Balisa si Phoenix habang nagtatrabaho sa loob ng kanyang condo. Nangangamba siya na baka ay hindi na talaga niya mapa-ngatawanan ang ipinangako sa puntod ng mga magulang. Kanina pa nagpapa balik-balik sa kanyang isipan ang imahe ng dalagang nakilala niya sa kanyang boutique. Dismayado rin siya sa sarili dahil hindi man lang niya nagawang tanungin ang ang pangalan ng magandang dilag.“Aug! I'm going out of my mind!” Himutok ni Phoenix sa sarili. Mistula siyang mababaliw dahil kahit saan man siya tumingin ay mukha ng dalaga ang kanyang nakikita. Iniisip niya na kung wala siyang makausap o pagsasabihan ay baka mabaliw na talaga siya. Kaya ay nagpasya na lang siya na tawagan si Thalia, ang tanging babaeng pinapasok niya sa kanyang puso, ’liban sa dalagang kakikilala lang niya. Wala pa mang ilang segundo ay sinagot na agad ng Ginang ang kanyang tawag.“Hello, tita Thal?”“Yes darling, it's your tita Thal, speaking. Is there something wrong? Problem in our boutique?”“No! No, everything's
Kung namangha si Etel sa display area ng Cleopatra Rensé mas namangha siya ngayon sa loob ng mismong parlour nito. ’Liban sa halos salamin ang isang bahagi ng dingding ay napalilibutan rin ito ng mamahaling mga kagamitan. Habang ang mga staffs naman sa loob ay naka suot ng magagarang mga damit.Nang maka upo na s’ya sa upuan upang ayusan ay tila tinatambol ang kanyang dibdib. Sa paraan kasi ng pagkakatitig sa kanya ng mga staffs ay mukhang lalamunin na s’ya nang buhay anytime.“What is your relationship to Mr. Phoenix, babae?” Parang gustong sumigaw ni Etel sa sakit nang pagkakasuklay sa kanyang buhok. Tila nais ng babeng nag-aayos sa buhok n’ya na s’ya ay kalbuhin.“Ka-kaibigan po n’ya ako, Ma'am,” Nanginginig ang boses ni Etel habang napangiwi sa sakit. Napapaisip din siya kung bakit s‘ya tinutulungan ni Phoenix gayong kakikilala lang nila. Naisip ng dalaga na baka ay gusto o pinagnanasaan s’ya ng lalaki. ‘Assuming, Feelingera!’ awat ni Etel sa isipan.“Good! Now little girl, just r
Kahit maraming tao sa paligid ay walang ibang marinig si Etel kung hindi ang malakas na tibok nang kanyang puso. Para itong tinatambol na s’yang dahilan kung bakit pakiramdam n’ya ay nahihirapan s’yang huminga.“S-sir Z-zack . . . ” bulong ni Etel na hindi mapigilang manginig. Tila ay na vi-visualize na niya ang maitim na awrang nakapalibot sa buong katawan ni Zackary. Nakasuot ng cap at eyeglasses si Zack upang hindi makilala ng mga fans at mga tao baka pagkaguluhan siya bigla. Gayon pa man, kilala ni Etel ang tindig at tayo ng lalaki. Nang hubarin ni Zack ang suot na eyeglasses ay kitang-kitang ni Etel ang mga titig nitong tila naghihintay ng konkretong explenasyon sa kanya nasaksihan habang salubong ang makakapal nitong mga kilay. ‘Bakit ba naman kasi maypahalik-halik pa sa kamay ko itong si Sir, Phoenix e!” himutok ng dalaga. Maging siya man ay nabigla sa ginawa ng lalaki.“Do you know him, honey?” Mas lalong namutla si Etel ng tawagin na naman siyang honey ni Phoenix. Kung kanina
