang beses na may nagtanong ng nararamdaman niya kaya hindi niya mapigilang maging emosyonal.

May isang linya ng luha ang tumulo mula sa mata niya.

"Charlie, I didn't deceive you and everyone. Hindi ko alam na may ganoong nangyari. Wala akong ginawa para paglaruan ang damdamin niyo."

Hinawakan ni Charlie ang kamay niya. "It's okay, Misha. Don't cry, don't stress yourself. Sabi ng doctor, you might be emotionally unstable dahil kakagaling mo lang sa coma kaya huwag mong isipin ang mga nangyari at magpagaling ka muna."

"Charlie, mahal kita. God knows I always love you. Please believe me, Charlie." Hindi niya mapigilang humikbi. Ang mga salitang 'yon ang gusto niyang sabihin simula nang muling magtama ang mga mata nila ng kasintahan.

Lumuwag ang paghawak ni Charlie sa kamay niya. Ngumiti lang sa kanya ang lalaki at saka tuluyang pinakawalan ang kamay niya.

"You should recover first, Misha. Then, we'll talk."

Hindi din nagtagal ang dalawa sa hospital at umalis. Ang mommy at daddy niya ay hindi niya nakita.

Nang gabing 'yon, binalikan ni Misha ang mga salitang narinig niya sa ama at ang kwento kanina ni Charlie. Hindi niya alam kung bakit at paanong may ganoong nangyari.

Kahit anong isip niya, hindi niya mapigilang isiping may nagplanong patayin siya. May nagtulak sa kanya mula sa bangin kaya hindi imposibleng parehong tao lang ang may gawa nung set up ng pagkamatay niya na inakala ng mga magulang niya na siya. Pero sino? At ano ang motibo?

Alas-dos na ng umaga pero hindi pa rin siya makatulog. Nakaupo lang siya sa kama at ang mga mata ay nakatingin sa kawalan.

Nakuha lang ang atensiyon niya nang biglang may dalawang taong pumasok sa silid niya.

Naging alerto siya't naisip na baka nanganganib pa ang buhay dahil sa biglaang pagbabalik niya.

"Sino kayo?" matapang na tanong niya.

Hindi niya kilala ang dalawa at hindi maganda ang kutob niya sa nangyayari.

"The same face. Like literally, a perfect copy... Fxck." May gulat ang mga matang sabi ng lalaki.

Siniko ng babae ang lalaking kasama at bumulong ng, "Shut up."

"You can be hostile towards us all you want. You have the right to do that but I'm telling you now, we are here to make a deal and nothing more dangerous that will harm you," diretsahan at maawtoridad na pahayag ng babae.

Kumunot ang noo niya. "What? A—A deal?" naguguluhang tanong niya.

"Yes, a deal." Tinaas ng babae ang hawak na itim na catalog envelope bago nagpatuloy. "We know who plotted your death."

Kaugnay na kabanata

  • Something Borrowed   Chapter 2

    Bumilis ang tibok ng puso ni Misha sa narinig. "You know who did this to me?" Napababa siya bigla at aabutin sana ang envelope pero mabilis na tinago 'yon ng babae sa likod nito kaya tinignan niya ito ng masama"What a gaze, so feisty. Just like you, baby," nagbibirong komento ng lalaki na nakatanggap ng tampal sa batok galing sa babae.Tumingin ang babae sa kanya. Kalmado at walang halong panganib ang mga mata nito.Natahimik siya sandali. Humugot siya ng malalim na hininga at kinalma ang sarili. Pagkatapos ay marahang tumango sa dalawa. Siguro naman walang masama kung makinig muna siya. "Okay, let's hear it."Ngumisi ang babae. "Now we're talking."Pormal na tumayo ang babae sa gilid niya saka nagsalita. "I will give this to you. Lahat ng gusto mong malaman at kahit ang impormasyon na hindi mo akalaing malalaman mo ay nandito sa loob ng envelope. Kapag napasakamay mo 'to, tutulungan ka namin maghiganti kung nanaisin mo. Ang kapalit? Kailangan mong sumama sa'min."Kumunot ang noo ni

