Lloyd
Nang sandaling makalabas si Olivia sa kwarto ay tumayo na ako para maligo. Wala naman akong lakad ngayon pero parang gusto kong umalis. Para na rin siguro sa ikatatahimik ng mundo ni Olivia.
Habang naliligo ako’y pinag-iisipan ko na kung saan ako pupunta hanggang sa matapos ako’y iyon pa rin ang laman ng isip ko. Nang makalabas ako sa CR ay tinignan ko na muna kung nandoon ba si Olivia at ang makita kong wala ay nagdire-diretso na ako sa paglabas.
Mabilisan akong namili ng susuotin sa drawer ko. Ilang minuto rin akong nagpabalik-balik sa bawat pinto ng drawer ngunit wala akong mapili. Nakakaloka. Napakarami ko namang damit pero parang nahihirapan pa rin akong mamili kung ano ang bagay na suotin.
Hanggang sa maisipan kong tumingin naman sa drawer ko. Sa wakas ay nakakita rin ako ng masusuot. Dali-dali ko itong sinuot at pagkatapos ay nag-ayos bago magpasiyang bumaba na. Habang pababa ako sa hagdan ay nakasalubong
LloydIsang oras matapos naming kumain ay muli kaming lumabas at naupo sa harap ng bahay nina Alex upang magpahangin muna. Buti na lang at maaliwalas dito kapag umaga kaya’t tipid sa kuryente dahil mahangin din naman.Habang nakaupo kami’y naalala kong may binili nga pala ako’y nakalagay lamang sa loob ng kotse ko. Kaagad ko itong sinabi kay Alex.“Oo nga pala, Alex… may binili nga pala ako. Kunin mo sa kotse. That was supposed to be for Francheska pero may kung anong pumigil sa akin na pumunta doon kaya’t dumiretso na lang ako dito.” Sambit ko sabay bigay sa kaniya ng susi ng kotse ko.Dali-dali niya naman itong kinuha sa akin. Pagkatapos ay binuksan ang pinto at tsaka tinignan kung ano nga ba ‘yung binili ko. Makalipas ang ilang sandali’y hawak-hawak na niya ang mga binili ko ngunit laking pagtataka ko nang makitang iisang box lang ng shawarma pizza at isang supot ng cheese
OliviaAno bang nakain ko at napaka malas naman yata ng araw na ‘to. Wala nang nangyari sa araw ko kung hindi puro kamalasan na lang. Bwiset na Lloyd, ‘yan. Wala nang ginawa kung hindi ang inisin ako. Kinuha na niya ang lahat sa akin. Hindi pa nakuntento ang loko.Baka isipin no’n gusto kong ipakita ang katawan ko sa kaniya. Samantalang siya itong basta na lang na pumapasok. Malay ko ban a hindi pa pala siya nakakaalis. Hays, nakakainis talaga.Nang matapos akong magpalit ng damit ay narinig kong may kumakatok sa pintuan kaya’t dali-dali ko itong binuksan. Pagbukas ko’y tumambad sa akin si Matthew na nakatayo sa aking harapan.“Ang tagal mo naman!” aniya habang kumakamot sa kaniyang kaliwang leeg.“ Sorry naman! Inayos ko pa kasi itong kwarto at tsaka naghanap pa ako ng maisusuot, ‘e.” Sagot ko naman.“Bakit? Wala ka na bang damit? Akin na&rsquo
Olivia“ Alam mo ba ‘yung reaksiyon ko no’ng nakikipag-sagutan ka kay Francheska? Literal na napa-wow talaga ako. Hindi ko akalain na gagawin mo ‘yon. Parang kasing masyado pang maaga para ipakita mo ang tunay na ikaw. ‘Yung diretso magsalita pero pasensiyosa.”Hindi ko maiwasang matawa dahil sa itsura ni Matthew habang nagsasalita siya. Paano ba naman kasi, magsasalita na lang, may kasama pang action. Kaya tawang-tawa talaga ako habang tinitignan siya’t pinapanood habang nagkukwento, ‘e.“Sa totoo lang, hindi ko naman sana papatulan, ‘e. Kaso parang lumampas na siya sa limitasyon kaya nasagad na rin ako. Ako pa ‘yung pagbibintangan niyang tinatago si Lloyd like, what the fuck, bakit ko gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, ‘no!”“Kaya nga hindi na ako nakasagot kanina no’ng dire-diretso kang nagsalita, ‘e. Siguro sa isip
