Naiwan siyang natigilan. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. At ang lakas pa ng loob na sabihan siyang layuan si Astin. Sino ba ito para sundin niya? Wala itong alam sa nangyayari sa kanila ni Astin ngayon. Hindi si Elisa ang puwedeng magdikta sa kaniya, kung anong gagawin.
Alam kaya ni Astin ang nararamdaman ni Elisa? Kailangan nilang mag-usap ni Astin 'pag magaling na ito. Ayaw niya ng ganitong relasyon. Hindi niya alam kung totoo nga bang siya talaga ang nais ng binata. Hangga't may babaeng nakapaligid dito ay hindi siya matatahimik. Selfish man, pero ayaw niyang may kahati sa binata.
Alam niyang mahal siya ng binata. Mas lalong lumakas ang loob niya sa sinabi ni Elisa. Na kaya ito nagpa-assign dito ay dahil sa kaniya. Masaya siya doon. May rason para ipaglaban niya ito. Hindi niya hahayaan si Elisa na agawin sa kaniya ang binata.
<
“I love you so much, Astin,” malambing na boses ni Elisa iyon. Gusto niyang marinig ang boses ng binata. Sana lang sagutin nito na hindi nito mahal ang binata. Kinakabahan siya sa mga sasabihin nito. "Elisa... I love you-” Hindi na niya pinatapos magsalita ang binata. Parang may bombang sasabog sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Sa narinig ay mabilis na inihakbang niya ang sarili pababa ng hagdan. Nagulat pa ang mga nasa sala. Tinawag pa siya ng Daddy at ng ginang pero hindi niya pinansin. Nagmadaling lumabas siya ng gate at naglakad ng mabilis. Gusto niyang sumigaw pero walang lumalabas sa bibig niya. Gusto niyang umiyak pero walang luhang lumalabas. Nilagpasan niya ang grupo nila John. Ngayon niya lang napansin ang mga ito. Kumakain ang mga ito. Tinawag si
Bigla siyang nagutom nang maamoy ang pagkaing dala-dala ni Andy. Galing iyon sa kubo. Kabisado niya ang menu at amoy nito. Hinayaan niyang subuan lang siya ni Astin. "Tell me, bakit ka nagmadaling pumasok ng umaga? Dahil ba kay Elisa?" tanong sa kaniya ng binata pagkatapos siyang subuan. Bigla niya itong kinurot dahil baka marinig ng magulang nito. Pero hindi nga nakaligtas sa pandinig ng ama nito. "Pagpasensiyahan mo na iyang anak ko, Laura. Talagang close lang sila ni Elisa mula pa noon. Para na rin naming anak 'yon. Isa pa inaanak ko si Elisa kaya 'wag mo sanang bigyan ng malisya. Parang magkapatid na ang dalawang iyan," Nahihiyang ngumiti siya sa ama ng binata. Hindi niya alam ang isasagot. At
Dahil nagdadalantao na si Laura. Hindi na pumayag si Astin na magtrabaho pa ang dalaga. Napagkasunduan din ng dalawang partido na sa Caramoan ulit ang kasal. Sa wakas, matutuloy na ang naudlot na kasalang Astin at Laura. Napahilig si Laura ng makaramdam ng antok. Papunta sila ng Maynila ngayon dahil magsusukat siya ng ng susuoting gown kinabukasan. Sa katapusan na ng buwan ang kasal nila ni Astin. Ngayon lang siya nakaramdam ng excitement sa tanang buhay niya. Gusto nilang dalawa ng binata na madaliin na ang kasal, habang hindi pa gaano kalaki ang tiyan niya. Nasa himpapawid sila ngayon at panay ang hikab niya. Bakit kasi gabi siya sinundo ng binata. Nabitin tuloy ang tulog niya. "Matulog ka muna,
"Mama, ang ganda ganda niya po. Puwede ko ba siyang maging asawa, Mama?" inosenteng tanong niya sa ina. Isinama siya nito sa birthday ng anak ng Mayor dito sa nila.Napakaganda ng batang babae. Para itong prinsesa sa paningin niya. At siya naman ang prinsipe."Oo, maganda talaga yan si Laura. Hmmn, napakabata mo pa para sa salitang asawa na 'yan, anak. 'Paglaki mo, saka mo yan sabihin." Matamis na ngiti ang iginawad sa kaniya saka ginulo nito ang buhok niya.Simula ng gabing iyon, hindi na nawala sa isip niya ang batang iyon. Si Laura Miller. Lagi itong bumibisita sa kanila sa resort kaya naging kaibigan niya si Laura.Pero habang lumalaki sila ng kababata na si laura, lalo yatang gumaganda ito sa paningin niya. Gustong-gusto niya itong lagi
