Gulat na gulat siya nang malaman kay Andy na gusto ni Laura na magpalipat sa Caramoan. Hindi siya naniniwalang ang ama nito ang dahilan kaya ito magpapalipat ng Caramoan. Sinabihan niya ang kapatid na huwag itong payagan. Hiningian pa siya ng rason ng kapatid kung bakit. Wala siyang nagawa, kung hindi ang aminin sa kapatid ang nangyari sa kanila ni Laura. Natanong din nito ang tungkol sa kanila ni Barbie. Inamin niyang parte lamang ito ng kaniyang misyon.
Hindi nga siya nagkamali. Alam na ni Laura, na sa condo niya tumutuloy si Barbie. Ito pa ang naghatid ng papeles na pinapareview ng ina para sa hotel. Parang gusto niyang magpaliwanag sa dalaga ng mga oras na iyon. Gusto niya itong habulin. Hindi man ito nagsasalita alam niyang nasaktan ito. Baka isipin nitong isa lang ito sa mga babae niya. 'Yon ang hindi totoo. Dahil ito lang naman talaga ang bukod tanging minahal niya.
Hindi mapigilan ni Laura ang mapangiti ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. Simple lang naman ang napili niya. Long sleeve lace na wedding gown ang napili niya. Backless naman ang likod niyon. Hindi ganoon kagarbo kasi simpleng babae lang naman siya. Biglang laki ng katawan at tiyan niya sa loob ng dalawang linggo. Iba ang kuha niya sa pre-nup nila ng binata. Hindi pa ganoon siya kataba. Kahit na tumaba siya wala siyang pakiaalam, ang mahalaga malusog sila ng magiging anak. "Ang ganda-ganda mo naman talaga, anak!" papuri ng Tita Kendr-a niya. Hindi pa rin ito umaalis. Kabilin-bilinan daw kasi ni Astin na 'wag siyang iwan. Alam niyang takot itong hindi na naman niya siputin. "Salamat po, Tita," nakangiting sabi niya sa ginang. "Mama na
Pagkatapos ng maikling programa sa reception hall, umalis din kaagad ang bagong kasal papuntang airport. Ngayon din ang biyahe nila papuntang Hawaii. Double purpose. Honeymoon at business. May kailangang ayusin si Astin sa isang branch ng Hotel De Astin, dahil abala din si Andy sa Malaysia para sa hotel expansion. Walang choice si Astin kaya sa Hawaii na lang sila magpulot-gata ng asawa na dapat ay sa Europe. Isang buwan pa naman siyang naka-leave tapos may tatrabahuhin din sa Hawaii. Napailing na lang siya. Pero kung maagang matapos ang trabaho ay itutuloy niyang dalhin ang asawa sa Greece. Napatingin si Astin sa asawa na mahimbing na natutulog. Nakaupo siya ngayon sa single couch. Mukhang pagod na pagod pa rin ito. Mahigit tatlong oras na itong natutulog. Private plane ng Daddy Sebastian niya
Napatingin si Laura sa labas. Tanghali na pala. Buti na lang walang pasok sa opisina. Kaagad na hinanap ng kan'yang mga mata ang asawa. Araw ng linggo ngayon. Nalungkot siya bigla nang maalalang ngayon ang alis nito patungong Mexico, at kasama nito si Gael. Para iyon sa bagong business ng asawa, at kasosyo nito si Gael. Napangiti siya nang makita ito sa couch na nasa loob ng silid nila. Hinawi niya ang kumot na nakatakip sa kan'ya at nilapitan ang asawang abala sa laptop nito. Tumayo siya sa likod nito. Nire-review pala nito ang presentations na ipe-present sa bagong investors sa Mexico. Nagulat pa ang asawa nang yakapin niya mula sa likod. "Mister ko..." malambing na sabi niya dito. "Morning, Sweetie!" anito pero sa screen pa rin ng laptop ito nakatingin.
