Sa isang barong-barong na napagigitnaan ng berdeng mga puno at gintong butil ng mga palay naninirahan si Etel. Siya ang dalagang namulat sa kalupitan at pagmamalabis ng ina.
Matapos maglinis ng dalaga sa kalat ng kanyang inang umuwi ng lasing kagabi, ay inasikaso naman niya ang pagkain nito.Mabigat ang kanyang katawan na pilit kumikilos upang magampanan ang mga gawaing dapat ay ina na niya ang gumagawa.Nang maihanda ang agahan ng ina ay dali-dali siyang nagtungo sa kanyang maliit na k’warto bitbit ang kaunting pagkain, panlaman sa kanyang nagugutom na sikmura. Pagkasara niya ng pinto ay halos manlambot na ang kanyang mga tuhod. Agad niyang inilapag sa kama ang dalang pagkain at pinilit pa niyang ihakbang ang kanyang mga paa upang makaupo sa kahoy niyang kama. Hindi mapigilang mapa-igik ng dalaga nang lumapat sa matigas na kama ang kanyang p’wet. Saglit muna siyang tumigil sa paggalaw at hinayaang mawala ang sakit na nadarama dulot ng mga pasang lumapat sa matigas na kahoy. Gamit ang namumutlang kamay ay inabot niyang muli ang pinggan na may lamang pagkain at saka nagmadaling kumain. Dapat sa paggising ng ina ay wala na siya sa bahay at nakalakad na upang kuhanin ang mga paninda niya kay Ingka Besing. Maglalako siyang muli kahit na masakit pa ang kanyang buong katawan. Matapos kumain ay unti-unting tumayo si Etel upang hubarin ang kanyang mga suot na mukhang damit na basahan.Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang salamin habang tinititigan ang ang kanyang sarili. Unti-unti na lamang niyang nararamdaman ang sariling mga luhang naglalandas sa kanyang maputlang pisngi.Pilit niyang itinatago sa malungkot na mga ngiti ang kanyang mga hikbi. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na okay lang siya at dapat na magpatuloy na lumaban sa buhay. Isiniksik niya sa kanyang utak na magbabago rin balang araw ang kanyang ina. Gagawin niya ang lahat upang matutuhan lang siyang mahalin ng ina. Hawak ang kapirasong tela mula sa nagkalasog-lasog niyang damit kagabi dahil sa parusa ng ina, ay tinuyo niya ang masaganang mga luha.Tumigil na siya sa kanyang pag-iyak at dahan-dahan na hinubad ang mga suot niyang damit. Ingat na ingat na hindi magalaw ang mga pasang natamo niya kagabi galing sa palo ng kanyang ina. Kinuha niya sa may paanan ng kama ang maliit na baldeng inihanda niya kanina upang ilinis sa kanyang mga pasa. Habang pinapahiran ng maligamgam na tubig ang nananakit na balat at mumunting mga kalmot ay nagsimula na namang maglandas ang kanyang mga luha. Hindi mapigilan ng dalaga na tanungin ang kanyang sarili kung bakit gano’n na lamang siya kung tratuhin ng kanyang ina. Hindi ba siya nito mahal? O mas tamang sabihin na sa loob ng labimpitong taon ay hindi naman naramdaman ng dalaga na minahal at binigyang-halaga siya ng ina. Walang patid, araw-araw na paalala sa kanya ng ina na siya ang dahilan kung bakit nasira ang buhay nito, na siya ay isang malaking salot, at malas sa buhay nito. Masakit man lunukin ang mga salitang galing sa bibig ng ina ay kahit kailan hindi nabawasan ang pagmamahal niya rito. Laging iniisip ni Etel na kung tutuusin ay maaari namang ipaampon o 'di kaya ipinalaglag na lamang siya ng ina. Ngunit hindi, bagkus ay pinalaki siya nito at binigyan ng tahanan. Hindi man kasing sarap ng buhay ng mga ibang kabataan sa kanilang baryo ang