    Huling Na-update : 2023-03-02
  • Something Borrowed   Chapter 3

    Kalahating oras na ang lumipas pero hindi pa rin tumitigil si Misha sa pag-iyak. Nanatili siyang nakaupo at nakayuko habang humihikbi. Wala na si Charlie. Nagbayad ito sa waiter at nagbilin na hayaan muna siyang mag-isa.Sumasakit ang ulo niya pero hindi niya 'yon alintana. Mas masakit ang puso niya.Napasinghap nalang siya nang biglang may isang braso ang humila sa balikat niya at tinulak siya sa sahig. Kasabay ng pagbagsak niya sa sahig ay ang ingay ng nabasag na salamin. "Those fxckers. They really dared to make a mess in a broad daylight?" Pagmumura ng babaeng naka-sunglasses na nakayakap sa kanya.Ang ingay ng mga tao sa loob ng restaurant ay mas lalo pang lumakas nang may isa na namang putok ng baril ang umalingawngaw. "Fxck this! Get your shxt together," mabilis na sabi ng babae sa kanya. Hinila siya nito at dinala sa kusina ng restaurant at lumabas sila mula sa backdoor. Nagpahila na lang siya kahit na litong-lito sa mga nangyayari.Sinakay siya nito sa kotse at pinaharurut

    Huling Na-update : 2023-03-02
  • Something Borrowed   Chapter 4

    [Two weeks later]Tamad na tinapon ni Misha ang katawan sa sofa at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Dalawang linggo na siya sa Russia. Two weeks have passed since she started to borrow Zephyra's identity. Zephyra Greene is a skilled agent and the daughter of Zedd Anthony Greene, one of the leader of a secret organization named ISHA, and Eveline Greene, an ISHA's executive and a close combat instructor. ISHA is an organization that do missions all over the world in secrecy, investigating big crime cases, preventing terrorist attacks, do undercover missions, etc, etc. Ang isa sa pinakamalaki nilang base ay nasa Russia at doon siya sekretong pinasok ni Eveline at sinimulang hinasa. Hindi pa patay ang totoong Zephyra, na-coma ito dahil sa huling mission na muntik na nitong kinamatay. At dahil kailangan nila ng isang Zephyra Greene na haharap sa mga tao ay kailangan niyang pansamantalang magpanggap.Hindi pa nakakalimang minuto na nakahiga siya sa silid nang may pumasok para

    Huling Na-update : 2023-03-02
  • Something Borrowed   Chapter 5

    Hindi alam ni Misha kung saan ibibigay ang atensyon. Sa katawan nilang magkadikit? Sa braso nitong mahigpit na nakayakap sa bewang niya? Sa kamay nitong nakahawak sa pisngi niya? O sa boses nitong biglang nag-iba ng tono na parang nilulunod siya sa kawalan?Mabuti nalang nahanap niya kaagad ang boses. "L—Look, let's be real here. You are completely lying since earlier. Why are you doing this stupid thing anyway?" Nahanap niya ang lakas na itulak ito palayo dahil kapag hinayaan niya pa itong nakadikit sa kanya, baka hindi niya magawang lumayo dahil sa nag-iinit niyang katawan at nanghihinang mga tuhod.He brought out a smile on his face. But for some reason, his smile suddenly feels strange and dangerous. "I'm not sure if amnesia can also change one's personality but you seem to be different from the person I know. Who are you?"Natahimik si Misha at napatingin sa mga mata ng binata. Ang kaninang mapaglarong mga mata ay naging seryoso. It almost feels like he can see through her.Pil

    Huling Na-update : 2023-03-14
  • Something Borrowed   Chapter 6

    Dahil sa huling pag-uusap nila sa training room, sinigurado ni Misha na nakahanda ang sarili niya kung sakaling paghihinalaan na naman ni Lucien ang identity niya. Kalmadong tinignan niya ito. Hindi niya ito bibigyan ng rason para mas paghinalaan siya. Oo nga at hindi niya alam kung paano makitungo si Zephyra kay Lucien pero hindi 'yon problema dahil sa mata ni Lucien ay may amnesia siya.Sa nabasa niya tungkol kay Lucien Clive Harrison, isa itong mnemonist. Lucien has an extraordinary inborn ability to recall or remember any long lists of numbers, data, book entries, names, etc, etc. Kahit yung isang buong libro ay kaya nitong i-memorize, educational man o entertainment books. Napakasensitibo din nito sa mga detalye.Kasabay ng pagkakaroon nito ng nakakabilib at nakakahangang memorya ay ang pagkakaroon nito ng tiyak na intuwisyon. And because he is meticulous with details, of course, he won't miss something about her changes, won't he? After all, Zephyra is his bestfriend.Pero sa h