OliviaNang sandaling maimulat ko ang aking mata'y nagising ako dahil sa sigawang naririnig ko mula sa labas. Kaya't dali-dali akong tumayo upang tignan ito. Binuksan ko nang dahan-dahan ang pintuan upang silipin kung anong nangyayari sa labas at dinig na dinig ko ang malakas na boses ni Daddy Richard."Ano bang pinag-gagagawa mo sa buhay mo, ha? Wala ka na ba talagang pakealam sa negosyo natin, ha? Puro na lang barkada ang inaatupag mo. Hanggang kailan ba ako maghihintay na magpaka-tino ka, ha? Hihintayin mo ba munang mawala ako bago mo pahalagahan ang kung anong meron ka ngayon?" narinig kong sigaw ni Daddy Richard.Bahagya ko pang binuksan ang pinto nang makita ko ang kabuuan. Kitang-kita ko si Lloyd na nakatungo't dinuduro-duro lamang ni Daddy Richard. Habang palihim ko silang pinapanood, para bang nadudurog ang puso ko. Hindi ako sanay na nakakarinig nang ganito. Sa bahay naman kasi ay tahimik lang dahil ako ang madalas na nanenermon kay Dad
OliviaPinili kong mag-stay sa kwarto ni Matthew buong gabi dahil na rin sa takot ko na baka maulit na namang muli ang sagutan sa pagitan namin ni Lloyd. Nakatulog na nga ako sa walang tigil na pag-iyak nang dahil do’n. Idagdag pa ang masasakit na salitang binitawan niya sa akin.“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Matthew nang sandaling makita niyang iminulat ko ang mga mata ko.Medyo blurry pa ang nakikita ko’t bukod do’n ay namamaga rin ang mata ko dahil sa labis na pag-iyak. Hindi na ako sumagot. Bagkus ay tanging buntong hininga ang naging tugon ko sa kaniya.“Tama ako, hindi ba? Alam ko nang darating ang araw na magiging ganyan si Kuya. Sinabi ko naman sa iyo. Iba ang ugali niya sa ugali ko kaya mag-iingat ka sa kaniya.” Dagdag pa niya.Nagbuntong hininga ako nang napagkalalim habang nakaupo sa gilid ng kama’t nakatuon ang tingin sa kung saan. Hindi kasi ako
OliviaNagpasiya akong bumaba na muna sa garden kahit gabi na. Gusto ko rin kasing makalangghap ng sariwang hangin kaya pinili kong mapag-isa muna doon. Walang masyadong nakalitaw na bituin ngayon. Siguro’y uulan.Habang nakatingin ako sa alapaap ay naisipan kong tawagan si Daddy kaya ni-dial ko kaagad ang number niya. Sakto naman na hindi na niya ako pinaghintay dahil sinagot niya ito kaagad. Anong oras na rin so expected ko na nakauwi na si Daddy. Ngunit hindi iyon ang sa tingin ko’y nangyayari.May maingay akong naririnig sa likod ni Daddy. Hindi ko masyadong maintindihan pero kakaiba ang ingay na ‘yon. Para bang nasa kung saang lugar si Daddy na hindi ko mawari kung saan.“Daddy?” mahinang sambit ko.Hindi ko sigurado kung naririnig niya ako pero isa lang ang natitiyak ko. Nasa panganib si Daddy. Ilang sandali rin na nanatili sa tainga ko ang cellphone ko. Pinapakinggan ko talaga kahit na
Olivia Matapos ang dalawang oras na paghihintay ay ay lumabas na rin ang resulta ng lahat ng test na ginawa kay Daddy. May mga bruises siya sa katawan, na marahil ay nakuha niya sa kung kanino man at nawalan ng malay dahil sa labis na pagod. Pinagbawalan muna kaming pumasok sa kwarto niya para na rin makapagpahinga si Daddy kaya pinili naming mag-stay sa labas habang hinihintay ang oras na maaari na kaming pumasok. Pinili ni Matthew at ni Lloyd na samahan akong magbantay sa ospital habang si Daddy naman ay inihatid lamang ni Zander pauwi. Magkatabi kaming nakaupo ni Matthew habang si Lloyd naman ay sa harapan namin. Alam kong nakatingin siya sa amin pero hindi niya magawang makalapit dahil nasa tabi ko si Matthew. Habang tahimik kaming tatlo’y biglang nagsalita si Lloyd dahilan para tignan namin siya. “Matthew,” sambit niya. Tinignan lamang siya ni Matthew at hinintay na muling magsalita. “Bumili ka mu