kanyang kinagisnan, ay mas mabuti na ito kaysa sa mga batang nakikita niya sa palabas na mga palaboy at walang tirahan. Hindi man niya makuha ang pagmamahal na ninanais mula sa ina ay laking pasasalamat na niya na iniluwal siya nito sa mundo.Matapos magbihis ay umupong muli sa kama si Etel at humarap sa full length mirror na bigay sa kanya ng kanilang kapit-bahay noong naglilipat ito papuntang siyudad. Kahit may-crack na sa ibabang parte ang salamin, dulot nang binato ito ng kanyang ina ng sapatos noon ay maayos pa rin naman itong ginagamit ng dalaga.Natatawa na lang siyang napangiwi nang mapadpad ang kanyang paningin sa maliit na litratong nakadikit sa dingding ng kanyang k’warto. Ito ay larawan ni Zackary na ginupit niya mula sa isang magazine. Isa ito sa kanyang mga pinakaiingatang bagay."Kasalanan mo ito. Alam mo bang nabugbog ako ni nanay dahil wala akong perang naibigay sa kanya nang ako ay umuwi?" pabirong turan ng dalaga sa larawang kanyang tinititigan. Ito ang palaging kinakausap niya sa tuwing mabigat ang kanyang pakiramdam at hindi na niya kaya ang kanyang mga suliranin. Mistula mang kabaliwan ang tingin ng iba sa kanyang ginagawa ay lubos naman nitong pinapagaan ang bigat na nadarama.Agad na namula ang mapupulang pisngi ni Etel nang maalala ang pagnanakaw ng lalaki sa kanyang unang halik. Sa mga nangyari sa kanya kahapon ay masasabi niyang s’werte na sana kaso minalas pa. S’werte sa kadahilanang na-meet niya sa personal ang lalaking iniidolo at may bonus pa na halik. Malas naman dahil sa insidenteng iyon ay natapon ang kanyang mga paninda at walang nauwing pera. May-utang pa sila sa pinag-angkatan ng paninda, nabugbog pa siya ng kanyang ina.Napangiwi na lamang si Etel nang sa ’di sinasadya ay napisil niya ang kanyang pasa sa braso. Malinaw niyang nakikita ang namumula na parang nangingitim na mga nagkalat na marka sa kanyang maputlang balat. Hindi maunawaan ng dalaga kung bakit kakaiba ang kanyang hitsura kumpara sa ina. Habang nakatitig sa salamin ay paulit-ulit din niyang nasisilayan ang may kalakihan at magaganda niyang mga mata. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang naidudulot na kasiyahan sa kanya ng berdeng mga mata. Isa sa mga insecurities ng dalaga ang kanyang ibang hitsura. Kahit na kaunti ay wala silang pagkakapareho ng kanyang ina.Matapos gawin ang mga paghahanda bago umalis ay sinipat muna nang maigi ng dalaga ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Laking pasasalamat na lang niya na lagi siyang nakasuot ng pantalon, pajama, long sleeve o ‘di kaya ay malaking t-shirt. Walang ibang nakaaalam o nakakakita ng mga pasang dulot nang mabigat na kamay ng ina. Liban sa iilan nilang kapitbahay na alam na kung paano siya tratuhin ng ina ay wala nang may-alam sa kalbaryong kanyang dinaranas. Minsan ay napapatungo na lamang siya at pilit na inaalala ang mga panahong kabataan pa niya. Ngunit wala ni katiting na alaalang nagpapatunay na naranasan niyang maging isang normal na bata. Iyong tipong naglalaro o nagkaroon man lang ng laruan. Pakiramdam niya ay ikinukulong siya ng ina sa apat na sulok ng kanilang islang kinalalagyan. Iisa lamang ang nanunumbalik na alaala sa dalaga. Simula nang siya ay nagkaisip paghahanap-buhay na ang kanyang kinalak’han. Ang paglalako ng mga paninda nilang kakanin ang siyang naging parte ng kanyang