Share

Soldier's First Love (Sanchez Series #4)
Soldier's First Love (Sanchez Series #4)
Author: LauVeaRMD

Prologue

Author: LauVeaRMD
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Marcus POV

Napangiti ako nang maalala ang masayang mukha ni Amara. Alam kong nasa bahay siya ngayon, kakatapos lang ng kanyang klasse. Kahit na mahirap ang sitwasyon naming dalawa ay kinakaya namin.

Huminto ang sinasakyan kong bus, at laking gulat ko ng makilala ko kung sino ang mga umakyat. Walang masyadong pasahero. Kaya malaya silang umupo. Tumingin sa akin ang kanilang leader. Umiwas ako ng tingin.

"Long time no see, Marcus," saad nito.

"Ano ang ginagawa ninyo sa patag?" tanong ko.

"Sinusundo ka."

"Hindi ako sasama sa inyo." Madiin kong tangi.

"Wag ka nang magmatigas, Marcus. Alam mo na kailangan ka ng samahan."

"Alam  nyo ding matagal na akong tumiwalag."

Ngumisi ang lalaki. "Dahil lang sa nag-asawa ka, kaya naisipan mo nang tumiwalag? Alam mo bang bawal iyon? Pero pinatawad ka ng samahan natin at tatanggapin kang muli."

"Hindi ako babalik."

"Pwes, sapilitan ka naming isasama."

"Itigil mo sa tabi ang bus."

Huminto ang bus. Tumayo na si Kael, alam ko na siya na ang bagong leader ng samahan na pinamumunoan ko noon.

"Sasama ka o mamatay ang driver ng bus na ito."

"Wag nyo po akong patayin. May mga anak po ako. Maaawa po kayo." Nanginginig na pakiusap ng driver ng bus.

Tumayo ako at naglakad. Ayaw kong may madamay na inosente. Kaya sasama na lang ako. Naisip ko bigla si Amara. Alam ko na mag-aalala ito sa akin. Pero kailangan kong sumama kina Kael.

Amara POV

"Amara, alam mong delikado ang operasyon na iyon. Dito ka na lang sa opisina." Pigil sa akin ni Matias.

"Wala akong pakialam, Matias. Wala na din naman silbi ang buhay ko. Wala na ang lalaking mahal ko, wala na ang asawa ko. Iniwan na niya ako, apat na taon na ang nakakalipas."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha. Parang kahapon lang nangyari ang masalimot na nangyari sa buhay ko. Nakita na lang namin ang asawa ko na si Marcus na wala ng buhay sa isang liblib na lugar. Hindi ko matanggap ang nangyari. Tatlong buwan ako noong di pumasok sa pag-aaral. Hindi ko na tinapos ang kolehiyo ko. Pagkatapos ay sumabak ako sa pagiging sundalo.

"Alam ko iyon, kaibigan ko din si Marcus. Ako nga ang naging dahilan, kung bakit kayo nagkakilala. Pero hindi ito ang solusyon, pagpapakamatay iyang ginagawa mo."

"Okay lang ako, Matias. Hindi ako mamamatay. Kung mamamatay man ako, gusto kong tabi kami ang aming libingan ni Marcus. Sige, maghahanda pa ako."

Tinalikuran ko na si Matias. Alam kong nag-alala ito sa akin. Pero hindi niya ako mapipigilan. Ito lang ang tanging paraan para mabigyan ko ng hustisya si Marcus. Kahit papaano ay maipaghigante ko siya.

Lulan na ako ngayon ang sasakyan namin, papunta kami ngayon sa kuta ng mga rebelde. Tutugisin namin ang mga natitirang kasamahan nila. Pero hindi pa kami nakakarating sa paruru-onan namin ay inambus na kami.

Kanya-kanya kaming tago, nagpaputok ang kabilang panig, gumanti kami. Naglabanan kami. Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala ang isang rebelde.