Makailang beses na tiningnan ni Trevor ang anak na walang imik. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito sa mga nangyari. He didn't raise his son to be like this. He was sure that Zackary is a loving and caring man. Because he is, with his mother and employees. Then why not with his soon to be wife, even if it's just for convenience wedding.Pabagsak na lamang na umupo si Trevor sa sofa na kanina ay inupuan ni Etel. Napahilamos siya ng kanyang mga kamay habang nakatitig pa rin sa anak na mukhang wala sa sarili. Bakas sa mukha ni Trevor ang matinding pagkadismaya sa anak. He was thinking that Zackary is so much better than this. Kaya ay naisip na niya na posibleng may problema ito. “Lo-look I'm sorry, Dad.” Panay ang sabunot ng Anak sa buhok habang nagsasalita. Halatang mayroon itong iniisip na mabigat.“Tell me what happened, Son," malumanay niyang sabi sa nag-iisang anak na lalaki. Simula nang mawala sa tamang pag-iisip ang asawa ay itinaguyod na niya ng kanyang pagmamahal si Zack. T
Mabigat ang pakiramdam ni Etel ng s’ya ay magising. Marahil dahil iyon sa nangyari kahapon. Hindi n’ya ninais na ma-disappoint sa kanya ang lalaking minamahal. Matapos maligo at magbihis ay dumeritso na s’ya sa rose garden ng kanyang future mother-in-law. Dito ginugugol ni Etel ang oras kapag walang nais ipagawa sa kanya ang mag-ama.Kumakalam man ang sikmura ay ipinagsa walang bahala n’ya na lang iyon. Hindi pa s’yang handang harapin si Zack at ipaalala n’ya rito ang kahihiyan na idudulot ng ginawa n’ya. Si Zack ay kilalang tao, maging ang pamilya nito na isa sa pinakamayaman na mga angkan sa kanilang lugar. Kaya ay magiging isang eskandalo kung pag-iisipan s’ya ng masama ng mga taong nakakita sa mga nangyari sa mall. Maaaring madungisan ng kanyang katangahan ang pangalan ng lalaking pilit niyang inaabot. Hindi mapigilan ni Etel ang magpakawala ng sunod-sunod na buntonghininga. ’Liban sa gutom ay mabigat sa kanyang puso na galit sa kanya si Zack.“Ba’t ba kasi ang tanga mo Etel . .
Mariing nakapikit ang mga mata ni Etel, subalit pabaling-baling ang kanyang higa at tila hindi mapakali. “Uhm . . . ”Basam-basa ang kanyang damit na tila ay galing siyang naligo pagkatapos ay dumiritso ng higa. Tanging ungol na maykalakip na impit at iyak ang tanging maririnig mula sa dalaga. “Uhmm . . . ”“Mo-mommy . . . I'm your princess . . .Help . . . Mommy . . ."“No!”“Ahhh!” Napabalikwas nang bangon si Etel nang magising mula sa kanyang panaginip. Tumayo s’ya at nagtatakang napatingin sa kanyang paligid. Makikita ang takot at pagkalito sa kanyang mukha. Animo’y iniisip niyang totoo ang kanyang napanaginipan. Wala siyang magawa habang unti-unting pumapasok sa kanyang isipan kung ano talaga ang nangyayari.“Sinong mommy?” Bakas sa boses ni Etel ang matinding pagtataka. Sapagkat ni minsan ay hindi pa niya tinawag na Mommy ang kanyang Nanay Katrina. Mas lalong wala siyang alam na mommy, maliban sa nanay niya.“Sino ang babaeng nasa panaginip ko?” Sapo ni Etel ang kanyang dibdib.
