KESTREL
Living alone was never been easy to me since kailangan kong magtrabaho para masustentuhan ko ang sarili kong pangangailangan lalo na't college student ako. Despite that ay matututo akong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayokong umasa sa magulang ko. We're not in good terms right now.
May kanya-kanyang pamilya ang magulang ko at ako? Isang pagkakamali lang. They never treated me as part of their family and it sucks. Sa 12 years kong pagtira sa bahay ng mama ko ay hindi maganda ang naging karanasan ko. Marami akong naririnig sa supposed-to-be mga kapatid ko. Hindi nila ako tinuturing na kapatid and so do I. Kaya naisipan kong bumukod. Nang makabukod ako sa kanila ay naghanap ako ng unit na pwede kong tirhan and I easily got it.
Next is trabaho. Sumubok akong mag-apply as part-timer ngunit hindi iyon sapat para masustentuhan ako. Until I got hired as waiter sa isang bar. Mataas ang pasahod nila at karamihan sa mga kasama ko ay mga katulad kong working student. Tumagal ako ng ilang months doon at paminsan-minsan ay part-time singer ako kapag walang entertainer na available. Pandagdag sa pangmatrikula ko.
"Kest may training tayo mamayang alas quatro." Bungad sakin ng ka-team ko sa cheerleading na si Tristan. Andito ako ngayon sa football field ng university kung saan ako nag-aaral. Isa akong BSCE 2nd year student.
"Di ba pwedeng pass muna ako?" Pakiusap ko rito. May kailangan kasi akong puntahan mamaya.
"Tutulong raw tayo sa pagtuturo sa mga freshmen na kasali. Kahit ako nga rin ayaw kong magtraining." Tinanguan ko naman siya. Mukhang ipapagpaliban ko muna yung lakad ko.
Nagpaalam naman ako kay Tristan dahil magsisimula na ang klase ko ngayong hapon. Dalawang subject lang ang meron ako ngayon dahil miyerkules. Habang papunta sa room ay may biglang umakbay sakin. Tiningnan ko naman ito kung sino.
"KB bat nag-iisa ka?"
"Oo nga Beau. Bawal sa isang magandang lalaking tulad mo ang naglalakad mag-isa dito sa field. Marami ka pa namang paparazzi dyan." Si Haylee at ang boyfriend niyang si Philip. Sila ang mga kaibigan ko at ka-department na rin. Sila ang naging dahilan kung bakit Civil Engineering ang kinuha kong kurso.
"Eh hindi ko naman alam kung saan kayo nagsususuot. Malay ko ba kung nagdedate pala kayo o kaya naman naglalandian dyan sa tabi-tabi."
"Ay grabe ka naman sa naglalandian sa tabi-tabi. Di kami ganon noh! Di ba boo?" Dipensa ni Haylee.
"Oo nga naman KB." Gatong naman ni Philip sa girlfriend niya. Minsan ayokong kasama tong dalawang to eh. Panay landian na lang katulad ngayon. Magkatabi na sila habang naglalakad. Naglalandian. PDA na sila.
Binilisan ko naman ang paglalakad para hindi ko makasabay yung dalawang yon.
"Hi Kest!" Bati ng kaklase ko ng makapasok ako sa room ng unang sibject namin ngayong hapon.
"Hi." Tugon ko rito.
"Alam mo naiinggit talaga sayo."
"Bat naman?" Lagi niyang sinasabi na naiinggit siya sakin. Siguro simula nung first year kami.
"Kasi para kang babae. Ang kinis-kinis mo tapos ang puti mo pa plus yung buhok mong hanggang balikat. Mukha ka talagang babae." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Ilang beses ko ng narinig yan. Hanggang ngayon hindi pa rin siya sanay sa mukha ko.
"Magskin care ka kasi Lorry para di ka mainggit kay Kest." Asar naman ni Philip nang makapasok ito. Nagsipagtawanan naman lahat ng nasa loob.