Thunder's POV..."How is she, Kuya? Bakit hindi pa siya nagigising hanggang ngayon?" tanong ni Thunder sa kakambal.Nagpakawala muna ng buntong hininga si Ace bago nagsalita. "Okay naman na siya, successful ang operation. Stable na din ang vital signs niya. Magigising din siya. Pero nag-aalala ako dahil baka sumpain niya tayo sa ginawa natin," sagot ni Ace sa kan'ya.Si Ace ay isang doctor sa sikat na ospital sa Manila. Umuwi lang ito dahil sa hiling ng bunsong si Thunder.Si Thunder naman ay isang simpleng mag-sasaka lang. Iyon ang piniling buhay ni Thunder dahil sa namayapang asawa. Halos isumpa ni Thunder ang pagiging mayaman dahil iyon ang naging dahilan para bawiin ng maykapal ang asawa nito. Nawalan siya ng ganang bumalik ng Maynila dahil sa mga nangyari.
"Mabigat ba?" nag-aalalang tanong ni Ira sa asawa. Pababa sila ng bundok ngayon. Nanguha sila ng niyog at kamoteng kahoy."Kaya ko ito, Misis ko. Ako pa ba?" nakangiting sabi ng asawang si Thunder.Natigilan siya saglit. Hanggang ngayon naiilang pa rin siya sa tawag nito sa kan'ya. Hindi niya alam kung bakit. Marami pa ring katanungan sa isip niya ang di pa rin nasasagot.Nakaramdam siya ng habag nang makita ang pagngiwi nito habang pasan nito ang sako na may lamang niyog at kamoteng kahoy na gagawing cassava cake. Paborito kasi iyon ng anak nila, na si King. Susubukan niyang gumawa ng cassava cake. May nagtitinda kasi sa kanila nito lagi, at nagustuhan ng anak. Gusto niyang matutong gumawa para sa birthday ng anak. Medyo malayo sa kabihasnan ang kinaroroonan nila. Kaya kung bibili man sila, baka masira lang iyon sa biyahe. Ilang barangay pa kasi bago ang malaking pamilihan. "Thunder... " tawag niya sa asawa nang makarating sila sa patag na bahagi.
"Ma'am, pinapatawag niyo daw po ako?" Napatigil sa ginagawa ang boss nang marinig ang boses niya. Nakangiti ito nang tumingala sa kan'ya. "Ah, yes, Miss Santillan. From now on, you'll be my brother's secretary. Dalawang buwan kasi wala si Romel. Mainitin lang ulo ng kapatid ko, pero mabait din naman. I'm sure magugustuhan ka niya. Just be your self, Ira. Siguro naman narinig mo na sa mga news reporter dito ang nangyari sa buhay niya?" natawa ito sa huling sinabi nito. Hindi rin niya maiwasang matawa. Unang araw pa lang niya sa trabaho noon, iyon agad ang nakuwento sa kan'ya ng katabi. Maaga pa lang nabiyudo ang panganay na anak ng mag-asawang Hernandez. Kahit siya ay hindi makapaniwala. Nanghinayang siya, dahil base sa kuwento ng ilan tuwing lunchbreak mahal na mahal ng mga ito ang isa't-isa. Bilib siya sa pagmamahalan ng panganay na kapatid ng Ma'am Andrea niya. 8 years na nagkawalay dahil pumasok sa militar si Sir Astin, na dahil din daw uma
Bandang alas-diyes ng umaga nang pumuwesto na siya sa puwesto ni Romel, ang dating secretary ng boss niya. Mabilis lang niyang ni-review ang report na inilapag ni Lesha sa kan'ya at itinabi. Mamaya ay ipo-forward niya iyon sa boss. Nireplyan niya din ang mga pending email sa inbox ni Romel. Tiningnan niya ulit ang schedule ng boss kung may meeting ito ng hapon. Wala naman na. Hinigit niya ang mga folder na tapos ng pirmahan saka tumayo. Nagpaalam siya kay Lesha na ihahatid lang iyon sa kani-kanilang department. Mabilis ang mga lakad niya. Halos kabisado naman niya kung anong floor ang pupuntahan niya. Sa folder lang ang tingin niya habang naglalakad. Sinipat niya kasi kung ano ang uunahin na ihatid. Napa-aray siya nang tumama siya sa isang malapad at matigas na bagay. Hindi pala bagay, dahil tao pala ang nabangga niya. Naa