OliviaMakalipas ang isang araw na na-confine si Daddy ay pinayagan na rin naman siyang makauwi ng mga doktor. Buti na lang at hindi ganoon ka-lala ang nangyari kay Daddy kaya hindi na siya pinag-stay pa ng matagal sa ospital.Pumayag rin si Daddy Richard na dito na muna tumuloy sa amin si Daddy para na rin maalagaan ko siya. Buti na lang talaga at pumayag siya dahil para na rink ay Daddy ang gagawin kong pag-aalaga sa kaniya.“Olivia,” narinig kong tawag ni Daddy Richard sa akin.Tulog na rin naman at nagpapahinga si Daddy kaya’t iniwan ko muna siya saglit upang puntahan si Daddy Richard. Pinapasok niya ako sa kaniyang opisina at doon kami nag-usap.“Nanggaling akong muli sa building ng Daddy mo kanina. Tinignan ko kung anong pwedeng maging lead para malaman ang sitwasyon niya, o kung ano ang nangyari sa kaniya ngunit sa kasamaang palad ay nag-malfuction ang CCTV sa opisina ng Daddy mo noong mga or
Nagpatuloy si Lloyd sa panliligaw niya kay Olivia, kasabay ang unti-unti niyang pagbuo sa kanilang pamilya. Alam ni Lloyd na hindi madaling ibalik ang tiwala ng dati niyang asawa pero handa siyang gawin ang lahat para lamang bumalik ito sa kaniya. Bawat araw, pinaparamdam ni Lloyd kung gaano niya kagustong mabuo sila. Lahat ng alam niyang paraan ay ginagawa niya. Halos araw-araw niyang binibigyan ng bulaklak si Olivia. Araw-araw niya itong niyayayang lumabas at higit sa lahat, bumabawi siya sa kanilang anak. Mas marami nang pasanin si Lloyd. Malaki na ang responsibilidad na pasan pasan niya sa kaniyang balikat. May sarili na siyang pamilya at hawak pa niya ang kanilang kompanya.Pero kaya ito ni Lloyd. Kakayanin niya dahil pinatatag si Lloyd ng mga pagsubok na pinagdaan niya kaya alam niya na kakayanin niya ang lahat. Ngayon pa na bumalik na ang taong hinihintay niya. Ngayon pa na nagkaayos na sila't nagkalapit na ng kapatid niya. Marami na ring nangyari sa pagdaan ng panahon. Noo
LloydMakalipas ang tatlong taon...Matapos kong malaman na hindi pala ako ang ama ng dinadala ni Francheska, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag.Ginusto kong muling bumalik kay Olivia. Ginusto kong suyuin siya ulit ngunit napag-alaman ko na umalis na pala siya kina Matthew. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Para akong nalulunod sa patong-patong na problema. Hindi ko matanggap na nagawa ni daddy na makipagsabwatan kay Francheska para sirain kami ni Olivia. Hindi ko alam na kinaya niyang lunukin lahat ng sinabi niya laban sa ex-girlfriend ko para lamang sirain kami ng babaeng ipinakasal niya sa akin.Ginusto kong sumuko. Ginusto kong bumitaw na lang at isuko na ang lahat dahil wala na rin namang saysay. Wala na si Olivia. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko pero 'yong mga panahong sukong-suko na ako at gusto ko nang bumitaw, pinatatag ako ng pagmamahal ni Matthew para sa akin bilang