Hindi ko alam kung bakit maraming naiinggit na babae sakin dahil sa itsura ko. Sinasabi nila na mukha raw akong babae at aware naman ako doon. Minsan sinasabi nila na para akong living mannequin. Maputla ang kulay ko. Payat na akala mo hindi pinapakain. May kulay rosas at maninipis na labi. May kakaunting freckles sa mukha. May mahahabang pilik-mata na laging trip ni Haylee. Minsan kapag nasa bahay ako nina Haylee lagi niya akong binibihisan ng mga damit at wig niya. Nagiging manika ako kapag kasama ko si Haylee. Palibhasa nag-iisang anak ng mga Georgino.
Ilang minuto pa ang inilagi namin bago pumasok ang prof namin at saka ito nagsimula sa pagtuturo.
"Yung mga plates niyo. Naku talaga kayong mga second year engineering pinapasakit niyo ulo ko. I need your plates by next week. Understand?" Sabi ng prof namin sa huling subject.
"YES SIR!" Sabay-sabay naming sagot.
"Naku, kayo talagang mga bata kayo. Pinapatanda niyo ako ng maaga. O siya, class dismissed. Ang mga plates niyo ah." Pahabol pa nito bago tuluyang umalis. Nagsipag-alisan naman yung mga kaklase ko.
"Kest tawag ka!" Sigaw ni Bella. Kaklase ko.
Lumabas naman ako. Naroon na si Tristan. Nagpaalam naman ako sa magjowa bago sumama kay Tristan.
"Maaga rin pala natapos klase niyo?" Tanong ko rito. Tumango naman siya. Dumiretso muna kami sa locker room para magpalit ng damit namin pangtraining sa cheerdance. Sana naman maaga tong matapos na practice may trabaho pa ako ng eksaktong 7:30 mamayang gabi.
Nang matapos kaming magpalit ay agad na kaming pumunta sa football field. Nadatnan naming nagwawarm up pa lang sila. Kinawayan naman kami ni Wallace, kaibigan ni Tristan. Lumapit siya doon habang ako naman ay sumabay sa mga nagwawarm up na first years. Medyo marami-rami ang sumali ngayon sa cheering squad.
"Okay guys before tayo magsimula ipapakilala ko muna sa inyo ang mga makakasama niyo sa CD squad." Sabi naman ni Queenie-ang leader namin na fourth year.
"Magsisimula tayo sa seniors. Let's welcome Lendell! Ang pinakamatino samin." Pagpapakilala niya. Kumendeng-kendeng naman ito papunta sa harap na naging dahilan ng tawanan namin.
Si Lendell ay 4th year college na at siya ang pinakamatanda sa aming lahat. 21 na siya. Siya rin ang pinakamatino. Note the sarcasm.
"Ang pinakamaganda at sexy sa CD Squad, Yellow! Ang jolly cutie, Ayira! Next ako dun syempre. I'm Queenie. The queen of CD Squad. Alright sa juniors naman tayo."
Tuloy-tuloy lang ang kanyang pagpapakilala sa mga kasama namin hanggang sa umabot sakin.
"And the last but not the least, dahil may maganda ang seniors meron din ang juniors. Si Kestrel!" Pagkatawag niya sakin ay agad akong lumapit sa kanya kahit nahihiya ako. Inakbayan naman niya ako. Kala mo naman ang tangkad eh 5'5 lang naman siya.
"Siya ang human doll ng CD squad. Para siyang babae noh?" Nagsipag-agree naman lahat sa sinabi ni Queenie. Naging concious naman ako sa sarili ko at saka inayos ang damit. May bigla namang freshman na tumaas ng kamay. Sinenyasan naman ito ni Queenie na tumayo.
"Pwede ka bang magsalita?" Tanong nito habang nakatingin sakin. Di ko naman alam ang gagawin ko.
"Ahh...hello?" Nagsipagtilian naman yung ibang mga babaeng freshmen.
