Lloyd
Isang oras matapos naming kumain ay muli kaming lumabas at naupo sa harap ng bahay nina Alex upang magpahangin muna. Buti na lang at maaliwalas dito kapag umaga kaya’t tipid sa kuryente dahil mahangin din naman.
Habang nakaupo kami’y naalala kong may binili nga pala ako’y nakalagay lamang sa loob ng kotse ko. Kaagad ko itong sinabi kay Alex.
“Oo nga pala, Alex… may binili nga pala ako. Kunin mo sa kotse. That was supposed to be for Francheska pero may kung anong pumigil sa akin na pumunta doon kaya’t dumiretso na lang ako dito.” Sambit ko sabay bigay sa kaniya ng susi ng kotse ko.
Dali-dali niya naman itong kinuha sa akin. Pagkatapos ay binuksan ang pinto at tsaka tinignan kung ano nga ba ‘yung binili ko. Makalipas ang ilang sandali’y hawak-hawak na niya ang mga binili ko ngunit laking pagtataka ko nang makitang iisang box lang ng shawarma pizza at isang supot ng cheese
OliviaAno bang nakain ko at napaka malas naman yata ng araw na ‘to. Wala nang nangyari sa araw ko kung hindi puro kamalasan na lang. Bwiset na Lloyd, ‘yan. Wala nang ginawa kung hindi ang inisin ako. Kinuha na niya ang lahat sa akin. Hindi pa nakuntento ang loko.Baka isipin no’n gusto kong ipakita ang katawan ko sa kaniya. Samantalang siya itong basta na lang na pumapasok. Malay ko ban a hindi pa pala siya nakakaalis. Hays, nakakainis talaga.Nang matapos akong magpalit ng damit ay narinig kong may kumakatok sa pintuan kaya’t dali-dali ko itong binuksan. Pagbukas ko’y tumambad sa akin si Matthew na nakatayo sa aking harapan.“Ang tagal mo naman!” aniya habang kumakamot sa kaniyang kaliwang leeg.“ Sorry naman! Inayos ko pa kasi itong kwarto at tsaka naghanap pa ako ng maisusuot, ‘e.” Sagot ko naman.“Bakit? Wala ka na bang damit? Akin na&rsquo
Olivia“ Alam mo ba ‘yung reaksiyon ko no’ng nakikipag-sagutan ka kay Francheska? Literal na napa-wow talaga ako. Hindi ko akalain na gagawin mo ‘yon. Parang kasing masyado pang maaga para ipakita mo ang tunay na ikaw. ‘Yung diretso magsalita pero pasensiyosa.”Hindi ko maiwasang matawa dahil sa itsura ni Matthew habang nagsasalita siya. Paano ba naman kasi, magsasalita na lang, may kasama pang action. Kaya tawang-tawa talaga ako habang tinitignan siya’t pinapanood habang nagkukwento, ‘e.“Sa totoo lang, hindi ko naman sana papatulan, ‘e. Kaso parang lumampas na siya sa limitasyon kaya nasagad na rin ako. Ako pa ‘yung pagbibintangan niyang tinatago si Lloyd like, what the fuck, bakit ko gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng ulo, ‘no!”“Kaya nga hindi na ako nakasagot kanina no’ng dire-diretso kang nagsalita, ‘e. Siguro sa isip
OliviaNang sandaling maimulat ko ang aking mata'y nagising ako dahil sa sigawang naririnig ko mula sa labas. Kaya't dali-dali akong tumayo upang tignan ito. Binuksan ko nang dahan-dahan ang pintuan upang silipin kung anong nangyayari sa labas at dinig na dinig ko ang malakas na boses ni Daddy Richard."Ano bang pinag-gagagawa mo sa buhay mo, ha? Wala ka na ba talagang pakealam sa negosyo natin, ha? Puro na lang barkada ang inaatupag mo. Hanggang kailan ba ako maghihintay na magpaka-tino ka, ha? Hihintayin mo ba munang mawala ako bago mo pahalagahan ang kung anong meron ka ngayon?" narinig kong sigaw ni Daddy Richard.Bahagya ko pang binuksan ang pinto nang makita ko ang kabuuan. Kitang-kita ko si Lloyd na nakatungo't dinuduro-duro lamang ni Daddy Richard. Habang palihim ko silang pinapanood, para bang nadudurog ang puso ko. Hindi ako sanay na nakakarinig nang ganito. Sa bahay naman kasi ay tahimik lang dahil ako ang madalas na nanenermon kay Dad
OliviaPinili kong mag-stay sa kwarto ni Matthew buong gabi dahil na rin sa takot ko na baka maulit na namang muli ang sagutan sa pagitan namin ni Lloyd. Nakatulog na nga ako sa walang tigil na pag-iyak nang dahil do’n. Idagdag pa ang masasakit na salitang binitawan niya sa akin.“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Matthew nang sandaling makita niyang iminulat ko ang mga mata ko.Medyo blurry pa ang nakikita ko’t bukod do’n ay namamaga rin ang mata ko dahil sa labis na pag-iyak. Hindi na ako sumagot. Bagkus ay tanging buntong hininga ang naging tugon ko sa kaniya.“Tama ako, hindi ba? Alam ko nang darating ang araw na magiging ganyan si Kuya. Sinabi ko naman sa iyo. Iba ang ugali niya sa ugali ko kaya mag-iingat ka sa kaniya.” Dagdag pa niya.Nagbuntong hininga ako nang napagkalalim habang nakaupo sa gilid ng kama’t nakatuon ang tingin sa kung saan. Hindi kasi ako