"Ibaba mo ang baril mo," bigla akong nanigas. Dahil kilala ko ang may-ari ng boses na iyon. "Tumayo ka," utos nito sa akin.

Tumayo naman ako at humarap sa kanya. Pagkaharap ko ay isa-isang nagpatakan ang aking mga luha.

"Marcus, buhay ka."

Maskin ito ay natigilan. May nakikita ako sa mga mata nito. Pero agad din itong nawala.

"Kilala ba kita."

"Babe, ako ito, si Amara." 

"I am sorry, pero hindi kita kilala. Kaya lumakad ka na."

Nakita ko ang mga kasamahan ko. Mga wala na itong buhay. Mas napaiyak ako lalo, dahil ako lang ang nabuhay.

"Patayin mo na lang ako, Marcus."

"Ang supremo namin ang hahatol sa iyo."

Naglakad kami. Nakasalubong namin ang mga kasamahan ng lalaking nasa likuran ko. Doon ko lang napagtanto ang lahat. Kaya pala, hindi kami palagi noon nagkikita. Dahil nasa bundok ang tirahan nito. Hindi ko alam na isang rebelde pala ang aking asawa, hindi ko pala lubos itong kilala.

Naglakad kami na para bang wala ng bukas. Nang gumabi na ay nagpahinga muna kami. Sumandal ako sa isang puno. Iniiyak ko ang sitwasyon ko. Bihag ako ng mga rebelde at isa doon ay ang asawa ko.

Nakaupo ako ngayon sa ugat ng isang puno. May lumapit sa akin. "Kumain ka na. Baka malipasan ka."

Tinignan ko ang pagkain. Kamote iyon, pero iniwas ko ang paningin ko.

"Hindi ako nagugutom."

"Kailangan mong kumain, Amara." Lumingon ako sa asawa ko. Galit ko itong tinignan. "Walang magagawa ang pagmamatigas mo."

"Pwes, patayin mo na lang ako." Madiin kong sambit.

"Mamaya, papatayin kita sa sarap." Namula bigla ang mukha ko. Dahil sa sinabi nito. Nasa sitwasyon ako ngayon na maaari akong maipit, pero bakit ganun ang nararamdaman ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Marcus. Patayin mo na lang ako."

"Hindi pwede, Amara. Walang magagawa ang ama ko pag sinabi ko na sa bahay ko ikaw matutulog mamaya. Ako ang magbabantay sa iyo."

"Kilala ba ako ng ama mo?" tanong ko sa kanya.

"Kilalang-kilala. Sino ba ang hindi makakilala sa iyo. Magiting kang sundalo, Amara. Maraming gusto pumatay sa iyo. Pero hinadlangan ko iyon. Kahit sundalo ka ay hindi ka sasaktan ng pinamununoan ako."

Tumahimik na lang ako. "Kumain ka, babe. Ayaw kong malipasan ka ng gutom."

Napatingin ako kay Marcus. Isa-isa na namang pumapatak ang mga luha ko.

"Bakit mo peneke ang pagkamatay mo."

"Dahil iyon ang kailangan. Ayaw kong hanapin mo ako. Dahil baka mapahamak ka lang. Pero mukhang mali ang pagkakilala ko sa iyo. Mas naging matigas ang ulo mo."

Kinuha ko ang kamote na nasa harapan ko. "Pasensya ka na, iyan lang ang maipapakain ko sa iyo, ngayon. Wag kang mag-alala. Pag dating natin sa bahay ko. Ipagluluto kita."

"May sarili kang bahay?" tanong ko.

"Mayroon. Ang mga tauhan ko ay may pamilya din. Sama-sama kami sa isang lugar. Malayo sa bahay ng ama ko."

"Bakit sinabi mo kanina na hindi mo ako kilala?" tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko lang iyon, dahil kasama namin ang ilang tauhan ng ama ko. Ayaw kong mapahamak ka," ani nito sa akin.

"Alam ba ng ama mo na bihag mo ako."