Masaya ang mga mata ng dalaga at nagniningning na ngumingiti. Pinilit niyang tingnan ang wall clock sa kanyang kuwarto. Doon niya nakumperma na twelve one am na. At iisa lang ang ibig sabihin no’n. Kaarawan na niya. Hindi maitago ni Etel ang saya na walang mapagsidlan. Ang pangyayaring ito ay isa sa pinakamagandang natanggap niya sa kanyang kaarawan. Habang masayang nag-iisip ng kanyang mga pantasya na kasama si Zack ay nakaramdam ang dalaga ng pananakit ng tiyan. Kaya ay agad siyang kumilos upang makapag bihis na. Sinubukan niyang gumalaw ng mas may puwersa, Ibinuhos ni Etel ang natitirang lakas upang makaalis sa pagkakadagan sa kanya ni Zack. Napakunot-noo ang dalaga at napapaisip kung tulog ba talaga si Zackary o gusto lang siya nitong tsansingan dahil sa tindi nang pagkakayakap nito. Iyong tipong nilagyan ng pandikit at dinaig pa si Samson sa lakas niyang kumapit. Napapagod na ang dalaga sa kanyang ginagawa. Nais niyang umiyak sapagkat ang gusto lang naman talaga niya ay magbihis
Masaya ang naging bungad ng dalaga sa restaurant na pinuntahan kasama ang lalaking pangarap lamang ng ibang mga kababaihan. Subalit agad ding nawala ang excitement at kasiyahan ng dalaga nang mapagtanto niya ang kanyang suot. Sapagkat kung alam lang ni Etel na isang bantog na restaurant ang pupuntahan nila ay malamang nakapagsuot siya ng maganda at maayos na damit. Kagaya na lang ng isang cocktail dress. Maraming ganoong klase ng damit sa bahay ang dalaga dahil pinabilihan siya ng kanyang Daddy Trevor sa sekretarya nito ng mga girly stuffs. Tila mas lalong nainis si Etel ng maalala ang mukhang pokpok na sekretarya ng kanyang soon to be father-in-law. Alam na alam ni Etel na inaakit nito si Trevor, at ’yun ang hinding hindi niya pahihintulutan mangyari. Ipinangako na niya sa sarili na siya ang magsisilbing mata ng kanyang mother-in-law na si Elecia kahit na ano mang mangyari. “Manang, I said hurry!”“Ay! O-o, nand’yan na po, S-sir!” Patakbong sumunod si Etel kay Zack. Iiling-iling siy
Maaliwalas ang gising ng lahat, hudyat para sa panibagong araw. Espesyal ang araw na ito sapagkat pagdiriwang ni Zackary ng kanyang kaarawan. Ngayon lang ito mangyayari after twenty years. Nakangiti si Trevor habang pinagmamasdan ang paligid ng kanyang mansyon. Malinis ito at organisado ang lahat na parang walang nangyaring bakbakan kagabi. Ito ang labis na pinagpuyatan niyang gawin para sa anak. Ang espesyal na araw para sa nag-iisang kambal na magkapatid sa kaniyang puso.Nagising si Zack na magaan ang kanyang pakiramdam. Despite sleeping for 4 hours only, he still felt like he was being reborn. Excited siyang lumabas nang silid matapos maayos ang sarili. Mabilis ang kaniyang paglalakad papunta sa silid ni Liahvi. Nang makarating siya rito ay agad niyang kinatok ang pinto, subalit walang sumasagot. Napag pasyahan na lamang niyang puntahan ang Ina at ang Ama, subalit laking gulat niya nang wala na rin ang Ina sa silid nito. Feeling alarmed, ay patakbong tinungo ni Zackary ang monit
Habang naglalakad pabalik sa monitoring room ay nakasalubong ni Zack ang ama. Pansin niya agad ang pagiging masigla nito—na alam naman niya kung ano ang dahilan, and it was completely related to him. Nang napansin siya nito ay kita niyang mas umaliwalas pa ang awra at mukha ng Ama. Napangiti rin siya at agad na lumapit dito. At first, he was hesitant to say things lalo pa’t kadi-decide lamang niya. But he was also aware na doon din ang punta niya.“Dad, I - I think, Mag si-celebrate ako bukas,” turan ni Zack na halatang hindi sigurado sa kanyang sinabi. But deep inside, nakahinga rin siya nang maluwag dahil nasabi na niya sa kaniyang Ama ang iniisip niya.Ngunit Imbis na sagutin ay yakap ang agad na isinukli nito. He was suprised at first, ngunit mahigpit din siyang yumakap dito pabalik.“Are you sure, son? Do not force yourself if you still can't. Alam ko naging mahirap sa iyo ang pagkawala ng iyong kakambal. But please, learn to let go anak. Alam mong hindi magiging masaya si baby
