Naging maayos agad ang pakiramdam ko kinabukasan dahil sa buong araw na pagpapahinga at sa pagtrato ng maayos sa akin ni Ezekiel. Kakaibang enerhiya ang taglay ko ngayon. Kahit na sinabihan ako ni Ezekiel kanina bago siya umalis na ‘wag kumilos ay nasa mood parin ako para maglinis. Habang tiatanggal ko ang alikabok sa sala gamit ang maingay na vacuum ay hindi ko maiwasan ang humuni. “Aba! Muling nabuhay ang senyorita!” sarkastikong nang-asar si Davina sa akin. Gaya ng karaniwan, nakabuntot sa kaniya si Baby. May kanya-kanya rin silang hawak na mga panlinis. Dahil nasa mood ako ay hindi ako nakaramdam ng pagkapikon sa kanila. “Davina, dahil macho ka naman, pakitaas nga nitong sofa para ma-vacuum ko ang loob.” “Hoy!” nalukot agad ang mukha niya. Kusa siyang napahawak sa magkabila niyang braso. “Kakabawi mo lang sa sakit pero parang gusto mo nang makatikim ulit?” “May masama ba sa sinabi ko?” napatawa ako. “Bibihira lang sa babae ang malakas gaya mo, be thankful.” “Echosera ka!”
“Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking ‘yan para magpakita pa sa TV, ano? Maghintay ka lang sa oras na mapanood ‘to ni sir Heskel!" Nangggagalaiting banta ni Panying habang tutok na tutok sa screen.Nananatili akong nakatulala roon. Habang tumatagal ay siyang paabilis nang pabilis na pagtibok ng puso ko dahilan upang habulin ko ang nanlalamig kong hininga.““Napakatagal na rin magmula nung huli tayong nagkita, Brantley! Grabe! Mas lalo kang pumogi, mas lumaki ang katawan mo! Kumusta na ba? Sa tagal na panahon, panigurado akong marami kang baon na kwento para sa mga madla!””Makikita ang labis na pananabik ni Mami Vic. Hindi naman nawawala ang malaking pagkakangiti ni Brantley sa kaniyang mga labi na umaabot pa hanggang sa tainga niya.““It has been a very long time, so I thought hindi na ako kilala ng mga tao. Pero para makita ang pagdagsa ng mga audience ngayon, hindi ko talaga ‘to inaasahan!””““We love you, Brantley!””“”Whoooooo!!””Ganoon na lang ang paglukot ng mga mukha k
EZEKIEL was left paralyzed while staring at the TV screen.Ang kanina niyang hawak na baso ng alak ay ngayo’y nagkalat na ang mga bubug sa malamig na tiles ng kaniyang opisina.Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig, habang naririnig sa kaniyang tainga ang magagadang komento ng host habang kausap si Brantley Maxwell.Ang kanila lamang na pinag-uusapan ay walang iba kundi ang ‘anak’ ni Serena at Brantley na siya pang sinamahan ng larawan upang maging proweba.““Our child is quite a genius. He's only two years old, but he can construct one to two sentences and speaks clearly. He's also tall for his age and very, very brave, regardless of his limits. Sa tingin ko nga ay duplicate siya ni Serena pagdating sa ugali. I can't help but feel proud of our son.””Binabandera ng lalaki ang sinasabing anak nila ni Serena. Habang hindi nawawala sa background ang larawang lumalamutak sa puso mo ni Ezekiel.Kung panaginip lang ito ay gustong-gusto na niyang gumising at bumangon upang harapin ang
Habang nakatingin sa isang batang lalaki na karga-karga ng isang dalagita ay blangkong emosyon ang nakaguhit sa mukha ni Ezekiel.“A-Anong kailangan niyo? Sino kayo?” Humigpit ang pagkakayakap ng babae sa batang lalaki, habang pinalilibutan ito ng mga tauhan ni Ezekiel.Dahil sa cellphone na sa wakas ay naayos at na-retrieve ang impormasyon na kinontak noon ni Serena ay agad-agad na nahanap ang lungga ng anak ni Serena wala pa mang isang linggo.It wasn't Brantley whom Serene contacted that day, but her child.Dahil gusto ni Ezekiel na tahimik ang kanilang gagawin ay nagpasya siyang dukutin ang bata mula sa pamilyang nag-aaruga rito. Hindi lang siya inaasahan na handang sumama ang babaeng nasa harapan niya ngayon para protektahan ito.“Give me that thing.” dahil sa blangko at madilim niyang itsura habang tinuturo ang bata ay labis na natakot ang babae, at sunod-sunod na napaatras.Pumadekwatro siya ng upo at napakapit sa kaniyang sentido.This is the same place where he killed the men