    Huling Na-update : 2023-03-14
  • Something Borrowed   Chapter 7

    Mabilis na bumangon siya at nagtago sa isang sulok dahil baka papasok sa silid ang grupong dumukot sa kanya at gawin siyang hostage.Nanginginig na nakinig siya sa mga putok at tahimik na nagdasal na sana hindi siya kukunin ni Lord sa araw na 'yon. Siguro mga twenty minutes pa ang lumipas nang marinig ni Misha na may kumalampag sa pintuan. Pero hindi siya umalis sa pinagtaguan."Zephyra, where are you? Rara?!"Nagliwanag ang mukha niya nang marinig ang malakas na boses ni Lucien. Mabilis na lumabas siya at nagpakita.She was honestly relieved even though she felt weird that she was called by Zephyra's name."You are fxcking late, you dummy," sabi niya sa garalgal na boses. May luha na naglandas sa pisngi niya na kanina niya pa pinipigilan.Salamat naman at hindi pa doon magtatapos ang kuwento ng buhay niya.Mabilis na tinakbo ni Lucien ang kinaroroonan niya at niyakap ang malamig niyang katawan. "Thank god. I'm so sorry, I'm sorry it took long," he said anxiously while caressing her

    Huling Na-update : 2023-03-14
  • Something Borrowed   Chapter 8

    Lucien faked a cough and tried to calm himself. The woman in front of him is rather fascinating. He knows her too well but at the same time, he felt like he just met her for the first time.He stared right into her eyes, oh he adored looking at her. It started when he saw her again. Zephyra's mismatched eyes are always definitive. She has this enthusiastic gaze whenever she's excited, intense when she is angry and ferocious when she is fighting. However, for some reason, the Zephyra in front of him feels different.The first time he held her after seeing her again, he was dazed by her warmth. His body is even reacting to how her soft body is pressed against his. It felt good and it never happened before. He actually felt hot while hugging his bestfriend and that is not right.He started questioning the possibility that her changes could be the effect of having amnesia. Still, he started to tease her out of amusement. It was entertaining to see her adorable responses.For the second ti

    Huling Na-update : 2023-03-14
  • Something Borrowed   Chapter 9

    Halos isang linggo na ang lumipas nang lumabas si Misha sa hospital. Nag-aayos na siya ng mga gamit at lilipad na papuntang US. Bumukas ang pinto ng room at pumasok si Eveline. "Ready?" she asked. Tumango si Misha. "Hm, I don't have a lot of things here," sagot niya na hila-hila ang maliit na maleta. Sa labas, nakita niyang nandoon si Lucien nakatayo at naghihintay sa kanila. "Hi," he greeted and didn't miss giving her a wink. Tumango lang si Misha dito. Medyo sanay na siya sa kalandian nito. Lumapit si Lucien sa kanya at kinuha ang maleta na hawak niya. Isang backpack lang ang dala nito kaya hinayaan na niya dahil alam niyang hindi na niya mababawi ang bagahe. Magsasayang lang siya ng oras at laway sa pagsaway dito. Sumunod nalang siya nang magsimula itong maglakad."Hm, that was natural," komento ni Eveline kaya saglit siyang napasulyap dito."What?""The way he took your luggage and you let him as if it happens a lot, it looks natural. If I didn't know you two, I would have t

    Huling Na-update : 2023-03-14

Pinakabagong kabanata

  • Something Borrowed   Chapter 48

    After the short sexual session with Lucien, Misha finally remembers that they are scheduled to fly to India. She tapped Lucien's arm. "I think we need to get up now"Lucien lazily grunted but he got up. "Yeah, we should or we're going to miss our flight."Natawa siya saka umalis na rin sa kama. Sinuot niya ulit ang t-shirt ni Lucien saka lumabas sa kwarto nito at pumanhik sa taas. Mabilis na naghanda siya at pagkatapos ay bumaba na dala-dala ang isang maliit na maleta. Nakita niya si Lucien na tanging isang backpack lang ang dala. Kinuha sa kanya ni Lucien ang maleta at saka ito na ang nagdala palabas ng bahay. Kinarga nito sa sasakyan ang mga dala nila at pagkatapos ay nilisan na nila ang lugar. MUMBAI, INDIAHindi alam ni Misha kung paano nagawa ni Eveline, pero nabalitaan niyang malaking grupo na ang Lomarte at gumagawa na ng pangalan sa Mumbai. May ilang maliliit na gang na rin na sinira ang Lomarte at ginugulo ang negosyo ng ibang sindikato. Ayun sa impormasyon na nakalap ni

