Babawi po ako ng update!
“Hello po! You look familiar po?” nahihiya ngunit lakas-loob na pagkausap sa akin ng isang dalaga na may iba pang kasama sa likuran niya. “Sorry po, pero you like Serena Laurel po talaga! Kilala niyo po ba si Serena Laurel?”“Shet! Baka siya nga ‘yan!”“‘Yung camera! Si Serena Laurel ‘yan!”Hindi pa man nasasagot ang katanungan ay nag-uunahan na ang mga kasama niya sa pagbunot ng mga cellphone upang itutok sa akin ang camera ng mga iyon.Matamis akong ngumiti sa kanila. “Three years na, ah? May nakakakilala pa sa ‘kin?”“Kyaaah!!” Iyon na ang cue nila para magtilian at mag-unahan sa pagpapa-picture.Kumpara sa bansang tsina na walang nakakakilala kay Serena Laurel, dito sa bansa ay may nakakilala agad sa akin. Hindi ko maiwasang matuwa at tanggapin ang paghingi nila ng permiso sa pagkuha namin ng mga larawan.“Hinay-hinay lang mga sir, ma'am.” Babalang pagpapaalala ni Ramil sa aking gilid. Hinaharang at sinasamaan niya ng tingin ang iba na nagtatangkang lumapit ng husto sa akin. “Mana
Naging abala ang lahat ng tao sa mansyon sa ilalim ng tuntunin ko, na paminsan-minsan lang sininasaluhan ni Ezekiel. Halos sa lahat ng oras ay hinahayaan niya akong magpasiya at gawin ang gusto ko, at masaya pa siya sa ideyang iyon. At syempre, ako yata ang pinakamasaya. “Davina, dahil malaki naman ‘yang katawan mo, ba't ‘di mo buhatin ‘yang lumang sofa palabas ng mansyon? Huwag mong ideretso sa basurahan, dahil hindi naman sira-sira o madumi ‘yan. Baka may isa sa mga trabahante ang gustong kumuha niyan kaya i-display mo lang sa labas at alukin sila.” pagtiyak ko sa aking utos sa kaniya. Gano'n na lang kalukot ang ekspresyon sa mukha niya. “Ma'am Serena, trabaho ‘yan ng mga lalaki nating trabahante, ang magbuhat. Para saan pa't hinire sila ni sir Heskel kung aagawan ko lang din ng trabaho?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Eh gusto ko ikaw ang gumawa, eh. Pang-lalaki naman katawan mo, kaya kayang-kaya mo ‘yan!” Gusto kong matawa sa pagpangit ng ekspresyon niya sa mukha. Subalit ginalin
“Serena! Mabuti naman buhay at ligtas ka!” halos iyakan ako ni Haleanna sa unang beses na pagkikita namin matapos ang halos kalahating taon! “S-Salamat buhay ka!”“Hindi, salamat at buhay ka!” naiiyak ko ring pagyakap sa kaniya ng mahigpit.Totoong natakot ako sa isiping may ginawa nang masama sa kaniya si Ezekiel; the worst of all is if she gets killed. But thankfully, my husband didn't bring me down!“Kumusta ka na??” Sabay naming tanong sa isa't-isa at parang mga tanga na sinusuri ang kabuuan ng isa't-isa.Pareho kaming nakahinga ng maluwag nang makitang walang kahit anong galos o sugat ang natamo sa katawan.Si Haleanna ang nag-aalaga kay Duziell, noong mga panahong lumalaki na nang lumakai ang mga pagtatalo at away namin ni Brantley. Sa kaniya ko madalas tinatago ang anak ko na hindi nalalman ng lalaking ‘yon.Malaki rin ang pasasalamat ko na naroon siya, dahil kung hindi ay malamang sa malamang ay ilalayo sa akin ni Brantley si Duziell at kung anong magawa niya sa inosenteng ana
“Are you so happy with your friends that you're forgetting about me now?” bungad sa akin ni Ezekiel, pagkatungtong ko pa lang sa aming bagong kama.Hindi ko maiwasang matawa na nahiga sa ibabaw niya. “Anong kaartihan ‘yan, Ezekiel?”“What? Kasama mo sila simula umaga hanggang gabi. Your son and I need attention too.”“Hala siya!” napadamdam ako. “Araw-araw at gabi-gabi naman tayong magkasama sa kama. Arte. Oh sige, hubaran na kita.”Akma kong tatanggalin ang pang-itaas niyang pajama nang takpan niya iyon gamit ang dalawa niyang braso, nakalabi akong tinitingnan.“Oh, bakit?”“Katawan ko lang gusto mo sa ‘kin eh, hindi ako. This is off-limits tonight.”Natatawa akong napaawang ng labi. “Ang kapal! Ikaw na nga ‘tong pagsisilbihan ngayong gabi, ikaw pa aayaw.”Inismiran niya ako bago pinikit ang kaniyang mga mata. “Stop disturbing me now. Inaantok na ‘ko.”Abot-abot ang tainga akong pigil na pigil na matawa sa kaniya, habang hindi makapaniwala siyang pinagpanood na magpanggap na humihili