Olivia"I-I'm sorry, Francheska... p-pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang lokohin ang best friend ko. Ang sarili ko. Ang lahat. Kaya magsasalita na ako." Tumikhim si Alex at nakita ko na may pumatak na luha sa mata niya ngunit kaagad niya itong pinunasan."Alex—Alex, please... tell them na si Lloyd nga ang ama ng dinadala ko. Please, Alex, I'm begging you.""No! Tama na ang pagpapanggap. Napapagod na rin ako. Hindi ko na kaya 'tong dalhin pa kaya magsasabi na ako ng totoo. Sasabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman.""Ano pang hinihintay mo, Alex? Sabihin mo na ang nais naming marinig." Ani Matthew. Tiningnan siya ng masama ni Francheska."Manahimik ka, Matthew. Bakit mo ba pinagpipilitan?""Bakit hindi, Francheska? Niloloko mo ang kapatid ko. Pinagmumukha mo siyang tanga. Alam mo, ang kapal ng mukha mong ipa-ako sa kaniya ang batang hindi naman sa kaniya.""Wala kang alam kaya manahimik ka na lang. For sure naman, sinasabi mo lang 'yan para mapunta sa akin ang sisi. Pali
OliviaKanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng building na pag-aari ng mga Montero. Iniwan kasi ako dito ni Matthew dahil gusto niyang komprontahin ang nakatatandang kapatid niya patungkol sa ginawa nitong pamumwersa sa akin noong nasa resort pa kami. Inawat ko siya at ginusto ko rin namang sumama sa kaniya pero talagang inayawan niya kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lamang dito sa sasakyan.Makalipas ang ilan pang minuto, dahil sa labis nang pagkainip ay naisipan ko nang lumabas ng sasakyan. Akmang bababa na sana ako nng biglang dumating si Matthew kaya muli akong bumalik sa loob. "Kumusta? Nakausap mo ba si Lloyd? Anong sabi niya? Humingi man lamang ba siya ng dispensa sa 'yo?" sunod-sunod ang mga tanong ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew. "Matthew, naririnig mo ba ako?!" Dahil nanatili pa ring walang imik si Matthew. Hinampas ko na ng mahina ang braso niya, dahilan para muli siyang makabalik sa ulirat. "Ayos ka lang ba? Kanina pa ako salit
Chapter 116LloydSa resort kami nagpalipas ng tatlong araw. Sa tatlong araw na iyon, walang oras na hindi ginugulo ni Olivia ang utak ko.Habang abala ako sa paggagawa ng report patungkol sa napag-usapan noong meeting, ramdam kong may pumasok sa pinto ng opisina ko. Paglingon ko, bumungad sa akin si daddy."Kanina ko pa hinahanap si Francheska pero hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?""Bakit sa akin mo siya hinahanap, dad? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang sekretarya?""Pilosopo ka, ha?! Nasaan na iyong summarize report ng napag-meeting-an sa resort? Inabot ba sa iyo ni Francheska?""Inabot? Hindi naman siya gumawa. Ni hindi nga siya dumadalo sa meetings namin dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi bantayan ako.""Oh, eh nasaan na iyong report?""Tinatapos ko pa, dad. Ilalagay ko na lang sa table mo pagkatapos.""Bilis-bilisan mo ng kaunti ang paggawa niyan dahil kahapon ko pa iyan hinihintay."Hindi na ako sumagot pa kaya tumalikod na si daddy. Ngunit makalipas lamang ang i
Olivia"What is going on here?" tanong ko matapos makitang tila nagtatalo si Matthew at si Francheska sa hindi kalayuan.Sabay na lumingon si Matthew at si Francheska at bakas sa kanilang mukha ang labis na gulat."Gabi na, ah?! Bakit nasa labas ka pa rin, Francheska? Hindi mo ba alam na delikado sa buntis ang lumabas kapag gabi? Mag-ingat ka. Baka mapahamak ang baby mo.""H-hindi ko kailangan ng opinyon mo, Olivia. Alam ko ang ginagawa ko kaya pwede ba, manahimik ka na lang?" Inikot niya ang kaniyang mga mata matapos niyang magsalita. Saka siya naglakad paalis at binangga pa ako gamit ang kaniyang balikat. Samantala, pagkaalis na pagkaalis ni Francheska ay nilapitan kaagad ako ni Matthew."Ayos ka lang ba? Bakit ba sumunod ka pa dito sa labas? Tinarayan ka pa tuloy ng babaeng 'yon!""Wala akong pakialam sa kaniya. All I care is her baby. Iniisip ko lang naman iyong bata sa sinapupunan niya." Dahil sa sinabi ko, ngumiti ng pagkalaki-laki si Matthew. "Grabe talaga 'yong ugali mo, ano
