Kahit nakapikit ay maririnig ang hikbi ng dalaga. Sa bawat hikbi ay mababanaag ang pait at sakit. Tila panaghoy ng isang nawawalan ng lakas at pag-asa. Ang nanginginig niyang katawan, nangingitim na ilalim ng mga mata, tuyong lalamunan at mga pasa sa maputla niyang balat ay ebidensya sa kung ano man ang sinapit niyang karahasan. Karahasan na tanging siya at ang gumawa lamang ang nakakaalam.Unti-unting iminulat ni Etel ang kanyang mga mata. Mahigit sa isang oras na siyang nakatulog dahil sa sobrang pagod at sakit. Nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan kaya ay dahasan siyang nagising. Pili ang mga galaw habang sinusubukan na bumangon mula sa pagkakahiga. Makailang ulit niyang ikinuyom ang kanyang kamao upang labanan ang pwersa na humihila sa kanya pabalik sa kama. Nang tuluyang makaupo ang dalaga ay napapikit na lamang siya habang tumitingala. Mistula bagyong rumagasa pabalik sa kanyang alaala ang mga ginawa sa kanya ni Zack. Ang lalaking pinaglaanan niya ng kanyang puso at ngayon ay l
Celeste MakiniUnti-unti kong minulat ang aking mga mata. Naaamoy ko ang matapang na amoy ng medicina. Nagtataka akong napapaisip. Basi sa aking natatandaan ay kasama ko si Yaya Meding.“Na-nasaan ako?” Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Isang puting kwarto ang aking kinaroroonan. Mayroon din itong mga makinarya na gamit sa ospital. Kinakabahan akong nakatitig sa aking suwero. Bahagya rin akong kinakabahan dahil may dugo ang suwero ko.“Nasa Ospital ako?” Pinikit kong muli ang aking mga mata. Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa akin nang bumukas ang pintuan ng kwartong aking inuukopa. “You're awake!” Agad akong naka ramdam ng takot nang makita ko si Zackary. Wala sa sarili kong isinisiksik ang aking katawan sa headboard ng kama at binalot ang aking sarili ng kumot. Parang bagyong rumagasa sa aking alaala ang mga ginawa niya sa ’kin. Masyado pang maaga para magkita kaming muli. Sariwa pa ang lahat ng sakit at trumang naranasan ko sa mga kamay niya.“I-I'm sorry, manang,” u
Matapos ang buong linggo na pananatili ni Etel sa kanyang lumang tirahan ay nagpasya siyang magtungo sa bayan. Ilang araw muna siyang nagmukmok bago nagpasyang aliwin muli ang kanyang sarili. Now she realized that it was not easy being away to her husband. Kahit ’di sila close nito ay nakasanayan na niya ang presensya at samyo ni Zack.Bitbit ang basket na gamit niya noon sa paglalako ay tinahak niya ang isang maliit na lupang daanan.“Hija! Sigurado ka bang ’di mo kailangan ng kasama?” Napangiti siyang lumingon sa barong-barong niyang bahay.“Yaya, ayos lang ako. Hindi naman delikado rito. Isa pa ay tagarito ako. Gamay na gamay ko ang lugar na ito.” Halos apat na metro pa lang ang layo niya kay Yaya Meding kaya ay kitang-kita pa niya ang nag-aalala nitong mukha.“Basta, anak. Tawagan mo ako ’pag nagka-emergency huh.” ‘Hehe . . . Si yaya talaga. As if naman may magandang signal dito sa ’min.’ Etel waived her hand at nagsimula ng baybayin ang daan na lagi niyang binabaybay ilang buwan
Nakapamewang si Etel habang pigil na pigil ang mga tawang pinagmamasdan si Zack na ngayon ay papalapit na sa kinatatayuan niya.Ang nakabusangot nitong mukha na pinarisan ng maruming damit, kamay at mga paa ay indikasyon na hindi naging maganda ang pagdaan nito sa makipot na daanan ng kanyang tirahan. “Uhm! Mabuti naman po at ’di natapon iyong mga pinamili natin,” aniya sabay kuha sa basket na nakasukbit sa kamay nito.“Where can I wash my feet?” Naka-poker face na ito at tiyak niyang nagsisimula ng mainis.“Doon po sa may balon, Sir Zack.” Tinuro niya kung saan may maliit na barong-barong na may sementadong square shape na may takip. Hindi na ito kumibo pa at parang bata na inilapag ang dalang sako at sapatos sa lupa. Siya naman ay nawiwiling pinagmasdan ito.Nakikita niyang hinubad nito ang suot na jacket, maging ang suot nitong mamahaling pantalon na nabahiran din ng mga putik. “Uhm . . .” Wala sa sarili niyang natakpan ang kanyang mga mata nang kanyang nakitang boxer at white shi