kabataan. Batay sa usap-usapan ng kanilang mga kapit-bahay ay may pera daw sila noon. Kaya ay pinag-aral siya ng kanyang ina sa elementarya. Pero dahil sa pagkalulong nito sa sugal ay naghirap sila nang husto, at sa kanya isinisisi ng ina ang lahat ng masamang bagay na nangyari sa kanila ngayon.Elementarya lamang ang tinapos ni Etel dahil sa prinsipyo ng ina na wala raw silbi kahit na mag-aral pa siya. Ang tanging gusto lang nito ay pagtuunan niya na lang ng pansin ang pagtatrabaho. Ang mga kaalaman ngayon ni Etel ay bunga lang ng mga nakaw niyang pagbabasa. Gamit ang mga librong bigay ng mayayaman niyang kustomer ng kakanin ay natuto siya sa mga bagay-bagay. Itinuturing niyang kayamanan ang mga libro kaya maayos niya itong itinatago. Dahil ’pag nalaman ng kanyang ina na nagbabasa siya upang matuto ay malamang bugbog na naman ang aabutin niya. Maaari din na sunugin na naman nito ang mga reading materials ng dalaga.Tahimik lamang siyang nakatingin sa maputlang repleksyon sa salamin. Siguro na rin ay dahil ni minsan ‘di pa talaga siya nagbibilad sa araw nang hindi nakabalot. Hindi mawari ng dalaga kung normal ba ang kanyang kulay ng balat o may sakit na siyang nakahahawa. Sinubukan niyang ilugay ang buhok upang maiba naman. Ngunit pinigil niyang ’wag matawa nang mapagtanto na mapapahiya ang palayan ng kapit-bahay nila sa maangas niyang buhok. Tila mas nagmumukha pa itong hinog na butil ng palay dahil sa mga naglalabasang sobra-sobrang split ends.Lagi na lamang niyang iniisip na kung hindi man niya kamukha ang ina ay malamang nagmana siya sa kanyang ama. Sa tangkad niya na 5’5 na pinarisan ng magandang mukha at kakaibang ganda ng mga mata ay aakalain mong mula siya sa mayamang pamilya. Natatabunan lamang ang kanyang ganda sa tindi ng kanilang kahirapan. Walang maayos na pagkain at kagamitan na siyang dahilan kung bakit lagi siyang tinutukso ng mga dalaga sa kanilang baryo. Kahit gaano pa niya kagusto ang itanong sa ina ang tungkol sa kanyang ama, ay baka lawiswis ng bayabas na naman ang isagot nito sa kanya .Sinubukan na rin niya ang magtanong sa matanda nilang kapitbahay na si Ingka Besing pero maging ito ay ‘di alam o napansin na may nagawing lalaki sa kanilang bahay. Minsan ay biniro pa siya ng matanda na baka modelo ang kanyang ama. Ngumiti na lang si Etel sa mga alaalang iyon. Positibo pa rin ang tingin niya sa mundo, lalong-lalo na sa sarili. Lagi niyang motto ang “Whatever happens, happens”.Tumayo siya at pilit na binubuhay ang sarili.‘‘’Di ba self? Maganda tayo? Pilit tayong lalaban at susugod." Sa bawat hakbang na ginawa ng dalaga ay gumuguhit ang kirot ng kanyang mga pasa. Palabas na sana siya ng pintuan nang . . .‘‘Etel! Etel! P*****a kang bata ka! Halika rito!” dinig niya ang tawag ng ina mula sa k’wartong tinutulugan nito."Whatever happens, happens . . ." bulong ni Etel at nagsimulang maglakad upang puntahan ang ina dala-dala ang pagkaing inihanda niya para dito.Marahang ipinasok ni Zack ang sasakyan sa parking space na naka reserved para sa kanilang magkakaibigan. Okupado na ang pwesto ng tatlo indikasyon na siya na lang ang hinihintay. Nang makababa na ng sasakyan ay agad na tinungo ni Zack ang elevator sa basement upang marating ang second floor ng hotel bar. Sa second floor matatagpuan ang pribadong mini-bar ng kanyang kambal na kaibigan. Dito sila madalas