Lloyd Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho patungo sa resort nang bigla akong mapahinto."Anong problema, Babe? Bakit ka tumigil?" Tanong ni Francheska na nakalingon sa akin habang nakaupo sa tabi ko."I think I saw her—" matipid kong sagot."Sino?" mabilis na tanong ni Francheska. "Tungkol na naman ba 'to kay Olivia? Ilang buwan na kayong wala. How dare you talk to me about her, huh? Hindi ka pa ba nakaka-move on? Magkakaanak na tayo, Lloyd, pero ang babaeng iyon pa rin ang iniisip mo.""Shut up, Francheska. I'm not asking for your opinion. Tsaka pwede ba, huwag kang umasta na feeling mo ay girlfriend kita. Secretary lang kita.""P-pero magkakaanak na tayo, Lloyd. Ano ba naman 'yong bigyan mo ng pagkakataon ang magiging anak mo na magkaroon ng buong pamilya.""No! I promised myself na hinding-hindi na kita babalikan. Maaaring sa 'yo nga ako magkakaanak, pero hindi mo mababago ang nararamdaman ko. Si Olivia pa rin ang mahal ko. Siya lang at wala nang iba.""Ano bang pinakain sa 'yo ng
OliviaMaaga akong gumising para sumama kay Zander sa pamamalengke ng mga gulay at prutas na ilalagay sa fridge. Isasabay na rin ang pamimili ng mga karne at isda. Isang beses isang linggo kasi ang paglalagay nila ng stock do'n kaya maaga talaga akong gumising para lang makasama kay Zander.Isa pa, gusto ko ring ipagluto si Matthew ng paborito niyang sarsiyadong tilapia at dinuguan."Malayo pa ba ang supermarket dito?" tanong ko kay Zander habang nakatanaw sa bintana."Supermarket po? You mean palengke po, Ma'am?" Tanong niya."I guess tinagalog mo lang!" Ngumisi ako bago muling magpatuloy. "Mukhang malayo pa tayo dahil wala pa akong natatanaw na mga establishments. Puro malalaking bahay.""Wala po talaga kayong matatanaw dito. 'Yon ay dahil malayo po ang mga ganoong building dito. Ang palengkeng pupuntahan natin ay nasa dulo lang ng kalye. Pagkatapos nating baybayin ang daang ito, mararating na natin ang palengke.""Gano'n ba talaga kayaman ang mga nakatira dito sa subdivision na 'to
OliviaMatthew rushed himself to go inside by continously knocking on the door a couple of times while calling my name.I hurriedly opened it while asking him what is the problem."I have a bad news for you!" sambit niya habang hinihingal pa.Kumunot ako ng noo at saka siya tiningnan. "Sabi mo may surpresa ka para sa akin. Bad news ang surpresa mo?""No, hindi! Magkabukod iyon." Turan niya."Oh, sige! Magsimula ka sa bad news.""Magkakaanak na si Kuya Lloyd!" Wika ni Matthew.Tinawanan ko siya. "I'm not pregnant!""Hindi sa 'yo! Kay Francheska."Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras habang diretso ang tingin sa kaniya."Saan mo naman nalaman 'yan?" seryoso ang pagkakatanong ko kay Matthew habang siya, diretso ang tingin sa akin na animo'y hinihintay ang reaksiyon ko."Kay Francheska mismo. Narinig ko 'yon sa kaniya habang sinasabi niya kay papa na magkakaanak na sila ni kuya.""So, ayos na pala sila ni Richard? I thought she w