Olivia
Ilang minuto ko ring pinag-isipan kung dapat ko na bang puntahan si Daddy. Bigla kasi akong nakaramdam ng matinding kaba sa aking dibdib kanina. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko pero sabi ng mga matatanda noon, kapag nakaramdam ka daw ng sobrang kaba, maaaring may masamang mangyari, o mangyayari sa isang mahal mo sa buhay.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano nang nangyayari kay Daddy sa mga oras na ‘to. Hanggang sa magdesisyon ako na puntahan na siya. Bahala na. Lulunukin ko na ang pride ko, masiguro ko lang na nasa maayos na kondisyon si Daddy.
Nilikom ko lang ang mga nakakalat sa kwarto bago ko kunin ang tuwalya ko at maligo. Hindi rin ako nagtagal dahil may parte sa akin na gustong-gusto nang makita si Daddy kaya wala na akong inaksaya pang oras. Wala pang kalahating oras nang matapos ako sa paliligo.
Binilisan ko na ang pamimili ko ng damit pati na rin ang pag-aayos ko bago ako magpasiyang iw
OliviaParang ayaw ng tadhana na makarating ako kaagad kay Daddy dahil sunod-sunod na aksidente sa daan ang nakikita namin. Lalo pa tuloy itong nakapagpadagdag sa lakas ng kabog sa aking dibdib. Idagdag pa ang napakabigat na traffic na humaharang sa amin na makarating doon kaagad.“Wala na bang ibang daan, Zander? Kailangan ko nang makita si Daddy.” Sambit ko habang sinisipat mula sa bintana ang kahabaan ng traffic. Balisa na ako noong mga oras na ‘yon. Idagdag pa ang hindi nawawalang panginginig ng mga kamay ko.“Pasensiya nap o, Ma’am Olivia pero ito na po ang pinaka mabilis na daan papunta sa opisina ng Daddy ninyo. Hindi naman po talaga nagta-traffic ditto noon. Hindi kop o alam kung bakit ganito ngayon.” Katuwiran naman niya.Wala na akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga. Alam kong kanina pa ako tinitignan ni Matthew ngunit maging siya ay wala ring magawa kung hindi ang maghintay
OliviaI chose to stay in my father’s office to spend more time with him. Matagal ko rin siyang natiis na iwasan at hindi kausapin kaya sa tingin ko naman ay deserve kong ubusin ang lahat ng oras na meron ako ngayon. In fact, hindi naman siguro magagalit si Daddy Richard kung pipiliin kong mag-stay muna kay Daddy dahil alam kong maiintindihan naman niya.I took a very deep sigh while staring at him. Halos dalawang linggo lang ako nawala pero ang laki ng ibinagsak ng katawan ni Daddy. Ang payat na niya lalo at kitang-kita ko iyon sa kaniyang mukha.“By the way, Daddy… nanggaling ako sa bahay bago ako pumunta dito. Sabi ni Yaya Luna hindi ka na raw kumakain doon. Totoo ba?” seryosong tanong ko habang diretso ang tingin sa kaniya.“Ah, ‘e,”Hindi siya makapagsalita at nakatitig lang sa akin.“Kung hindi ka kumakain sa bahay, ibig sabihin hindi ka rin kumakain dito sa off
LloydKagaya ng isang tipikal na birthday-an, siyempre meron ding inuman. Medyo maaga nga lang dahil tanghalian pa lang ay nagsisimula na kaming tumagay. Iilan lang naman ang bisita ng kapatid ni Alex pero mas marami ay ang mga kaibigang madalas na kasama ni Alex.Actually, hindi na bago sa akin ang ganitong bagay. Dahil ang hindi alam ni Daddy ay madalas akong laman ng inuman. Pero hindi naman ako laging taya, ha? May mga pagkakataon lang na nagdadagdag ako para makapag-ambag.Sa katunayan nga ay dito ko rin nakilala si Francheska. Isa kasi siya sa malapit na kaibigan ni Alex na naging kaibigan ko rin naman simula noong college. Ewan ko ba pero komportable ang loob ko sa kaniya. Ganoon din naman si Alex sa akin kaya hindi kami nagkaroon ng problema.Habang umiikot ang baso’y nagkakasiyahan na kami. Maririnig mo hanggang sa kapit bahay ang malalakas na halakhakan at tawanan mula sa iba pang nakaupo sa lamesa namin. Sa totoo