Napahilamos si Ira sa banyo ng wala sa oras. Ilang beses niyang tinampal ang ulo at ang bibig. Ni hindi nga nila nagawa ng asawa iyon simula nang magising siya, tatlong taon na. Hanggang halik lang ito sa pisngi.Pero siya? Nagawa niyang pumatol sa iba, at sa boss pa niya talaga!"Gaga ka!" bulong niya sa sarili. Siya lang ang tao sa banyo ng mga sandaling iyon.Mabilis na inayos niya ang sarili at naglagay ng powder sa mukha at lipstick. Lumabas na siya kapagkuwan.Nagkatinginan sila ng boss nang lumabas na ito sa opisina. Umiwas siya ng tingin at dumerecho sa table niya.Bago pa man ito lumabas ay pumasok si Thor. Magpinsang buo ang boss niya at si Thor. Tumingin sa kan'ya ang bago
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya. "Happy?" Tumango naman ito. "Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito. "Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?" Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
Kagaya ng napag-usapan nila ni Astin, pagdating ng Manila hindi sila magkatabi matulog. Pinapalitan niya ng sofa bed ang nasa silid nila para doon ito matulog.Bumawi ito sa anak niyang si Gabriel pero kay King nahihirapan ito. Kaya minsan tinutulungan niya si Astin para mapalapit ang dalawa. Ginawaan din ni Astin si King ng maliit na court sa likod ng bahay. Alam niyang natutuwa ang anak pero magaling itong magtago ng emosyon.Araw ng sabado noon. Tinanghali siya ng gising.Napakunot-noo siya ng makita ang isang bulaklak sa side table niya. Isa iyong pink na Camellia. Inilinga niya ang paningin, nakaligpit na ng higaan si Astin. Wala na ring kaluskos sa banyo. Hinigit niya ang bulaklak at inamoy iyon. Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.
Pagdating nila sa bahay na tinitirhan nila ay nagmamadaling bumaba si King. Hindi siya nito hinintay. Tinawag pa ito ni Astin pero hindi man lang lumingon.Sabay na napatingin sa kanilang dalawa si Kiarra at Gabriel na nasa sala."Daddy!" Tumakbo si Kiarra at niyakap si Astin. Si Gabriel naman nakatunghay lang sa dalawa.Nilapitan niya si Gabriel at binulungan na yakapin ang Daddy nito pero nagtago lang ito sa likod niya. Nakalapit na pala noon si Astin sa kanila.Lumuhod ito para magpantay sa anak."H-Hello," nahihiyang saad ni Astin.Sumilip ang anak nang marinig ang boses ng ama.
3 years later..."Kinakabahan ako, Thunder." Napahawak siya kamay nito.Narinig niya ang mahihinang tawa nito."Relax. Pati tuloy ako nininerbyos." Hindi na nito napigilan ang humalakhak.Napahawak siya sa braso ni Thunder nang tumigil ito kakatawa. May kumatok kasi.Sabay silang napatingin sa pintuan nang bumukas iyon."Ready?" tanong ng doktor sa kanila.Ngayon kasi tatanggalin ang nakabalot sa mukha niya.Finally, maibabalik na din ang dating mukha niya. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong taon.Muntik na siyang makunan ng tatlong beses. She was devastated dahil sa nasaksihan. She's in pain while carrying her son. She was lost. Hindi siya kumakain ng maayos. Wala siyang pakiaalam kung buntis siya. Lagi niyang hinihiling na sana kunin na siya ng poong maykapal.Hindi kayang tanggapin ng puso't-isip niya ang ginawa ng asawa.Pakiramdam niya, nag-iisa siya. Hindi niya nakikita ang effort ng mga
Napahawak si Thunder sa kamay ni Ira nang mapansing pabaling-baling ito sa higaan. Hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor baka, 12 hours yata ang epekto ng pampatulog na itinurok dito.Bigla siyang kinabahan nang marinig ang sunod-sunod na daing nito. Mukhang nanaginip ito ng masama. Pinagpapawisan din. Nag-aalala siya, kaya pinindot niya ang button para ipaalam sa nurse na may nangyayari kay Ira.Nakita niya ang paglabas ng butil sa gilid ng mga mata nito kaya nakaramdam siya ng awa."Ssshhhh... I'm here, Ira..." bulong niya dito.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Humigpit iyon. Sunod-sunod na din ang pagdaing nito. Hanggang sa magmulat ito ng mata. Bigla niya itong niyakap nang marinig ang hikbi nito."Ira!"Natigilan ito. Tumitig pa sa mukha niya."T-Thunder... N-Naalala ko na ang lahat. Ako si Laura. Ako nga ang asawa ni Astin. Nasaan siya? Nasaan ang asawa ko, Thunder?!" naghihisterical nitong tanong.