na magkita-kita ’pag mayroon silang pag-uusapan na importante, o kung nais lang nilang mag-relax from stress and workloads. Matapos buksan ni Zack ang pinto gamit ang kanyang black keycard ay agad na siyang pumasok sa loob. Nakakailang hakbang pa lang siya ng kanyang mapansin ang nakabibinging katahimikan. Nang inilibot niya ang paningin sa apat na sulok ng k’warto ay doon niya nakita ang tatlong kaibigan.Ang kambal na si, Tommy at Timmy na magkaharap habang umiinom at naglalaro ng chess. Si Tristan naman ay abala sa pagtitipa ng kanyang laptop. “Uhm!” Tumikhim si Zack upang ipahiwat
Nasa labas pa man ng establisyemento ay agaw atensyon na ang isang lalaki. Siya si Mr. Trevor Devrox, ang ama ni Zackary. Ngayong araw na ito ay magkikita sila ni Katrina Makini, ang ina ni Etel. Ngayon sasabihin ni Trevor ang tungkol sa kanyang mga plano sa dalagang anak ni Katrina. Hindi niya mapigilang mapangiti, sapagkat talagang agaw atensyon pa rin s’ya sa mga babaeng naroon sa coffee place. Kahit may-edad na ay napapatingin pa rin ang mga ito sa kanya. 'Liban sa kanyang g’wapong mukha ay mala-modelo pa rin ang kanyang tindig. Mababanaag mo pa rin kung ano s’ya noong mga panahong kasagsagan pa ng kanyang karera. Maging s’ya man ay naging modelo rin at endorser ng sikat na Cleopatra Rensè. Natigil lamang ito nang makilala niya si Elicia, ang ina ni Zackary at asawa na n’ya ngayon.Nang tuluyan ng makapasok sa loob ay tinungo niya ang kanyang personal table, it's his perk of being the co-owner of the coffee place. Kagaya ng nakagawian, the waitress served him a black coffee. Hindi
Kararating lang ni Etel galing sa kanyang maghapong paglalako. Pakiramdam niya ay nauubos na ang kanyang lakas at iniinda pa niya ang sakit ng katawan. Nang maibigay na niya kay Ingka Besing ang bayad-puhunan, ay agad niyang tinungo ang kanilang bahay na walking distance lang mula doon. Matapos mailapag ang kanyang dala-dalang buslo ay agad niyang hinubad ang patong-patong na kasuotan. Nagbihis na agad siya hindi pa man nakakapag hilamos o ligo. Babad siya sa sikat ng araw, kaya ay pinalalamig muna niya ang katawan bago maligo. Nang nakabihis na ay kanya ng ininum ang gamot na binili upang maibsan ang pananakit ng kanyang mga pasa at sugat. Limitado lamang ang galaw ng dalaga dahil takot siyang magising ang ina. Sa ganito kasi na oras ay nagpapahinga ito upang maka punta ng kasino mamaya. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng ina doon. Basta ang alam lang ng dalaga ay lasing ang ina tuwing umuwi ito. Wala pa mang ilang minuto nang maka pasok siya sa loob ng kanyang k’warto ay natan
“Za-Zackary Devrox . . .” bulong ng dalaga na hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nakikita. Pinagmasdan niyang maigi ang mukha ni Zack. Aakalain mong kinakabisado niya ito sa paraan ng kanyang pagkakatitig. Naramdaman na lang ng dalaga ang mainit na kamay ni Zack na bahagyang dumampi sa kanyang baba.“You're drooling,” saad ng lalaki na halos nagpa-akyat ng dugo ni Etel sa kanyang mukha.“By the way, we're already here. So, would you mind?” Nakanganga lang si Etel habang nakatingin pa rin sa mukha ni Zack. Tanging tango lang ang isinagot niya sa lalaki nang ituro nito ang suot niyang seatbelt. Matapos matanggal ang lock ng kanyang seatbelt ay bumaba na si Zack ng sasakyan at umikot ito sa maygawi niya. Kinikilig na iniisip ni Etel na pagbubuksan siya ng pinto ni Zack. Ngunit na dismaya na lang siya ng katukin nito ang bintana ng kotse at sumisenyas ito na lumabas na siya. Naka-busangot na bumaba si Etel sa kotse. Na-disappoint siya sa kanyang sariling pagka-pelengera. Nang nagsimula