Wala sa sarili si Etel habang hinihiwa ang camote na nabalatan na ng kanyang yaya. Panay ang paliliwaliw ng kanyang isipan papunta sa huli niyang nakita—si Zack na naka-towel lang sa ibaba at walang suot na underwear.“Anak, kung mahal mo pa ’yang mga daliri mo ay bitawan mo muna ’yang kutsilyo. Mukhang ang layo ng iniisip mo,” ani Yaya Meding niya sabay kuha sa hawak niyang kutsilyo.“’Ya, ayos lang po kaya si Sir Zack? Titingnan ko nga muna kung natuyo na ’yong mga damit niya.”“Anak, sampung minuto pa lang ang lumipas. Hindi pa ’yon natutuyo. Ang mabuti pa ay tingnan mo kung maayos ba iyong pagsisibak ni Zack ng kahoy.” Ilang beses muna siyang kumurap bago tumango at marahang humakbang palabas ng bahay, tungo sa likod. ‘Hah!’ Ikinalma muna niya ang sarili. Naririnig na niya ang tunog ng nagsisibak. Pa-simple siyang sumilip. Doon ay nakita niyang kahit hindi sanay si Zack sa ginagawa ay maayos pa rin nitong nasisibak ang kahoy. The reason kung bakit nakatambak lamang ang mga ’yon ay
Namumula ang mukha ni Etel at ’di alam kung saan niya ibabaling ang kaniyang tingin.“You are one of my fans?” nangingiting tanong ni Zack habang winawagayway ang hawak na isang bondpaper na puno ng photo collage nito. “You're adorable, wife. Thank you for liking me even before.” Lumapit si Zack kay Etel sabay gulo sa buhok nito.“Sa-sa kaibigan ko po ’yan! Na-naiwan niya siguro dito noong nakaraang mga bu-buwan,” pagdadahilan niya rito.“Well, in that case, puwede ko bang makilala ang kaibigan mo? I just want to personally thank him or her.”“Ah . . . Eh, ano, ma-mahiyain po ’yon! Sa malayo rin po siya nakatira. Mga isang bundok pa po ang kailangan tawirin mula rito.”“I have a private plane.” “To my one and only love, Celeste Makini, your future wife . . .” Wala ng nagawa si Etel kundi sabunutan ang kaniyang sarili. ‘Mukhang nagmumukha na yata akong tanga sa mga nonsense kong dahilan.’ Pakiwari niya ay nawalan ng oxygen ang buong paligid.“Well, it's funny, right? It's like you pre
Hindi mapakali si Filicity habang nakatingin kina Zack at Etel sa hardin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata sa sobrang galit at paninibugho. Iniisip niya na isang malaking b’wisit sa buhay nila ni Zackary ang babaeng pinakasalan nito. Ang buong akala niya noon ay hindi ito magugustuhan ni Zack. Iniisip din niyang maaaring kinulam ni Etel si Zack, at kung magpapatuloy ito ay mawawala sa kaniya ang lalaking halos naging buhay na niya. She has to do something para mawala na nang tuluyan sa buhay nila ni Zack si Etel bago mangyari na ang lalaking minamahal niya ay mawala at iwan siya para sa babaeng kakikilala pa lang ng nito. Nararamdaman din ni Filicity na nahuhulog na si Zack kay Etel at iyon ang hindi niya mapapapayagang mangyari. She just can't let her destroy the love that she's been keeping for years. Ngayon pa na magkaka-anak na sila ni Zack. Gagawin niya ang lahat just to keep her Zachary, even if she has to live in hell. She would gladly do it. Hinding-hindi niya hahayaan na maw
CELESTE MAKINI DEVROXNgumiti ako sa kaniya upang maitago ang aking nag-uumapaw na kilig. Pilit kong binabalanse ang normal na tibok ng aking puso kahit na mukhang imposible naman, dahil sa mga pinaggagawa niya.“What are you doing to me, Etel?” tanong ni Zack na hindi ko rin alam ang isasagot. ‘Ako pa ngayon ang may ginagawa . . .’ Bahagya akong napahagikgik. Para siyang linta kung maka dikit sa akin. Simula nang bumalik kami sa loob ng mansiyon galing sa hardin ay tila wala na siyang balak na bitiwan ako. Mukhang seryoso siya sa sinabi n’ya na gumawa na kami ng baby. Well, sa part ko naman ay alam kong maaga pa para maging ina. Baka hindi pa handa ang katawan ko. Pero kung iyon ay magpapatibay sa pagsasama namin ni Zack, gustong-gusto ko itong mangyari.Nakasandal ako ngayon sa ding-ding habang hawak niya ang aking dalawang kamay sa ibabaw ng ulo ko. Mistula isang senaryo sa pelikula ang purma namin ngayon. Labis akong masaya dahil alam ko na totoo ito at ’di tulad ng mga palabas na