"Aba-aba mukhang may hearthrob na ang CD Squad ah. Hoy bawal niyong landiin iyang si Kest. May nakareserba na para dyan." Nanlumo naman yung ibang tumili kanina habang napatingin naman ako kay Queenie dahil sa sinabi niya. Ako? Nakareserba? Kanino? Sira ulo ata tong babaeng to eh. Pasalamat siya, siya ang leader namin.
Matapos ng mahaba-habang pagpapakilala ay nagsimula na kami sa seryosohang training. Una naming ginawa ang stretching para sa flexibility ng bawat isa samin. Medyo nahirapan kami dahil yung ibang freshmen ay first time nila. Hinati-hati kami ni Queenie sa iba't ibang grupo para madali ang pagtuturo buti na lang tatlong tao lang ang nakaatas sakin. Pinakiusapan ko kasi siya na onti lang ang itetrain ko ngayon dahil may trabaho pa ako sa bar.
Nang matapos ang practice ay nagpahinga muna kami saglit sa field. Yung iba naman ay nagsipag-uwian na. Ang natitira na lang ay ako, si Wallace, Yellow, Queenie, Ayira, Tristan, Lendell at Rowell. Inabutan naman ako ni Wallace ng tubig niya. Taka ko siyang tiningnan. Tumili naman sina Queenie, Ayira at Yellow.
"O kunin mo na nangangalay na ako." Ani Wallace. Agad ko naman itong kinuha at saka nagpasalamat. Si Wallace ay isang third year nursing student at siya ang tinaguriang genius ng CD Squad.
"Oh siya tara na mga repapips magdidilim na. Di ba may trabaho ka pa Kest?" Sabi naman ni Ayira. Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan yun. Tumayo naman ako at saka nagpaalam sa kanila. Dali-dali naman akong naghanap ng masasakyan papunta sa bar kung saan ako nagtatrabaho. Doon na ako magpapalit ng uniform ko.
Bigla namang may tumigil na taxi sa harapan ko. Walang alinlangang pumasok ako sa loob at saka ibinigay ang pangalan ng bar. Ang Lé Voí Bar. Pagmamay-ari iyon ng isang mayamang bakla.
Matapos ang ilang minutong pagbabyahe ay nasa bar na ako. Pumasok na kaagad ako sa loob ng bar at saka dumiretso sa quarters ng mga nagtatrabaho roon upang magpalit ng uniform. Halos karamihan sa mga kasama ko ay katulad ko rin. Mga working student.
Nang matapos akong magpalit ay nagtime in muna ako sa may pinto ng quarters. Ganon ka sosyal ang bar na to. Karamihan sa mga taong pumupunta rito ay mga mayayaman. Napadako naman ang tingin ko sa wristwatch ko. Limang minuto bago mag alas siete y medya. Namalagi muna ako sa quarters habang nagtitipa sa cellphone. Narinig ko namang bumukas ang pinto kaya tiningnan ko iyon.
"O Kest andito ka na pala. Ang aga mo naman ata." Sabi ni Noel ng makita niya ako.
"Nagpractice eh."
"Lika ka na sa labas. Marami-rami ang mga tao ngayon dito dahil biyernes. Tamang-tama lang ang dating mo." Wika nito habang papalabas ng quarters. Agad naman akong sumunod at tumulong sa kanila. Pansin ko nga kanina na maraming tao ngayon.
"Kest paki dala naman to sa table 18. Di ko na kayang bitbitin eh." Bungad ng isang katrabaho ko. Tinanggap ko naman yung inabot niyang tray na may mga inumin.
Ang bar nato ay parang high class restaurant. Hindi pagkain ang inaalok dito kundi alak at yosi. Minsan may pulutan pero alak talaga ang priority dito.
"Hey waiter!" Napalingon naman ako sa aking likuran matapos kong ilagay yung mga inumin sa table 18.