Umalingawngaw sa buong paligid ng stardom ang isang sikat na musika. Kasabay ng pagkanta ng isang babae ay ang sigaw ng kanyang mga tagahanga. Umindayog si Filicity at masiglang kinanta ang chorus ng isa sa kanyang mga sikat na awitin. Mas lalong lumitaw ang kanyang ganda ng tinamaan ito ng ilaw na akma sa kulay ng kanyang balat. Mistula siyang isang Diyosa na sinasamba sa gitna ng entablado. Hindi maalis sa kanyang mga labi ang ngiti habang nakikita kung gaano nagwawala ang mga fans habang nagpe-perform siya. Ito ang pakiramdam na talagang hindi niya kayang bitiwan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging buhay kung hindi siya magtatanghal at makagawa ng panibagong mga kanta. Filicity Falcon is a talented performer. She sings perfectly, writes her own music and is an excellent dancer. Nasa bantayog pa siya ng kasikatan. Ito ay matagal niyang pinangarap lalong-lalo na ng kanyang frustrated singer na ina. Nang nabuntis ang kanyang ina sa kasagsagan ng kasikatan nito ay lumugar n
Abala si Phoenix sa pagpili ng panibagong lokasyon ng kanilang boutique. Mayroon na silang patapos na na branch, ngunit magtatayo pa sila ng isa pang branch kung saan mas accessible ito pagdating sa mga middle class na kababaihan. Mataas ang demand ng mga produkto nilang pampaganda. Ngunit, afford lang ito ng mga mayayaman. That is why, he was trying to formulate a new skin rejuvenating set that can be sold at a cheaper price. Iyon ang magiging pangunahing produkto sa mapipili niyang panibagong pagtatayuan sa branch ng Cleopatra Rensé boutique. Habang naghahanap ng location sa kanyang laptop ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Nakangiti niyang dinampot ito nang makita na ang kanyang paboritong Tita ang tumatawag.“Hello, tita Thal? Yes po, ipapa-deliver ko na lang iyong mga new dresses and make up bago mag start ang opening. Sige po, bye.” Agad siyang napatitig sa dalaga na nakapukaw ng kanyang buong atensyon. Naglalakad ito papasok ng kanilang estableshimento. Sa hitsura nito a
“No thanks! It doesn't look edible to me.” Napatitig na lang si Etel sa pagkain na kanyang ginagawa. Nagtataka siyang ibinalik ang tingin sa lalaki sapagkat wala naman siyang makitang mali sa pagkain. Iniisip ng dalaga na masustansya at talagang masarap ito. Pinagsama-sama niya ang, fried rice, hotdog, green peas, carrots, Karne, itlog at maraming ketchup.“Masarap po ito, Sir.” Nagtataka ulit na nakatitig si Etel kay Zackary nang mapagtanto niyang mataman siyang tinititigan ng lalaki niya.“Si-sir Za-zack . . .” bulong ni Etel. Wala sa sarili niyang naitakip ang kanyang dalawang mga kamay sa kanyang dibdib. “What happened to your cheeks?”Nagtatakang hinimas ni Etel ang kanyang pisngi nang marinig ang sinabi ni Zack. Nagmamadali siyang tumakbo malapit sa glass shelves na lagayan ng mga wine glass.“Wah! 'Bat namumula? Oy, hala! Naku! Naku!” Parang sira si Etel na gulat na gulat habang hawak-hawak ang kanyang pisngi. Agad niyang kinuha ang pagkaing kanyang ginawa at nagmamadaling bum