  • Something Borrowed   Chapter 47

    "Ah fxck, faster, baby!" Lucien growled loudly as his hands on her hips tightened leaving marks on her skin. Misha glared at him. She'd been riding him for several minutes but this insatiable guy is not reaching his peak. Mukhang sinasadya nitong pigilan ang rurok nito. Nang makita nito na masama ang tingin niya, natawa ito ng mahina. He looked so hot, she unconsciously clenched around his hard length. He moaned. "Fxck, you are driving me crazy. Baby, you are squeezing me good. I can feel everything inside you.""Why don't we switch? My thighs feel weak," she can't help but admit honestly. He hugged his rough arms around her back and carefully shifted their position. He dropped small kisses on her shoulder as he laid her down "Your wish is my command." With his length still lodged inside her, she groaned as he twitched. He's so thick and hard, she felt so full and satisfied.He started moving inside her. In and out, push and pull with intense vigor she thought she'll go mad becau

  • Something Borrowed   Chapter 46

    Parang huminto ang pag-ikot ng mundo habang pigil ang hiningang hinintay nila ang sagot ni Lucien. "Why? What happened to him?" Tumayo si Cedric at lumapit kay Lucien.Seryosong tumingin si Lucien kay Cedric. "Dale... He... He said he's coming."Natahimik ang lahat ng ilang segundo bago sunod-sunod na malulutong na mura ang lumabas sa mga labi nina Gio, Cedric at Francis. Natawa naman si Lucien na parang nakakatawa yung ginawa niya. Naiiling nalang siya. "This fxcking bastard... It's not funny, you lunatic," masama ang tingin na sabi ni Cedric kay Lucien. Sinuntok pa nito si Lucien. Gumanti naman yung isa. Tinampal-tampal ni Gio ang dxbdib na parang nakahinga ng maluwag. "Hoo, I thought I'd suffer from a heart attack.""What's wrong with you? I really thought something bad happen to Dale. What an asshxle," naiiling na saad ni Francis. Mabilis naman na nakabawi ang lahat at bumalik na sa pagkain at panonood na para bang walang nangyari. Pinaypay ni Gio si Lucien para kunin ang at

  • Something Borrowed   Chapter 45

    Napansin ni Misha mula sa side mirror ang isa pang sasakyan na nakasunod sa sasakyan ni Cedric nang malapit na sila sa tahanan ni Lucien."Wait, who's that?" Nilingon niya ang sasakyan.Lucien looked at the side mirror of the car. His brows creased as he clicked his tongue. "That's Gio's."Nakahinga siya ng maluwag, akala niya kasi kalaban. Binilin ni Lucien sa security na hayaang papasukin ang dalawang sasakyan na nakasunod sa kanila bago tuluyang pumasok sa loob. Pagdating nila sa harap ng bahay ni Lucien, sunod-sunod na huminto ang sasakyan ni Cedric at Gio. Lulan ng sasakyan ni Gio si Francis. Akala niya kasama rin ng mga ito si Dale pero hindi niya ito nakita."Hey," nakangiting bati ni Gio. "Cedric said he's going here so we tag along. I can't let Z and her harem have fun by themselves.""Whatever, let's just go inside," wika ni Lucien na nakasimangot saka pumasok na sa loob.Natatawang sumunod sila. Gio walked by her side and slightly nudged her shoulder. "Z, I didn't know y

  • Something Borrowed   Chapter 44

    Misha's eyes secretly roamed around the table as soon as Eveline started to mention La Raza. A slight fluctuations of expression can lead to something else. Habang naglalakbay ang mga mata niya, she caught a distinct expression. She smirked a little and continued to listen to Eveline. ..."To sum it all up, Zephyra and her team initially handled this case. They followed this group and planned for a raid. But before the raid, Zephyra found that the group belongs to Silvestre family— a household under La Raza Empire. Zephyra dismissed her team and started to investigate this family that leads to another information and later discovered the existence of La Raza Empire. Zephyra got unlucky and so here you all are, gather in one team to get the job done.""But what is this another syndicate?" Dale asked as his eyes fixed in the files. "Lomarte? Are they linked to La Raza?"Umiling si Eveline. "No, that'll be you."Nangunot ang noo ng lahat. "What do you mean?" Gio asked."First phase of