"Two margarita and one vodka." Ani nito. Tinanguan ko naman ito at saka lumapit sa bar counter.
"Dalawang margarita at isang vodka Kuya Drake sa table 11." Pagkasabi ko nun ay umikot na ako ulit para magserve sa ibang costumer.
Patuloy lang kaming mga waiters at waitresses sa pagserve hanggang sa may gulong nangyari. Lumapit naman kami roon. May mga umaawat na sa kanila. Nagulat ako dahil nakita kong si Kuya Drake iyon. Isa sa mga bartender namin. Nasa counter lang siya kanina ah.
"Gago ka ah! Akala mo kung sino ka?! Hindi mo ba ako kilala?! Ha?! Kaya kitang bilhin!" Ani ng lasing na lalaki habang nagpupumiglas sa mga humahawak sa kanya. Lumapit naman ako kay Kuya Drake. Dumudugo ang gilid ng labi niya.
"Kuya anong nangyari? Bat may biglang nag-aamok dito?" Tanong ko.
"Yan kasing hayop na yan akala mo naman kung sinong magaling. Hanap pala yung foreign drinks edi sana pumunta na lang siya ng ibang bansa. Sarap gilitan ng leeg." Nagtitimping sabi niya.
Bigla namang tumayo si kuya Drake at saka bumalik sa counter habang yung lalaking nag-amok ay kumalma na sa isang gilid. Napahinga ako ng malalim dahil sa nangyari.
Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na masyadong nagserve ng hard drinks ang nasa counter. Ilang oras pa ang inilagi ko bago umuwi. Maglalakad lang ako papauwi dahil malapit lang to sa unit na tinitirhan ko. Actually mas malapit pa ito kaysa sa university na pinag-aaralan ko kaya naman kapag papasok ako rito galing school ay nagtataxi ako habang kapag uuwi sa unit ay naglalakad lang.
Pasado alas onse y medya na ng gabi kaya wala ng masyadong dumaraan sa daan papunta sa unit ko. Tahimik ko itong tinahak. Hindi alintana ang lamig ng hangin. Napansin ko naman na parang may nakasunod sakin. Tumingin ako sa aking likuran. Wala naman akong nakita. Hanggang may tumigil na itim na van sa harap ko. Mula rito ay may lumabas na limang lalaking nakaitim. Nakasuot ito ng mga maskara kaya hindi ko makita ang kanilang mukha.
Tatakbo pa lang sana ako ng mahawakan ako ng isa nilang kasama. Sinubukan kong manlaban ngunit marami sila. Sipa dito, sipa doon. Suntok dito, suntok doon. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nang makakuha ako ng tyansang tumakas at agad akong tumakbo. Hinabol naman nila ako. Takbo lang ako ng takbo. Bat kasi naisipan kong maglakad ngayon? Dapat nagtricycle na lang ako.
Patuloy lang sila sa paghahabol sakin hanggang sa ma-corner nila ako. Sinubukan ko ulit silang suntukin ngunit nauna yung isa. Sinikmuraan ako. Namilipit ako sa sakit hanggang sa mapaluhod ako. Hinawakan naman ako ng dalawa sa kanila at pilit na pinapasok sa van na gamit nila. Nagpupumiglas ako. Kinagat ko yung braso ng isang nakahawak sakin. Napadaing ito sa sakit. Sasampalin sana niya ako ng bigla itong pigilan ng kasama.
Patuloy lamang ako na pagpupumiglas sa kanila. Pinipilit kong makawala. Hanggang sa naisipan kong sumigaw. Bago ko pa man iyon magawa ay may bigla ng itinakip sa bibig ko ang lalaking may hawak sakin. Nanghihina ako. Natigil ako sa pagpupumiglas hanggang sa maipasok nila ako sa van. Pinosasan nila ako sa paa't kamay. Tiningnan ko sila. Pito silang nasa loob ng van kasama na yung limang humabol sakin.