Kinaumagahan ay matitining na mga sigawan na ang mga bumungad sa akin. Kaya naman ang karga-karga kong si Duziell ay agad na napayakap sa leeg ko ng mahigpit.“Anong nangyayari dito?” Umalingawngaw ang galit ngunit mababa kong boses sa paligid na kinatigil nila. “Hindi ba't mahigpit kong pinag-uutos na bawal na bawal ang pag-aaway at pagbubulyawan dito sa loob?”Tinaliman ko ng mga masasamang titig sina Davina, Baby, at Eza. Kaagad namang nagsipaglapit sa gilid ko sina Haleanna at Freya. Lahat sila ay gutay-gutay ang mga buhok at lukot-lukot ang mga hunipormeng suot.“Serena, bakit gan'yan ang mga ugali ng tatlong babaeng ‘yan? Tama ba namang pagchismisan kayong mag-asawa mismo sa loob ng pamamahay ninyo? Kung ano-ano pang pinagsasabi! Pasensya na pero nakakainis kasi, ang sarap paghahambalusin ng mga mukha!” Alam ni Hal na may trauma sa mga malalakas na ingay si Duziell, kaya naman kahit mukha na siyang gigil na gigil na wari'y gustong bumulalas ay hinihinaan at binababaan parin niya
“Heto ah? Literal na nahulog ako sa kama nung bigla akong tinawagan ng bago nating makakasama ngayon sa interview with Mami Vic! Sa tagal-tagal ng panahon na nagpatong-patong na ang mga tampo ko sa kaniya—sa wakas! Sa wakas naisipan niya akong kumustuhan after three years! She is the star of CBN production and a veteran actress famous for her starring roles in many movies and teleseryes! Atin siyang salubungin ng isang masigabong palakpakan at hiyawan—Serena Laurel!!” Suot-suot ang isang kumikinang na puting dress na aabot sa aking tuhod, maayos na pagkakakulot ng aking buhok, at simple ngunit malinis na kolorete sa mukha, may matamis na ngiti akong lumabas mula sa backstage ng studio. Sumalubong sa akin ang malalakas na sigawan at palakpakan na siya naman talagang nakakabingi at masakit sa tainga. Subalit agad ko rin naman iyong kinatuwa. Iyon ang klase ng sigawan at palakpakan na matagal ko ring hindi narinig, aminado akong nakaka-miss ang pakiramdam na lumukob sa aking dibdib. T
“Aaah! Oh my god!” Napatayo siya at binalik ang sarili sa pagiging propesyunal. “Please, escort Mister Ezekiel De Silva on this stage to join us! Oh my god! I never expected this! Sana sinabi mo nang ma-prepare ko ang sarili ko at ang studio para sa maayos na treatment sa isang De Silva, Serena!” Napatawa ako. “It's alright, Mami Vic.” What can I say? Ezekiel De Silva is a respected man who must never disappoint. Even amid the issues, he should be served well. “OH.MY.GOD!!” napatakip ng mga labi si Mami Vic nang lumabas si Ezekiel mula sa backstage. Nakasuot lamang siya ng casual wear, a white polo and black trousers, but his accessories and overall looks are screaming wealthiest. Sa suot niyang relo, kwintas, singsing at sapatos, makikita mo na kaagad ang kinang ng mga ‘yon mula sa malayo. Subalit ang pinaka dahilan ng muling pagtitilian ng mga audience sa loob ng studio ay ang kaniyang perpektong itsura ngayon. Aakalain mong foreign artist and model siya, subalit isa pa lang b
“AAHH!!!” Panibagong vase na naman ang lumipad sa ere at nabasag sa pader, dahilan upang magkalat ang mga bubog nito sa paligid.“Raquel, calm down—”Kaagad na natabingi ang ulo ni Brantley nang malakas na tumama sa kaniyang pisngi ang palad ni Raquel, nang tangkain niya pa itong lapitan at pakalmahin dahil sa kanina pang pagwawala nito.“Shut up!! How am I supposed to calm the fuck down, huh?! Fuck it!! Fuck!! How can they already be made out? How did that happen? Serena isn't the type to forgive and surrender to him! Ezekiel isn't the type to lower his guard!! Why the fuck did this all happen before I could even make a move?!”Halos sabunutan ni Raquel ang sarili nitong buhok sa napakatinding galit at panggigigil na hindi malaman kung kanino o paano nito ibubuntong. Kaya naman nang tangkain ulit ni Brantley na pakalmahin ang babae ay muli siyang nakatanggap ng sampall na sundan pa ng mga hampas.“It's your fault! Kasalanan mong lahat dahil napakabagal mong kumilos! They already foun