Ang buong akala ni Astin hindi na siya maa-apektuhan sa presensya ni Laura. Oo, nasaktan siya ng sobra sa ginawa nito sa kaniya noon. Pero ngayon, hindi niya kailanman magawang magalit ng tuluyan sa dalaga. Nanganganib na naman ang puso niya. Hangga't maaga pa, dapat labanan niya ang nabubuhay na damdamin para sa dalaga. Kailangan iwasan niya ito. Dahil baka sa huli, siya na naman ang talo.Hindi niya maiwasang hindi ito titigan mula sa hagdan. Kakarating lang niya mula sa headquarters. Halatang kakagising ni Laura lang ng mga oras na iyon. Magulo ang buhok nito habang kausap nito ang kasambahay. Pinagsawa niya ang mga mata sa pagsipat ng kabuuan ng dalaga. Lalong lumutang ang ganda ni Laura kumpara noong huli niyang kita dito. Maging ang hubog ng katawan nito ay bumagay sa mukha at mahahaba nitong hita.Bakit ba kasi naisipan nitong magsuot ng ganoon kaiksing
Gulat na gulat siya nang malaman kay Andy na gusto ni Laura na magpalipat sa Caramoan. Hindi siya naniniwalang ang ama nito ang dahilan kaya ito magpapalipat ng Caramoan. Sinabihan niya ang kapatid na huwag itong payagan. Hiningian pa siya ng rason ng kapatid kung bakit. Wala siyang nagawa, kung hindi ang aminin sa kapatid ang nangyari sa kanila ni Laura. Natanong din nito ang tungkol sa kanila ni Barbie. Inamin niyang parte lamang ito ng kaniyang misyon.Hindi nga siya nagkamali. Alam na ni Laura, na sa condo niya tumutuloy si Barbie. Ito pa ang naghatid ng papeles na pinapareview ng ina para sa hotel. Parang gusto niyang magpaliwanag sa dalaga ng mga oras na iyon. Gusto niya itong habulin. Hindi man ito nagsasalita alam niyang nasaktan ito. Baka isipin nitong isa lang ito sa mga babae niya. 'Yon ang hindi totoo. Dahil ito lang naman talaga ang bukod tanging minahal niya.
Hindi mapigilan ni Laura ang mapangiti ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. Simple lang naman ang napili niya. Long sleeve lace na wedding gown ang napili niya. Backless naman ang likod niyon. Hindi ganoon kagarbo kasi simpleng babae lang naman siya. Biglang laki ng katawan at tiyan niya sa loob ng dalawang linggo. Iba ang kuha niya sa pre-nup nila ng binata. Hindi pa ganoon siya kataba. Kahit na tumaba siya wala siyang pakiaalam, ang mahalaga malusog sila ng magiging anak. "Ang ganda-ganda mo naman talaga, anak!" papuri ng Tita Kendr-a niya. Hindi pa rin ito umaalis. Kabilin-bilinan daw kasi ni Astin na 'wag siyang iwan. Alam niyang takot itong hindi na naman niya siputin. "Salamat po, Tita," nakangiting sabi niya sa ginang. "Mama na
Pagkatapos ng maikling programa sa reception hall, umalis din kaagad ang bagong kasal papuntang airport. Ngayon din ang biyahe nila papuntang Hawaii. Double purpose. Honeymoon at business. May kailangang ayusin si Astin sa isang branch ng Hotel De Astin, dahil abala din si Andy sa Malaysia para sa hotel expansion. Walang choice si Astin kaya sa Hawaii na lang sila magpulot-gata ng asawa na dapat ay sa Europe. Isang buwan pa naman siyang naka-leave tapos may tatrabahuhin din sa Hawaii. Napailing na lang siya. Pero kung maagang matapos ang trabaho ay itutuloy niyang dalhin ang asawa sa Greece. Napatingin si Astin sa asawa na mahimbing na natutulog. Nakaupo siya ngayon sa single couch. Mukhang pagod na pagod pa rin ito. Mahigit tatlong oras na itong natutulog. Private plane ng Daddy Sebastian niya
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.
3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga
Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.