"Sigurado ba kayong ito yung sinasabi ni bossing?" Tanong isa na katabi ng nagmamaneho.
"Oo." Ani naman ng katabi ko. Gumalaw ako at sinubukang sumigaw.
"S-sino b-ba k-kayo?" Utal kong sabi habang sinusubukang magpumiglas. Hinawakan naman ako ng dalawang nasa tabi ko.
"Lalaki ka pala noh? Sayang akala ko babae ka. Edi sana natikman muna kita dito." Nakakalokong sabi ng nasa unahan ko. Nakaramdam naman ako ng pagkadiri at the same time takot. Sino ba sila? Anong kailangan nila sakin?
"Pakawalan niyo ako!!!" Sigaw ko. Napatakip naman sila ng tenga.
"Ang ingay mo!" Sinapak naman ako ng lalaking nasa unahan ko. Tiningna ko siya ng masama at dinuraan. Pasalanat siya nakaposas ako ngayon.
"Tangina ka!" Sigaw nito at saka ako sinikmuraan.
"Yan ang dapat sayo." Sabi pa nito at hindi pa makuntento ay sinapak pa ako sa mukha.
"Tama na yan, malapit na tayo." Sabi ng nasa unahan.
Hinawakan naman ako ng dalawa. Nagpupumiglas akong muli. Gusto kong makawala sa kanila. Bigla namang may itinakip na tela na may kakaibang amoy sa may ilong at bibig ko na naging dahilan ng panghihina't panlalabo ng mga mata ko. Ito yung mga ginagamit ng mga kidnappers. Bago ko pa man ipikit ang mga mata ko dahil sa panghihina ay nakita ko pang hinubad ng driver ang mask niya. Nabigla ako. Wallace?
THE NEXT DAYSomeone's POV"Kamusta ang item?""Pasensya na boss may mga pasa siya. Nanlaban eh. Dalawang beses rin siyang nasikmuraan.""Mga hangal! Di ba ang sabi ko sa inyo ay huwag niyo siyang sasaktan? Malaking halaga yun. Mga inutil!" Galit kong sigaw sa mga tauhan ko. Hindi maaaring magkaroon ng galos ang item namin. Mababawasan iyon ng malaking halaga ng pera."Tatawagan na ba namin siya para magamot ang item?" Nilingon ko naman ang isa sa mga tauhan ko na nagsalita."Sige tawagan niyo na at masilayas na kayo rito! Baka mapatay ko pa kayo!" Nagtitimpi kong sabi. Umupo naman ako sa swivel chair ko at saka sumindi ng sigarilyo. Hihithit pa sana akong muli ng biglang tumunog ang telepono ko. Agad ko itong sinagot.“Kamusta ang item?” Bungad na tanong ng nasa linya. Napailing naman ako."Magandang umaga din. Mabuti ang item." Pagsisinungaling ko. Kapag sinabi kong may mga sugat ang item ay mapapatay ako ng nasa linya.“Good. Kukunin ko na mamaya ang item. Siguraduhin mong nasa maa
KESTRELPataas pa rin ng pataas ang bid ng mga nasa loob. Walang gustong magpatalo. Umabot na sa 50 million ang bid at wala pa ring nagpapatalo kahit na kalahati na lang sila. Walang mga paki ang mga bidders sa laki ng gagastahin nila. Hindi ko alam kung anong meron sakin. Hindi ko alam kung saan ako babaling sa tuwing may sumisigaw. Napalinga-linga naman ako sa paligid. Maghahanap ako ng matinong pwedeng makatulong sakin.Patuloy lamang ako sa pagmamasid hanggang sa tumama ang paningim ko sa isang bulto na prenteng nakaupo sa gilid. Nakasuot ito ng golden mask na may kakaunting puti sa paligid. Pinakatitigan ko lang ito. Bakit hindi siya sumasali sa mga bidders? Isa rin ba siya sa kanila? Hindi ko alam pero tiningan ko ito ng may pagmamakaawa. Siya lang ang tanging alam kong disente dahil sa kanyang pananamit at suot na mask. Siya lang ang may ginintuang maskara na suot.Nagulat na lamang ako ng napagawi ang tingin niya sakin mula sa mga nagsisipagsigawan na bidders. Tulungan mo ako