Balisa si Phoenix habang nagtatrabaho sa loob ng kanyang condo. Nangangamba siya na baka ay hindi na talaga niya mapa-ngatawanan ang ipinangako sa puntod ng mga magulang. Kanina pa nagpapa balik-balik sa kanyang isipan ang imahe ng dalagang nakilala niya sa kanyang boutique. Dismayado rin siya sa sarili dahil hindi man lang niya nagawang tanungin ang ang pangalan ng magandang dilag.“Aug! I'm going out of my mind!” Himutok ni Phoenix sa sarili. Mistula siyang mababaliw dahil kahit saan man siya tumingin ay mukha ng dalaga ang kanyang nakikita. Iniisip niya na kung wala siyang makausap o pagsasabihan ay baka mabaliw na talaga siya. Kaya ay nagpasya na lang siya na tawagan si Thalia, ang tanging babaeng pinapasok niya sa kanyang puso, ’liban sa dalagang kakikilala lang niya. Wala pa mang ilang segundo ay sinagot na agad ng Ginang ang kanyang tawag.“Hello, tita Thal?”“Yes darling, it's your tita Thal, speaking. Is there something wrong? Problem in our boutique?”“No! No, everything's
Maaliwalas ang gising ng lahat, hudyat para sa panibagong araw. Espesyal ang araw na ito sapagkat pagdiriwang ni Zackary ng kanyang kaarawan. Ngayon lang ito mangyayari after twenty years. Nakangiti si Trevor habang pinagmamasdan ang paligid ng kanyang mansyon. Malinis ito at organisado ang lahat na parang walang nangyaring bakbakan kagabi. Ito ang labis na pinagpuyatan niyang gawin para sa anak. Ang espesyal na araw para sa nag-iisang kambal na magkapatid sa kaniyang puso.Nagising si Zack na magaan ang kanyang pakiramdam. Despite sleeping for 4 hours only, he still felt like he was being reborn. Excited siyang lumabas nang silid matapos maayos ang sarili. Mabilis ang kaniyang paglalakad papunta sa silid ni Liahvi. Nang makarating siya rito ay agad niyang kinatok ang pinto, subalit walang sumasagot. Napag pasyahan na lamang niyang puntahan ang Ina at ang Ama, subalit laking gulat niya nang wala na rin ang Ina sa silid nito. Feeling alarmed, ay patakbong tinungo ni Zackary ang monit
Habang naglalakad pabalik sa monitoring room ay nakasalubong ni Zack ang ama. Pansin niya agad ang pagiging masigla nito—na alam naman niya kung ano ang dahilan, and it was completely related to him. Nang napansin siya nito ay kita niyang mas umaliwalas pa ang awra at mukha ng Ama. Napangiti rin siya at agad na lumapit dito. At first, he was hesitant to say things lalo pa’t kadi-decide lamang niya. But he was also aware na doon din ang punta niya.“Dad, I - I think, Mag si-celebrate ako bukas,” turan ni Zack na halatang hindi sigurado sa kanyang sinabi. But deep inside, nakahinga rin siya nang maluwag dahil nasabi na niya sa kaniyang Ama ang iniisip niya.Ngunit Imbis na sagutin ay yakap ang agad na isinukli nito. He was suprised at first, ngunit mahigpit din siyang yumakap dito pabalik.“Are you sure, son? Do not force yourself if you still can't. Alam ko naging mahirap sa iyo ang pagkawala ng iyong kakambal. But please, learn to let go anak. Alam mong hindi magiging masaya si baby