  • Something Borrowed   Chapter 43

    "It's a feasible plan"Sabi ni Eveline nang ihayag nila ni Lucien ang planong pagpapanggap bilang sindikato para mang-sabotahe ng mga transactions. Nasa headquarters pa rin sila at nag-uusap sa isang conference room.Eveline added, "But you need a team."Tumingin siya sa dalawang kausap. "Kung wala silang mission sa mga oras na 'to, I suggest them.""Who?" Magkasabay na tanong ni Lucien at Eveline.Nilapag niya sa lamesa ang hawak na folder na naglalaman ng profile ng mga kaibigan ni Zephyra. Namely: Cedric, Dale, Gio and Francis.Lucien glanced at her with his brows furrowed. "But you said the spy is among them.""Well, better have them all next to us than leave them unattended while we're at it." She knows the risk but she'll choose to take the risk to uncover the spy more efficiently.She'll make the spy work with them and at the same time, she'll uncover the identity. She needs interaction. She already has someone in mind but she has to make sure.Nakangising tinignan siya ni Evel

  • Something Borrowed   Chapter 42

    Habang naghihintay ng delivery, kumakain sila ng ice cream ni Lucien saka nanunuod ng movie. "I know you are a softie despite that formidable body but this movie is a bit..."Nakanguso na tinignan siya ng masama ni Lucien. "Bakit? Is there something wrong with my choice of movies?"Lihim siyang napangiti. "Wala naman, kung fu panda," aniya na umiiling."Baby, kung fu panda is a good movie."Tumango siya. "Yes, I know that. But how many times have we watched this?" Simula pa nung nasa L.A sila, minsan nanunuod sila ng movies as a pastime. Lucien's choices of movies are quite unique. He likes animated movies such as kung fu panda, how to train your dragon, coco, the book of life, the croods at marami pang iba. "It's part three! We only watched part three once."She laughed lowly seeing him all defensive. "Yeah, sure."He frowned at her and continue to mumble gibberish. She just shook her head and let him be.Maya-maya pa dumating na ang delivery na hinatid ng security na nagbabantay s

  • Something Borrowed   Chapter 41

    Walang pakialam si Misha kung nakailang babae na si Lucien sa buhay nito. Gusto niya lang talaga malaman kung may active sex life ito bago siya umeksena. It was a genuine curious question. Basi kasi sa itsura ng binata, ito yung tipo na hindi masyadong lapitin ng babae. Lucien has an intimidating presence, no weak and easily-frightened woman can approach him. He has that aura of a gang boss or a mafia Don. Just like those people who are at the top of food chain. If she was a stranger and she saw Lucien for the first time, her first impression of him would be a very dangerous handsome man. Yung titignan mo lang sa malayo pero hindi mo lalapitan. Yung maglalaway ka sa tingin pero hindi mo titikman.During Dale's wedding, may iilang matapang na babae na lumapit dito, hindi nga lang swinerte na makuha ang atensyon nito pabalik. Lucien always maintained a safe distance. Base on what she observed, he was not the kind of man who jump on a woman who spread their legs voluntarily for him.

  • Something Borrowed   Chapter 40

    She said to let go of the nightmares, and not forget. Let go. That was a very realistic thing to say and Lucien found comfort in those words. He would never forget that night and he'd been keeping that memory since that very night. Like a pest, it's been coming back, visiting him in his sleep, making him remember the horrendous tragedy he witnessed. He blamed himself for that tragedy. He blamed himself for being a coward shxt, for being weak and unable to do anything helpful when his family was suffering at the hands of those bastards.His family were always been proud of him because he was smart and gifted. But his knowledge couldn't do anything when they were being killed. The only thing he could do that night was to hide and watch them die one by one. The memory was still fresh like it just happened yesterday. The screams of his mom and his grandparents. How his father and older brother tried to fight back. How the sharp knife stabbed his mother's stomach and back multiple times.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status