KESTRELPataas pa rin ng pataas ang bid ng mga nasa loob. Walang gustong magpatalo. Umabot na sa 50 million ang bid at wala pa ring nagpapatalo kahit na kalahati na lang sila. Walang mga paki ang mga bidders sa laki ng gagastahin nila. Hindi ko alam kung anong meron sakin. Hindi ko alam kung saan ako babaling sa tuwing may sumisigaw. Napalinga-linga naman ako sa paligid. Maghahanap ako ng matinong pwedeng makatulong sakin.Patuloy lamang ako sa pagmamasid hanggang sa tumama ang paningim ko sa isang bulto na prenteng nakaupo sa gilid. Nakasuot ito ng golden mask na may kakaunting puti sa paligid. Pinakatitigan ko lang ito. Bakit hindi siya sumasali sa mga bidders? Isa rin ba siya sa kanila? Hindi ko alam pero tiningan ko ito ng may pagmamakaawa. Siya lang ang tanging alam kong disente dahil sa kanyang pananamit at suot na mask. Siya lang ang may ginintuang maskara na suot.Nagulat na lamang ako ng napagawi ang tingin niya sakin mula sa mga nagsisipagsigawan na bidders. Tulungan mo ako
THE NEXT DAYSomeone's POV"Kamusta ang item?""Pasensya na boss may mga pasa siya. Nanlaban eh. Dalawang beses rin siyang nasikmuraan.""Mga hangal! Di ba ang sabi ko sa inyo ay huwag niyo siyang sasaktan? Malaking halaga yun. Mga inutil!" Galit kong sigaw sa mga tauhan ko. Hindi maaaring magkaroon ng galos ang item namin. Mababawasan iyon ng malaking halaga ng pera."Tatawagan na ba namin siya para magamot ang item?" Nilingon ko naman ang isa sa mga tauhan ko na nagsalita."Sige tawagan niyo na at masilayas na kayo rito! Baka mapatay ko pa kayo!" Nagtitimpi kong sabi. Umupo naman ako sa swivel chair ko at saka sumindi ng sigarilyo. Hihithit pa sana akong muli ng biglang tumunog ang telepono ko. Agad ko itong sinagot.“Kamusta ang item?” Bungad na tanong ng nasa linya. Napailing naman ako."Magandang umaga din. Mabuti ang item." Pagsisinungaling ko. Kapag sinabi kong may mga sugat ang item ay mapapatay ako ng nasa linya.“Good. Kukunin ko na mamaya ang item. Siguraduhin mong nasa maa
KESTRELLiving alone was never been easy to me since kailangan kong magtrabaho para masustentuhan ko ang sarili kong pangangailangan lalo na't college student ako. Despite that ay matututo akong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayokong umasa sa magulang ko. We're not in good terms right now.May kanya-kanyang pamilya ang magulang ko at ako? Isang pagkakamali lang. They never treated me as part of their family and it sucks. Sa 12 years kong pagtira sa bahay ng mama ko ay hindi maganda ang naging karanasan ko. Marami akong naririnig sa supposed-to-be mga kapatid ko. Hindi nila ako tinuturing na kapatid and so do I. Kaya naisipan kong bumukod. Nang makabukod ako sa kanila ay naghanap ako ng unit na pwede kong tirhan and I easily got it.Next is trabaho. Sumubok akong mag-apply as part-timer ngunit hindi iyon sapat para masustentuhan ako. Until I got hired as waiter sa isang bar. Mataas ang pasahod nila at karamihan sa mga kasama ko ay mga katulad kong working student. Tumagal ako ng ilang