OliviaNagpasiya akong bumaba na muna sa garden kahit gabi na. Gusto ko rin kasing makalangghap ng sariwang hangin kaya pinili kong mapag-isa muna doon. Walang masyadong nakalitaw na bituin ngayon. Siguro’y uulan.Habang nakatingin ako sa alapaap ay naisipan kong tawagan si Daddy kaya ni-dial ko kaagad ang number niya. Sakto naman na hindi na niya ako pinaghintay dahil sinagot niya ito kaagad. Anong oras na rin so expected ko na nakauwi na si Daddy. Ngunit hindi iyon ang sa tingin ko’y nangyayari.May maingay akong naririnig sa likod ni Daddy. Hindi ko masyadong maintindihan pero kakaiba ang ingay na ‘yon. Para bang nasa kung saang lugar si Daddy na hindi ko mawari kung saan.“Daddy?” mahinang sambit ko.Hindi ko sigurado kung naririnig niya ako pero isa lang ang natitiyak ko. Nasa panganib si Daddy. Ilang sandali rin na nanatili sa tainga ko ang cellphone ko. Pinapakinggan ko talaga kahit na
Olivia Matapos ang dalawang oras na paghihintay ay ay lumabas na rin ang resulta ng lahat ng test na ginawa kay Daddy. May mga bruises siya sa katawan, na marahil ay nakuha niya sa kung kanino man at nawalan ng malay dahil sa labis na pagod. Pinagbawalan muna kaming pumasok sa kwarto niya para na rin makapagpahinga si Daddy kaya pinili naming mag-stay sa labas habang hinihintay ang oras na maaari na kaming pumasok. Pinili ni Matthew at ni Lloyd na samahan akong magbantay sa ospital habang si Daddy naman ay inihatid lamang ni Zander pauwi. Magkatabi kaming nakaupo ni Matthew habang si Lloyd naman ay sa harapan namin. Alam kong nakatingin siya sa amin pero hindi niya magawang makalapit dahil nasa tabi ko si Matthew. Habang tahimik kaming tatlo’y biglang nagsalita si Lloyd dahilan para tignan namin siya. “Matthew,” sambit niya. Tinignan lamang siya ni Matthew at hinintay na muling magsalita. “Bumili ka mu
OliviaMakalipas ang isang araw na na-confine si Daddy ay pinayagan na rin naman siyang makauwi ng mga doktor. Buti na lang at hindi ganoon ka-lala ang nangyari kay Daddy kaya hindi na siya pinag-stay pa ng matagal sa ospital.Pumayag rin si Daddy Richard na dito na muna tumuloy sa amin si Daddy para na rin maalagaan ko siya. Buti na lang talaga at pumayag siya dahil para na rink ay Daddy ang gagawin kong pag-aalaga sa kaniya.“Olivia,” narinig kong tawag ni Daddy Richard sa akin.Tulog na rin naman at nagpapahinga si Daddy kaya’t iniwan ko muna siya saglit upang puntahan si Daddy Richard. Pinapasok niya ako sa kaniyang opisina at doon kami nag-usap.“Nanggaling akong muli sa building ng Daddy mo kanina. Tinignan ko kung anong pwedeng maging lead para malaman ang sitwasyon niya, o kung ano ang nangyari sa kaniya ngunit sa kasamaang palad ay nag-malfuction ang CCTV sa opisina ng Daddy mo noong mga or
LloydPagkatapos kong tapusin ang lahat ng mga gawaing binigay sa akin ni Daddy kahapon at idagdag pa ang ‘di matapos-tapos na ‘di mapag-kaunawaan namin ni Francheska’y bigla tuloy sumama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nakauwi pa’t nagpalipas na lang ng gabi kina Francheska.Hanggang ngayon ay iniinda ko pa rin ang kirot sa ulo ko na hindi naman mawala-wala kahit na uminom pa ako ng gamot.“Aalis ka na kaagad?” tanong ni Francheska sa akin habang nakatagilid ang pwesto sa kama’t nakalagay ang kaniyang palad sa kaniyang ulo bilang suporta.“Kailangan ko nang umuwi dahil kapag nalaman ni Daddy na dtto ako nagpalipas ng gabi at hindi sinamahan si Olivia sa pagbabantay sa Daddy niya, baka ako pa ang malintikan kaya mas mabuti na ‘yung nakakasigurado.” Wika ko naman habang kasalukuyang sinusuot ang long-sleeves na white polo ko.Nang matapos ako sa pagbibihi