Nakatingin lamang siya sa bakal na pinto. Halos ’di niya magawang pumikit sa labis na anticipation. Ilang sandali pa, the lift opened and two of the most important people in Liahvi's life came out. Saglit muna siyang natulala hanggang sa napabuga ng hangin nang marahan. She was certain that the heavy feeling she's been into has been lifted.“Mom!” bulalas niya. Hindi na napigilan ng dalaga ang umiyak sabay yakap sa nanginginig na ina. She embraces her mother like the first time they've met. Puno ng pagmamahal at pagtanggap. She's shaking too, for it's a miracle na yakap na niya ’to ngayon gayong ang huling kita niya rito ay nakaratay pa ito sa hospital.“Baby, I missed you so much! I am so damn worried about you!” anas nito na hindi rin mapigilang mapahikbi. Kahit tunog strikto ang pagkakasabi nito ay ramdam niya ang labis na pag-aalala at pangungulila. Her mom might be strict ngunit isa ito sa gustong-gusto niya sa ugali nito.“Me too, mom . . .” Malambing ang boses niya. Animo’y sinu
Nakahiga lamang si Thaliah sa kama habang naghihintay kay Damon. Nakangiti siyang iniisip na makakasama na niya ulit ang kaniyang anak, nang bigla na lang yumanig, at umuga ang kama. Noong una ay mahina lamang hanggang sa lumakas ito at naging sunod-sunod. Sa gitna ng mga pagyanig ay pilit na kumikilos si Thaliah. Mula sa paglapat ng kaniyang mga paa sa sahig ay sinubukan niyang humakbang hanggang sa nakalabas siya sa silid. Nang paakyat na sana siya ay muling gumalaw ang kaniyang inaapakan.“Ahh!” sigaw niya nang muntik na siyang matumba sa sahig. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa railings upang mapanatiling nakatayo ang sarili sa gitna ng pagsabog at putokan sa labas ng kanyang sasakyan. Unti-unti ring tumataas ang tubig kahit na maayos naman ang panahon. Ito ang dahilan kung bakit mistula dinuduyan sa alapaap ang sasakyang pandagat na gamit nila. The yacht is smaller than the Lady Moura. The yacht is designed para pantakas kaya ay durable ito.Galing sa ’di kalakihang mansyon ng
Katitigil lamang ng kotse subalit halos nais ng tumalon ni Thaliah paalabas.“Lord Damon!” sigaw ni Thaliah. Sa may kalayuan pa lang ay umalingawngaw na ang boses nitong parang walang pakealam sa nakaririnig. Para silang mga teenager si Damon Lutherford na tinakbo ang metro-metrong pagitan na p’wede naman sanang hintayin na lang makapasok sa loob ng hindi naman kalakihan subalit magarang bahay ang kotse. Ito ang sikretong ipinagawa ni Lord Damon noong nasa ibang bansa pa sila. The appearance of the house can be deceiving because when you look at it, it looks like a normal rich house. But the main life of it is underground. Where they assemble thousands of illegal combat firearms, gears, and even explosive devices. Kahit ilang taon pa lang ito ay malaki na ang kinikita nila sa lugar. Damon Lutherford discovered the place to be good in business noong sinundo niya si Liavhi sa island. After that ay bumili rin siya ng property sa lugar and named it after his daughter. Basi sa miraculous r
Kung sa kabilang dako ay kumikilos na ang grupo nina Zachary, si Grey naman ay gumagawa rin ng paraan. “We need to find Liavhi right now! I know there's something off. That bastard Damon Lutherford might know something about what we've been doing Mr. Viovich!” sigaw niya. Hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. He’s beyond furious. He's feeling like he’s being played. And Grey was certain that he would not settle for it. Nanginginig ang kaniyang katawan habang panay ang sabunot sa sariling buhok. Matagal niyang pinasasayaw ang mga ito sa sarili niyang mga palad. So he was terribly irritated kung saan nagkulang ang matindi niyang mga plano.“Do not stress yourself too much, Mr. Lawrence. We got a lead, some of our men are on their way now to check the location that was sent by our trusted investigators.” Nangunot ang kaniyang noo at mabilis pa sa alas kwatrong humarap sa matanda. Kahapon pa siya nag-aabang. At ’di niya alam na may lead na pala ito sa isang possible location.“