"Hindi, hindi din namin alam na kayo ang sakay noon. Kung alam ko lang sana ay hindi na kami tumuloy."

Kinabukasan ay maaga na nagising ang mga kasamahan ni Marcus.

"Marcus," lumapit ang isang babae dito at inayos ang suot ng asawa ko.

"Ano ba, Jane."

"Alam mo naman na ipinagkasundo tayo di ba."

"At alam mong hindi na matutuloy iyon. Kahit na ilang taon pa ang lumipas, mananatili akong may asawa."

"Pero kinalimutan ka na niya!" sigaw  ng babae.

"Dahil iyon ang gusto ko. Pero mukhang hindi naman niya ako kinalimutan. Mali yata ang pagkakilala ko sa asawa ko."

"Tara na, Marcus. Upang makarating tayo ng maaga."

Nagsimula na kaming maglakad muli. Hinayaan lang nila akong maglakad. Hindi naman nila tinalian ang kamay ko. Dahil iyon ang utos ni Marcus.

Related chapters

  • Soldier's First Love (Sanchez Series #4)   Chapter 1

    Amara POVNagpatuloy kami sa paglalakad. Kahit na malayo ang kuta nila. Dalawang gabi pa ang inilagi namin sa kagubatan. Bago namin narating ang kuta nila.Nagpupumiglas ako. Dahil sa higpit ng kapit nito sa akin."Nandito na sila, Marcus!" isang sigaw ang umalingawngaw mula sa kuta nila.Sumalubong sa amin ang isang may katandaan na, na lalaki."Mabuti naman ay dumating ka na anak." Nagulat ako sa sinabi ng lalaki.'Anak? Paanong naging anak nito si Marcus? Kilala ko ang ama nito.'Nilingon ko si Marcus. Wala sa akin ang paningin nito."Ito na ba si Amara?" tanong nito sa asawa ko."Oo, ama. Mabuti na lang at hindi ako masyadong nahirapan sa pagkuha sa kanya.""Sige, ilagay na iyan sa kulungan.""Hindi, ama. Bihag ko siya. Kaya sa akin siya."Natahimik ang ama nito. "Sige, since bihag mo siya. Ikaw na ang bahala sa kanya.""Sige, ama, aalis na kami. Malayo-layo pa ang kuta ko."Hinila ako ni Marcus. "Marcus," tawag sa kanya ng isang babae."Bakit, Jane?" tanong nito sa tumawag. Di ni

  • Soldier's First Love (Sanchez Series #4)   Chapter 2

    Marcus POV"Berting!" tawag ko sa tauhan ko."Bakit, Marcus?""Nasaan si Isay?" tanong ko sa anak nitong dalaga."Nasa bahay, bakit?""Papuntahin mo dito. May ipapagbibili ako sa kanya."Inutusan ko si Isay na bumili ng mga gamit pambabae. Sinabihan ko din si Isay na kung may magtatanong sabihin na bumili siya ng mga bagong damit.Bumalik ulit ako sa loob ng bahay. Nasa kusina na si Amara. Kumakain."Akala ko di ka na kakain.""Hindi pwede, kailangan ko ng lakas. Kailangan kong makatakas dito, Marcus.""Hindi pwedeng gawin iyon ngayon, Amara. Mapapahamak ka.""Anong gusto mo? Tumunga-nga lang ako dito? Kailangan kong umuwi, Marcus."Dumilim ang mukha ko. May lalaki ba ito?"Bakit atat na atat kang umuwi? May naghihintay ba sa iyo, doon? May lalaki ka?" galit na tanong ko sa kanya."Naririnig mo ba ang sarili mo? Paano ako magkakaroon ng lalaki kung sa apat na taon ay nagluluksa ako sa akala kong patay na ang asawa ko? Akala mo ba, wala lang sa akin? Hindi, Marcus. I felt betrayed, sob