Nakatingin lamang siya sa bakal na pinto. Halos ’di niya magawang pumikit sa labis na anticipation. Ilang sandali pa, the lift opened and two of the most important people in Liahvi's life came out. Saglit muna siyang natulala hanggang sa napabuga ng hangin nang marahan. She was certain that the heavy feeling she's been into has been lifted.“Mom!” bulalas niya. Hindi na napigilan ng dalaga ang umiyak sabay yakap sa nanginginig na ina. She embraces her mother like the first time they've met. Puno ng pagmamahal at pagtanggap. She's shaking too, for it's a miracle na yakap na niya ’to ngayon gayong ang huling kita niya rito ay nakaratay pa ito sa hospital.“Baby, I missed you so much! I am so damn worried about you!” anas nito na hindi rin mapigilang mapahikbi. Kahit tunog strikto ang pagkakasabi nito ay ramdam niya ang labis na pag-aalala at pangungulila. Her mom might be strict ngunit isa ito sa gustong-gusto niya sa ugali nito.“Me too, mom . . .” Malambing ang boses niya. Animo’y sinu
Nakahiga lamang si Thaliah sa kama habang naghihintay kay Damon. Nakangiti siyang iniisip na makakasama na niya ulit ang kaniyang anak, nang bigla na lang yumanig, at umuga ang kama. Noong una ay mahina lamang hanggang sa lumakas ito at naging sunod-sunod. Sa gitna ng mga pagyanig ay pilit na kumikilos si Thaliah. Mula sa paglapat ng kaniyang mga paa sa sahig ay sinubukan niyang humakbang hanggang sa nakalabas siya sa silid. Nang paakyat na sana siya ay muling gumalaw ang kaniyang inaapakan.“Ahh!” sigaw niya nang muntik na siyang matumba sa sahig. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa railings upang mapanatiling nakatayo ang sarili sa gitna ng pagsabog at putokan sa labas ng kanyang sasakyan. Unti-unti ring tumataas ang tubig kahit na maayos naman ang panahon. Ito ang dahilan kung bakit mistula dinuduyan sa alapaap ang sasakyang pandagat na gamit nila. The yacht is smaller than the Lady Moura. The yacht is designed para pantakas kaya ay durable ito.Galing sa ’di kalakihang mansyon ng
Katitigil lamang ng kotse subalit halos nais ng tumalon ni Thaliah paalabas.“Lord Damon!” sigaw ni Thaliah. Sa may kalayuan pa lang ay umalingawngaw na ang boses nitong parang walang pakealam sa nakaririnig. Para silang mga teenager si Damon Lutherford na tinakbo ang metro-metrong pagitan na p’wede naman sanang hintayin na lang makapasok sa loob ng hindi naman kalakihan subalit magarang bahay ang kotse. Ito ang sikretong ipinagawa ni Lord Damon noong nasa ibang bansa pa sila. The appearance of the house can be deceiving because when you look at it, it looks like a normal rich house. But the main life of it is underground. Where they assemble thousands of illegal combat firearms, gears, and even explosive devices. Kahit ilang taon pa lang ito ay malaki na ang kinikita nila sa lugar. Damon Lutherford discovered the place to be good in business noong sinundo niya si Liavhi sa island. After that ay bumili rin siya ng property sa lugar and named it after his daughter. Basi sa miraculous r