Thaliah Guivarra Lutherford Halos atakihin ako sa puso nang makita kong wala ng laman ang higaan ni Lord Damon. Sapagkat hindi ko kakayan kung maging siya ay mawawala rin sa ’kin. This is what I'm talking about, the danger of having so much power and playing in this mafia world. Sinusubukan kong kumbinsihin si Damon na e-let go na ang organization namin sa Pilipinas, but he always says that he can't. Ito ang unang binuo ng kanyang lolo na minana ng kanyang ama at ngayon ay siya naman ang nagpapatakbo. Espesyal din ito sa kanya dahil doon niya ako nakilala. Kahit ako man ay sobrang maghihinayang kung sakaling bitiwan namin ang organization sa Pilipinas. Marami kaming masasayang alaala ni Lord Damon sa mala-palasyong lugar na ’yon. Doon niya ako minulat sa lahat ng klaseng kamunduhan na maaari kong matutuhan. Doon ko rin siya tinuruang umibig sa Diyos. At lalo na, doon nabuo ang aming anak na si Liahvi. Kaya ay tama siya, mahirap e-let go ang lugar namin. At some point, nakikita ko na
Thaliah Victoria Guivarra Lutherford Intro: I don't wanna miss a thingBy: AerosmithSong instrumental.Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakikinig sa napaka gandang tugtog na purong instrumento lamang. The song was giving me an inner peace. Sa dami ng nangyari sa loob ng ilang araw ay ’di ko pa rin alam kung saan ko huhugutin ang salitang kapanatagan. Hindi ko alam kung paano maglalakad nang ’di nagmamatyag sa kapaligiran ko. Ramdam ko ang mainit na mga palad ni Zack na humihimas sa nakahantad kong balat sa aking likod habang yakap-yakap niya ako. Ang mga titig niya sa akin ay lubhang nakakapaso. Iniangat niya ang kanyang kamay sabay himas sa aking mukha. “You're a breath taker, Wife,” he said those words as he fixed the strands of my hair that loosen out from my bun. Nahigit ko ang aking hininga ng marinig ko ang salitang wife galing sa kanyang bibig. Mistula itong naging isang malaking palaisipan sa akin. ‘Ikinasal ba ako noon? Sa kanya? Bakit ’di ko talaga maalala.’ Ang gano
Thaliah Victoria Guivarra Lutherford I didn't know if he was just making fun of me or what. This man has been staring at me like I'm a kind of puzzle that he was trying to solve.He's acting weird, or should I say very strange ever since I met him. Kahit na sinabi na niya sa akin na may nakaraan kami, pero kahit ano'ng gawin ko ay talagang hindi ko siya matandaan. Ang weird lang kasi, iba ang reaksyon ng katawan ko pag nand’yan siya. Pakiramdam ko ay tila may sarili itong utak at nawawalan ako ng kakayahang mag isip nang matino. Para akong mina-magnet at inaangkin ang aking buong kalamnan.Lahat ng nakaraan ko ay mistula nakalimutan ko na. May panakanakang bumabalik but It's seriously vague. Ever since I woke up from my coma, I became disabled for months. Pero dahil sa determinado akong ibangon ang sarili, at dahil buo ang suporta na aking natatanggap mula sa aking pamilya ay tagumpay kong nalampasan ang lahat ng mga dagok na iyon sa aking buhay. My mom gave me a little idea about m