“S-Sir Heskel?” Ang masigla sanang bungad ni Panying ay napuno ng pagkagulat. Dahil pumasok si Ezekiel, hindi lamang dala-dala ang sarili niya kundi may karga-karga ring batang lalaki, na kasalukuyang natutulog sa kaniyang bisig. “Kaninong anak ‘yan, sir Heskel?” taka pang tanong nito, pilit sinisilip ang mukha ng bata, na siya namang hinarang niya. “Don't make a fuss about it.” seryoso niyang saad. Dahil hating gabi na rin ay wala nang ibang katulong ang nakakalat kundi si Panying na sinabihan na niyang darating siya ngayon matapos mawala ng halos isang linggo. Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya, at tahimik lamang na sinarado ang pintuan ng mansyon saka patayin ang mga natitirag bukas na ilaw. Samantalang umakyat si Ezekiel sa kaniyang kwarto, sa sarili niyang kama inihiga ang bata at sandali pang pinanood ang himbing ng tulog nito. ‘Boss, pasensya na, pero hindi talaga match ang resulta ng DNA ninyo ng bata. At, wala akong nakikitang pagkakahawig ninyong dalawa. P-P
“SERENA! Ano at gising ka pa? Sa'n ka nanggaling?”Bumalik lamang ako sa reyalidad nang pukawin ako ni Panying, nang aksidente ko siyang makasalubong sa paglalakad ko pabalik sa kwarto.“P-Panying…” nanlalambot akong napakapit sa kaniya.“Oh! Anong nangyayari sa'yo?” iritado man ang boses ay maingat niya akong inalalayan upang hindi bumagsak mula sa aking kinatatayuan. “Bakit ba?”“S-Si Ezekiel…”Narinig ko ang paglunok niya. “N-Nakita mo ba ‘yung dala-dala niyang bata? Kaya ka nagkakagan'yan?”Nanlalaki ang mga mata kong sinalubong ang paningin niya, nabura agad sa isip ko ang gustong sabihin kanina. “B-Bata?”Tumango siya. “Oo. ‘Yung batang lalaking karga-karga niya pagpasok kanina. Hindi ko lang sigurado dahil hindi ko nakita ang mukha…” bumulong siya. “Pero ni minsan ay hindi pa siya nagdala ng bata rito sa loob. Kaya baka ang duda ko ay… anak niya sa labas.”Tagilian ako at ilang beses na napakurap. “Alam niyo ba kung saan niya dinala ang bata?”“Ay malamang sa kwarto niya, eh du
Habang pinagmamasdan ang muling pagtulog ni Duziell ay sumasagi sa mga alaala ko ang mga panahong kapiling ko si Brantley. Never once have we had sex. Dala-dala ko na sinapupunan si Duziell noong nagsama kami. Almost a year later, na pinanganak ko siya, nagsimula nang magbago ang trato niya sa akin sa hindi mabuting paraan. Hindi roon kasama ang pagtatangkang hawakan ako, dahil sa halip ay kinadidirian niya ako. Lahat ng mga salita niyang naipangko sa akin noon ay walang natupad. Sinabi niyang ‘wag kong tawagin ang sarili ko noon na ‘second hand’, pero makailang ulit niya ‘yong pinaparamdam sa akin. Kung gaano kapangit ang katawan ko at kung gaano siya diring-diri doon. He promised me a healthy relationship and that together we'd build a harmonious family, which obviously never happened. All the emotional, mental, and physical abuse I received from him left deep scars. And the truth is, a part of me wishes I hadn't left Ezekiel's mansion. Every time I undergo the lowest point of m
“I'm almost done.” ani Ezekiel, habang inaayos ang kaniyang necktie sa harapan ng salamin. “Sa tingin ko mas bagay sa'yo ‘yung kanina mong suot na necktie.” Though he wasn't asking for my opinion, I still blurted it out. Dahil mas naco-complement ng navy blue color ang itsura niya ngayon kaysa ng black. Nahinto siya sa ginagawa at napalingon sa akin. “Which necktie?” “‘Yung navy blue.” Mabilis niyang hinubad ang sana'y maayos ng black necktie bago kinuha muli ang isinuhestiya ko. “Do you mind?” Naglakad siya papalapit sa akin at inabot iyon. Wala sa sarili ko iyong tinanggap. “Anong gagawin ko rito?” “Isuot mo sa ‘kin.” “Um?” nag-atubili ako, ngunit nauna nang umangat ang nga braso ko para paikutin iyon sa leeg niya. “Okay.” Binaba niya ang sarili niya upang hindi ako mahirapan sa agwat ng tangkad naming dalawa. Dahil gumanap na ako sa role bilang asawa sa mga teleserye ay natutunan kong gawin ang bagay na ‘to. It's the first time I'm going to do this with him, though. “Yo