Kung sa kabilang dako ay kumikilos na ang grupo nina Zachary, si Grey naman ay gumagawa rin ng paraan. “We need to find Liavhi right now! I know there's something off. That bastard Damon Lutherford might know something about what we've been doing Mr. Viovich!” sigaw niya. Hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. He’s beyond furious. He's feeling like he’s being played. And Grey was certain that he would not settle for it. Nanginginig ang kaniyang katawan habang panay ang sabunot sa sariling buhok. Matagal niyang pinasasayaw ang mga ito sa sarili niyang mga palad. So he was terribly irritated kung saan nagkulang ang matindi niyang mga plano.“Do not stress yourself too much, Mr. Lawrence. We got a lead, some of our men are on their way now to check the location that was sent by our trusted investigators.” Nangunot ang kaniyang noo at mabilis pa sa alas kwatrong humarap sa matanda. Kahapon pa siya nag-aabang. At ’di niya alam na may lead na pala ito sa isang possible location.“
Thaliah Guivarra Lutherford Halos atakihin ako sa puso nang makita kong wala ng laman ang higaan ni Lord Damon. Sapagkat hindi ko kakayan kung maging siya ay mawawala rin sa ’kin. This is what I'm talking about, the danger of having so much power and playing in this mafia world. Sinusubukan kong kumbinsihin si Damon na e-let go na ang organization namin sa Pilipinas, but he always says that he can't. Ito ang unang binuo ng kanyang lolo na minana ng kanyang ama at ngayon ay siya naman ang nagpapatakbo. Espesyal din ito sa kanya dahil doon niya ako nakilala. Kahit ako man ay sobrang maghihinayang kung sakaling bitiwan namin ang organization sa Pilipinas. Marami kaming masasayang alaala ni Lord Damon sa mala-palasyong lugar na ’yon. Doon niya ako minulat sa lahat ng klaseng kamunduhan na maaari kong matutuhan. Doon ko rin siya tinuruang umibig sa Diyos. At lalo na, doon nabuo ang aming anak na si Liahvi. Kaya ay tama siya, mahirap e-let go ang lugar namin. At some point, nakikita ko na
Thaliah Victoria Guivarra Lutherford Intro: I don't wanna miss a thingBy: AerosmithSong instrumental.Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakikinig sa napaka gandang tugtog na purong instrumento lamang. The song was giving me an inner peace. Sa dami ng nangyari sa loob ng ilang araw ay ’di ko pa rin alam kung saan ko huhugutin ang salitang kapanatagan. Hindi ko alam kung paano maglalakad nang ’di nagmamatyag sa kapaligiran ko. Ramdam ko ang mainit na mga palad ni Zack na humihimas sa nakahantad kong balat sa aking likod habang yakap-yakap niya ako. Ang mga titig niya sa akin ay lubhang nakakapaso. Iniangat niya ang kanyang kamay sabay himas sa aking mukha. “You're a breath taker, Wife,” he said those words as he fixed the strands of my hair that loosen out from my bun. Nahigit ko ang aking hininga ng marinig ko ang salitang wife galing sa kanyang bibig. Mistula itong naging isang malaking palaisipan sa akin. ‘Ikinasal ba ako noon? Sa kanya? Bakit ’di ko talaga maalala.’ Ang gano
Thaliah Victoria Guivarra Lutherford I didn't know if he was just making fun of me or what. This man has been staring at me like I'm a kind of puzzle that he was trying to solve.He's acting weird, or should I say very strange ever since I met him. Kahit na sinabi na niya sa akin na may nakaraan kami, pero kahit ano'ng gawin ko ay talagang hindi ko siya matandaan. Ang weird lang kasi, iba ang reaksyon ng katawan ko pag nand’yan siya. Pakiramdam ko ay tila may sarili itong utak at nawawalan ako ng kakayahang mag isip nang matino. Para akong mina-magnet at inaangkin ang aking buong kalamnan.Lahat ng nakaraan ko ay mistula nakalimutan ko na. May panakanakang bumabalik but It's seriously vague. Ever since I woke up from my coma, I became disabled for months. Pero dahil sa determinado akong ibangon ang sarili, at dahil buo ang suporta na aking natatanggap mula sa aking pamilya ay tagumpay kong nalampasan ang lahat ng mga dagok na iyon sa aking buhay. My mom gave me a little idea about m