  • Soldier's First Love (Sanchez Series #4)   Chapter 3

    Amara POVHawak ako ng isa sa mga tauhan ng babaeng nasa harapan namin."Jane, ano ba ang binabalak mo?""Patayin ang babaeng iyan. Mamatay din naman iyan. Unahan ko na si ama!""Jane, magagalit si ama.""Wala akong pakialam. Gusto kong mawala sa landas ko ang babaeng iyan. Dahil balakid siya sa pag-iisang dibdib namin ni Marcus."Napatawa ako."Kung gusto mo pa lang makasal sa asawa ko, bakit hindi siya ang kinuha mo," taas kilay kong sambit."Alam mo bang nang dumating ka ay nawala na ang atensyon ni Marcus sa akin. Dapat ay sa susunod na kabilugan ng buwan ay magpapakasal na kami. Ngunit alam ko, nagdadalawang-isip na si Marcus, dahil nandyan ka!" sigaw nito."Hehe, kahit na wala ako. Alam ko hindi ka papakasalan ni Marcus. He still love me."Galit niya akong tinignan. Itinutok niya sa akin ang baril na hawak niya."Go, kill me. Kung iyan ang makakapagpaligaya sa iyo.""Subukan mo, Jane! Magkakamatayan tayo dito."Sabay naming nilingon si Marcus. Kasama nito ang mga tauhan nito."T

  • Soldier's First Love (Sanchez Series #4)   Chapter 4

    Amara POVNaghihintay pa rin ako hanggang ngayon. Limang taon na ang nakakaraan, mula ng makabalik ako sa pamilya ko.Naghihintay pa rin ako sa pagbabalik ni Marcus. Kahit na sinabi na ng pinsan nitong si Devon na hindi niya nakita doon si Marcus, pagkadating nila doon."Mommy, are you crying again?" nilingon ko ang limang taong gulang na anak kong babae.Katabi nito ang kakambal nito. "I just miss your dad, Carlie Ann.""Mom, don't worry, daddy will be back to us," saad naman ng anak kong lalaki."I know, Jude, I know."Bumalik ako nang tanaw mula sa malayo. Isang buntong hininga ang ginawa ko.Kahit na may mga anak na ako at nanatili pa rin ako sa serbisyo. Hindi ako umalis. Pero hindi nila na ako inilagay sa field. Kahit na gusto ko sa field upang magkaroon ng pagkakataon na mahanap ko si Marcus ay hindi na pumayag ang superior ko.Mas lalong naging maliit ang chance ko na malagay sa field nang malaman kong buntis ako. Nabuo ang anak namin noong unang gabi naming magkasama. Sobrang

Latest chapter

  • Soldier's First Love (Sanchez Series #4)   Prologue

    Marcus POVNapangiti ako nang maalala ang masayang mukha ni Amara. Alam kong nasa bahay siya ngayon, kakatapos lang ng kanyang klasse. Kahit na mahirap ang sitwasyon naming dalawa ay kinakaya namin.Huminto ang sinasakyan kong bus, at laking gulat ko ng makilala ko kung sino ang mga umakyat. Walang masyadong pasahero. Kaya malaya silang umupo. Tumingin sa akin ang kanilang leader. Umiwas ako ng tingin."Long time no see, Marcus," saad nito."Ano ang ginagawa ninyo sa patag?" tanong ko."Sinusundo ka.""Hindi ako sasama sa inyo." Madiin kong tangi."Wag ka nang magmatigas, Marcus. Alam mo na kailangan ka ng samahan.""Alam nyo ding matagal na akong tumiwalag."Ngumisi ang lalaki. "Dahil lang sa nag-asawa ka, kaya naisipan mo nang tumiwalag? Alam mo bang bawal iyon? Pero pinatawad ka ng samahan natin at tatanggapin kang muli.""Hindi ako babalik.""Pwes, sapilitan ka naming isasama.""Itigil mo sa tabi ang bus."Huminto ang bus. Tumayo na si Kael, alam ko na siya na ang bagong leader n

DMCA.com Protection Status