OliviaPagkatapos naming mag-kwentuhan ni Daddy ay kumain lang kami sa labas. Siniguro ko muna na nasa maayos na si Daddy bago ako magpasiyang umuwi. Buti na lang talaga at hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan si Daddy.Kasalukuyan akong nakatulala sa bintana habang nasa kalagitnaan kami ng traffic. Weekdays rin kasi ngayon at rush hour pa kaya inabot kami ng buhol-buhol na traffic.“Olivia, kamusta naman ang pag-uusap ninyo ni Tito? Ayos na ba kayo?” tanong niya.Nilingon ko muna siya bago ako tumango.“Buti naman kung gano’n.”“Bakit hindi mo sa akin sinabi na pinupuntahan mo pala siya madalas?”Tila nagulat pa ang reaksiyon niya matapos kong sabihin iyon.“Ah, ‘yon ba? Alam ko kasi na hindi pa kayo okay ng Daddy mo kaya hindi ko na muna sinabi. At tsaka ayokong makialam dahil kilala kita. Ayokong magalit ka sa akin.”“B
OliviaKasalukuyan akong nakahiga sa kama nang makarinig ako ng malakas na galabog ng pintuan dahilan para bigla akong bumangon. Pagtingin ko’y si Lloyd pala. Tinitigan ko siya ng ilang sandali. Mukhang lasing siya dahil halata sa kilos niya. Lumayo ako sa kama dahil alam kong doon ibabagsak ni Lloyd ang katawan niya.Hindi nga ako nagkamali. Padapa niyang ihinulog ang kaniyang sarili sa malambot niyang kama. Pagkatapos din no’n ay bahagya niyang itinunghay ang kaniyang ulo sabay tingin sa direksiyon kung saan ako nakatayo.“Hi, Olivia!”pagbati niya nang may ngiti sa kaniyang labi sabay kaway sa akin gamit ang kanan niyang kamay bago muling ibinagsak nang tuluyan ang kaniyang katawan sa kama.Nagbuntong hininga ako habang hinihimas ang aking ulo. Naupo muna ako sa couch habang pinag-iisipan kung anong gagawin ko kay Lloyd. Hindi pa naman ako marunong mag-alaga ng lasing kaya wala akong idea kung ano ang da
OliviaNaalimpungatan ako dahil sa kung anong nakadagan sa hita ko. Pagmulat ko ng aking mata’y tumambad sa akin ang hita at binti ni Lloyd na nakapatong sa akin. Nang lingonin ko siya’y nakita ko na mahimbing pa ang kaniyang pagtulog kaya’t dahan-dahan kong tinanggal ang hita at binti niya upang makabangon.Ngunit nang tanggalin ko ang kaniyang hita’t binti ay hindi ko na maiwasang mapasigaw ng malakas at manlaki ang mga mata dahil sa aking nakita. Anong nangyari? Totoo ba ‘to? Inisip ko pang mabuti ang lahat ng nangyari bago ako matulog pero ayaw talagang pumasok sa isip ko.Tinignan ko pa si Lloyd sandali bago ko tingnan ang sarili ko.hindi talaga ako makuntento. Kinurot-kurot ko ang aking braso at sinampal-sampal ng mahina ang aking pisngi. Habang nagbabaka-sakaling magising ako sa panaginip na ito ngunit totoo ito at hindi panagigip.Hindi ito maaari. Kaya’t pinaghahampas ko ang braso ni L
LloydNang pumasok si Olivia sa CR ay pinulot ko lang ang mga damit ko’t nagsuot ng shorts tapos nanatiling topless saka muling nahiga sa kama. Nakahiga lang ako habang ang dalawang kamay ko ay nasa ilalim ng aking mga balikat.May iniisip ako pero hindi ko mawari kung ano iyon. Hanggang sa all of a sudden, biglang pumasok sa isip ko si Olivia at ‘yung naging reaksiyon niya matapos malaman na may nangyari sa amin. Pero sabagay, hindi ko maiaalis sa kaniya iyon at hindi ko siya masisisi dahil iyon ang unang karanasan niya.Pero dapat ba akong ma-guilty? Dapat bang i-big deal ko iyon? Well, wala namang masama kung may mangyari sa amin dahil sa mata ng Diyos, kasal naman kami so, mag-asawa pa rin. Pero, dapat siguro ay huwag ko na lang ipaalala kay Olivia at palampasin na lang ang nangyari dahil baka kapag pinaulit-ulit ka pa ay ako na naman ang malintikan kay Daddy.Matapos ang ilang minutong pagmumuni-muni ni Olivia sa
LloydNang sandaling makalabas si Olivia sa kwarto ay tumayo na ako para maligo. Wala naman akong lakad ngayon pero parang gusto kong umalis. Para na rin siguro sa ikatatahimik ng mundo ni Olivia.Habang naliligo ako’y pinag-iisipan ko na kung saan ako pupunta hanggang sa matapos ako’y iyon pa rin ang laman ng isip ko. Nang makalabas ako sa CR ay tinignan ko na muna kung nandoon ba si Olivia at ang makita kong wala ay nagdire-diretso na ako sa paglabas.Mabilisan akong namili ng susuotin sa drawer ko. Ilang minuto rin akong nagpabalik-balik sa bawat pinto ng drawer ngunit wala akong mapili. Nakakaloka. Napakarami ko namang damit pero parang nahihirapan pa rin akong mamili kung ano ang bagay na suotin.Hanggang sa maisipan kong tumingin naman sa drawer ko. Sa wakas ay nakakita rin ako ng masusuot. Dali-dali ko itong sinuot at pagkatapos ay nag-ayos bago magpasiyang bumaba na. Habang pababa ako sa hagdan ay nakasalubong